Walang gana kong binaybay ang daan patungo sa opisina ko, nang matapos kong gamitin ang elevator. Binuksan ko ang pintuan at saka ko tinungo ang upuan. Pagkatapos ay umupo na ako doon at saka ko naman sinimulang gawin ang trabaho ko.
Habang patuloy ako sa ginagawa ko, tumigil muna ako sa sandali. Hindi kasi ako masyadong maka-concentrate sa ginagawa ko. Binubugbog na naman yung isip ko sa dami ng mga bagay na gumugulo sa isip ko. At simula pa kagabi.
Sa totoo lang, parang nawalan na ako ng ganang pumasok ngayon. Pero pinilit ko nalang kahit ayaw ko, at bukod 'don ay iniisip ko rin pagkakataon rin ito para masabi ko yung gusto kong sabihin kay Logan.
Speaking sa kanya, hindi ko na tinangkang daanan siya doon sa opisina niya bago ko tumungo dito. Pakiramdam ko kasi, wala na naman siya doon kaya hindi na ako nag-sayang ng oras na pumunta 'don para sa wala.
Ugh! Kahit sandali lang. Gusto ko rin ng kapayapaan.
Bumuntong-hininga ako. Pinikit ko ang mga mata ko sandali at pilit kong kinalma ang sarili. At nang mukhang maayos na ay saka ulit ako pinag-patuloy yung ginagawa ko.
Ilang oras ako naging abala sa ginagawa ko at sa loob ng ilang oras na 'yon, marami akong natanggap na mga tawag mula sa kliyente tungkol sa komento nila sa mga natanggap nilang produkto at pati yung pag-bili nila dito.
May mga schedules para sa mga appointments ni Logan na inilista ko na rin. Pati ang iba pang reports, sa mga shareholders ng kompanya.
Napansin kong magtu-twelve na pala nang napa-gawi ang tingin ko sa wall clock. Tinigil ko muna ang mga ginagawa ko, naisipan kong mag-tanghalian muna. At saka, nakaramdam na rin kasi ako ng gutom ng kumulo ang tiyan ko.
"Oh, Marsha. Maglu-lunch ka na ba?" bungad sa akin ni ate Cecil ng maka-salubong ko siya sa daan, matapos kong lisanin yung opisina ko. Tumigil muna ako sandali sa pag-lalakad.
"Ahh, oo. Kakain ka na rin ba?" masaya niya akong tinanguan.
"So, sabay na tayo?" pag-aya niya. Hinawakan naman niya ako sa kamay at saka niya ako hinila paalis sa kinatatayuan ko.
Nag-suwestiyon ako na 'don nalang kami mag-lunch sa paborito kong puntahan lagi, ang jollibee. Sumang-ayon naman siya sa akin kaya doon na kami dumiretso pagkatapos.
Hays, sa wakas. Makakain ulit ako sa jollibee.
Binuksan nung guard yung glass door at saka ako nag-hanap ng bakanteng mauupuan, ng siya na ang nag-boluntaryong mag-oorder para sa akin. Dahil, ililibre niya daw ako.
Nang maka-hanap na ako ng bakanteng upuan ay pumuwesto na ako doon, saka naman siya dumating at umupo sa harap ko. Kasunod 'non ay, saka naman dumating yung mga order namin.
"Ate Cecil, salamat pala sa pag-libre mo sa'kin." sabi ko sabay ngitian ko siya.
Kinampay niya ang kamay niya. "Wala 'yon. Saka ka-sasahod ko lang kasi. Kaya, ililibre kita.."marahan naman akong napa-tawa.
Oo nga, maalala ko rin. Bale, isa't-kalahating buwan na rin ako sa trabaho ko. At malapit na rin ulit ako sumahod.
Speaking dito, naalala ko naman si Dwayne. Nangako ako sa kanya na ililibre ko siya. Pero dapat dati pa sana, kaso lang nakakalimutan ko. Hays. Dadalhan ko nalang siya ng jollibee mamayang pag-uwi ko.
Sabay na kaming kumain. At habang kumakain kami, hindi naman mawala ang chikahan naming dalawa.
"Oh, siya nga pala. Maalala ko lang. Kamusta na pala si labadabs mo este si sir Logan sa states? May balita ka na ba sa kanya? I-share mo naman sa'kin.." natigilan ako sandali sa sinabi niya. Nilunok ko muna ang nginunguya ko, saka ako nagsalita.
"Wala pa akong balita tungkol sa kanya.."
Speaking kay Logan, sandali kong naalala na mukhang tinawagan niya ako kagabi. Tinignan ko kasi yung cellphone ko kaninang umaga bago ako pumasok, at nakita kong may limang missed calls siya doon at limang mga text.
Siguro, kaya ko hindi nasagot yung tawag niya dahil masyado kong binigyan nang atensyon yung dinner namin kagabi ni Steven. Kaya, hindi ko nasagot yung tawag niya.
Speaking naman kay Steven, hindi ko na alam kung ano nang nangyari sa kanya pagkatapos ko siyang iwan doon sa labas ng bahay. Ayoko naman talagang gawin 'yon sa kanya--na iwan siya doon ng basta nalang. Pero kasi, gusto ko munang iiwas ang sarili ko sa kanya lalo pa tungkol 'don sa sinabi niya.
Ayoko nang dagdagan pa yung mga bagay na gumugulo palagi sa isip ko, masyado na kasi akong pinapalito. Kaya, hindi ko na rin alam kung paniwalaan ko pa ba siya o hindi.
"O, Marsha. Okay ka lang ba? 'Bat mukha ka atang nalugi diyan?" inayos ko ang lukot kong mukha at pinilit kong ngumiti sa kanya ng tapunan ko siya ng tingin.
"A-ahh, wala. May iniisip lang ako.." sabay pinag-patuloy ko uling kainin yung pagkain ko na ang ulam ay chicken. Isinawsaw ko naman 'yon sauce.
"Si Logan ba?" umiling ako habang tinutusok-tusok yung spaghetti na ngayon naman ay kinakain ko. "Si Steven.."
"Sinong Steven?"
"Yung tumu--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng napa-lingon ako sa sa kanya ng marinig kong may tumunog.
Kinuha niya sandali ang cellphone niya sa loob ng bag niya. Napasulyap naman ako 'don nang mapuna kong doon nang-gagaling ang tunog.
"Sandali lang Marsha ha? Tumatawag si sir Leon.." tumango ako sa kanya, saka niya sinagot ang tawag.
Naisipan kong tapusin na yung kinakain ko, dahil napansin kong may kausapin parin siyang sa cellphone niya.
"Marsha.." napa-angat ako ng tingin sa kanya. Napansin kong mukhang tapos na ata siyang makipag-usap kay sir Leon. "Kailangan na nating bumalik 'don. May biglaang binigay na report kay ms. Lailani at tayo ang in-charge doon. Kailangan daw kaagad 'yon matapos ngayon.."
"Pero, hindi ka pa tapos kumain.." sinulyapan ko yung mga pagkain niya at wala pa masyadong bawas iyon. Pero sa'kin, halos naubos ko na yung chicken with rice at yung spaghetti. Gutom talaga kasi ako.
Tumayo na siya at nakita kong may tinawag siyang isang crew. Lumapit ito sa'min at pinabalot niya yung mga pagkain.
Nang mabalot naman 'yon lahat ay tumayo na ako nang yayain na niya akong bumalik dun sa trabaho.
"Tara na Marsha,. Doon nalang natin 'to papapakin.." sumunod nalang ako sa kanya ng ihakbang na niya ang mga paa palabas sa pinag-kainan namin.
Pagkatapos ay mabilis naman naming binaybay ang daan pabalik 'don sa trabaho. Hanggang sa maka-pasok na kami sa loob. Kasunod ay ginamit namin ang elevator para mabilis naming narating yung twenty-three floor kung nasaan malapit sa opisina ko si ms. Lailani.
Nang marating na kami yung floor na 'yon, lumabas na kami ng elevator at saka namin tinungo yung department niya. Hindi pa kami nakakarating 'don ay, naka-salubong naman namin siya ng makita namin siyang naglalakad papunta sa amin.
"Oh, Nandito na pala kayo." sabay tingin niya sa'ming dalawa ni Cecil. "Eto na pala yung mga reports na kailangan ninyong i-submit sa'kin before ten. And besides, you're the encoder Cecil, paki-bigay nalang kay Marsha kapag tapos na para i-follow up na niya sa'kin pagkatapos.." ibinigay niya sa amin yung folder at inabot naman iyon ni ate Cecil.
"Thank you ma'am, we'll do our best para matapos kaagad 'to.." nawala sandali ang atensyon ko kila ate Cecil at ms. Lailani nang matuon ang paningin ko sa apat na lalaking nag-lalakad papunta sa amin.
Sandali kong tinignan sila isa't-isa dahil baka kasama nila si Xy. Bigla kasi siyang pumasok sa isip ko ng maalala ko siya.
"Marsha, tara na." kaagad kong ibinalik ang tingin sa kanila. At napansin kong wala na pala si ms. Lailani.
"A-ahh..okay, sige.." napa-isip ako sandali kay Xy habang nag-lalakad kami patungo sa opisina ko.
Nitong nga nakaraang-araw kasi, hindi ko na siya nakikita. Tuwing napapa-daan kasi ako sa department niya ay hindi ko na siya doon nakikita. Pati kapag kakain ako sa jollibee, hindi ko na rin siya nakikitang kumakain doon.
Hays. Baka hindi ko lang siya natyetyempuhan. Kaya hindi ko na siya nakikita.
"Ate Cecil, nasaan pala si Xy? Pumapasok pa ba siya?" umupo ako sa swivel chair ko nang marating na namin ang opisina. Umupo muna siya doon sa sarili niyang upuan na kasunod nang sa akin. Saka niya inayos ang mga nasa papel sa ibabaw ng table niya.
"Ahh, siya ba? Sa pagkaka-alam ko, tinanggal daw siya ni sir Logan sa trabaho nito pang mga nakaraang-araw.."
"Bakit daw? Anong dahilan?" napa-tuon ako ng tingin sa kanya matapos kong malaman 'yon mula sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko. Hindi ko din alam eh.." pagkasabi niya 'non ay inabala niya na ang sarili niya sa pag-eencode 'don sa computer niya.
Inalis ko nalang ang tingin ko at sinimulan ko na ulit ang trabaho ko. Pero habang abala ako sa ginagawa ko, hindi pa rin maalis sa isip ko si Xy.
Bakit siya tinanggal ni Logan? Bakit niya ginawa 'yon?
hello there!!
hope you like this chapter!
next chapter is coming up!
Ps. Keep safe always. Love you guys ;-)
*Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
*Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
*I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
*Like it ? Add to library!
*Have some idea about my story? Comment it and let me know.