webnovel

CHAPTER 1

simpleng buhay lang meron kami,nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw,masaya at kontento na ako sa buhay namin noon,napakasimple pero buo at masaya kaming magpamilya,andyan si tatay si nanay,mga kapatid ko,kuya at ate ko. lima kaming magkakapatid ,apat ang babae at nag iisang lalaki. panggitna ako sa aming magkakapatid,. ang buhay namin noon,natatandaan ko ang kwento Ng nanay ko,nasunogan kami sa manila noon,7yrs old ako noon,nang maisipan ng parent's namin na magsimula ng panibagong buhay sa probinsya ng tatay ko,kaya lahat kami umuwi sa probinsya.

I remember those old days,hindi tanggap ng family ng tatay namin ang nanay,at dahil hindi naman nakakaintindi ng bisaya ang nanay ko,tahimik lang sya kapag nag uusap ang pamilya ng tatay ko,pero makikita mo sa reaksyon ng mga mukha nila na tutol sila na doon kami magstay sa kanila. nagdesisyon ang tatay namin na maghanap ng ibang bahay na pwede naming tirahan,mabuti nalang at may kumpare syang mabait na nagpatira sa lumang bahay nila,hanggang ngayon kapag nakakasalubong ko ang pamilya nila laking tuwa ko at laging tumatatak sa isipan ko sila ang tumulong sa amin noong walang wala kaming malapitan,fast forward ko nalang ang kwento ko,.

makalipas ang maraming taon nakapagtapos kaming magkakapatid ng high school,huminto ako noon Ng isang taon para mkapag ipon ng pang aral ko sa kolehiyo,ang ikinabubuhay namin noon ay ang mumunting kainan sa may palengke,lahat ng gastusin namin doon namin kinukuha kaya kulang talaga ang kinikita nila kung doon pa namin kukunin ang pang tuition namin,minsan wala kaming customer at habang akoy nagbabasa ng pocketbook uso pa yon noon,😅 nasa tabing upuan ko si nanay,sabay sabing sana kahit isa manlang sa pamilya natin ang nasa abroad para buwan buwan may natatanggap din tayong sustento pandagdag sa puhunan natin,bigla akong napahinto sa pagbabasa,sabay sabing oo nga nuh nay,pero diko tlga balak mag abroad noon,dahil sabi ko simpleng buhay lang naman ang gusto ko,lumipas na naman ang maraming taon akoy nakapagtapos ng kolehiyo,nagbakasakali ako sa manila na baka doon ko mahanap ang kapalaran ko,maraming trabaho din ang napasok ko,pero di parin ako pinalad,umuwi ulit ako ng probinsya namin,doon nagbakasakali ulit ako,nakahanap ako ng trabaho,sa isang fast food,anim na buwan ang lumipas natapos ang kontrata ko dahil renewal yon,di na ako nagrenew ,dahil sbinubukan kong mag apply abroad. dito na magsisimula ang buhay ko bilang ofw.

Next chapter