webnovel

Jei's First Heartbreak

"Wifey! How's your hubby?" kantiyaw ng kanyang kuya na nasa veranda kasama si Wonhi at kanilang ama na nag- iinuman habang nag- BBQ.

Nakayuko siya kaya di halatang halos lumuwa ang kanyang mga mata sa kaiiyak.

"Kasalan na ba?" patuloy na asar ni Rain sa kanya. Nagkibit- balikat lang si Rain ng hindi umimik si Jei. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at nagkulong. Pagkatapos iturn off ang kanyang cellphone ay nagpasya siyang matulog na lang.

Ngunit kahit anong gawin niya, hindi siya makatulog. Kaya naman ay nagpasya siyang magbabad sa maligamgam na tubig na hinaluan niya ng rose at lavender essence para magsilbing aroma therapy.

Maya- maya ay nagidlip siya pero makalipas ang ilang sandali ay binulabog siya ng malalakas na katok. Naririnig niya ang sigaw ng kanyang kuya. Tinatamad man ay napilitan siyang umahon mula sa bathtub dahil alam niyang di ito titigil hangga't di siya lumalabas ng kwarto. Mabilis siyang nagshower. Malamig na tubig ang kanyang pinanligo para bumangon ang namamanhid niyang diwa.

"Jei! Jei!" sigaw ng kanyang kuya kasabay ng malalakas na katok. Pagkatapos niyang magbihis ay hinarap niya ito.

"Bakit po ba?" nakayuko niyang tanong para hindi makita ng kanyang kuya ang namumugtong mata na pilit niyang pinapahupa gamit ang pinalamig na eye mask.

Ng mapansing hindi umiimik ang kanyang kuya, nag- angat siya ng tingin. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang hindi ang kuya niya ang kanyang nasa harapan bagkus ay si Archie na nagmamakaawa ang mukha.

"Mag- usap tayo please!" garalgal ang boses na pakiusap ng binata sa kanya.

Dulot ng magandang asal ay hinarap niya ito. Bumaba sila sa may sala at tinulungan pa niya ito sa paglakad dahil hindi pa lubusang naghihilom ang sugat nito sa paa.

Nang maupo sila ay nakakabaliw na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Parang tinatantiya ng bawat isa ang unang katagang sasabihin. Di nagtagal ay tumikhim si Jei habang si Archie ay bumuntong- hininga.

"Wala na ba talagang pag- asa ang relasyon natin?" mahinang tanong ng binata. Nag- iwas ng tingin saka napapikit si Jei sa kanyang tanong at kinakalma ang sarili upang di muling mapaiyak.

"Jei... please. Huwag naman ganon. Nag- usap kami ni Arianne at sumang- ayon siyang pananagutan ko ang bata pero hindi kita hihiwalayan. Hindi ko alam na buntis siya. Kung alam ko lang," paliwanag nito.

"Walang magbabago sa desisyon ko, Archie," matapang na sagot ng dalaga.

"Hindi mo na ba ako mahal?"

"Mahal..."

"Bakit di mo kayang intindihin at tanggapin ang sitwasyon ko? Hindi naman ako nagtaksil sa yo dahil may nangyari sa amin bago pa naging tayo at di ko alam na buntis siya!"

"Nauunawaan kita pero..."

"Pero ano?" medyo tumaas ang boses na sabi ni Archie dahilan para tumahimik si Jei. "Mahal mo nga ba ako o naaawa ka lang?"

"Ano? Archie--- anong pinagsasabi mo? Saan mo naman nakuha ang ideyang yan?" gulat na tanong ni Jei.

"O... napamahal ka na sa idolo mo?"

"Archie!"

Ngumisi ang binata saka tinignan si Jei ng masama. "Huwag mo nang ikaila, Jei. Nahahalata ko na rin naman. Hindi ako manhid at lalong hindi ako tanga!"

"Ang alin?!" naguguluhang saad ng dalaga.

"Akala mo hindi ko nahahalata ang pasimpleng pakikipagflirt mo kay Wonhi?!" nang- uuyam na saad nito. Shocked man ay pinilit ni Jei na kalmahin ang sarili at huwag patulan ang paratang nito.

"Huwag mong bigyan ng kulay ang mga asal namin sa isa't isa dahil itinuturing ko siyang parang kapatid at ganun din siya sa akin--- para lang niya akong nakababatang kapatid," kalmadong paliwanag ng dalaga pero lalong ngumisi si Archie. Ngising- baliw.

"Talaga lang hah? Kung halikan ka niya sa noo parang nobya ka niya... at halatang gustong- gusto mo naman! Akala ko iba ka Jei pero tulad ka rin ng iba diyan. Nakakita lang ng gwapong may abs ay nakabukaka na!"

Halos mamula ang mukha ng dalaga dahil sa namumuong galit. "Kalma ka lang, Jei. One... two... three...," piping nagbilang ng sampu ang dalaga. Konting- konti na lang ay sasabog na siya.

"Archie, pakiusap. Tama na! Alam kong naiinis ka pero walang dahilan ang inis o galit mo kasi walang KAMI ni kuya Won~"

"Kuya?! Hindi bagay, Jei!"

"Sa ibang araw na tayo mag- usap," saad ni Jei bago tumayo dahil baka kung ano pa ang magawa niya sa binata. Nagbabadya ng pumutok ang bulkan na pilit niyang pinapahupa sa kanyang kaloob- looban.

"Hindi ako aalis hangga't di mo sinasabing tayo pa rin," mariing sabi ni Archie. Nag- umpisang mapansin ni Jei na tila ibang tao ang kausap niya. Parang may kakaiba sa kilos at pananalita ng binata sa mga oras na iyon.

"Buo na ang pasya ko. Panagutan mo ang anak mo. Bigyan mo ng chance ang relasyon niyo ni Arriane--- para sa kinabukasan ng anak niyo!" mariin ding sagot ng dalaga.

"Bakit? Dahil ba sa Wonhi mo? Kaya mabilis mo akong kalimutan?!"

"Tapos na tayo sa issueng yan! Tama na---"

"O... baka naman natikman mo na siya? Ano? Di dapat sana binilisan ko ang kilos ko sa yo. Para kahit hiwalayan mo ako... at least... NAIKAMA kita!"

Pakkkkk! Pakkkkkkk!

Biglang napatigil sa pagsasalita si Archie ng mag- asawang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi habang si Jei ay pulang- pula at nanginginig sa sukdulang galit.

Tinatagan niya ang kanyang isip at damdamin habang nakatitig sa nang- uuyam na mukha ni Archie.

"Lumayas ka sa bahay ko!" mahina ngunit mariing sabi ng dalaga. "Huwag na huwag mong ipapakita ang pagmumukha mo sa akin kahit kailan!"

Yun lang ang nasabi ng dalaga saka niya iniwang tigagal ang binata na hindi malaman ang gagawin matapos madulas ang kanyang dila. Nakasalubong ni Jei ang kanyang kuya ng paakyat na siya ng hagdan.

"O... tapos na ba kayong mag- usap?" tanong ni Rain sa kapatid. Tumango lang siya. Narinig niyang nagpaalam si Archie sa kanyang kuya. Nahigit niya ang kanyang hininga ng marinig niyang umandar ang motor ng kanyang kuya para ihatid si Archie sa kanilang bahay.

Papasok na siya ng kanyang kwarto ng tawagin siya ng kanyang ama.

"Mabuti- buti na ba ang pakiramdam mo?" masuyong tanong ni mang Liam sa kanyang dalaga.

"Mabuti naman po talaga ako, tay!" sagot ni Jei sa ama habang pinipilit na maging masaya sa harap nito.

Ngumiti si mang Liam saka niya niyakap ng mahigpit ang anak. "Magsabi ka lang Jei. Alam mo namang andito lang kami ng kuya Rain mo."

"Anong sinasabi mo tay?" pagak ang tawang saad ni Jei.

"Wala lang. Kilala ka namin ng lubusan kaya't hindi mo kailangang magkaila na masaya kung hindi naman."

Dahil sa sinabi ng ama ay napahagulgol si Jei say dibdib nito habang masuyong hinahagod ni mang Liam ang likod ng anak. "Tahan na, anak!"

Next chapter