webnovel

Chapter 16

Saglit lang siya natahimik sa huling tanong ni Ken habang kinakapa ang sariling nararamdaman. "Honestly, hindi ko alam. Bukod kay Kalix, never pa akong nagkagusto sa iba. Ang alam ko lang gusto ko siya. Masaya ako kapag kasama ko siya. Masaya ako kapag napapasaya ko siya."

"Seriously, he's so lucky to have you, Yesha. Sana naging straight na lang talaga si Kalix. Pero alam mo kung hindi ko lang talaga siya nakita na umiiyak no'ng para sa pinsan ko, hindi ko mare-realize na bakla siya," natatawang kuwento ni Ken.

" Hindi man lang nahagip ng gaydar mo?"

"Actually, wala naman talaga akong gaydar"

Napakunot-noo siya sa sinagot ni Ken.

"I-I mean hindi naman kasi halata kay Kalix kaya hindi ko nahagip…hindi nahagip ng gaydar ko… saka that time, hindi ako ang dinidikitan niya. 'Yong pinsan ko. Hindi ko na nga maalala kung kalian kami naging close friends."

"Friends? Friends lang?"

"Yep, friends. Hindi ko siya type," natatawang sagot ni Ken habang nakatitig sa kanya.

"Sa gwapong yun ni Kalix, hindi mo siya type?!"

Muling umiling ang beki na may nakakalokang ngiti. "So ngayung alam mo nang hindi ko siya type at hindi mo ako karibal, hindi mo na ba ko aawayin?"

"Hmp. Hindi naman kita inaaway, eh," kunwa'y tanggi niya. Kahit paano ay nako-konsenya siya dahil pakiramdam niya ay labis niya itong sinupladahan sa pag-aakalang karibal niya ito kay kalix. "Eh, ano'ng type mo sa lalaki?"

Natawa naman si Ken sa muling tanong na ibinato ni Yesha. Pakiramdam kasi nito ay sobrang curios dito ang dalaga.

"Oh, bakit hindi ka makasagot? Siguro chickboy ka pa rin, no?!"

"Huh?"

"Chickboy. I mean heteroflexible, a man who is mostly identified as straight but still attracted to the same gender. Kaya chickboy kasi pwede sa chicks, pwede din sa boys. Ganern!."

Lalong humagalpak ng tawa si Ken sa narinig.

"Hoy!. Baka magising sina Papsy at Mamita sa tawa mo. Kasi naman, eh. Para kang si Kalix. Kung hindi ko lang kayo nakita na magkasama no'ng araw na 'yon, hindi ko agad mare-realize na bakla ka."

Napangiti si Ken. "Naalala ko tuloy no'ng malaman kung bakla si Kalix. Akala ko may naiwan siyang boylet sa pilipinas. Paano, walang ibang bukang bibig kung hindi ang best friend niya. Kesyo gusto ni best friend nito, favorie ito ni Best friend, pasalubong para kay best friend, etc. Kung hindi ko pa siya in-add sa facebook, hindi ko makikita ang mga pictures ninyong dalawa. At hindi ko malalaman na ikaw pala ang best friend na bukang bibig niya."

"Wag mo nga akong pinapakilig na ganyan." Pigil na ang ang mga ngiti sa mga labi niya. "But another serious question, sa tingin mo pwede pa kaya na maging straight ang beking kagaya ninyo ni Kalix para sa isang babae na kagaya ko?"

"Siguro. Kung may tatanggap sa akin na ganito ako. Ikaw, kaya mo kayang magkaroon ng asawang beki."

Saglit siyang napaisip kasunod ang pag inom ng alak. "Siguro, oo. Kung magpapaka-straight ka para sa akin. Yung ako lang, wala nang iba. Walang ibang babae….mas lalong walang ibang lalaki. Si Kalix kasi alam kung hindi niya kaya yun. Kaliwa't kanan kasi ang boylet no'n. Pero ikaw? Sa tingin mo kaya mo kayang gawin yun para sa isang babae?"

"Sa tingin ko, oo. Napansin mo naman siguro na halos buong angkan ko naghihintay ng babaeng mapapangasawa ko. Kaya siguro, kakayanin ko yun para sa'yo… I mean, sa babaeng gusto kung makasama habang buhay."

"Pero kalian mo planong ipagtapat sa kanila yung tungkol sa gender mo?" pilit niyang hindi iniintindi ang nakakatunaw ng gwapong beking kausap.

'Wag kang kiligin, Yesha. Beki yan!'

"I think, hmmm….. siguro kapag hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko."

"You mean may mahal ka ngayon?!" hindi niya alam kung saan siya mas interesado. Sa topic nila ngayun o sa taong tinutukoy ni Ken. Naalala niya tuloy ang knatang kino-compppose nito no'ng nakaraang gabi. Lalaki kaya ang pinag-aalayan nito ng kanta o isang babae.

"Sad to say, wala. Pero yung taong tintukoy ko ngayon, hindi ko alam kung anong meron siya at nakuha niya ang atensyon ko. Isa lang naman ang kapansin-pansin sa kanya, yung pagiging clumsy niya. Parang habuling nag aksidente. Lagi na lang nahuhulog kung saan-saan. Kulang na nga lang puso niya ang mahulog sa akin. Iwan ko ba't pero kahit ang clumsy niya, nararamdaman ko parin na..." Bumaling ang tingin nito sa kanya. "na gusto ko na siya."

Saglit silang nagkatitigan ni Ken bago niya diritsong nilagok ang alak na dapat ay para sa beking kasama. Hindi siya sigurado kung tama ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Imposibe. "Ano'ng ginagawa mo 'pag malungkot ka?"

"Nakakailang shot ka na, ah?" Natatawang sabi ni Ken bago inabot ang kopita at sinalinan ng alak. "Kumakain ako ng matatamis. Like candies, chocolates, fries and ice cream. No'ng bata kasi ako, pinaghigpitan ako ng parents ko sa mga 'yon. Nakasisira daw kasi ng ngipin. Nakainis talaga. Yung tipong gusto mo na talaga kumain ng mga sweets pero hindi ka makakain kasi pinagbawalan ka nang mga magulang mo. Ikaw? Ano'ng ginagwa mo 'pag malungkot ka?"

Nakahinga na siya ng maluwag nang sa wakas ay na-iba na ang usapan nila at maramdamang hindi naman siguro siya nahalata ng kausap. Napansin niyang ugali talaga nito ang magpakaba ng kausap.

"Mahilig ako sa mga horror and thriller movies. Kaya kapag nalulungkot ako lalo na kapag may bagong boylet si Kalix pupuntahan ko yung latest horror-thriller movies sa sinehan. Papanoorin ko kahit magisa lang ako. Para matakot man ako, mawawala naman ang lungkot o sakit na nararamdaman ko," sagot naman ni Yesha. "At saka para malimutan ko na rin ang mga problema ko," dugtong pa niya.

.

.

.

.

.

.

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)

Next chapter