Lahat tayo may first time at lahat siguro ng iyon hindi natin makakalimutan. First love, first job, first kiss, first date o first crush. Pero yung sakin siguro masasabi kong puro palpak. Feeling ko lahat ng sumpa sa first na sa akin na eh, kao wala ng nangyaring maganda sa first ko bilang lang siguro sa mga daliri ko ang maganda.
Pero para sa akin hindi importante ang first time. Kasi yung first time na yan natatabunan na yan ng iba pang mas magandang memories kaya kung minsan yung first time mo hindi na rin mahalaga. Kasi habang tumatanda tayo mas gusto natin alalahanin ang pinaka enjoy at pinaka the best na moment na nangyari sa atin.
Lahat siguro tayo nakaranas ng first time na hindi maganda. Hindi ko naman pino point na hindi na mahalaga sa atin ang first, ito lang yung simula ng lahat para sayo kung baga naencourage ka lang na subukan yung gusto mo for the first time dahil sa nasisiyahan ka lang pero hindi mo alam sa huli magsisissi ka pala. Atleast nasubukan diba?
Minsan nakatuon na lang tayo sa first time natin kaya yung iba hindi na din sumubok, kung nabigo ka ng first siguro sa second hindi na at wag mo na hayaan na mangyari pa yon.
Totoo na hindi natin makakalimutan ang first. Pero habang tumatanda mas naa appreciate na natin ang best kaysa sa first. Tandaan nyo hindi mahalaga kung sino o ano ang nauna ang mahalaga ay kung ano na ang best mo.