webnovel

Chapter 30

Triton's Point of View

Dahil siguro sa sobrang excited ko na pumunta sa simbahan kasama ang mga magulang ko at ang babaeng gusto ko, ay maaga akong nagising.

Alas-tres pa lang ng madaling araw ay gising na ako at heto ako ngayon at naghahanap ng aking masusuot.

"Mag-p-polo ba ako? Or plain shirt na lang kaya?" mahinang tanong ko sa sarili ko habang hawak ko sa magkabilang kamay ko ang pinagpipilian kong damit.

Tumingin naman ako sa salamin na nasa loob ng kwarto ko at saka itinapat sa akin ang mga damit na hawak ko. Hindi kasi ako makapili kung anong susuotin ko papuntang simbahan.

"Ito na lang kaya?" tanong ko sa salamin na nasa harap ko kung saan nakikita ko ang repleksiyon ko at ang damit na hawak ko. "Ito na nga! Mas maayos tingnan kung simple lang ang suot ko."

Nang nakahanap na ako ng damit na susuotin ko para mamaya ay nahiga na muna ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Gusto ko sanang i-text si Lei pero naalala kong baka natutulog pa ito, kaya naman ang ginawa ko ay hinanap ko sa contacts ko ang pangalan ng kaibigan ko at saka ko siya tinawagan.

Tiningnan ko muli ang screen ng cellphone ko para tingnan kung anong oras na. Mag-a-alas kwatro na ng umaga. Kanina ko pa tinatawagan si Apollo pero hindi siya sumasagot.

"Tulog mantika talaga..."

"What did you say? Ako, tulog mantika?!"

Nailayo ko naman sa tapat ng tainga ko ang cellphone ko nang marinig kong sumigaw sa kabilang linya ang kaibigan ko.

"Hey, good morning—"

"What do you want? Alam mo ba kung anong oras pa lang?"

Napatingin naman ako sa screen ng cellphone ko bago ko siya sinagot.

"It's already 4:05 in the morning—"

"Tangina mo!"

Napailing na lamang ako nang marinig kong pinatay na niya ang tawag. Kaya ang ginawa ko ay pinadalhan ko na lamang siya ng text para ayain siya na pumuntang magsimba.

To: MyBestfriendApollonamabilismagtampo

It's Sunday today! Let's go to church? Kasama natin sina mama at papa plus, si Lei. Ano, tara na! Sama ka na!

Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone na hawak ko kaya naman tiningnan ko kung sino ang nag-text. Hindi naman na ako nagulat nang makita ko ang pangalan ng kaibigan ko.

From: MyBestfriendApollonamabilismagtampo

K.

Nang mabasa ko iyong text niya sa akin ay napapikit na lamang ako ng mariin at hinawakan ang sintido ko para pakalmahin ang sarili ko. Kaya ayaw na ayaw kong tine-text si Apollo e. Kahit gaano pa kahaba iyong sasabihin ko sa kanya ay ang iksi naman ng sagot nito. Katulad na lamang ngayon. Isang letra lang iyong sinend niya sa akin pero iba iyong dulot nito sa akin. Buwisit ang lalaking iyon! Masasakal ko talaga siya mamaya 'pag nagkita kami.

Self, kalma lang. Relax. Chill.

Mabilis ang takbo ng oras kaya naman hindi ko namalayan na alas-singko na kaya naman bumangon na ako at nagmadaling naligo para sunduin si Lei sa mansion nila mamaya.

Bago ako pumasok sa banyo ay tinext ko na muna si Lei at sinabing susunduin ko siya sa mansion nila kapag nakabihis na siya.

Nandito na ako ngayon sa labas ng mansion ng mga Vizconde nang matanaw ko ang babaeng nakasuot ng kulay krema na bestida na hanggang tuhod habang nakalugay ang kanyang buhok na medyo kulot.

Habang palabas siya sa main door ng mansion ay napansin kong inaayos niya pa ang suot niyang dollshoes na kulay krema rin habang ang isang kamay niyo ay nagsusuklay.

Napapangiti na lamang ako sa nikikita ko. Sa kinikilos ngayon ni Lei ay mukhang natataranta ito at nagmamadali. Umayos naman ang tindig niya nang makita niya ako at naglakad na ito palapit sa akin.

"Sorry, pinaghintay ba kita ng matagal? Late na ba tayo? Nagsimula na raw ba iyong mass?" sunod-sunod na tanong niya nang tuluyan na nga siyang lumabas sa gate nila.

"Hindi pa naman tayo late sa pupuntahan natin." sagot ko sa kanya habang nakatingin ako sa pambisig na orasan ko. 5:40 pa lang kasi ng umaga. Mamayang 6:00 pa ang start ng first mass sa simbahan na pupuntahan namin. "Iyong lola mo pala? Hindi ba siya sasama?" Nakita ko naman siyang umiling at saka matipid niya akong nginitian.

"Busy siya e."

Alam kong nagsisinungaling lang si Lei at hindi talaga busy ang Lola niya. Nag-away na naman siguro silang mag-apo. Hindi na lamang ako umimik pa at nagtanong pa kaya naman inaya ko na lamang siya na sumakay sa motor na dala ko dahil pupunta na kami ngayon sa simbahan.

"Wear this." wika ko nang kunin ko ang helmet na nakasabit sa motor ko at saka ko ito inilagay sa ulo niya. "mukha kang alien kapag nakasuot ka ng helmet." biro ko sa kanya pero inirapan niya lang naman ako at saka niya kinuha ang isa pang helmet na nakasabit sa motor ko at ibinato sa akin. Buti na lang nasalo ko.

"Ikaw nga, hindi pa nagsusuot ng helmet pero mukha ka ng alien na may sakit." pagkasabi niya iyon ay binangga niya ako sa balikat ko at naupo na sa motor ko na nasa harap lang ng mansion nila.

Natawa na lang ako sa ginawa niya.

"Tara na, Ventura! Ano pang nginingiti mo diyan? Mukha kang asong ulol."

Napailing na lamang ako at saka lumapit sa kanya at sumakay na sa motor.

"Humawak ka sa bewang ko para hindi ka mahulog." paalala ko sa kanya bago ko pinaandar ang makina ng motor.

Naramdaman ko naman ang pag hawak niya sa damit ko at hindi sa bewang ko.

"What are you doing?" nilingon ko siya pero siya ay hindi nakatingin sa akin. Mukhang iniiwas niya ang tingin niya sa akin. "Lei, sa bewang ko ikaw—"

"Ayoko nga. Hindi naman ako linta kagaya..."

"Ano?" Hindi ko kasi naintindihan ang huli niyang sinabi.

"Wala! Tara na kasi! Ang dami mo pang sinasabi—Ahh! Triton! Buwisit ka!" sigaw nito at agad na napayakap sa akin nang bigla kong pinaharurot ang motor na sakay namin.

"Triton! Ano ba! Bagalan mo nga ang pag-d-drive!" rinig kong sita niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan.

Hindi naman mabilis ang pagpapatakbo ko kaya hindi ko alam kung bakit sumisigaw siya na akala mo nakasakay sa roller coaster.

"Ventura, sinasabi ko sa'yo! Pagkababa ko talaga sa lintik na motor na 'to, talagang tatanggalan kita ng dalawang ulo!" natawa na lamang ako sa sinabi niya kaya nilingon ko siya at nakitang nakapikit ang mga mata nito habang nakayakap sa bewang ko at ang kanyang mukha ay nasa likod ko na parang natutulog na bata.

Napangiti na lamang ako sa nakikita ko ngayon at saka ko binagalan ang pagpapatakbo at binalik ko muli sa harapan ang atensyon ko.

Ilang saglit pa ay naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak sa akin ng babaeng nasa likod ko. Napatingin naman ako sa side mirror ng motor ko at nakita kong umupo na ito ng maayos.

Palihim naman akong napangiti nang makita kong bumusangot ito at nagpakawala ng malalim na paghinga.

Nagulat naman ako nang hinampas niya ang likod ko ng sobrang lakas.

"Aray! Bakit ka nanghahampas?" inosenteng tanong ko sa kanya at itinuon ko ulit ang atensyon ko sa harapan.

Malapit na kasi kami sa simbahan.

"Buwisit ka!" iyon lamang ang narinig ko mula sa kanya kaya napailing na lamang ako habang may ngiti sa aking nga labi.

Nakakatuwa kasi siyang asarin, ang bilis niyang mapikon.

"Humanda ka sa aking lalaki ka. Ipagdadasal talaga kita mamaya na sana mabaog ka." mahinang sambit niya pero narinig ko naman.

Ilang minuto pa ang itinagal namin sa daan at nasa harap na kami ngayon ng simbahan.

"Nandito na tayo." anunsiyo ko sa kasama ko habang tinatanggal ko ang helmet ko.

"Alam ko! Hindi ako bulag." sagot nito sa akin.

Bumaba naman ako sa motor at gano'n din siya.

"Tara na—bakit hindi mo pa inaalis iyang helmet mo?" tanong ko sa kanya nang makita kong nakasuot pa rin sa kanya ang helmet na inilagay ko kanina.

"Kasi hindi ko alam tanggalin?" irap nito sa akin.

Attitude talaga 'tong babae na ito.

Lumapit naman ako sa kanya at sinimulang tanggalin ang helmet niya.

"Dalaga ka na pero hindi mo pa rin alam kung paano magtanggal ng helmet." saad ko habang tinatanggal ang pagkaka-lock ng helmet niya.

"For your information, Mr. Ventura. Alam mong hindi ako sumasakay ng motor at higit sa lahat, hindi ako rider. Kaya wala akong alam kung paano magtanggal ng helmet. Mamaya iba iyong nahugot at masakal ako." mahabang litanya niya habang inaalis ko pa rin ang pagkaka-lock ng helmet na suot niya.

Bakit ba kasi sobrang higpit naman ang pagkaka-lock nito.

"Matagal ka pa ba diyan? Anong oras na, magsisimula na iyong misa."

"Okay na." pagkasabi ko iyon ay inaalis ko na sa ulo niya ang helmet at saka ko inayos ang buhok niya. "Tara na sa loob."

Sabay naman kaming pumasok sa loob ng simbahan. Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang napakaraming tao sa loob.

"Nasaan ang mama at papa mo? Nandito na rin ba sila?" tanong ng katabi ko.

Tumango naman ako sa kanya.

"Tara doon." hinawakan ko siya sa kamay at naglakad kami papunta sa direksiyon nila mama.

"Teka, Triton..." napahinto ako sa paglalakad at gano'n din siya.

"What's the problem?" nag-aalalang tanong ko sa kanya nang lingunin ko siya.

Tinanggal naman niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. Nakatingin lamang ako sa kanya habang inaayos niya ang damit na suot nito at ang kanyang buhok.

"Maayos ba? Nagmukhang tao rin ba ako?" tanong nito sa akin.

Tumango lang naman ako.

Ang ganda niya talaga. Para siyang anghel. Anghel na may attitude.

"Sure?" tiningnan niya ako at tinanguan ko lang naman siya. "Ikaw naman kasi, sabi kong bagalan mo lang ang pagpapatakbo kanina. Iyan tuloy, nagusot iyong damit ko tapos itong buhok ko ang dry na. Ang pangit ko na tuloy."

"You're still beautiful for me, Lei."

"Sige, magsinungaling ka pa diyan. Nasa simbahan na nga tayo."

"Totoo nga!" habol ko sa kanya nang nauna siyang naglakad papunta sa kinauupuan ng magulang ko.

"Whatever."

"Hey, sweetheart..." bati sa akin ni mama nang makalapit kami sa kanila. "Oww, you must be Eileithyia?" tanong ni mama nang makita niya ang babaeng nasa tabi ko.

Tumango lang naman ang katabi ko at ngumiti.

"Triton is right, you're so beautiful, hija."

"Papa..." Sita ko sa papa ko.

Nagsisimula na naman kasi siya. Mamaya ibuking niya ako lalo na iyong mga ikinu-kwento ko tungkol kay Lei sa kanya.

Nilingon ko naman ang katabi ko. Nakatayo lang siya at hindi umiimik.

"Tara, upo na tayo." nilingon niya naman ako at saka tumango.

Hindi pa man kami nakaka-upo ni Lei ay napatingin kami sa bagong dating.

"Tita Lilia?"

"Mama?"

ตอนถัดไป