webnovel

The Disapperance

Chapter 59: The Disappearance 

Haley's Point of View 

  "Ayoko 'tong sabihin pero… hindi ko 'to napaghandaan. Hindi ko alam na marami pa sila." Dikit-kilay na sabi ni Roxas. 

  Hindi ako umimik at kinakabahan lamang na nakatingin sa mga lalaking dumating. Unang tingin pa lang sa mga ito, alam mong bad news na. 

Ang lalaki ng katawan nila, may mga dala rin silang mga armas at talagang nandoon 'yung nakakatakot nilanga aura.   

  Ibang iba ang mga ito sa mga lalaking nasasapak ko. Hindi sila pangkarinawan, pumapatay sila. Sila 'yung kalaban ng secret organization, kaunting galaw. Siguradong patay ka. 

  Tahimik lamang si Reed na nasa harapan ko gayun din si Jasper. Suot suot nila ang mga matatapang nilang mukha pero 'yung mga kamay nila, nanginginig. 

Hinawakan na rin ni Reed ang mga kamay ko na animo'y parang sinasabing po-protektahan ako kahit na ano'ng mangyari. 

 

  Humagikhik si Roxas. "Joke lang." 

  Suminghap ako't nagulat sila nang biglang may tumunog na parang timer sa frame nung pinto kasabay ang pagkislap ng maliit na kulay pulang ilaw roon. "Pasok!" Sigaw na udyok ni Roxas kaya mabilis akong hinila ni Reed papasok sa cell kung nasaan si Sir Santos. 

  Mula sa labas ay malakas na sumabog ang bomba na palihim sigurong idinikit ni Roxas kanina sa may bandang pinto. Malakas ang impact nung pagsabog kung kaya't nagkaroon ng malakas na pagtulak nung hangin at ang iilan sa mga maliliit na bago sa dingding at kisame ay mga nagbabagsakan. 

 

  Hawak ni Reed ang ulo ko bilang pagsuporta habang si Jasper naman ay nandoon naman kay Sir Santos at katawan ang pinanghaharang sa mga maliliit na bato para hindi tumama sa adviser namin. 

Hinintay naming tumigil ang pagnginig nung lupa bago sinilip ni Roxas ang labas, pero pumasok din sa loob nung may nagputok ng baril. "Tsk, may isa pang nabuhay." Mahinang aniya na narinig ko nang kaunti. 

 

  Tumayo na kami habang hawak ni Reed ang tainga niya. "W-Wala akong marinig." Wika niya at mabilis na iniling-iling ang ulo. 

  Iniakbay ni Jasper si Sir Santos sa kanyang balikat bilang pagsuporta sa pagtayo. "Roxas." Tawag ni Jasper. 

  Nakasandal si Roxas sa pader at naka posisyon ang mga kamay sa hawak niyang baril. "Sa likod ko lang kayo," Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas siya, nakakarinig na kami ng sunod-sunod na pagputok ng baril kaya tumango kaming tatlo bago lumabas at sumunod kay Roxas. 

Tumulong si Reed doon sa pagbubuhat kay Sir Santos. 

  Lumabas kami sa bodega at may dalawang lalaki na sumalubong. Pero sunod-sunod lamang na nag pull ng trigger si Roxas na parang alam na niya kung saan niya itatama 'yung bala. 

 

  Napanganga kami pero kaagad ding gumalaw para makalabas na sa lugar na ito at mahanap si Mirriam. Dahil ilang minuto na lang, gigiba na ang gusaling ito. 

  Pero sana kasama na niya si Lara. 

  Tuloy-tuloy lang kami sa paglabas ng area, at bawat nadadaanan namin ay ang pag activate ng fire sprinklers kaya nababasa na kami. 

Pati ang emergency light, naka-activate na.

  Sa pagtakbo namin palabas ay siyang aking ikinagulat dahil mayro'ng humablot sa kamay ko't ikinulong ako sa mga bisig niya. Napahinto sila Jasper at napalingon sa gawi ko habang sinusubukan kong magpumiglas nang maramdaman ko ang malamig na bagay sa aking sintido. Nakatutok na sa akin ang baril. 

 

  "Sige, subukan n'yo pang gumalaw at papatayin ko 'tong babaeng 'to." Nasakal ako sa ginawa niya dahil sa kanyang panggigil. 

Tumutulo 'yung sarili niyang dugo sa sahig lalo na't nababasa kami ng fire sprinklers. 

  "Haley--!" Lalapitan pa sana ako ni Reed pero sumigaw ako. 

  "Huwag kang lumapit!" Matinis kong sigaw na siya namang nagpahinto sa kanya. Nag-aalala itong nakatingin sa akin at nagpipigil. 

 

  Humalakhak ang lalaking nakahawak sa akin at sinilip ang mukha ko. "Good girl,  you know what you're doing-- Ah, hindi ba't ikaw 'yung kapatid ni Vivien Villafuerte?" Tanong niya sa akin na binigyan ko lang paniningkit na mata kaya humalakhak siya. "Ang galing! Ang galing!" Namamangha niyang sabi at mas idinikit pa sa akin ang front sight ng hawak niyang baril at umatras. "Subukan n'yo lang talagang lumapit, talagang isasama ko 'tong babaeng 'to sa kamatayan!" Tila parang nababaliw na pananakot ng lalaking ito. 

  Nagsalubong ang kilay nila Jasper. Gusto nila akong tulungan pero hindi nila magawa. 

  "Bakit nga pala kayo nandito, ha?" Tanong ng lalaking ito at labas ngipin na tiningnan sila Roxas. "Ah! Hindi kayo pumunta rito para tulungan 'yung babaeng kasama ng lalaking 'yan, 'di ba?!" Tukoy niya kay Sir Santos. 

  Nanlaki ang mata ni Jasper at ibinaba kaagad ang tingin kay Sir Santos na nakatungo dahil sa panghihina. "Babae…?" Kinakabahang banggit ni Jasper na siyang nagpatingala nang kaunti sa ulo ni Sir Santos. 

  "Si Mirriam…" Pangalang binanggit ni Sir Santos. Mahina pero sapat lang upang marinig namin. 

  "Krr…" Panggigigil ko at sinamaan ng tingin ang lalaking may hawak sa akin. "Nasaan 'yung kaibigan ko?" Malumanay pero may panggigigil na tanong ko. 

  "Pfft--" Humalakhak muli ang lalaking ito. "Kaibigan mo? Ah, oo nga pala! Kaibigan!" Patuloy pa rin niya sa pagmamaang-maangan at inilapit ang bibig sa aking pisngi gayun din ang baril na kanina'y na sa aking sintido. "Ano'ng malay ko? Pwedeng pinatay na siya ng kasama ko, o kaya'y ginalaw muna bago pinatay?" 

  Mas suminghap ako sa narinig ko habang galit na galit namang nakatingin si Jasper sa lalaking ito. "Hindi totoo 'yan!" 

  Ibinalik nung lalaki ang tingin kay Jasper. "Bago ako umalis sa kabilang kwarto, ang alam ko pinag-usapan nila kung paano nila gagalawin 'yung babae bago patayin." Panimula niya at itinaas ang kaliwang kilay na may malapad na pagngisi. "Ang ganda ng babaeng 'yun! Girlfriend mo?" Pang-aasar niya kaya makikita sa mukha ni Jasper na nawawalan na siya ng pasensiya. 

  "Sayang naman! Minsan pa naman ako makatikim ng ganoon kasariwa. Nasayang lang din 'yung pagpunta n'yo rito, ito lang madadatnan n'yo." 

  "Jasper, stop. He's just provoking you." Pagpapatigil ni Reed. 

  "Maniwala kayo o sa hindi, pero kahit na sabihin natin buhay pa 'yang kaibigan n'yo." Kumpara kanina ay lumawak na ang pagguhit ng ngisi niya. "She's now broken--" Mabilis kong inilabas ang baril na nakatago sa aking skirt saka ko binaril ang tuhuran ng lalaking ito na siyang nagpabitaw sa kanya sa pagkakahawak sa akin. Iyong baril ay ang ibinigay ni Roxas sa akin kanina. 

 

  Noong humarap ako sa lalaking iyon ay mabilis din niyang itinutok sa akin ang baril at handa ng iputok iyon noong saktong binigyan siya ng bulls eye ni Roxas sa noo. Nawala ang itim na iris sa mata niya habang unti-unting bumabagsak sa basang simento na ngayo'y binubuo na ng sarili niyang dugo. 

  Nakatalikod ako pero nakatingin sa kanya na may kaunting pagnganga nang itikum ko't mabilis na tumakbo paalis. Tinawag ako ng mga kasama ko pero tuloy-tuloy lang ako sa aking dinadaanan. 

 

  Mirriam… Ano'ng gagawin ko kung totoo nga 'yung sinabi ng lalaking 'yon? Paano ako haharap sa'yo kung parte rin 'to ng kasalanan ko kaya tayo napunta sa ganitong sitwasyon? 

  Muling nanginig ang lupa dahil sa malakas na pagsabog sa kabilang gusali dahilan para mapahinto ako't mapahawak sa kalapit na dingding bilang pagsuporta sa aking pagtayo. Inangat ko ang ulo ko para makita ang labas kung saan makikita 'yung pinag-umpisahan namin. 

  Pero mas pinagtuunan ko ng tingin 'yung isang daan na hindi namin nagawang puntahan kanina. Kaya maglalakad pa lang ako noong magulat ako dahil bigla rin itong sumabog. Hinarang ko ng dalawa kong naka-krus at nakayukom na kamay ang mukha ko dahil sa impact ng hangin na pumasok. Dumaplis sa pisngi ko ang bubog kaya napapikit ang isa kong mata at tiningnan ang na sa harapan matapos mawala 'yung force na nanggagaling kanina sa pagsabog. Nagliliyab sa apoy ang lugar kaya unti-unting nanlaki ang mata ko't napahakbang ng isa. "Lara…" 

  "Haley!" Tawag ni Roxas na hindi ko nilingunan. Nakahabol na sila. "Let's go!" 

Hinawakan ni Roxas ang kamay ko upang igiya ako palabas, subalit imbes na dumiretsyo kami sa lugar kung saan 'yung opposite na direksiyon na dapat ay pupuntahan namin. Nagtake na kami ng exit. 

  Sinundan ko ng tingin 'yung lugar na sumabog kanina. "Roxas… Sila Mirriam." Wala sa sarili kong sabi at wala siyang ibang sinagot. Pumasok sa utak ko 'yung mukha ni Mirriam, kaya nanlaki ang mata ko't inalis ang pagkakahawak sa kamay ni Roxas upang puntahan 'yung lugar kung saan posibleng naroon si Mirriam. 

  "Hoy!" Tawag ni Roxas habang tinawag naman nila Jasper ang pangalan ko. 

  Nakarating na ako sa harapan nung pintuan, nanlalaki ang mata dahil wala akong ibang makita sa paloob kundi mga nasusunod na bagay lamang at ang maiinit na pagliyab ng apoy roon. "Mirriam. Lara…" Akmang papasok pa sana ako pero kinuha na ni Reed 'yung kamay ko. 

  "Haley! Calm down!" Malakas niyang sigaw subalit tulala lamang ako sa kawalan. Hawak niya ang mga balikat ko, at sobrang higpit no'n, nasasaktan ako. "Do you want to die?!" Galit na tono ng kanyang pananalita na hindi ko inimikan. 

  "We have to save them." Walang buhay kong wika. Nakita ko sa peripheral eye view ko ang panggagalaiti ni Reed saka niya ako binuhat na parang isang prinsesa. Lumabas na kami sa lugar na iyon habang sinusuntok suntok ko ang mukha niya para bitawan ako. Pero tinitiis lamang niya ang aking pananakit. 

  "Bilis!" Rinig kong sabi ni Roxas dahil ilang minuto na lang at masisira't gigiba na ang gusaling ito.

  Nakalabas na kami sa gusali ng B.R.O at tumakbo palayo sa lugar na iyon. Umakyat kami sa taas kung saan kami nanggaling. 

Ibinagsak ako ni Reed sa lupa ngunit balak ko pa sanang bumaba dahil iniisip ko na baka makaabot pa pero inihiga ako ni Roxas para pumatong sa akin. Nagulat si Reed sa ginawa nito. "Oy--" 

  Hinawakan ni Roxas ang mga pulso ko. "Haley, listen to me. We can't save them." Marahang ani Roxas kaya mas lalo akong nagpupumiglas. Sinubukan ko rin siyang sipain sa likod. 

  "Let go! Let go, Roxas!" 

  Huminga siya nang malalim para ikalma ang sarili. "Kapag pumasok ka sa loob, mamamatay ka!" 

  "I said let GO!" Nakawala ako sa hawak ni Roxas kaya nasiko ko siya. Kinuha  ko ang baril at itinutok sa kanya. Galit na galit ang tingin ko sa kanya samantalang napasinghap naman sila Reed. 

  Blanko lang ang tingin sa akin ni Roxas habang nakatutok sa kanya ang baril na hawak-hawak ko. "Go ahead, kung tingin mo iyan ang makabubuti." Sa galit at pagod na nararamdaman, lumalakas ang pagtibok ng puso ko. Hinihingal din ako. 

  Wala akong nagawa kundi ang mapakagat labi lang at dahan-dahang ibinaba ang hawak na baril kasabay ang pagbitaw. Nanghina ako bigla. 

Umalis na rin si Roxas sa pagkakapatong sa akin kaya nakatungo na lamang ako. 

  Bumagsak na ang gusali, sumabog din ang iilan sa mga area kaya mas lalong nagigiba ang lugar. 

Napaluhod na lamang si Jasper sa lupa habang tulala naman si Reed na nakatingin sa gusali ng B.R.O. 

  Ito ba ang kapalit ng paglaho ng panganib na patuloy na humahabol sa akin? 

Ang pagkawala ng dalawang tao na inaakala kong mananatili? 

***** 

Next chapter