webnovel

I Hate You, Daniel Dhanes

"O….M…G!" Bulalas ni Shine ng makita ang eksena nina Gian at Yna.

"Yan si Gian! Hindi na niya pakakawalan si Yna! Imagine, almost ten years ang paghihintay niya?!" Masiglang wika ni Jerry habang pinanuod ang dalawa na hindi pa rin inaalis ang labi sa isa't-isa.

"Who's that girl, pare?" Tanong ng kaibigan niyang si Rey ng mapansin ang nagtatagis niyang bagang habang pinapanuod kung paanong maalab na sinakop ni Gian ang mga labi ni Yna. Halos basagin na niya sa kanyang palad ang boteng hawak.

Imbis na sumagot ay pagalit siyang tumayo at lumabas ng bar. Halos nakikipagkarerahan siya kay kamatayan ng ipaharurot niya ang motor.

"Why did she not slap the face of that damn guy?!" Inis na bulong niya sa sarili. Madilim ang mukhang itinabi niya ang motor sa gilid ng daan saka inalis ang helmet sabay ang pagdama sa malakas na hangin.

"Did she like his kiss?!" Hindi niya matanggap sa sarili ang isiping iyon. "Or pinagseselos mo lang talaga ako? Well, that's effective Yna. But I will not let you make me suffer again!" Matatag niyang wika sa sarili. Muli niyang isinuot ang helmet at bumalik sa bar.

Wala na sina Yna ay Gian sa gitna ng dance floor. Iginala ni Daniel ang paningin sa bar ngunit wala na si Yna sa table ng mga kaibigan nito.

"I thought hindi ka na babalik pare. Are you ok?" Natatawang tanon ni Rey ng lumapit siya sa table.

"Where is she?" Seryosong tanong niya dito. Sandali itong nag-isip na inaalala kung sino ang babaeng tinutikoy niya.

"Parang nakita ko siya kaninang pumunta sa CR." Nagtatakang tanong nito sabay sulyap sa pinto sa likurang bahagi ng bar. Dali-dali naman siyang nagtungo doon.

"Daniel!" Gulat na ani ni Yna ng paglabas niya ng pinto ng CR ay ang galit na mukha ni Daniel ang tumambad sa kanya.

Mahigpit nitong hinawakan ang braso niya saka siya hinila palabas ng bar. Sa back door ng bar siya nito inilabas. Halos kaladkarin na siya nito at pabiglang binuhat upang isakay sa motor nito.

"Hey, Daniel! Let me go!!!" Pagpupumiglas niya. Ngunit naupo ito sa likuran niya at mabilis na pinaandar ang motor. Malakas na tili ang namutawi sa bibig niya dahil parang siya ang nagmamaneho ng matulin nitong motor. Magkadikit ang kanilang mga katawan at mahigpit itong nakayakap sa kanya.

"How dare you! Are you insane!!!" Sigaw niya sa pagitan ng halos paglipad ng motor na sinasakyan. Imbis na sagutin siya ay mas pinatulin pa nito ang pagmamaheno.

"Kung magpapakamatay ka, please wag mo akong idamay!" Mangiyak-ngiyak na hiyaw niya. Napapikit siya at lihim na nagdasal na sana ay hindi sila madisgrasya ng lalake. Maya-maya pa ay napamulat siya ng maramdaman ang paghinto ng motor nito. Napalunok siya ng makita ang pamilyar na highway- sa lugar kung saan siya hinalikan noon ni Daniel.

"How dare you! Let me go!!" Tila nanumbalik na ang reyalidad sa kanya na sapilitang siyang isinama ng lalake. Pinaghahampas niya ang malapad nitong dibdib. Mabilis naman nitong nahawakan ang mga kamay niya.

"I'll let you go if you tell me that you are just pretending that you regretted the night I kissed you here!" Singhal nito sa kanya na mas lalo pang dumiin ang paghawak sa mga kamay niya.

"Why do you care? You're Daniel Dhanes?! Alam kong hindi ako ang klase ng babae na pag-aaksayahan mo ng panahon!" Balilk niyang ani dito na pilit hinihila ang kamay niyang hawak pa rin nito.

Nanlaki ang mata niya ng marahas na sakupin ni Daniel ang mga labi niya. Hinawakan nito ang batok niya upang hindi niya mailayo ang mukha dito. Pagkatapos ay pabigla nitong pinalaya ang kanyang mga labi.

"Ikaw ngayon ang babaeng pinag-aasksayahan ko na panahon!" Nagtatagis ang bagang na wika nito. Madilim ang mukha nito at malalim ang paghinga. Nayakap ni Yna ang sarili hindi dahil sa lakas ng hangin kundi pakiramdam niya ay nawawala na ang depensa niya lalo na sa matiim na pagtitig ng mga nangungusap na mata ni Daniel.

"I have a boyfriend." Pagsisinungaling niya na pilit pinatatatag ang tinig.

"Where is he now?!" Nanlalabang ang tinging nakipagtitiganan ito sa kanya.

Napakagat ang labi niya sabay pinagmasdan ang paligid.

"Look, Yna. I regretted asking you if it's ok to forget that kiss last night. I am just confused." Pag-amin nito.

"Then let me go!" Ani niya saka niya ibinaba ang helmet at nagsimulang humakbang palayo sa lalake. Agad naman nitong nahila ang braso niya.

"Yna, I like you so much." Mahinang wika nito na tila hinahabol ang paghinga.

"Just, let me go." Pag-uulit niya saka hinila ang mga braso. Laking pasalamat niya ng hindi na siya hinabol pa ng lalake. Agad na siyang sumakay sa taxi na pinara. Kita niya na naiwan pa ang lalake sa tabi ng daan. Hindi niya alam kung bakit tila masikip ang kanyang dibdib.

"I hate you, Daniel Dhanes!" Bulong niya sa sarili na para bang kaya niyang baguhin ang totoong laman ng kanyang puso.

Next chapter