Dylan Rafael's POV
Kung may nagiging adik dahil sa marijuana at shabu etong kasama ko eh adik na adik sa chuckie. Biruin niyo wala pang 9 am andito na kame sa pinto ng supermarket ng pinakamapalit na SM sa village namin.
"Grabe ba't tayo palang andito?" ang takang tanong ni Justin.
"Wow, nagtanong ka pa talaga no? Tin 8:17 AM palang andito na tayo."
"Ano ka ba mas maaga, the better! Di mo ba alam yun?"
"Look who's talking. Ang sabihin mo maaga ka lang gumising dahil bibili tayo ng paborito mong chuckie."
"You can say that." saka natawa. Abnormal. "Teka nga bakit ka ba nakasimangot dyan? Ang ganda ganda ng araw eh."
"Puyat akong bansot ka tapos binulabog mo ako sa pagkakatulog ko!" Irita kong sabi sa kanya.
"Oh ngayon pakealam ko? Kung hindi mo kase nakalimutan na bilhan ako after ng birthday ko eh di hindi ka naabala ng ganito. It's all your fault dude."
"OA ka kamo. Isang araw lang lumipas? Uhaw na uhaw ka na ba sa Chuckie?"
"Dylan Rafael, kilalang kilala na kita. Kunwaring lilipas ang isang araw hanggang sa makalimutan mo na. Wag ako please. Ngayon, ayus ayusin mo yang pagmumukha mong nakasimangot kung ayaw mong ako ang umayos niyan. Okay?" saka niya ako nginititan.
"Bwisit." Bulong ko.
"May sinasabi ka?" Lingon niya agad. Umiling nalang ako. Lakas ng pandinig pucha. Laki kase ng tenga.
Makalipas ang ilang minuto eh bumukas na rin ang supermarket. Yung kasama ko di na nakaantay at ayun nagtatatalon papunta sa stock ng mga chuckie dala dala ang basket. Parang bata.
"Huy Dylan! Hindi kasya yung limang karton dito sa basket kuha mo nga akong pushcart dun."
"Hay nako ang boplaks mo kase hindi mo muna inestimate kung magkakasya ba talaga dyan yung bibilhin mo bago mo kinuha yang basket." inis kong sabi sa kanya.
"Nanenermon ka pa eh kung ikuha mo nalang ako diba? Dali na baka maubusan ako dito. Nakita ko yung mag nanay dun oh nakatingin dito baka bilhin lahat ng andito."
"Nakatingin sila sayo kase limang karton ba naman yang hawak hawak mo. Timawa."
"Bilis na andami pang sinasabi!" Agad ko naman ng sinunod yung utos ng 'boss' ko.
Pagkakuha ko ng cart eh agad na akong bumalik kung nasaan si Justin. Aba ang loko nakapamewang pa.
"Antagal mo. Sabi sayo eh puntirya nila ate yung chuckie! Buti nalang hinarangan ko yung mga nakuha ko na."
"Sus. Akala ko naman kung ano na. Lika na bayaran na natin yan ng makauwi na tayo."
Ang akala ko naman yung chuckie lang ang babayaran ko. Turned out na may palihim na pinagkukuha tong surot na to.
"Bahala ka dyan bayaran mo mag isa yan. Ang usapan lang natin chuckie tapos para kang namalengke sa dami ng kinuha mo."
"Dali na bayaran mo muna. Wala kase akong dalang pera ngayon. Babayaran ko naman pag uwi!"
"Babayaran daw. Wag din ako."
"Grabe ka naman! Parang di naman tayo magkaibigan!"
"Magkaibigan nga tayo pero hindi mo ako mauuto. Yung huling pinabayaran mo sa akin na pagkain hindi mo binayaran. I already learned my lesson."
"Sobra naman to. Sige na nga wag na. Ibabalik ko nalang to." saka siya tumalikod pabalik sa area na pinagkuhaan niya ng mga pagkain niya.
Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang mga nakakunot noo at masasamang tingin mula sa mga taong nakapila sa likod ko.
"Hindi man lang siya naawa dun sa bata."
"Kaya nga eh. Babayaran naman daw." King ina ako pa naging masama. Buhay nga naman oh. Saka bata ba yun? Isip bata siguro.
"Akin na yan Justin Klyde. Bumalik ka na dito." agad naman bumalik ang hudas.
"Thank youuuuuu!"
"You will pay me later. Okay?" Bulong ko sa kanya. Tumango tango naman siya habang nakangiti. Sarap ituktok ng barcode reader sa kanya. Mga paawa effect ng hayop.
Malas kung sa malas. Ako pa ang nagbuhat sa pinamili niya.
"Wait mo ako dito chong bili lang ako ng drinks. Naawa naman ako sa itsura mo."
"Good. nakaramdam ka din. Bilisan mo." naupo muna ako sa waiting area ng mall. Nakalimutan kong sabihin na tubig ang bihin mamaya milktea na naman bilhin di naman ako mahilig dun."
Hays bahala na nga siya.
Justin Klyde's POV
Natatawa pa din ako sa act ko kanina akalain mong nauto ko pa ang hudas. HAHAHAHA. Babayaran ko naman kase talaga yun mamaya masyado siyang praning. Anong tingin niya sa akin poor? Medyo lang.
Oo medyo poor nga ako ngayon dahil sa mga fur babies ko. Kakabili ko lang kase ng mga essentials nila. Okay lang naman sa akin basta makita kong happy mga doggos ko.
And speaking of dogs, may nadaanan akong pet accessories store. Bibili sana akong colar ni Cosmos dahil sa hindi ko malamang kadahilanan eh nangatngat niya yung luma niya. Agad naman ako namili.
"Grabe andaming magaganda. Alin kaya dito?" tumitingin tingin ako ng mga design ng collar ng may tumabi sa akin. Akala ko pet store staff.
"Is your dog a boy? This one is better." Halos maestatwa naman ako sa kinatatayuan ko ng malaman kung sino ang kumakausap sa akin.
"H-ha?"
"Hi Klyde. It was nice seeing you again." Agad ko namang inayos ang sarili ko trying to act normal.
"Uh hello?"
"So, nakapili ka na ba?" tanong niya.
"Ha? Ah eh wala. Sa ibang store nalang ako titingin. Sige bye." At agad naman akong lumabas ng store.
"Hey wait!" ay bwisit naman oh sumunod pa! "Bakit ka ba nagmamadali?"
"Ha? Ah eh inaantay na kase ako ng kasama. Sige na mauna na ako." at tinuloy pa ding ang paglalakad.
"Baka pwede naman na tayong mag usap?" saka niya ako hinawakan sa balikat na ikinatigil ko.
"May pag uusapan ba tayo? Hindi naman kita kilala eh."
"Really?" Then he smirked.
"Yeah. So could you please leave me?"
"What if I don't?"
"Bingi ka ba? Leave him alone nga daw diba?" Nilingon ko naman agad ang nagsalita.
"Dylan!" agad ko namang tinapik ang kamay ni Jake saka pumunta sa likuran ni Dylan.
"At sino ka naman? May pag uusapan lang naman kame so don't bug in."
"Pakealam ko sa tanong mo eh hindi nga kita kilala. Saka kung may pag uusapan kayo eh di sana hindi ka niya sasabihan ng ganun. That means he's not interested in what you'll gonna say."
" The name is Jacob Fernandez. Best friend ni Klyde." tinawanan naman ni Dylan ang pagpapakilala ni Jake.
"Best Friend? Eh sa pagkakatanda ko, AKO lang ang bestfriend niya. Kaya kung sino ka mang epal ka umalis ka na bago pa magdilim paningin ko sayo."
"Tss. You're messing with the wrong guy dude."
"You wouldn't want to see my inner devil." sagot ni Dylan. Sinamaan lang siya ng tingin ni Jake. bago umalis ay sinulyapan pa ako ni Jake.
"We're not still done Klyde." Saka siya umalis. Jusko buti naman.
"Ayus ka lang ba?" Baling sa akin ni Dylan. Tinanguhan ko naman siya bilang sagot. "Sino ba yung unggoy na yun?"
"Kakilala ko dati. Wag mo ng pansinin."
"Ah ganun ba? Eh ba't sabi niya bestfriend mo daw siya?" Napakausisero talaga neto.
"Mahabang kwento. Sa bahay nalang natin pag usapan." tumango naman siya saka binitbit yung mga pinamili namin.
***
"Dylan pag nalaglag mo yang si Kei sinasabi ko talaga sayo ilalaglag kita dyan sa bintana ng kwarto ko!"
"OA. Naglalaro lang naman kame." Nagrason pa ang ungta! Paano ba naman hinahagis hagis niya si Kei! Paano nalang kung di niya masalo? Jusko makakapatay talaga ako.
"Akin na nga yan! Mamaya mabalian mo pa eh." saka ko hinabot si Kei sa kanya.
"Grabe talaga pagkaOA mo Justin. Ikaw na nga lang Cosmos dali." agad naman nagtatalon si Cosmos na kanina pa gustong magpabuhat. Isa pa tong asong to nahawa na sa nagbigay. Pinabayaan ko nalang sila tutal ang laki laki naman ni Cosmos. Kaya niya na yan HAHA.
Habang karga karga ko si Kei ay naisip ko munang magscroll sa FB. Nakita ko naman nagpost si Bryan. Naglalampungan na naman sila ni Benedicto sa Mall. My gosh mga nagkakalat na naman ng kalandian. Makapagcomment nga.
[Justin Klyde Ocampo: Nako, may mga naghahasik na naman ng kalandian sa mall.]
Maya maya nagcomment si Benedicto.
"Benedict Pascual: Nako baby Bry may naiinggit ata. @Paul Adrian Tan ipasyal pasyal mo naman kase si Justin.]
[Bryan James Mendoza: Oo nga Paul para sumaya saya naman ang kaibigan ko.]
Ang kapal ng mukha netong mga to! Porket walang jowa yung tao malungkot na? Hindi na agad masaya??? Sarap pagsasampalin.
Maya maya nagcomment si Paul.
[Paul Adrian Tan: Tigilan niyo nga yung babe ko. @Justin Klyde Ocampo ano bisita ako dyan?❤️"
"Sabihin mo di pwede andito ako. Bawal epal dito kamo." Nabigla naman ako sa biglang pagsingit ni Dylan.
"Wag ka ngang nakikibasa!" saka ko nilayo yung phone ko sa kanya.
"Mababasa ko rin naman yan mamaya kahit di mo pakita. Engot." Inirapan ko nga.
[Justin Klyde Ocampo: Di pwede. May naligaw na askal dito sa bahay namin.] reply ko sa comment ni Paul. Nag HAHA react naman sina Benedict at Bry sa reply ko.
[Paul Adrian Tan: Ayaw mo lang ata ako makita. Sige makikipag date nalang ako sa iba.] Nako nagdrama na naman.
Minabuti ko na di magreply hahaba lang ang usapan namin. Eh kaso makulit, nagPM ang hudas.
*MESSENGER*
PAUL: Hahayaan mo talaga akong makipagdate sa iba?
ME: Bakit naman kita babawalan? Desisyon mo yan.
PAUL: Tignan mo to. Pinapaalala ko lang sayo manliligaw moko.
ME: so?
PAUL: Anong so? So dapat di ka pumayag.
ME: Paulito ikaw na nga nagsabi manliligaw kita. Hindi pa boyfriend.
PAUL: Bakit ayaw mo ba akong maging boyfriend? :(
Napangiti nalang ako sa tanong niya. Tong lalaking to talaga. Maya maya pa tumunog ulit yung phone ko.
PAUL: Hey, still there?
ME: yeah. Natural hinde. (pang aasar ko.)
PAUL: I see. Sige. May gagawin pa ako.
ME: Huy joke lang. Napakamatampuhin mo.
PAUL ADRIAN TAN active 2 mins ago.
Nako nagtampo na nga talaga ang hudas. What to do?
"Huy Dylan!"
"What?" saka pinafetch kay Cosmo yung bola.
"Uhm ano gagawin mo kapag may nagtampo sayo?"
"Natural suyuin mo. Duh."
"Malay ko ba kung paanong panunuyo gagawin ko. Bwisit na to."
"Eh sino ba kaseng nakaaway mo na naman?" nako nagtanong na.
"Ah si ano, si Bryan. Inasar ko kase napikon ata."
"Ikaw naman kase yang bibig mo wala na naman sigurong preno."
"Wag ka ng manermon. So paano nga?"
"Bilhan mong pagkain na gusto niya or puntahan mo sa kanila."
"Oh sige sige. Dito ka muna puntahan ko lang." saka ako tumayo at lumabas ng kwarto.
"Hoy maglalunch na tayo!"
"Ikaw nalang muna. Luto ka nalang ng kung anong meron sa ref!" sigaw ko pabalik saka lumabas ng bahay.
*PAUL'S HOUSE*
Nagdoorbell ako agad pagkababa ko ng taxi. Talagang pinuntahan ko talaga ang kumag para lang suyuin. Jusko.
Maya maya pa may babaeng lumabas. I guess halos kasing edad ko lang din. Maganda. Simple. Bigla naman akong nabother. What's with me? Tsk.
"Hi. Sino pong hanap nila?"
"Uhm, andyan ba si Paul?"
"And you are?"
"Justin. Friend niya."
"Ah sige tawagin ko lang." nginitian ko naman siya saka siya pinagmasdan papasok ng bahay nila Paul.
Maya maya pa nakita ko naman si Paul palabas ng pinto. Nakasimangot.
"What brought you here?" tanong niya pagkabukas niya ng gate.
"Ikaw napaka matampuhin mo no? Jinojoke ka lang eh."
"Well I'm being serious about it Justin." sasagot na sana ako ng makita kong palabas ng bahay nila Paul.
"Hey Paul, I'll go ahead." Paalam niya kay Paul ng makalapit. "Bye Justin. It was nice meeting you." nginitian ko lang siya saka siya umalis.
"Sino yun?" Pang uusisa ko.
"Si Mich." tipid niyang sagot. "So what now? May gagawin pa ako." Ang sungit naman neto.
"Sorry na. Binibiro lang naman kita. Masyado kang hot."
"Alam kong hot ako. So ano na? Do you want me to be your boyfriend? Am I worthy?" sabi niya habang nakatitig sa akin. Ang init bigla mga bes.
"Ah eh, oo naman. Pero syempre hindi pa ngayon." sagot ko. Nakita ko naman nangiti siya.
"That's fine with me. Want to come inside?" tumango lang ako saka kame pumasok. Bilis mag iba ng mood ng hayop.
***
"Naglunch ka na babe?" Umiling lang ako.
"Nagpalit ka ng paint ng wall mo?" tanong ko. Iba kase ang naalala kong kulay neto nung last na pumunta ako dito.
"Yeah. Yung luma kaseng paint niya is kinda boring. Parang ang lungkot ng bahay ko." napatango lang ako sa sinabi niya. "Pero kung dito ka nakatira babe kahit tuklap tuklap na yung paint oks lang. Importante naman andito ka."
"Sus bolero. Eh may kasama ka na nga kanina." I heard him chuckle.
"Are you jealous of Mich?"
"Who says I'm jealous?"
"You got it all wrong babe."
"Bakit? Wala naman akong sinasabi."
"Mich is my cousin." Nilingon ko naman siya na busy sa pagluluto.
"Nako yung syosyotain ko napaka seloso. Tamang hinala pa." sagot niya ng di ako nililingon.
"Hindi nga ako nagseselos!"
"Okay sabi mo eh. Lika na kain nalang tayo." inirapan ko naman siya saka nagpunta sa dining. "Tapos memeriendahin kita mamaya." bulong niya sa akin ng makaupo ako.
"Uuwi nalang ako. Sinasapian ka na naman ng kademonyohang hayup ka."
"Just kidding. HAHAHA." Hindi ko nalang siya pinansin saka kumain. Nagluto ng adobo ang kumag and believe me when I say masherep. Pisti, mapapadami na naman ako ng kain neto.
"So how was it?"
"Masarap naman."
"Para ka namang napipilitan diyan." pagmamaktol niya.
"Sira masarap nga. Pwede ka na ngang mag asawa eh." sagot ko saka pinagpatuloy kumain.
"Oh tara na pakasal na tayo." napaubo naman ako sa sinabi niya. Agad naman niya akong inabutan ng tubig.
"Kung anong pinagsasabi mo. Kasal agad? Hindi pa nga tayo."
"Sagutin mo na kase ako babe."
"Nagmamadali ka ba Paul? May lakad ka?"
"Wala naman. Para wala ka ng kawala. Para iuuwi na kita dito sa bahay."
"Ewan ko sayo. Teka nga pala asan parents mo?"
"They're in Batangas. May minamanage kase silang resort dun. Saka sabi ko naman gusto kong maging independent kaya hinayaan nila ako na tumira mag isa dito. Nagpapadala naman sila ng pang allowance ko."
"Ay kawawa ka naman pala mag isa ka lang talaga dito."
"Then live with me. Para di na ako malungkot." saka niya pinatong kamay niya on top of mine.
"Gusto mo atang makitang magalit si Julian at si Klarissa?" sagot ko. Pertaining to Papa and Mama.
"Malay mo pumayag sila."
"Nako chong wag ka ng umasa. Dati nga nakisleepover ako ang oa ng nanay ko. Hindi pa ako nakakapagbreakfast dun sa bahay ng kaklase ko umuwi na ako." natawa naman siya sa sagot ko.
"Basta kapag pumayag na sila alam mo na ha?" napailing nalang ako sa kakulitan niya.
Matapos makapaglunch ay nagpaalam na rin ako na naging dahilan para sumama ang timpla ng pagmumukha ng lalaking nasa harap ko.
"Ang aga pa babe uuwi ka na agad?"
"Hindi nga sana ako pupunta dito kung di ka lang nagtampong kumag ka."
"Eh bakit? Kasalanan mo naman yun eh."
"Kaya nga nagsorry na ako di ba? Oh sige na una na ako. Baka kung ano ng nangyari kay Kei at Cosmos dun sa pinag iwanan ko."
"Kanino mo ba iniwan?"
"Sabi ko nga sayo may naligaw na askal sa bahay namin."
"For real?!"
"HAHAHA. Sira! Syempre joke lang. Si Dylan tinutukoy ko."
"Ahhh. akala ko naman totoo na. Oh, eh di hatid na kita."
"Nako wag na Paul. Kaya ko na to."
"Are you sure?"
"Very sure."
"Okay, ingat ka." tumango naman ako saka nagsimulang maglakad. Maya maya may biglang humalik sa pisngi ko. Nilingon ko naman agad kung sino at ang hudas kumaripas ng pasok sa gate nila.
"Paulito!!!"
Bwisit na yun! Nakalusot ka ha. Yaan mo pag nagkita tayo may kurot ka sa akin.
---
Nang marating ko ang terminal ng jeep ay may nakita akong milktea stall. Syempre bumili ako.
Iaabot ko na ang bayad ng may nagposas sa akin. Sa gulat ko ay nabitawan ko pa ang pambayad ko.
"Ano pong gina-- ikaw na naman?!"
"Hi."
"What's with the handcuffs Jake??! Tanggalin mo nga to!"
"Nope." saka niya sinukbit yung isang part ng posas sa kanya.
"Are you crazy??!!!"
"Maybe? Now, come with me."
"Ayoko nga!" pagpupumiglas ko.
"Iho magkakilala ba kayo? Ano bang ginagawa mo sa kanya??" ang natatarantang pagsingit ng ale sa usapan namin.
"Yes po. Magboyfriend po kame. Nagtatampo lang po tong syota ko." sagot ni Jake.
"Anong magboy--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kinaladkad niya na ako palayo.
"I'll call the police!" sabi ko habang nagpupumiglas.
"Call them and I'll make sure you will not see your family again." sa takot ay nestatwa nalang ako.
"Sumama ka lang and I won't do any harm." Nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko habang nakatitig sa kanya. "I promise."
Hindi ko man gustuhin ay naisama niya ako sa bahay nila. Hindi ko na matandaan pa ang dinaanan namin kanina dahil hindi naman ako familiar sa lugar.
"Pwede bang sabihin mo nalang ang gusto mong sabihin ng makauwi na ako." saka niya tinanggal ang handcuffs.
"Chill. Hindi mo ba ako namiss?" sagot niya saka pumunta sa ref para kumuha ng tubig.
"Hindi nga kita kilala paano kitang mamimiss?!" bigla namang sumeryoso ang mukha niya saka may kinuha sa drawer ng mailapag niya na ang tubig sa la mesa.
"Really? Now, can you explain this?" saka niya pinakita ang picture namin. Paano ko ba naman makakalimutan ang first picture namin sa may tree house ng bahay nila.
"I've been searching for you ever since we parted ways." napangisi naman ako sa sinabi niya.
"You just wasted your time. Kase kahit pa nahanap mo ako I already forgotten you. I already erased every memory I had with you."
"Alam kong galit ka. Kasalanan ko oo. But I have my reasons Klyde."
"Save your excuses Jake. I don't need them."
"Just hear me out. Please?" Makikita mo ang pagsusumamo niya. Hindi na ako sumagot pa at inantay ang paliwanag niya. He took a deep breath.
"I never intended to leave you behind. Believe me." panimula niya. Nakatitig lang ako sa kanya. "Bago pa sabihin ni Ivan sa akin kung ano ka talaga that time eh alam ko na and I told him to keep it a secret between the two of us. He agreed but only for me to find out that he told my Dad. Kilala mo naman ang Dad ko. He is very strict, especially with whom I'm making friends with. Nalaman ni Dad that your gay and he immediately told me to avoid you."
"And you did." pagputol ko sa explanation niya.
"Because he threatened me." then I heard him sob. "I-I did everything just to keep our friendship but that really wanted us to be apart. Tinakot niya ako na kapag pinagpatuloy ko pa ang pakikipagkaibigan ko sayo he will send me to Japan. Pinili ko nalang na tapusin ang pagkakaibigan natin para di mapadala doon dahil inisip ko na kapag malaki na ako at nasa tamang edad, I will find you and bring back our friendship. Kaya nga nung nakita kita sa event na yun sobrang saya ko but only for me to find out that you try to ignore me. Alam ko naman na talagang galit ka. Naiintindihan ko yun kaya nga andito ako para humingi ng tawad and make everything right. And there's one more thing Klyde."
Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko ineexpect na hahantong lahat sa ganon.
"I also agreed to my dad to avoid you not just because of his threat but also about me."
A moment of silence.
"Naguguluhan din kase ako that time sa nararamdaman ko sayo. Akala ko nung una natutuwa lang talaga ako sayo. But as the time that we're together nagbabago na. I've fallen for you Klyde."
"A-ano?"
"I've liked you ever since when we're kids. At kaya umiwas ako dahil akala ko may mali sa akin. Kung mali bang magkagusto sa kapwa lalaki. And then I realized, what is wrong in loving someone like you?"
Hindi ko na alam kung anong isasagot sa kanya. I am out of words to say. Napayuko nalang ako.
"Will you please give me another chance?"
"I don't know Jake. I'm not ready to settle these things between us."
"It's okay. Importante nakinig ka sa paliwanag ko. That's enough for now. I'm really sorry for everything." then niyakap niya ako.
"I just want to go home now. Please?" sagot ko habang nakasandal sa chest niya.
"Yeah. Sure."
***
My battery got drained by the time I left Paul's house kaya ngayon lang nagsidatingan ang calls and messages nina Paul, Dylan, Mama at ang kay Papa. I just lied na napasarap ako sa kakaikot sa mall. Luckily for the three, they believed me. But for Dylan, I guess not.
"So ano talagang nangyari ha Justin? Pinag aalala mo ako kanina. Hiningi ko pa ang number ni Bryan dun sa manliligaw mo para tawagan only for me to find out na hindi ka pala galing dun." sermon sa akin ni Dylan habang nasa kwarto kame.
"It was a long story." tipid kong sagot.
"I am willing to listen."
"Not now, pwede?"
"Kelan pa? Tumatagal napapansin ko panay na ang paglilihim mo sa akin Klyde. Ano na bang nangyayari sayo?" after he said that naiyak na naman ako. "Oh tapos ngayon iiyak ka na naman. Ang laki mo na para umiyak pa." yumuko lang ako dahil may punto naman siya. Andami niya nang hindi alam tungkol sa akin samantalang sa pagkakaibigan namin never kameng naglihim sa isa't isa and here I am, breaking the rule.
I heard him sigh before he walked towards me and gave me a hug.
"Sobra sobra na ang pag aalala ko sayo kaya kita pinagsasabihan."
"I know. Sorry."
"Hindi na muna kita pipiliting magkwento ngayon. Pero bukas, I need you to tell me everything that's been bothering you. Okay?" tumango lang ako sa kanya.
"Sige na magpahinga ka na. Wag mo ng uulitin pang umuwi ng ganitong oras ha?"
I just smiled at him before he left.
Too many troubles. Can I still handle it?