Ano nga ba ang tsismis? Ito yung pinaniniwalaan kahit wala namang basehan. Dahil sa mga taong walang magawa sa buhay nila kaya naguubos sila ng laway o oras sa pagsasabi ng mga kwento.
Sino ba ang nagtsi tismis kasi? Sila yung nagku kwento o nagbabasa o kahit nga ikaw pwede masabing nagtsi tsismis dahil nagbabasa ka eh.
Para sa lahat ng tsismosa at tsismoso patayin nyo na ng unti unti ang pagiging tsismosa at tsismoso nyo dahil wala kang makukuhang atensyon dahil lang sa may dala ka na kwento. Hindi ka nakakatulong mas nakaka perwisyo ka pa. Nauubos lang ang oras mo na sana pwede mong ituo sa mga bagay na makabuluhan.
Sana'y matutunan nating respetuhin ang ating kapwa lalo na ang salita.