webnovel

The Night Party

Chapter 11: The Night Party 

Reed's Point of View 

"Pumunta lang ba kayo rito para guluhin 'yung gamit ko?" Pinulot ni Jasper 'yung isang game na binato ko sa kama niya. Kasalukuyan kaming na sa kwarto niya para magpalipas ng oras habang hindi pa nagsisimula ang night party na in-organize ni John na ini-sponsor-an naman ng Smith. Si Kei ang nag ask for approval dahil hindi 'to pwede sa school lalo pa kung walang consent ng magulang. 

Isinagawa 'yung party para sa once in a life time event na kami-kaming magkakaklase ang magkakasama dahil ilang buwan na lang ay matatapos na ang High School year namin. Ga-graduate na kami. 

Pabagsak na humiga si Harvey sa kama ni Jasper, ipinatong ang likurang palad sa noo habang patuloy lang sa pagbabasa. Samantalang naghahanap naman ako ng pwedeng malalaro. Masyado kasing marami kaya hindi ko alam kung ano 'yung pwedeng subukan. 

"P're! Naka arranged na 'yan!" Hindi ko pinakinggan si Jasper at patuloy lang sa paghahanap ng laro, tinutulak-tulak ko sa kaliwa 'yung mga bala. 

"Pagdating sa mga games mo, ang ayos ayos mo pero pagdating sa classroom wala na, ikaw pa man din 'yung naturingang leader ng Cleanliness" Inis siyang kumamot sa ulo.

"Hindi naman ako 'yung magiging officer kung hindi lang ako 'yung ni-nominate n'yo, eh!" Katwiran niya pero hinipan ko lang 'yung bangs kong humarang sa mukha ko. 

Hindi ko inimikan si Jasper at patuloy lang sa paghahanap ng pwedeng malalaro, hanggang sa mapunta ako sa kabilang game shelves. Oo, ganyan karami ang laro niya sa loob ng sariling kwarto. Kaya nga ang tawag sa kanya noon, Game Master

Sabi ko nga rin sa kanya mag stream na lang siya para naman may pakinabang 'yung pagiging adik niya sa video games. 

Sa paghahanap ko ng mga games ay may makita akong isang litrato sa pinakagilid, at halos mapasinghap ako nang malaman ko kung sino ang nasa loob ng litratong ito, tinakpan ko ang bibig ko at dahan-dahang tiningnan si Jasper.

"H-Hoy" Tawag ko sa kanya na nilingon naman niya, at nang mapatingin siya sa hawak ko ay mabilis na namula ang mukha niya. "Bakit ka mayroong ganit--" Hindi ko pa nga natatapos 'yung sinasbai ko ay mabilis na niyang hinablot sa akin 'yong litratong iyon.

Iyon 'yung na sa beach kaming anim, kung saan nakasuot si Mirriam ng bikini.

Inipit ni Jasper ang picture sa notebook niya at tumalikod, lumapit naman ako sa kanya at pabirong sinuntok ang braso niya. "Gag* ka, naiintindihan kong nililigawan mo si Mirriam pero seryos--" Tinakpan niya ang bibig ko.

"M-Mali ka! Hindi ko gagawin 'yan!" Pulang pula niyang bulyaw bago alisin ang kamay na nakatakip sa aking bibig, humarap naman ako sa kanya at binigyan siya ng nakadududang tingin. 

"Ulol. Maniwala ako sa'yo." 

Tumungo siya. "T-Totoo na pinapantasya ko si Mirriam pero hindi ko 'to ginagamit!" Hiyang hiya niyang sabi, kumpara kanina mas namula yung pisngi niya. This is the first time I've seen that kind of reaction. 

"Eh, ano 'yan?" Nguso ko ro'n sa litratong hinablot niya sa akin. "Ba't ka may ganyan?" Dugtong kong tanong. 

Malakas itong nagpakawala ng buntong-hininga at inis na kinamot ang batok. "Kinuha ko 'to sa isang stalker noong Summer. Sinira ko pa 'yung camera niya para wala siyang makuhanan na litrato kina Kei gano'n din sa ibang babae."

Hindi nakikisabay sa usapan si Harvey pero alam mong nakikinig siya. Kanina pa niya hindi tinu-turn 'yung page, eh.

Iniipit na nga lang ni Jasper 'yung litrato sa notebook at kumamot sa pisngi niya gamit ang kanyang hinlalaki. "At isa pa... Sayang din naman kasi kung susunugin ko kaya tinago ko na lang."

Humalukipkip ako't tumangu-tango. "Sabagay." Sambit ko saka nag vibrate ang phone ko sa heart beat pattern, senyales na may bagong post si Haley sa Eyebook o may nag tagged sa kanya. 

Binuksan ko ang application at bumungad kaagad sa akin 'yung post ni Kei. Silang tatlo nila Mirriam at Haley 'yung nandoon sa photo at wala pang 2 minutes pero nasa thousand of likes na 'agad. Marami ring comments na puno ng mga papuri. 

"Oh..." Paggawa ko ng pagkamanghang tunog. Sinilip ni Jasper 'yung tinitingnan ko. "Mga nakaayos na pala sila, eh-- Ah! Mirri!" At animo'y naging puso 'yung mata ani Jasper nang makita niya si Mirriam. 

Hindi pa nila suot 'yung mga dress nila at mga nakapambahay pa lang pero handa na 'yung mga make ups nila. 

"Ah--! Nag comment si brother-in-law." Tukoy ni Jasper kay Jin kaya pinatay ko na nga lang 'yung phone ko't lumakad palayo sa kanya. Naasar ako bigla.

"Bro, chill. Where 'ya goin'?" Tanong ni Jasper pero binuksan ko lang ang pinto at lumabas sa kwarto niya. Dahan-dahan kong isinara 'yung pinto habang nakayuko. 

Nagsisimula na akong panghinaan ng loob. 

***

5:46 PM

Narito pa rin kami sa kwarto ni Jasper at naghihintay pa ng ilang oras bago kami dumiretsyo sa convention na malapit-lapit lang din sa E.U. 

6:30 kasi ang call time at may ilang oras pa kaming natitira para makapag prepare. 

Nakapatong lang ang siko ni Harvey sa nakaangat niyang tuhod nang mapatingin siya kay Jasper na dikit-kilay na nakasilip doon sa bintana. 

Pumunta rito si Ate Yiah para magsabi na aalis muna siya, mukha rin siyang may pupuntahan dahil nakaayos siya't nakaporma. "Bakit hindi mo ihatid kung nag-aalala ka riyan?" Tanong ni Harvey nang maibaba ang librong binabasa niya. 

"G-Gusto ko pero--" Biglang inilabas ni Jasper ang dalawa niyang kamay na nakapamulsa kanina. "Nakalabas na si ate Yia-- Hoy! Loko 'tong mga tambay na 'to, ah! Ba't napadpad dito? Teka lang, lalabas ako." Nagmartsa siya palabas ng kwarto na sinundan ko ng tingin. Padabog niyang isinara ang pinto na nagpatitig sa akin. 

Naramdaman ko ang paglingon ni Harvey sa akin. "May naku-kwento bang kahit na ano sa 'yo si Haley?" Naniniguradong tanong niya sa akin kaya ibinaling ko 'yung tingin sa kanya. Nandito kasi ako sa gaming chair ni Jasper nakaupo. 

"Bakit?" Taka kong sabi. 

Nanahimik siya sandali 'tapos itinapat na nga lang ang libro sa mukha niya upang magbasa ulit. "No, it's nothing. But keep your eyes on her, wala tayong ideya kung mayro'n nanaman siyang tinatago sa 'tin." 

Inalis ko ang likod ko sa pagkakasandal at seryoso siyang tiningnan. "May napapansin ka ba sa kanya? Kay Haley?" Tanong ko. 

Inilipat niya ang pahina nung librong hawak niya. "Wala, pero sa mga taong nakapaligid sa kanya, maaari." 

"Ano 'yon?" Tanong ko kaya muli niyang inangat ang tingin sa akin saka niya isinara ang libro. Pumikit sandali bago inilipat ang tingin sa may bandang bintana. 

"May nagmamasid sa kilos ni Haley." Sagot niya na nagpagulat sa akin dahilan para mapatayo ako mula sa aking kinauupuan. 

"Nagmamasid? Edi--" 

Nanliit ang paraan ng kanyang pagtingin. "Pero wala akong maramdaman na kahit na anong masamang intensiyon mula sa kanya. Hindi ko maipaliwanag pero sana mali 'tong iniisip ko." Pagbaba ng tingin niya. "...dahil imposible." 

"Ha? Hindi ko maintindihan." Naguguluhan kong saad, umalis siya sa kama at tumayo. 

"Basta palagi mong babantayan si Haley. Ayusin mo ulit 'yung Tracking Device kung tingin mong 'di pa 'yun sapat para gamitin," Seryoso niyang wika na nakatalikod sa akin, pero lumingon noong mayro'n pa siyang sabihin. "...nang hindi mo pinapaalam sa tatlo." Tukoy niya kina Kei. 

I nodded. "Nasabi nga sa 'kin ni Jasper na mayro'n ng trauma si Mirriam ng dahil sa nangyari nung nakaraan" Tinutukoy ko 'yung trahedya na involve si Ray. "Ayoko rin na mag-aalala pa sila kung malaman nila 'to. Also, knowing Haley. Hindi n'ya papalagpasin 'yung mga ganitong bagay, mahilig siyang sumugod sa mga disgrasya." 

Humarap siya sa akin at tumango. Mayamaya nang makarinig naman kami ng malakas na mura ni Jasper dahilan para pareho kaming mapalingon ni Harvey sa pinanggalingan nung boses. 

Pumunta kaagad kami sa bintana upang silipin kung ano ang nangyayari. Hawak-hawak ni Jasper ang kwelyo ng isang lalaki habang hawak naman ng dalawa pang lalaki ang ate niya, tiningnan namin ni Harvey at isa't isa at wala ng sabi-sabi ay kaagad na kaming bumaba.

Mirriam's Point of View 

Nandito na kami sa convention kung saan gaganapin ang party. Nauna na kami gamit ang sasakyan ni Reed na hiniram ni Kei dahil hindi naman namin matawagan 'yung tatlo ay panay ring lang ang mga cellphone nila. 

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan matapos makapag park si Kei, 'tapos lumabas na gayun rin si Haley na makikita mo pa rin sa mukha niya na hindi siya kumportable sa suot niya. Ibinababa niya kasi 'yung dulo ng dress niya. Sexy! 

"May text na ba sila?" Tanong ko kay Haley na ngayon ay nasa tabi ko, tiningnan niya ang cellular phone niya at nag check muli ng message.

Kumunot ang noo niya at umiling. "Wala" Tipid nitong sagot.

Ngumiwi ako't napairap sa kawalan.

"Seriously, what the heck are they doing?" Kumento ko. 

"Girls" Nilingon namin si Kei na ngiting papalapit sa amin. Mapapatitig ka talaga sa kagandahan nung mukha niya pero mas pumukaw sa atensiyon ko 'yung malaki niyang dibdib kaya napasimangot si Haley at hinampas ang braso ko.

"You're staring too much." Suway ni Haley. 

Humawak ako sa brasong hinampas niya. "I-I'm not looking!" Bulyaw ko at napasimangot. "Mayro'n din naman ako." Paglayo ko ng tingin pero nakita ko 'yung pag-angat ng mga kilay ni Haley na may kasamang pag ngisi. 

Pagkatapos ay nagulat na lang ako nang hawakan niya ang pareho kong dibdib. 'Tapos napasinghap siya't dahan-dahang binawi ang mga palad niya upang tingnan ito. "My life is a lie, I thought I have a companion." Nanginginig ang mga mata niya habang sinasabi niya iyon 'tapos iritable akong tiningnan. "I thought you were using pads!"

I blushed. "S-Shut up! Gumagamit lang ako ng sports bra kaya mukhang maliit! Nakita mo na dapat 'to habang naliligo tayo!" 

Humalukipkip si Haley at ngumuso. "Mas kapansin pansin kasi 'yung boobs niya." Pagkibit-balikat niya kasabay ang paghinto ni Kei sa tapat namin. 

She's smiling as her eyebrows furrowed. "M-Mamaya na 'yung girls talk, kailangan na nating pumasok dahil ilang minuto na lang bago 'yung call time." 

Nag-alanganin ang mukha ni Haley. "P-Parang ayoko munang pumasok." 

Natawa naman ako nang pilit. "S-Same." 

***** 

Next chapter