webnovel

Contrast

Chapter 38: Contrast

Reed's Point of View 

1st of November, wala kaming pasok hanggang 4th of November dahil sembreak. Kung isasama ang weekend, anim na araw kaming walang pasok kaya mahaba-haba ang pahinga namin mga estudyante. Pero nag-iwan ang bawat titser namin ng vacation homework. 

Isinuot ko na ang puti kong polo at inayos ang aking buhok. Dadalaw ako ngayon sa simenteryo kasama si Haley at ang ang kanyang magulang. Panigurado marami nanamang tao sa simenteryo. 

May kumatok sa pinto ko saka ito binuksan. Nilingon ko si Kei na nakasilip.

"Na-text ko na si Haley na hindi ako makakapunta, pasensiya na rin kung hindi ko madadalaw si Rain. Pero susunod na lang ako kung tingin kong maluwag na 'yung oras ko. Kailangan ko lang talagang matapos 'yung ginagawa ko." 

 

Pinagpagan ko ang damit ko 'tapos humarap kay Kei. "Hindi ba't trabaho 'yan ng mga tao sa Student Council? Bakit ikaw ang gumagawa ng mga trabaho nila?" Kunot-noo kong tanong na ikinahagikhik niya.

"Nag volunteer ako na tutulong ako, saka kailangan ko rin nang kaunting training." Pilit na pag ngiti niya kaya nagpameywang ako.

"Naghahanda ka na pala, ano? Sabagay, kapag nag college tayo, ikaw na rin 'yung maghahawak sa E.U." Saad ko at labas sa ilong na nginitian siya, "Oh, siya. Gawin mo na dapat mong gawin. Aalis na rin ako ngayon." 

Tumango siya. "Ingat kayo nila Haley, ah?" Pagkaway niya at bago pa man niya isaara ang pinto, nang-aasar pa siya. "Pupunta kayo sa simenteryo, ha? Baka nakakalimutan mo't nakapamporma ka ngayon." 

Namula ako 'tapos dikit-kilay siyang tiningnan. "A-Alam ko!" Bulyaw ko na tinawanan niya bago tuluyang isara ang pinto. Humarap ulit ako sa salamin para tingnan ang sarili pagkatapos at tiningnan ang table calendar na nakapatong sa gilid ng study table ko. Ilang araw na lang din pala, birthday na ni Haley. 

Inilipat ko naman ang tingin sa plush toy chick sa tabi ng unan ko. Iyan na siguro 'yung mga tamang pagkakataon na ibigay 'yan sa kanya pero,

Lumapit ako ro'n saka ko binuhat ang plush toy na 'yon para amuyin. "Ibalot ko ba ulit sa plastic?" 

Tumunog ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng cabinet kaya dali-dali kong kinuha iyon at tiningnan ang screen. Unknown number ito pero sinagot ko pa rin. Idinikit ko ang phone sa aking tainga, tinanong kung sino ang na sa kabilang linya. 

"Mag-iingat ka sa mga taong nakakasama mo." Pahayag niya na nagpakunot-noo sa akin. Inilayo ko ang phone sa tainga ko upang tingnan ang screen na ibinalik ko rin kaagad sa aking tainga. 

"Sorry, prank ba 'to? Sino 'to?" Naguguluhan kong tanong. 

"Hindi lahat ng taong nakakasama mo, totoo. Baka 'yung taong gustong-gusto mong makita ngayon, may tinatago na pala sa'yo." Malalim ang boses ng lalaking na sa kabilang linya, medyo malamig din ito kaya kinikilabutan ako. 

Nagsalubong ang kilay ko. "Wrong number po kayo." Sabi ko na lang bago ko pinatay 'yung tawag nito. Hinintay ko pa nang ilang sandali pero hindi na muli itong tumawag, kaya baka prank nga lang. 

Lumabas na lang ako sa kwarto at bahay matapos kong gawin ang dapat upang mapuntahan ko na ang bahay nila Haley. 

Na sa tapat pa lang ako ng bahay nila ay naririnig ko na 'yung ingay sa loob, wala namang nag-aaway pero-- 

Mabilis kong tinakpan ang ulo ko ng dalawa kong kamay kasabay ang pagyuko noong may paparating na plantsa sa akin. Malakas na ingay ang aking narinig kasabay ang pagtaas ng balahibo ko na napalingon sa nasirang plantsa sa simento. Nabasag ang gilid nito at natanggal din ang metal sa ilalim. E-Eh?

Napatayo ako't napaatras nang buksan ni Tita Rachelle ang gate, takip-takip niya ang mukha niya at kumaripas ng takbo habang umiiyak. Sumunod naman si Tito Joseph para sundan ang kanyang asawa. "Nagbibiro lang ako! Huwag kang tumakbo, mahal! 'Yung baby natin baka maalog!" Pag-aalala na sigaw ni Tito Joseph na hindi na ako napansin. 

Tumaas ang kaliwa kong kilay pero lumingon din kay Haley na kakalabas lang din ng bahay. Nakasuot siya ng itim na bestida na may disenyo ng mga rosas, nakatali rin ang buhok niya ngayon kaya nakikita ng maaliwalas ang kanyang mukha. Pero napatingin ako sa gilid ng leeg niya. Mayro'n pala siyang nunal diyan? Ang cute. 

Bumuntong-hininga siya 'tapos inilipat ang tingin sa akin. 

Humarap naman ako sa kanya. "G-Good morning." Bati ko sa kanya na tinanguan niya. "Ang sigla ng umaga n'yo ngayon." Pag ngiti ko pero muli lang siyang bumuntong-hininga. 

"Ginising nila ako nang maaga para lang ipatikim sa akin 'yung new recipe kuno ni Mama." Humawak siya sa noo niya. "At wala akong ideya kung ano ang ginawa ni Mama para magkagano'n ang lasa." Parang inaalala pa niya 'yung natikman niyang putahe. 

Ibinaba na niya ang kamay niya. "Hindi sila matutuloy kaya tayong dalawa lang ang pupunta ngayon sa simenteryo." 

Umangat ang mga kilay ko, nagpipigil din ako ng ngiti para hindi ako mapaghalataan. 

Tumagilid ako ng tayo 'tapos ay napahawak sa aking batok. "A-Ah, gano'n ba? S-Sa-Sayang naman kung hindi makakasama sila Tita." Sambit ko habang nakatingala pero nang ibaba ko ang tingin kay Haley, naka-bored look lang siya na animo'y sinasabi niya sa akin na nagmumukha akong tanga kahit ako lang talaga ang nag-iisip niyon. 

Humawak siya sa strap ng shoulder bag niya at tiningnan ako ng diretsyo sa mata. Umawang-bibig siya, akmang may sasabihin noong hindi na lamang niya itinuloy, itinikum na lamang niya ang kanyang bibig. "Pumunta na tayo 'agad para makauwi tayo nang maaga." Anyaya niya sa akin. "Hindi ko nakikita 'yung sasakyan mo." Pagbaling niya ng tingin sa likuran ko na parang inaasahan niya na mayro'n siyang makikitang kotse. 

Umiling ako. "Coding ang sasakyan ngayon," Sagot ko. 

"I see," Nauna na siyang maglakad, susundan ko na rin sana siya subalit may tanong siya na nagpatigil sa akin. "How come that you're not traumatized? Ikinamatay rin ng magulang mo ang pagsabog ng sasakyan, 'di ba?" 

Huminto nga ako sa paglalakad lalo pa nung pumasok sa utak ko 'yung pagtalsik ng ulo ng isa sa magulang ko dahilan para ako'y mapahawak sa aking bibig. 

Pakiramdam ko, masusuka nanaman ako. "Pinili kong hindi matakot, Haley. Kung pananatilihin ko 'yung sarili kong nakalingon, 'di ko magagawang makita 'yung pwedeng mangyari sa harapan ko, maaaring hindi ko makita 'yung totoo dahil hindi ako umaalis sa dilim na iyon." Aking tugon habang nanlalamig na ang papalabas kong pawis.

Inihinto rin niya ang kanyang paglalakad upang humarap sa akin. Kaya nakikita niya kung ano ang ginagawa kong mukha ngayon. 

'Di pumasok sa isip ko na magagawang tanungin 'to sa akin ni Haley ng walang pag-aalinlangan. Para talagang ibang tao siya. 

"Hindi lahat ng taong nakakasama mo, totoo. Baka 'yung taong gustong-gusto mong makita ngayon, may tinatago na pala sa'yo." Naalala kong sabi nung taong tumawag sa akin kanina. 

Nang dahil doon, may isang kaisipan ang pumasok sa isip ko na alam kong hindi pwedeng mangyari. 

Muli siyang humarap sa akin, sumabay rin ang malakas na pag-ihip ng hangin. 

Sumasayaw na ngayon sa ere ang mga buhok ni Haley, napatitig din ako sa mga mata niya na walang buhay na nakatingin sa akin.  

"Bibigyan kita ng isang payo, Reed Evans." Panimula niya na hindi ko inimikan. Nag-iba bigla ang tono ng boses niya. "Hindi lahat ng pangyayari na gusto mong makita, na sa harapan. Kung hindi ka lilingon, 'di mo malalaman kung ano ang katotohanan na hinahanap mo sa kasalukuyan." 

Bumuka ang bibig ko sa sinabi niya. 

Sandali, saan ba 'to papunta?  

"Pababalikin kita sa nakaraan." Saad niya na nagpagulo sa isip ko. 

Haley's Point of View 

Walang buhay akong nakatingin sa ibaba ng sahig. Nakapagpahinga na nang matagal ang katawan ko pero parang wala pa rin akong lakas. Pagod na pagod ako, wala na akong lakas makapag-isip.

Gusto kong matulog, pero hindi ko magawa kaya nakaupo na lang ako rito habang yakap-yakap ang mga binti ko. 

 

"Say," Panimula ko para pumukaw ang atensiyon ng Roxas na iyon sa akin. 

Nagpupunas siya ng baril niya na hanggang ngayon, 'di ko pa rin maiwasang isipin na laruan lang. Pero noong bumagsak at pumutok siya kanina. Natakot na ako. 

Nakita ko ang paglingon ni Roxas sa akin mula sa aking peripheral eye view. 

"Am I a nuisance to her?" Tanong ko at yumuko. "Malayong malayo na si Lara sa nakilala ko.

Parang nilagyan niya ng harang 'yung sarili niya." Litanya ko saka lumitaw sa utak ko 'yung mga mukha ni Lara, 'yung blanko pero malamig na paraan ng kanyang pagtitig. "Marami nangyari sa kanya ng wala akong kaalam-alam, na hanggang ngayon ay mahirap pa rin talagang paniwalaan." 

Lumingon ako sa kanya." Pero hindi ba niya ako hahayaan na umalis dito para tulungan siya?" Tila parang napapagod kong sambit. 

Tumtig muna siya sa akin bago niya ibaba ang baril sa lamesa na may iilang magazines na nakapatong.

Tumayo siya para lumapit sa akin at huminto sa gilid ko.

"Hindi ko gaano maintindihan 'yung mga ganitong klaseng bagay," He paused. "Pero ang masasabi ko lang siguro, kung ako ang na sa kalagayan ng kapatid mo. Hindi ko hahayaan na mapahamak 'yung mahalagang tao sa akin at mas gugustuhin ko pang mag trabahong mag-isa."

"Then how about me? Hindi ba niya iniisip 'yung nararamdaman ko?" Paghawak ko sa aking dibdib. 

Ayoko ng ganito... Gusto ko ng makawala! 

"Magkaiba kayo ng mundo." Saad niya na nagpasinghap sa akin. Simpleng salita pero napahinto ako, may kung anong kirot ang tumusok sa puso ko. "Iba ang buhay na kinalalagyan n'yong pareho. Kaya gusto ko rin malaman mo kung bakit 'to ginagawa ng kapatid mo, at bakit ito ang naging desisyon niya para sa inyong pareho." Nagsalubong ang kilay niya. "May ideya ka sa kaunting sikreto ng mundo, pero 'di pa nakikita ng dalawa mong mata ang katotohanan na matagal ng nakatago." 

Napakagat-labi ako. Kung ganoon, mas kailangan kong tulungan 'yung kapatid ko...

Ano ba'ng dapat kong gawin? 

Bakit kahit ilang beses kong ipakita sa iba na matatag ako, dumadating pa rin ang mga bagay na nagpapahina sa akin? 

Tinakpan ko ang buong mukha ko ng dalawa kong kamay upang 'di makita ni Roxas ang muli kong pag-iyak. Pumikit ako nang mariin at mas diniinan ang pagkagat ko sa ibabang labi.

Hanggang kailan ba ako mananatili rito?

***** 

Next chapter