webnovel

Chapter Ten

MASAYA si Rainie sa buhay sa Amerika kahit malayo siya kay Maken. Magtatapos na siya ng high school at plano niyang sa Pilipinas magkolehiyo. She was going to take up Agriculture. Nais niyang tulungan ang kanyang ama sa pamamahala sa hacienda.

Her mom argued with her. Ang nais nito ay maging office girl siya. Kinumbinsi naman niya ito na ang magtrabaho sa hacienda ang nais niya. Simple lang naman ang buhay na pangarap niya. Masama ang loob ng kanyang ina na sa Pilipinas na siya pipirmi ngunit wala na itong nagawa kundi payagan siya.

Si Maken ay patuloy sa pagsikat kasama ang Lollipop Boys. Hindi lang sa Pilipinas sikat ang grupo kundi maging sa ilang bansa sa Asya. It was as if the group was the greatest thing that ever happened in the Philippine entertainment industry.

MARK Kenneth started to feel tired. Hindi niya maintindihan kung bakit. Nabibingi na siya sa ingay. Nasisilaw na siya sa liwanag. Minsan, naiinis na siya sa hindi pagkakaroon ng private life. Napapagod na siyang maging celebrity.

Inilihim ni Mark Kenneth ang pakiramdam na iyon mula sa mga kagrupo niya. Ayaw niyang maging kasiraan siya. They were great at what they were doing. Hindi siya dapat nakakaramdam ng mga ganoong bagay. Ipinalangin niya na sana ay mawala ang pangit na pakiramdam na iyon.

Pansamantala niyang nakalimutan ang pakiramdam na iyon nang pumirmi na sa Pilipinas si Rainie. Nagtapos na ito ng high school at sa probinsiya na nag-aral ng kolehiyo. Mas gusto niya iyon kaysa nasa ibang bansa ang dalaga.

Si Rainie na lamang ang dahilan niya upang magpatuloy sa kanyang trabaho. He kept on telling himself that he was shining because of her.

"Shine, Maken. Just shine."

LUMUWAS sa Maynila si Rainie para sa concert ng Lollipop Boys. Kasama niya sa pagluwas ang kanyang ama at si Nanay Lydia. Sa Araneta Coliseum ang concert. Iyon ang ikatlong major concert ng Lollipop Boys ngunit iyon ang unang major concert ng grupo na mapapanood niya nang live.

Excited na excited siya. Miss na miss na rin niya ang boyfriend niya. Tatlong linggo na rin mula nang huli silang magkita. Maayos ang relasyon nila. Nag-aaway at nagkakatampuhan sila minsan ngunit naaayos din naman kaagad. Ang mga magulang nila ay walang problema sa relasyon nila. Ang mga fans ni Maken ay natanggap na ang katotohanan na siya lamang ang nasa puso nito.

Noong una ay napakaraming may ayaw sa kanya. Nang lumaon, natanggap na rin ng mga tao na si Maken ang Lollipop Boy na may girlfriend.

Maayos din ang adjustments ni Rainie sa kolehiyo. Mas pinili talaga niyang sa probinsiya mag-aral dahil naniniwala siyang mas marami siyang matututuhan doon tungkol sa agrikultura. Maayos naman ang pakikitungo ng mga kaklase niya sa kanya kahit mas matanda siya sa mga ito.

Everything in her life was sailing so smoothly. She couldn't ask for more.

Hindi na niya nakita si Maken bago ang concert dahil abala ito sa rehearsal. Hindi na rin niya inabala ang binata. Marami naman silang oras pagkatapos ng concert.

Maganda ang puwesto nila sa front row. Kitang-kita ni Rainie ang buong entablado. Hindi pa man nag-uumpisa ay pumapalakpak na siya. Punung-puno ang Big Dome. Maraming fans ang nagtitilian kahit hindi pa man nagsisimula ang concert. At nang magsimula na nga ay lalong lumakas ang tilian.

She was so proud of Maken. The boys were awesome. Tila lalong gumagaling sa pagkanta at pagsayaw ang grupo. Perpekto ang galaw at blending ng boses ng limang lalaki.

Naluluhang napatingin si Rainie kay Maken. He was smiling so wide. He looked perfect. She was very proud to be his girl. Her star was shining so bright up on the stage.

Natigilan siya nang may mapansin siya kay Maken.

"He's not looking at me," sambit niya sa sarili.

Ayaw dumako ng mga mata ni Maken sa gawi niya. Alam nitong manonood siya. Dapat ay tumitingin ito sa kanya!

Pinigil ni Rainie ang sarili na sumama ang loob. It was not a big deal. Napakaraming tao. Napakaraming taong dapat pasayahin ni Maken. Baka nagko-concentrate lang ito sa mga steps at lyrics ng kanta kaya hindi makatingin sa kanya. Baka masyadong maliwanag sa kinaroroonan ni Maken kaya hindi siya makita. Mapapatingin din ito sa kanya. Umpisa pa lang naman ng concert.

Ngunit hanggang sa matapos ang concert ay hindi napatingin si Maken sa kanya. Pinigilan niya ang sarili na magtampo. Wala siyang dapat na ikatampo. Ayaw niyang isipin na may nagbago sa pagtingin ni Maken.

Pagkatapos ng concert ay nagtungo si Rainie sa backstage. Kaagad niyang nakita si Maken. Tumakbo ito patungo sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Natunaw kaagad ang sama ng loob niya.

"You were so great back there," aniya habang guma-ganti ng yakap. "I'm so proud of you. Congratulations."

"I can see you now," anito na tila nakahinga nang maluwag.

"Huh?" Naguluhan siya sa sinabi ni Maken. Ang higpit-higpit pa ng yakap nito na tila mawawala siya.

Tumingin sa kanya ang binata bago nito hinagkan ang mga labi niya. Itinulak niya ito palayo dahil maraming taong nakapaligid sa kanila. They could kiss later.

"I'm seeing you now," he said.

Lalo siyang naguluhan sa inaakto ni Maken.

"PROBLEMA?"

Nilingon ni Mark Kenneth si Rob na pumasok sa recreation room ng kanilang bahay. "Wala. Akala ko, uuwi ka sa inyo ngayon?"

Tumabi ito sa kanya sa sofa. "Tinamad ako. Wala naman na doon ang taong gustung-gusto kong makita. I can be a good listener, you know."

"Wala nga akong problema," giit niya.

"Kung wala, bakit ka umiinom mag-isa?"

Bumuntong-hininga si Mark Kenneth. Nagpapa-salamat siya sa Diyos dahil ibinigay sa kanya ang mga kaibigan niya. Tila siya nagkaroon ng mga kapatid sa katauhan ng mga ito.

"I couldn't see her, Rob. In our last concert, I knew she was there but I couldn't see her." Frustrated na frustrated siya. Dalawang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin niya iyon makalimutan.

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Maken?"

"I couldn't see Rainie. I couln't see my reason for being up there in the stage shining like a star. Gusto ko siyang makita pero napakaliwanag ng stage." It was so hard to concentrate during the concert. Kung hindi lang niya iniisip na masisira ang buong production ay bumaba na siguro siya ng stage upang makita ang babaeng pinakamamahal niya.

He felt so awful. Pakiramdam pa niya ay mali ang ginagawa niya. Bumalik ang nakakapagod na pakiramdam. Minsan din ay nalulungkot siya. Hindi na siya masaya sa kasikatan. Nais na niyang maging simpleng tao uli. Mas gusto na niyang magtrabaho sa likod ng mga ilaw.

Nais na niyang kumalas sa grupo.

Iyon siguro ang tunay na dahilan kung bakit frustrated siya. Si Rainie ang dahilan kung bakit naroon siya. Kung hindi niya ito nakikita, bale-wala ang lahat. O wala talagang kinalaman si Rainie? Sadya lang na napapagod na siya sa kasikatan. Dati naman ay hindi niya nakikita si Rainie ngunit hindi siya nakararamdam nang ganoon. Hindi niya ito nakikita sa simpleng kadahilanang maliwanag masyado ang stage.

He just realized something and he couldn't tell that to his group. He couldn't leave them.

"Pagod ka lang, Maken. Magpahinga ka na."

Tumango na lamang si Mark Kenneth.

Two days later, the Lollipop Boys gathered for a meeting.

"An international agent approached me after the concert," umpisa ni Vann Allen sa napakaseryosong tinig. "He said I can penetrate the US music industry. I can even conquer it, he added."

Lahat sila ay natigilan. Si Nick ang unang nakabawi. "What did you tell him?"

"I told him that we can conquer it. I'm not going solo. I'll stick with you, guys," sagot ni Vann Allen.

Bumilis nang husto ang tibok ng puso ni Mark Kenneth. It was an escape. Ngunit paano niya sasabihin na mas nais na niya ng simpleng buhay? Baka masaktan ang mga kagrupo niya.

"Opportunity knocks only once," ani Rob. "Kung pakakawalan mo `to, Vann, baka hindi ka na uli magkaroon ng pagkakataon."

"What do you mean?"

"I wanna quit, guys. I'm tired. It isn't fun anymore. Fame is too much already."

Gulat na gulat si Mark Kenneth sa narinig mula kay Rob. Hindi niya akalain na ganoon na rin ang pakiramdam nito. Ang akala niya ay nag-iisa lamang siya.

Napalunok siya. Opportunity knocked only once. It was now or never. "I wanna quit, too," aniya sa matatag na tinig.

Kitang-kita niya kung paano bumalatay ang sakit sa buong mukha ni Vann Allen. He was obviously terribly hurt. Tahimik na tahimik si Nick, walang anumang emosyon sa mukha. Si Enteng ay tila nabalot din ng lungkot ang buong pagkatao.

"Is it final?" tanong ni Enteng.

Halos sabay na tumango sina Mark Kenneth at Rob.

"ARE YOU happy?" tanong ni Rainie kay Maken.

Nasa kubo sila. May dalang gitara at mga blangkong music scores si Maken. He was composing.

"What do you think?"

Nginitian ni Rainie nang matamis ang binata. He was obviously happy. At masaya siya dahil doon.

Wala na ang Lollipop Boys. Marami ang nalungkot, umiyak, nagtaka, nagulat, at nagalit. The group was at the peak of its career. Marami ang nagtaka hanggang sa malaman ng mga fans na sinusubukang magkaroon ng career ni Vann Allen sa US. Everybody presumed that Vann Allen wanted to go solo. Nagkaroon pa ng impresyon ang mga tao na nang-iwan ito sa ere.

Nasabi na ni Maken kay Rainie ang totoo, pati ang mga pangit na pakiramdam nito dati.

Naawa si Rainie sa binata. She was glad he was happy now.

He was back to music school. Ang plano ni Maken ay maging isang magaling na songwriter at composer. Alam ni Rainie na makakaya nitong abutin ang pangarap na iyon.

Noong una, nahirapan si Maken na balikan ang simple at normal na buhay. Ngunit kagaya ng mga celebrity na hindi na madalas nakikita ng publiko, unti-unting naging ordinaryong tao si Maken sa paningin ng iba.

"You'd always be my darling shiny star, Maken," pahayag ni Rainie. "That would never change."

Lumapit ito sa kanya at inangkin ang mga labi niya. "I love you."

She smiled in satisfaction.

Next chapter