webnovel

Chapter Seven

MARK Kenneth still couldn't believe how his life changed since the day Vann Allen dragged him to do an audition. Bigla-bigla ay nag-iba ang ikot ng mundo niya. Para siyang pumasok sa ibang mundo. Sa isang mundo kung saan makinang na makinang siya at hinahangaan ng lahat.

Yes, he and Vann Allen made it. They did the lollipop commercial. Hindi niya inakalang makakasali rin siya. Kung si Vann Allen lang ang nakuha ay hindi na niya iyon pagtatakhan. Vann Allen was more than good. Hindi nga niya alam kung bakit ito natatakot mag-perform samantalang ang galing-galing nito.

Nang gawin nila ang commercial, nakilala nila ang tatlo pa nilang makakasama—sina Rob, Nick, at Enteng. Magkakaedad silang lima.

Kaagad nilang nakasundo ang tatlo. Para na silang isang barkada bago pa man matapos ang shooting ng commercial.

Naging sobrang saya ni Mark Kenneth sa paggawa ng commercial na iyon. Nang maipalabas na ang commercial ay lalo siyang natuwa. They were great. Ang ganda ng kinalabasan niyon. Hindi nga niya mapaniwalaan na nakikita niya ang sarili sa TV.

"Make—n!"

Inilayo ni Mark Kenneth sa tainga ang telepono dahil sa tili ni Rainie. Nahuhulaan na niya kung bakit ito tumitili. Malamang na napanood na nito ang commercial niya. Hindi kasi niya sinabi na gumawa siya ng isang commercial.

"Oh, my God! Oh, my God. Oh, my Maken!" patuloy nito sa pagtili. "I saw your commercial. It's really you. Oh, my God, I can't believe it. You are so great. I love the way you dance. I love orange-flavored lollipops! You are so handsome. You are the most handsome Lollipop Boy."

"Breathe, Rainie." Natutuwa siya sa reaksiyon at sa mga papuri nito. Alam naman niyang si Vann Allen ang pinakanapansin sa kanilang lima, ngunit sapat na sa kanya na para kay Rainie ay siya ang pinakaguwapo sa lahat.

Narinig niyang huminga nga ang dalaga. "I so love that commercial, Maken. I so love it just because you're in it."

"Really?"

"Really! I'm so proud of you! Kung nasa tabi lang kita, nahagkan na kita. Sikat na ang Maken ko!"

Napahalakhak siya. "Ano bang sikat ang pinagsasasabi mo riyan? Parang isang commercial lang `yon, eh. At hindi ako nag-iisa roon."

Ang totoo, mula nang lumabas sa TV ang commercial nila ay parang nakilala na ng lahat si Mark Kenneth. Sa eskuwela, lahat ay nginingitian at binabati siya. May ilan pa ngang nagpapapirma ng autograph. Nang minsang mamasyal sila ni Vann Allen sa mall ay muntik na silang pagkaguluhan.

The commercial was a hit. Minsan ay nabasa niya sa isang tabloid na ang commercial na yatang iyon ang pinakanakaapekto sa mga manonood.

"Ah, basta, sikat ka na. Dapat ako ang president ng fans' club mo, ha? Dapat, bukod kay Nanay Lydia, ako ang pinakaimportanteng fan mo."

"O, siya, sige na. Fan ka na kung fan. Ikaw naman talaga ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko bukod kay Nanay. Kailangan ko na itong ibaba. Ingat ka lagi riyan. Be well. `Love you."

"`Love you, too."

Marami ang nangyari kay Mark Kenneth nang sumunod na mga araw. Nagkaroon sila ng maraming offers mula sa kung sinu-sino sa entertainment industry. Lalo siyang namangha at nalula sa kinahinatnan ng buhay niya. Inalok sila ni Angie Cancer, isang talent manager, na maging mga alaga nito. They would stay as a group. Makikilala sila ng publiko bilang boy band.

Noong una ay parang ayaw niyang pasukin ang makinang na mundo ng show business. Ngunit marami siyang ikinonsidera. Dahil sila ring lima ang kumanta ng jingle ng commercial, ibig sabihin, may talent silang lahat sa pagkanta. Sa music at recording sila unang papasok. Sa kanya ay tila isang pangarap iyon na natupad.

Hindi ba at nais niyang marinig ng buong mundo ang kanyang musika? Ang akala niya ay malabong matupad iyon ngunit ngayon ay ibinibigay na iyon sa kanya ng Diyos. Kikita rin siya ng sariling pera. Hindi na niya kailangang dumepende kay Tito Fred.

Kinonsulta ni Mark Kenneth ang kanyang ina sa balak niyang pasukin. Ang sabi nito ay kung sasaya siya sa pagiging miyembro ng banda ay sumige siya. Sinabi rin niya kay Rainie ang bagay na iyon.

"Shine, Maken. Just shine," ang sabi nito.

Dahil sa encouragement ng mga mahal niya sa buhay ay pumayag siya na maging parte ng Lollipop Boys. Napakalaki ng plano sa kanila ni Tita Angie. Hindi lang daw recording ang dodominahin nila. They would also dominate TV, film, and prints. Ang sabi nila ay masyadong malaki ang expectations nito sa kanila. Naisip nila na baka bigla silang malaos kagaya ng mga nangyayari sa mga singer at artista na biglang sikat din.

"Boys, trust each other," ani Tita Angie minsan sa kanila. "You are not just a bunch of good-looking boys. Umaapaw kayo sa talent lahat. Iyon ang kaibahan ninyo sa ibang biglang sikat. Kayo ang tipo na tatagal sa entertainment business dahil may genuine talent kayo. Hindi lang ganda ng mukha ang puhunan ninyo. Boys, you'd be the hottest boy band in this country."

Naging abala sila sa mga rehearsal. Dumalo sila sa ilang acting workshops. They had voice and dance lessons. Nagkaroon sila ng makeovers. Nag-guests din sila sa mga talk at game shows.

Unti-unti ay naging visible sila sa publiko. Hindi pa man natatapos ang recording ng kanilang unang album ay marami na silang fans. At nang lumabas na ang album ay nagtala iyon ng record sa sales.

Hindi sila makapaniwala. Overwhelmed na over-whelmed sila sa suportang natanggap nila mula sa mga tao. Kaliwa't kanan ang naging mga shows nila. Sa lahat ng lugar na pinuntahan nila ay pinagkakaguluhan sila. Ang mga tili ng fans ay palakas nang palakas sa pandinig ni Mark Kenneth. Ang unang album ay nasundan kaagad ng pangalawa.

Tuluyan nang nagbago ang mundong ginagalawan ni Mark Kenneth. Tuluyan nang naiba ang ikot niyon. Ayaw sana niya ngunit napilitan siyang tumigil muna sa pag-aaral. Hindi rin naman niya iyon naaasikaso dahil palagi siyang pagod at puyat. Pinagkakaguluhan pa siya palagi sa eskuwelahan. Madalas ay kulang siya sa tulog. Ipinangako naman niya sa kanyang ina na babalikan niya ang pag-aaral. Magtatapos siya.

"DO YOU still love me?" tanong ni Rainie. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Maken sa kabilang linya. Umusli ang mga labi niya. Bakit hindi na lang nito sagutin ang tanong? Ang dali-dali lang namang sagutin niyon.

"Do you really have to ask me that?" tanong ni Maken sa halip na sagutin siya nang diretso.

"Mahal mo pa ba ako?" ulit niya.

"Of course!"

Napangiti na si Rainie. "I miss you. You have no idea how much."

Hindi niya mailarawan sa pamamagitan ng salita ang pangungulila niya kay Maken. Kung kailan mas nakikita niya ito nang madalas sa telebisyon, saka pa siya mas nangulila. She wanted to be with him. She wanted to tell the whole world that Maken was her Lollipop Boy. He was hers exclusively.

"I miss you, too."

Umingos siya. "May panahon ka pa ba para ma-miss ako?" May tampo na sa tinig niya.

Alam ni Rainie na abalang-abala si Maken sa mga shows kasama ang grupo. Alam niyang sikat na sikat na ang Lollipop Boys sa buong Pilipinas. Naiintindihan naman niya ang pagiging abala ni Maken, ngunit hindi niya maiwasang magtampo nang kaunti kapag hindi siya nito natatawagan. Mas madalas na ngayon na siya ang tumatawag. Nami-miss na niya ang araw-araw na pagkukuwentuhan nila.

She believed she had matured. She was now seventeen. Hindi na siya kasindamot noon. Hindi na siya brat. She did not throw fit anymore whenever she couldn't get what she wanted. Sinisikap niyang maging kaaya-ayang dalaga.

Kaya naman hindi siya makapag-demand kay Maken na tawagan siya nito araw-araw. Parang napaka-inconsiderate na tao naman niya kung gagawin niya iyon. He was mostly tired. Naaawa siya minsan kay Maken kaya kahit na nais pa niyang makipagkuwentuhan ay siya na mismo ang tumatapos ng usapan nila upang makapag-pahinga na ito. Iniibsan niya ang pangungulila sa pamamagitan ng panonood ng mga recorded shows ng Lollipop Boys.

"Are you tired?"

"Not much."

"Magkuwento ka."

Nagkuwento nga si Maken. Nakinig lamang si Rainie. Nasisiyahan siya sa mga kuwento nito. Halos lahat ay tungkol sa mga shows ng grupo. Marami rin itong kuwento tungkol sa mga kagrupo. He said, the other boys were his best friends. Natutuwa siyang marinig ang saya sa tinig ni Maken habang nagkukuwento. He sounded like he enjoyed every minute of being a Lollipop Boy. Dahil sa mga kuwento nito, parang kilala na rin niya ang ibang Lollipop Boys.

"Ikaw naman ang magkuwento," ani Maken pagkatapos magkuwento. "How's school?"

"Fine." Si Rainie naman ang nagkuwento nang nagkuwento. Natigilan lamang siya nang marinig ang pantay na paghinga ni Maken. Tahimik na tahimik na sa kabilang linya. Mukhang nakatulog na ito. Siguro ay pagod na pagod.

Napangiti siya nang malungkot. Hindi niya magawang magalit dahil tinulugan siya ni Maken.

"Sleep tight, darling," bulong niya. "Dream of me. I love you, Maken." Ibinaba na niya ang telepono.

Binuksan ni Rainie ang telebisyon at isinalang ang isang recorded performance ng Lollipop Boys. She had all their albums. Regular ang pagpapadala sa kanya ng kanyang ama ng lahat ng mga babasahing tampok ang grupo. She was Maken's number one fan. Ang silid nga niya ay punung-puno ng posters nito. Iniinis siya ng mga stepsister niya tungkol doon pero nabuking naman niyang hinahangaan ng mga ito si Vann Allen.

Tuwang-tuwa siya sa narating ni Maken. He shone so brightly. Sana lang ay hindi siya nito makalimutan. Sana ay hindi siya nito ipagpalit sa mga naggagandahang fans na babae. Maraming babae na ang nakapalibot kay Maken. Minsan, natatakot siya na baka mawala na ito sa kanya. Baka masyado itong masilaw sa kinang at hindi na siya makita.

That would never happen, pangungumbinsi niya sa sarili.

May tiwala siya kay Maken. Someday, they would be together.

"YOU ARE where?"

Napahagikgik si Rainie. Kausap niya sa kabilang linya si Maken. "NAIA. I'm in NAIA. Come and pick me up."

"Goodness! Bakit hindi mo kaagad sinabi? Akala ko ay next week ka pa darating?" Halatang-halata sa tinig nito ang pagkataranta.

"Surprise!" bulalas niya. Nais talaga niyang sorpresahin si Maken kaya umuwi siya nang walang pasabi.

"Ikaw talaga," sambit nito. Kahit hindi niya nakikita, alam niyang umiiling ang binata. "Wait for me. I'll be there as soon as I can. `Buti at tiyempong wala kaming show ngayon. Puro rehearsals lang."

"Okay. I'll wait for you."

Matiyagang naghintay si Rainie. Habang nakaupo sa isang bench, pinaplano ng kanyang isip ang mga gagawin niya habang nasa Pilipinas siya. Uuwi siya sa hacienda ngunit sandali lang. Plano niyang bumuntut-buntot kay Maken. Kung kinakailangan niyang maging personal assistant nito ay gagawin niya. She just wanted to be with him all the time.

Palinga-linga siya sa paligid dahil baka hindi mismong si Maken ang susundo sa kanya. Maiintindihan naman niya kung sakali. Sa sobrang kasikatan ng Lollipop Boys, hindi malabong pagkaguluhan si Maken sa airport kapag namukhaan ito ng mga tao.

"Miss, puwedeng makipagkilala?"

Napasinghap si Rainie nang may biglang bumulong sa kanyang tainga. Nilingon niya ang bumulong at napangiti nang nang mapagsino ito. "Maken!" bulalas niya.

"Sshh. Baka may makarinig."

Itinikom niya ang bibig. He was wearing tea-colored shades and beige baseball cap. Simpleng gray T-shirt at cargo shorts ang suot nito.

Hinawakan ng binata ang kamay niya at pinatayo siya. Ito na ang naghila ng kanyang maleta.

"Let's go before someone recognizes me," ani Maken na nagmamadali. Ang bilis-bilis ng lakad nito patungo sa labasan. Hila-hila siya at ang maleta.

She felt something was off. Tumigil siya sa paglalakad. Hinila niya paharap ang binata.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Maken.

Nginitian niya ito bago niyakap nang mahigpit. "I missed you, Maken. I'm glad I'm home."

Gumanti ito ng yakap. "Mas na-miss kita. I'm so, so happy to see you again."

Napuno ng kaligayahan ang kanyang puso. Mahal na mahal niya ang lalaking ito. Her father was wrong. She would never get over Maken. Mananatili niya itong mahal habang-buhay. Sapat-sapat nang patunay na patuloy niya itong mahal sa kabila ng distansiya at matagal nilang hindi pagkikita.

"Thank you for picking me up personally."

"Basta ikaw." Kumalas nang bahagya si Maken. "I would love to hug you forever but we have to go. You won't like it if these people realize it's me." Muli siya nitong hinila.

Iba na talaga si Maken. Hindi na ito ang simpleng Maken niya. He was a star, and a very shiny one.

SA ISANG malaking bahay dinala si Rainie ni Maken. Ang totoo ay may bahay sila sa Maynila pero ayaw tumira ni Maken doon dati dahil pundar daw iyon ng mga magulang ni Rainie.

Ayaw ring tumuloy ni Rainie doon habang nasa lungsod siya. Ang nais niya ay nakadikit siya palagi kay Maken. Ayaw niyang kailangan pa niyang bumiyahe upang makita at makasama ang binata.

Maganda ang bahay. Malayo iyon sa mga kapitbahay. Mahigpit ang seguridad sa buong lugar.

Nagulat si Rainie nang makita ang ilang tent sa labas ng bahay. Fans daw ang mga iyon, ayon kay Maken.

Noon talaga niya napagtanto kung gaano kasikat ang grupo nito. He was suddenly a different person. Parang bigla ay lumayo ito sa kanya.

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Kung anu-anong kalokohan ang naiisip niya. Kung kailan naman uli sila nagkasama ay saka naman niya mararamdaman na tila napakalayo ni Maken. She held his hand to make herself believe that he was just within her reach.

Pumasok sila sa modernong bahay. It was spacious and clean. Halata ring mga lalaki ang mga nakatira doon. Halos puti at itim lamang ang kulay ng paligid at mga kasangkapan.

Maken told her that the Lollipop Boys had to stay in one roof for convenience. Mahirap daw kasi iyong hindi sabay-sabay na dumarating ang grupo sa mga venue ng mga shows. Mahirap din daw na hiwa-hiwalay ang mga miyembro dahil mas madaling dumugin ang mga ito.

Nasa sala ang apat na mga kagrupo ni Maken nang pumasok sila sa bahay. Nginitian nang matamis ni Rainie ang apat. Mas makisig ang mga ito sa personal. They were all boyishly handsome in their own ways but she stayed firm in believing that her Maken was the most handsome among them.

"So, she's the sister," anang isang babae na kapapasok lamang sa sala.

Ang hula ni Rainie ay ito ang manager ng grupo. Marahas niyang nilingon si Maken, saka tinaasan ng isang kilay. "You told them that I am your sister?" She didn't like it to say the least.

"I told them you are Tito Fred's daughter."

"That makes you his stepsister," anang babae. Maiinis na sana si Rainie kung hindi ito ngumiti nang masuyo. "Don't worry, I know the real situation. Kailangan ko lang i-press release iyon upang hindi magkagulo ang mga fans. Their fans are very possessive, you know."

Nais niyang sabihin na wala siyang pakialam sa mga fans. Hindi siya umalis ng Pilipinas para lamang magkaroon ng press release na magkapatid sila. Tiniis niya ang malayo kay Maken para hindi sila ituring na magkapatid ng mga taong nakapaligid sa kanila. But then again, she couldn't afford to be selfish now. Ayaw niyang makasira sa career ni Maken. Nakikita niya kung gaano ito kasaya sa kinalalagyan nito ngayon.

"Tita Angie, boys, si Rainie," pagpapakilala ni Maken. "Rain, si Tita Angie, ang manager namin." Itinuro nito isa-isa ang mga Lollipop Boys. "Si Enteng, Nick, Rob, at Vann."

Nginitian si Rainie ng apat na lalaki. Mukhang mababait ang mga ito. Base sa kuwento ni Maken, parang magkakapatid na ang turingan ng magkakagrupo.

"It's nice to finally meet you, Miss Rainie," ani Vann Allen.

"Same here. Ang cute-cute pala ninyo lahat sa personal," tugon ni Rainie habang tinititigan ang mukha ng mga kaharap. They were all really handsome.

Tumikhim si Maken at inakbayan siya. Natawa siya nang malakas. Pinisil niya ang magkabila nitong pisngi. "Pero siyempre ikaw ang pinaka-cute at pinakaguwapo sa lahat. Lamang na lamang ka sa kanila," natatawang sabi niya.

Hinagkan nito ang noo niya. "Welcome home."

"Thank you."

Napailing si Tita Angie. "Young people nowadays..."

Yes, they were young. Ang ilang matatanda ay sasabihing wala pa silang mga muwang. Wala pa siguro silang masyadong alam sa buhay at hindi pa siguro nila nakikita nang malinaw ang mga bagay-bagay, but they were in love, what could they do? And Rainie believed that young people loved the purest. They may be fool most of the time but all the love in their hearts were pure.

At ganoon ang nadarama niya para kay Maken.

Next chapter