webnovel

Chapter Four

Chapter 4

--

Present Day----2019

-Ashtonn-

"maaari bang ikaw na lang ang magpaligo sa akin?" Nanlaki bigla ang aking mata sa sinabi niya..

"h-hindi p-pwede!!" sabi ko at tumalikod.. taena seryoso ba siya?

"bakit? ayaw mo ba ginoo?" napaharap naman ako sa kaniya at napakamot sa aking batok

"h-ha? e-ehh hindi naman.. a-ahh o-oo gusto k-ko... ay m-mali!.. a-ano kase... b-babae ka" nahihiya kong sabi.. taena!!

"ahh.. a-alis na ako.. magpapapunta n-na lang ako ng i-isang katulong p-para s-samahan k-ka" sabi ko at Namumulang lumabas ng kwarto ni taong gubat.. Shet ano bang klaseng utak ang meron yon??

Bumaba na ako at nagpunta na lang sa couch

"sir tapos na po" sabi ng isang maid na inutusan kong turuan at bantayan si taong gubat na maligo..

"nasaan na siya?"

"miss linhary! baba na daw po!!" tumingin naman ako sa may hagdanan at duon bumaba si taong gubat suot ang aking pajama at malaking t-shirt na white

"ginoong comissan ang bango ng iyong damit" sabi niya at ngumiti.. natulala naman ako sa ngiti niya..

"hayst! wag ka ngang ngumiti!! tara!! kakain na tayo" sabi ko at nauna nang pumunta sa dining area..

"nakakamangha naman ginoong comissan!! ang daming pagkain!! may ginaganap ba?" sabi niya at umupo sa tabi ko.. Kumuha ako ng plato ko at naglagay ng kanin

"wala.. kumain ka na lang! ang dami mo pang dada" sabi ko at kumuha ng sari-saring ulam, nakakapagtaka nga dahil madami ang nakahandang pagkain ngayon..

"hmmm!!" napatingin ako sa tabi ko at nakita kong sarap na sarap sa pagkain si taong gubat habang nakakamay.. napailing na lang ako, galing talaga siya sa gubat! hindi man lang marunong gumamit ng kutsara!

"hoy! gumamit ka nga ng kutsara!" napa angat naman siya ng tingin sa akin

"hindi ako sanay ginoong comissan, hindi kami gumagamit ng kahit anong kubyertos sa palasyo" sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.. tss..

"sir.. tumatawag po si madam" nanlaki naman ang mata kong napatingin kay yaya melinda.. kinuha ko ang telepono nitong bahay kay yaya melinda

"hi ma? what's up?" sabi ko at uminom ng tubig

"anong iyong sinasabi ginoong comissan?" mabilis na napabaling ang aking tingin kay taong gubat.. sinenyasan ko siya na wag maingay.. pero hindi niya nagets!

"wag kang maingay!!" sabi ko habang taklob taklob ko ang telepono.. tumango naman si taong gubat at bumalik sa pagkain

["are you with someone?"]

"h-huh?? ahhmm no?" kinakabahan kong sagot

["i can't contact you.. do you have new number?"] pasimple naman akong napatingin kay taong gubat.. para siyang patay gutom haha

"ahh.. nasira po.. but don't worry, bibili ako ng bago"

["is that so?"]

"yes ma"

["okay... so kamusta na ang t.v.?"] nanlaki agad ang mata ko at nagpalinga linga.. walang mahagip na katulong ang mata ko.. shitttt!!

"bakit mo natanong ma?" bakit naman niya tinatanong? parang sa tunog ng boses niya... parang alam niya na sira na ang t.v.

["wala lang... by the way next month pa ako makakauwi.. magiingat KAYO diyan... bye"] napatingin ako sa telepono.. call ended na.. Why do i have this feeling na may alam si mom?

"ginoong comissan tapos na akong kumain" nabaling ang tingin ko kay taong gubat.. napaka amos niya

"maghilamos ka nga!! para kang bata kumain!" tumango naman siya at umalis na.. Sasandok na sana ako sa plato ko ng makita kong wala nang pagkain.. tiningnan ko ang buong lamesa.. said na said!!

Napailing na lang ako.. taong gubat na nga matakaw pa! Tumayo na ako at pupunta na sana sa labas nang may maapakan akong basa.. Pagtingin ko sa baba, puro tubig na!!

Dali-dali akong pumunta sa cr malapit dito sa kusina.. Hindi ko na yun pinapagamit sa mga katulong dahil sara na ang butas niyon! Pagdating ko ay nakita ko si taong gubat na hawak ang gripo..

"hehehe nasira ko ata comissan?" napatampal na lang ako sa nuo ko at napailing.. jusko!! pagawain pa ng gripo!! dagdag pa sa bayarin ang nasayang na tubig!!

"umalis ka diyan" mahinahon kong sabi na sinunod naman niya..

"patawad"

"umalis ka sa harapan ko!" inis kong sabi

"ahm.. comissan nasa tagiliran mo ako... wala ako sa harap mo" napapikit naman ako ng madiin...

"edi umalis ka sa tagiliran ko!!" inis kong sabi.. umalis naman siya.. napahinga na lang ako ng malalim... tang*na!! magkano ang nagastos ko sa isang araw na kasama ko itong taong gubat nato?!!

Baka kapag tumagal ito dito sa bahay ay mamalayan ko na lang na nasa kalsada na ako at namamalimos na!! grabeng manira ang babaeng ito!! oras oras may sinisira!!

Tumalikod na ako pero napa atras din ng makita ko si taong gubat sa likod ko...

"tang*na!! bakit nandiyan ka!!" gulat kong sabi habang nakahawak sa puso ko

"sabi mo kase umalis ako sa tagiliran mo kaya pumunta na lang ako sa likod mo" sabi niya at ngumiti.. napasapo na lang ako sa nuo ko.. maloloko na ako nito!

"hasyt!! duon ka nga sa couch!! magintay ka dun!!"

"ano yung couch? Yun ba yung sinabi sakin ni binibining melinda na pag nasasaktan ka?" napakunot naman ang nuo ko at inisip ang sinabi niya.. couch, couch, couch hmm..

"pfftt! ouch yon hindi couch! sari-sari yang nalalaman mo.. dun ka sa upuan na hinigaan mo kanina!!" sigaw ko at pumunta kay yaya melinda

"sir bakit baha?"

"hayst! tumawag ka na lang po ng mag-aayos ng gripo dun sa banyo sa may kusina.. nasira kase, ipalinis mo na rin itong naging kalat"

"opo sir" sabi niya at umalis.. pumunta naman ako sa taong gubat na yon..

"hoy! tara na! aalis na tayo!" sabi ko at nauna ng maglakad palabas ng bahay..

Nandito na kami sa loob ng sasakyan... tahimik siya ngayon habang nagmamasid sa labas.. Ibang kotse ang ginamit namin dahil pinapagawa ko pa yung sinira niya.. tss

Nakarating na kami sa parking lot.. lumabas na ako at pinagbuksan siya, hindi kase siya marunong..

"hoy taong gubat! wag kang pamangyan mangyan ha?"

"oo na comissan!! tara na!" sabi niya at naunang maglakad.. hinigit ko naman siya sa braso

"sa tabi lang kita... huwag kang lalayo"

-Linhary-

"sa tabi lang kita... huwag kang lalayo" sabi niya at hinawakan ang kamay ko at nagsimulang maglakad.. napatungo naman ako kasabay nun ang pag ngiti..

Napatingin ako sa paligid at nakita kong lalong uminit ang araw.. napansin ko rin ang mga halaman na lumaki.. Nanlaki ang mata ko at agad na kinulbit ang damit ni comissan

"comissan! comissan! comissan! comissan!!!"

"ano?" tinuro ko yung halaman na nasa parihaba

"ohh? ano namang meron don?"

"lumaki sila bigla! tapos!! tapos!! tapos!! lalong uminit" napatawa naman siya ng mahina

"normal lang na uminit.. tanghali na kase.. at sadyang lumalaki ang halaman.. you're talking nonsense again" sabi niya at umiling iling.. nagasasalita na naman siya ng pangtao... hindi ko maintindihan kaya Hindi na lang ako nagsalita ulit

Nasa tapat na kami ngayon ng isang malaking higanteng tinapay! este building pala.. Pumasok na kami sa loob pero bago iyon ay pinatigil muna kami ng taong may hawak na malaking pamalo..

Pinapasok na kami ng lalaki at ngayon ay may nakikita akong maraming AHAS!!

"waaaaahhhh!!! comissan!! comissan!!" sabi ko at hinigit ko ng hinigit ang kaniyang damit..

"bakit ba?? wag ka ngang masyadong maingay.. pinagtitinginan tayo" bulong niya

"ehhh!! comissan!! may AHAS!!! waahhhh!!" sigaw ko kaya nagsigawan na rin ang mga tao..

"fu*ck!" dinig kong sabi ni comissan

-Ashtonn-

"f*ck!" nagsisigawan na ang mga tao at nagkakagulo na rin dahil sa sinabi ni taong gubat..

Agad kong hinila si taong gubat at pumunta sa section ng mga chitchirya..

"waahh!! comissan umalis na tayo!! waaaahhh may may may aha----" hindi ko pinatapos ang sasabihin niya at agad tinakpan ko ng kamay ko ang maingay niyang bunganga

"pwede bang tumahimik ka ha?? wala namang ahas!! ano bang pinagsasasabi mo?" sabi ko at saka ko inalis ang kamay ko sa bibig niya..

"hindi!! may ahas nga talaga comissan!! nakita ko! gumagalaw pa nga ehh!! napakalaki!! alis na tayo dito!" sabi niya at hinigit ako pero hindi ako nagpahigit

"hindi tayo aalis! saan naman manggagaling ang ahas na malaki ha? ehh malayo naman tayo sa gubat o kung ano man!" inis naman siyang napakamot sa buhok niya na ikinatawa ko ng mahina... naiinis din pala tong babae nato?

"ehhh!! comissan naman ehh!!" sabi niya at nagpapapadyak

"Princess Linhary Frenia Vel Serille!!!" suway ko sa kaniya kaya napatigil siya sa pagpadyak..

"Ashtonn Comissan Lopez!!" napataas naman ang isa kong kilay dahil sa panggagaya niya sakin

"hehehe.. nagbibiro lang ako, tara na?" sabi niya.. tumango naman ako...

"bili muna tayo ng bagong cellpone.." sabi ko at kinapitan siya sa kamay at saka naglakad.. sa second floor pa yung bilihan kaya mag-e-escalator na lang kami

Nang makarating sa harap ng escalator ay nabigla na lamang ako sa pagsigaw ni taong gubat..

"WAAAAAAAAAAAHHHHH!!! COMISSAN!! WAAHHHHH!!!" ayst! napakamot na lang ako sa batok ko dahil sa pagsigaw niya.. lintek na taong gubat nato! nakakahiyang kasama! pinagtitinginan na kami dito!!

"hey ano ba? wag ka ngang maingay!!"

"COMISSAN!! SABI KO SAYO EHH!! MAY AHAS!!!! WAAAAAAAHHHHH!!!" bigla namang nag-iritan ang mga taong nakapaligid sa amin... shi* lang!!

'kyaahh!! may ahas daw!!'

'waahhh alis na tayo dito babe!!'

'sh*t alis na tayo mom'

'nasaan? nasaan yung ahas? waahh'

"WAAAHHH COMISSAN!! ANG LAKI!! WAAAHH!! GUMAGALAW SIYA COMISSAN!! WAAHH!!" at dahil sa sinabi niya ay dali-daling umalis ang mga taong nakarinig nang isinigaw niya..

"TAONG GUBAT!!" malakas kong sabi na ikinatigil niya sa pagsigaw..

"c-comissan natatakot ako.." sabi niya at malapit ng umiyak..

"nasaan ba kase yung sinasabi mong ahas?? ehh wala naman akong makita"

"nabulag ka na ba comissan?? ayan ohh!! waaaahhh" sabi niya at may itinuro sa likod ko.. nangatog naman ako bigla at dahan-dahang lumingon..

"AHAHAHA!!!" malakas kong tawa... haha!! grabe!! haha

"comissan!! mamamatay na nga tayo natutuwa ka pa diyan!!" sabi niya habang naiyak kaya lalo akong napatawa!! hahaha grabe!! ang lakas talaga ng tama nito sa utak!!

"HAHAHA!! HINDI KASE YAN AHAS TAONG GUBAT!! ESCALATOR YAN!!! AHAHA!!!!" malakas ko pang sabi at napahawak sa aking tiyan dahil sa tawa

"ano yung escalator comissan??" lalo naman akong napatawa dahil sa tanong niya..

"ang escalator a----"

"may i interrupt sir?" napatigil naman ako sa pagtawa at napatingin sa lalaking naka formal attire.. Umubo ako ng konte at saka inayos ang tayo ko

"yes.. what is it?"

"Our customers are leaving because of your behavior sir, you may now leave the mall"

"okay--- wait! what!?"

Potangenaaaaa kase taong gubaaaatttt!!!!!

ตอนถัดไป