webnovel

Chapter 22 - Havoc

Lei

Pangamba.

Nilulukob na naman ang buong sistema ko ng walang katapusang pangamba. Heto na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa matinding pag-aalala.

Sa tingin ko nga, lahat kami ay iisa lang ang nararamdaman habang pinagmamasdan ang mga pictures na nakalatag sa pabilog na mesa. Para kaming nasa kalagitnaan ng emergency meeting dahil lahat kami nagtitipon tipon ngayon dito sa sala.

Sino ba namang hindi mababahala sa mga pictures na ito? It was a picture of people who turned into stone. I recognized some of them as my schoolmates. Lagpas sampung katao na ang mga nabiktima at baka nga sa mga sandaling ito nadadagdagan pa ito.

Ito pala ang dahilan kung bakit kami sinadya ni Andrea dito sa condo na tinutuluyan namin, para ibalita sa amin ang kahindik hindik na kaganapan sa Westview. Hindi na ito nabalita dahil nagawan na ng paraan ng mga magulang ni Austin na maharang ang media. Mas makakabuti raw yun para hindi na ito magdulot pa ng takot sa mga tao. Baka magkagulo pa lalo ang buong lungsod.

"Afea," matigas na sambit ng mama ni Janus. Lahat kami napalingon sa kanya. Nakakuyom ang isang kamay nito. Bakas din ang pagkabalisa sa kulay brown na mata nito.

"Ano po yun?" nagugulahang tanong naman ni Elliot.

Napahimas na lang sa kaliwang sentido niya si tita. "Afea, the serpent lady," mahinang tugon nito.

Marahas na napabuga ng hangin ang papa ni Austin. Hindi naitago ng suot nitong salamin ang pagdilim ng mga mata nito. "Isa siyang nilalang na kayang gawing bato ang sinumang mahawakan niya," tipid na paliwanag nito.

"Hindi lang yun. She's sucking their life force, hinihigop niya ang lahat ng enerhiya nila turning them into a lifeless stone. Ilang taon din siyang naghasik ng lagim noon sa Sehira, pero nagawa siyang maikulong noon nina Sadreen at Semira. Hindi namin akalain na magagawa siyang palayain ni Daphvil. Marahil sa pagkawala ni Semira, humina na rin ang kapangyarihan na nagkukulong sa kanya. Masyado itong mapanganib, hindi biro ang nilalang na makakalaban natin," dugtong pa ng mama ni Austin. Ramdam kong hindi niya intensyon ang takutin kami ngunit nagbababala ang tono ng boses nito.

"Kung ganun, kailangan nating bumalik sa Westview! Nasa panganib ang mga tao dun!" Hindi ko na maitago pa ang pangamba sa boses ko. Paano kung malagay sa panganib ang mga mahal namin sa buhay, na naiwan namin doon?

"We can't go back there, Lei," walang pag-aalinlangan na sambit ni Fina.

Tumaas bigla ang isang kilay ko dahil sa mariing pagtutol niya. Napaiwas siya ng tingin sa akin at kagat labing napayuko. Tama ba ang mga salitang narinig ko mula sa bibig niya?

"Ayaw mo? Natatakot ka ba? Pwes, maiwan ka at kami na lang ang babalik doon!" Wala sa loob na bulalas ko.

Nag-angat siya ng tingin. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa akin, kaya nakipagtagisan din ako ng tingin sa kanya.

"Alam mong hindi ganun kadali ang gusto mo!" Bahagyang tumaas ang boses niya, nanginginig din ang mga labi niya. "Sino bang may ayaw na bumalik dun? Sino bang hindi nag-aalala kung ligtas ba ang mga mahal natin sa buhay o hindi? Lahat tayo pare-parehas lang ang nararamdaman, hindi lang ikaw, Lei. Pero sana intindihin mo ang sitwasyon natin. Hindi tayo pwede magpadalos dalos at basta na lang sumugod dun. Huwag mong kalimutan kung sino tayo at kung ano ang misyon natin!"

"Misyon? Hindi ba ito ang misyon natin? Ang protektahan ang mundong 'to?" Napakagat na din ako sa ibabang bahagi ng labi ko. Nagsisigawan na kaming dalawa. Ito ang unang beses na nagtalo kami ng ganito. Naramdaman kong nag-iinit na ang mga mata ko kaya napatingala na lamang ako para pigilan ang pagbagsak ng luha ko.

"Lei, hindi ito ang tamang oras para ipilit ang gusto mo. Alam mong tama si Fina, hindi tayo pwedeng bumalik agad sa Westview," giit pa ni Austin. Nagkampihan pa talaga sila.

"At ano? Uupo lang tayo dito at hahayan ang mga tao doon na maging bato at mamatay? Hahayaan nating madamay ang mga inosente at walang kalaban-laban? Hanggang kailan tayo magtatago dito? Kapag naubos na ang mga tao sa mundong ito?" I pause while I was trying to catch my breath. Pagak pa akong natawa habang tinitignan sila isa-isa. "Hindi ko alam na ganito pala kaduwag ang mga uri natin."

The evil forces were wreaking havoc in our hometown and here we are, hiding. Naturingang mga Sehir at may kapangyarihan pero heto kami, walang magawa.

"Don't be irrational, hija. Hayaan mong kami na lang ang humarap kay Afea," suway sa akin ng papa ni Austin. "Alam mo kung anong tunay na pakay nila, ang palabasin kayo sa lungga niyo, kaya ginagawa nila ito. Isa lamang itong bitag kaya tama ang mga kaibigan mo, hindi kayo maaaring bumalik sa Westview. Dito lang kayo. Hindi natin pwedeng ilagay sa panganib ang buhay niyo, lalo na ang buhay ni Sehria," dugtong nito bago lumipat ang tingin niya mula sa akin papunta kay Glessy. 

Oo nga pala. Kami nga pala ang mga Hemore, at misyon nga pala namin ang protektahan ito. 

"Ah, kaya okay lang po na manganib ang buhay ng iba basta manatiling ligtas lang si Sehria?" sarkastikong sagot ko. 

"Lei!" sabay sabay na pigil sa akin ng mga kaibigan ko. Mabilis kong itinikom ang bibig ko at naikuyom ang dalawang kamay ko na nakapatong sa magkabilang hita ko.

Siguro nga wala na ako sa katwiran. Siguro nga sila ang nasa tama. Siguro nga masyado na akong nadadala ng emosyon ko.

Napatingin ako kay Glessy. Nakayuko lamang ito. Wala akong intensyong makasakit sa mga sinabi ko pero alam kong hindi ko na mababawi pa ang mga salitang binitawan ko. Nanatiling tahimik ito, tila may gusto siyang sabihin ngunit mukhang nag-aalangan ito. 

"We're going back," anunsyo ni Janus. Napatingin ako sa kanya. Nakahinga ako nang maluwag at gumuhit ang ngiti sa labi ko. Mabuti pa siya naiintindihan ako.

"I'm going back to Westview with Azval and Azure, together with Austin's parents. You, Sehria and others will stay here," he continued.

Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa mga salitang namutawi sa bibig niya. Iiwan niya ko. Seryoso siya dun.

"Ano?!" Muli akong napasigaw sa inis. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko para kunin yun pero mabilis akong tumayo at lumayo sa kanila. Mukhang nakagawa na sila ng plano at sa planong yun, hindi na naman ako kasama.

"I can't stay here! You can't leave me here! Bakit? Dahil wala akong kakayahang makipaglaban gaya niyo? Dahil ba hindi pa sapat ang kapangyarihan ko? Ganun ba? Hanggang ngayon ba, mahina pa rin ang tingin niyo sa akin?" Para akong bulkang sumabog. Lahat sila natahimik. Marahil hindi nila inaasahan ang paglalabas ko ng sama ng loob.

Nanliit ako bigla sa sarili ko. Para saan pa ang mga pagsasanay ko kung hindi ko naman pala ito magagamit? Kung uupo lang pala ako habang pinapanuod sila na humaharap sa panganib? Para saan pala ang pagiging leader ko kung wala naman pala akong boses at hindi naman pala nila kayang makinig sa nais ko?

Ang tanging gusto ko lang naman ay tumulong. Ang tanging nais ko lang naman ay ang makasama sila sa laban na ito. Masama ba yun?

"Sasama ako sa ayaw at sa gusto niyo at hindi niyo ko mapipigilan," I said firmly. Hindi ko kailangan ng permiso nila. Babalik ako sa Westview, at walang sinuman ang makakabali ng desisyon ko.

Bahagyang natunaw ang namumuong tensyon sa pagitan namin nang bigla na lamang tumawa nang malakas ang papa ni Austin. Lahat kami kunot noong napatingin sa kanya. May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?

"May pinagmanahan ka talagang bata ka," naiiling na saad nito.

Malamang. Mana ako sa nanay ko.

Mataman akong tinignan ng papa ni Austin. Hinihimas himas pa niya ang ilalim ng baba niya na tila malalim na nag-iisip bago siya magsalitang muli.

"Tutal wala na kong magagawa sa katigasan ng ulo mo, sige na pumapayag na ako. We're all going back to Westview."

******

Makalipas ng dalawang araw, nakahanda na kaming lahat pabalik ng Westview. Sa loob ng dalawang araw na yun, wala din kaming imikan ng mga kaibigan ko. Hindi nila siguro alam kung paano ako i-approached at hindi ko din alam kung paano ba ako hihingi ng tawad sa mga nasabi ko, lalong lalo na kay Glessy. Kung pwede nga lang, uutusan ko si Fina na burahin na lang ang alaala ni Glessy, para makalimutan na nito ang mga salitang nabitawan ko noong nakaraang araw.

Tama nga talaga sila, I'm being irrational sometimes. Masyado akong nagpapadala sa bugso ng damdamin. Minsan hindi ko na iniisip ang mga sasabihin ko.

'Bunganga mo talaga, Lei.' Panay sermon ko sa sarili ko.

Napakatagal ng aming biyahe. Ilang oras nang nagdidrive ang papa ni Austin. Nasa bandang unahan ng sasakyan nakaupo ang asawa nito katabi ang mama ni Janus. Mukhang seryoso na naman ang pinag-uusapan. Gustong gusto ko nang paliparin itong Tempo Traveller na sinasakyan namin para mabilis kaming makarating sa pupuntahan namin.

Sa ilang linggo na pananatili namin sa puder ng mama ni Janus, hindi ko na maitago ang excitement ko sa kabila ng panganib na maaaring nakaamba sa amin. Miss na miss ko na ang mama ko, hindi na ako makapaghintay na makita siya.

"Still mad?" tanong ni Janus na nakaupo sa tabi ko. I shook my head. He looked so stressed and frustrated. Pansin ko din ang malalim na eyebags niya, pero gwapo pa din. Mukhang ilang araw din siyang hindi nakatulog nang maayos gaya ko dahil sa away namin. Kung away ngang maituturing yun.

"Sorry," nahihiyang bulong ko. Ilang araw din kaming hindi nag-usap nito. He smiled at me as he apologized as well. He held my hand and kissed the back of my palm. Bati na ata kami.

"Hay. Buti pa yung iba diyan, bati na." Pasaring ni Elliot sa likod ko. Nilingon ko siya, nasa tabi niya si Glessy na biglang nag-iwas ng tingin sa akin. Para tuloy kinurot ang puso ko.

"Oo na! Sorry na guys. Masyado lang akong nadala ng emosyon ko, okay?" I said, giving them an apologetic look. 

"Parang galing naman sa ilong Lei," Austin retorted. 

"Oo nga, parang hindi naman sincere," gatong pa ni Fina. Kunwari naiinis pero tumatawa naman.

Pabirong napairap na lang ako sa hangin. "Leche kayo!"

"Tignan niyo? Na-leche pa tayo?" pang-aasar pa ni Elliot. Loko loko. Pinagkakaisahan ako.

Yung katahimikan sa loob ng sasakyan ay biglang napalitan ng mga asaran at tawanan. Siguro nga ganito talaga kami, hindi uso ang matagalan na away. Mga abnormal kasi kaming lahat.

Bumaling ako kay Glessy na hindi pa din nagsasalita. Nakatuon lang ang atensyon niya sa tanawin sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Sorry, bulinggit," paglalambing ko. Inabot ko ang pisngi niya at pinanggigilan yun. Nataranta ako nang bigla itong umiyak, kaya kahit umaandar ang sasakyan napatayo ako sa upuan ko at niyakap siya nang mahigpit.

"Sorry na, huwag ka na umiyak. Sorry, itong bibig ko kasi," paulit-ulit kong sinasampal ng mahina ang bibig ko.

"A-Akala ko...h-hindi mo na ko...papansinin," sambit nito sa pagitan ng hikbi niya.

Nakakaguilty. Huhu

"Hala ka! Pinaiyak mo! Lagot ka sa mga kuya!" pananakot pa ni Elliot.

Napatingin tuloy ako kina Azval at Azure, nakangiti naman sila kaya nawala ang kaba ko. Katakot eh. Baka sunugin nila ko ng buhay. Overprotective pa naman sila sa kapatid nila. Mahinang binatukan ni Fina si Elliot para manahimik na ito. Buti nga.

"Bati na tayo, ha?" panunuyo ko pa. Tumango-tango naman si Glessy. Para siyang bata habang sumisinghot singhot pa. Ang cute talaga ng bulinggit na 'to.

"Uy, tahimik ni manang ah," baling naman ni Elliot kay Andrea na nakaupo sa pinakalikod ng sasakyan.

Solo siya doon. Siya naman ang pinagtripan ni Elliot, salot. Muntik na tuloy magka-riot sa loob ng sasakyan dahil sa paulit-ulit niya na pagtawag ng manang dito. Napikon ito kaya sinugod niya si Elliot at sinabunutan. Ang sakit pa sa tainga ng pagsigaw niya. Gigil na gigil si ate girl. 

Bumalik na lang ulit ako sa upuan ko at nagsuot ng seatbelt. I'm with my abnormal friends, I'm sure this gonna be one hell of a ride. 

Next chapter