"She's okay, busy sa studies niya. Kailangan kasi niya mag-seryoso sa studies niya para hindi mapagalitan ng papa niya—" nanlaki ang kanyang mga mata nang maalala niyang katauhan nga pala niya ang na kay Hyoscine. "I mean, she's okay."
Tumango-tango ang kausap. Naputol ang pag-uusap nilang dalawa nang mag-ring ang phone niya, hindi naka-register ang numerong tumatawag sa kanya, pati ito ay nakiusyoso na din, saglit pa nang sagutin niya ang tawag.
"Hello Twyns!"
"Cloud?"
"Yes, it me!" masayang sagot ng lalaki sa kabilang linya. Oo nga pala at nagkapalitan sila ng number nito last time, nagka-kumustahan sila ng lalaki at pinapasabi daw ng mama nito na dumalaw naman daw siya sa bahay ng mga ito dahil ipaghahanda siya nang masasarap na pagkain, his parents were chefs in a big restaurant. "Sabihan mo lang ako ah, para masundo kita. Miss ka na kasi nina mama, alam mo na, disadvantage ng solong anak." Natatawang sabi nito.
"Sure Cloud, regards kina ninang at ninong. Ingat. Bye." Tuluyan na siyang nagpaalam sa kinakapatid, saka uli siya bumaling sa kasamang lalaking noon ay hindi maipinta ang mukha nito.
"Are you alright, Yas?" nagtatakang tanong niya. "Hindi ba masarap 'yang burger na ginawa ko?"
"It's delicious," sagot nito. "The guy who called you, siya din ba 'yong guy yesterday?"
Mabilis siyang tumango. "Si Cloud. Kaedad mo siya also an engineering student. Magkakasundo kayo kapag nagkakilala kayo nang mas mabuti." Nakangiting sabi niya.
"No, thanks." Mabilis na sagot nito.
"He's fun to be with and for sure you'll get along since mahilig kayong dalawa sa drawings and numbers,"
"No,"
"Bakit hindi tayo lumabas na apat nina Twynie, para magkakilala kayo, I bet, wala ka pang masyadong friends dito, pwede mo din isama si Brain—"
"Brain is busy with his studies," anito, tila nagbago ang ugali nito—kanina lang ay nakangiti na ito, ngayon ay para itong makikipagbakbakan sa hitsura nito. "Kung close kayo niyang si Cloud, bakit ako pa ang ginamit mong pretend boyfriend?"
"Ha?"
"Why?"
"D-dahil ikaw lang ang may larawan sa phone ko bukod kay JB!" sagot niya. "Galit ka ba? Pwede ko namang ipagtapat sa lahat na hindi talaga kita boyfriend, baka nga naman kasi napilitan ka lang noon dahil naaawa ka sa akin." Hindi ito nakasagot, naisip tuloy niyang silence means yes, kaya kumirot ang puso niya. Baka nga nagkakagusto na din ito kay Hyoscine. "Sorry na." malungkot na sabi niya saka na siya mabilis tumayo sa kinauupuan niya para lisanin ang lugar nang mabilis na may humawak sa kamay niya para pigilan siya, mabilis siyang bumaling sa lalaki.
"Sorry." Ani Yasser sa kanya.
Mabilis siyang umiling-iling. "Ako naman talaga ang may kasalanan e, hindi ka sana napasubo sa gusot na 'to."
"Pero hindi naman ako nagre-reklamo sa nangyayaring ito, I was just asking bakit hindi si Cloud—at bakit ako—pero sabi mo nga, ako lang ang picture na nasa phone mo maliban kay JB."
"Babawi na lang ako sa 'yo, ano bang gusto mo?"
Nag-isip muna ito bago sumagot. "Let's travel together!"
"Kasama si Twynie?"
"No. Just the two of us."
"Ano?!"
"Eh, ikaw lang naman ang gustong bumawi, e." nakangiting sabi nito. "I want to go to different places and you're my human map."
"Are you sure ako ang gusto mong makasama?"
"Oo, Ms. Twynsta Ranillo, ikaw lang, period!"
Mabilis siyang napatalikod sa kaharap na lalaki dahil hindi na niya napigilang mapangiti dahil sa labis na kilig. So, ganito pala ang feeling kapag niyaya ka ng crush mo na mag-travel kasama siya; ang bilis ng tibok ng puso niya at high na high ang feeling niya! Pakiramdam tuloy ni Twynsta nang mga sandaling 'yon ay kamukha at kasing sexy niya si Ms. Universe 2015, Pia Wurtzbach.
DEAR DIARY,
Niyaya ako ni crush na mag-travel kasama niya! Gustong-gusto ko na magtititili kanina, buti na lang napigilan ko. Grabe 'yong lakas ng tibok ng puso ko kanina, feeling ko anytime ay maririnig niya ang pagpintig niyon. Hindi ko tuloy alam kung panaginip lang ba ang lahat o totohanan—pero isa lang ang masisigurado ko, nang kurutin ko ang sarili ko ay nasaktan ako!
Gosh! This will be my very first travel with a non member of the family—dagdag pa na crush at bff ko siya. I'm so happy, sana hindi na matapos ang kasiyahang ito. Kung sana lang ay may lakas na ako ng loob na sabihin ang katotohanan sa kanya na ako talaga si Twynie, kaya lang ayokong ma-disappoint siya—ayoko na din tuloy umasa na ginagawa niya ito dahil sa kung anuman—baka gusto lang talaga niyang mamasyal at ako ang napili niyang kasama dahil abala nga naman sa pag-aaral si Twynie este si Hyoscine.
Gayunpaman, excited na akong makasama siya nang buong araw ng sabado, next week. Ngayon pa lang ay magpapaalam na ako sa mga magulang ko.
Salamat diary, I love you!
Love,
Twynsta