Tumungo ako sa'king kwarto at saka ko ibinagsak ang katawan ko sa kama. Naka-latag ang magkabilang braso ko sa higaan habang naka-tingin ako sa kisame.
Halos ginabi na rin kami sa pag-uwi namin ni Logan galing sa Tagaytay dahil sa ilang oras ang naging biyahe namin.
Speaking dito, hindi na kami nag-tagal doon at pagka-uwi namin ay inihatid na niya ako dito sa bahay. Sinabi niya kasing may kailangan pa daw siyang asikasuhin.
Gusto ko sanang mag-suwestiyon sa kanya na kahit bukas nalang sana kami umuwi, pero hindi ko nalang sinabi. Saka parang gusto ko na namang maging mailap sa kanya, hindi pa rin kasi umaalis sa isip ko yung mga tanong niya sa akin na hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa utak ko.
Sinubukan kong hawakan ang dibdib ko at pinakinggan ko sandali yung tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Kapag kasama ko siya, nagiging masaya ako, pero kapag wala siya, parang nalulungkot yung puso ko.
Ano ba talaga yung nararamdaman ko para sa kanya? Saka hindi pwede na magka-gusto siya sa akin. Dahil hindi ako marunong mag-mahal. At hindi alam kung paano. Abnormal lang siguro ako. Tama. magulo kang talaga ako.
"Oh, ate. Kanina ka pa ba naka-uwi?" napa-bangon ako sa hinihigaan ko ng marinig kong yung boses ni Dwayne. Napansin kong naka-suot siya ng red dress at diretso siyang umupo sa tabi ko.
"Saan ka galing?" pag-iiba ko ng usapan. Naalala kong pag-uwi ko kasi dito ay, wala siya. At malamang ay, umalis siya.
Napa-iwas naman siya ng tingin. "A-ahh, nanood ako sa concert ng banda nila Troy.." sabay sumilay ang ngiti niya sa labi. "Grabe ate, hindi ako makapaniwalang may talent pala yung ugok na 'yon.." sabay napa-iling iling pa siya. Nakuha ko namang sikuhin siya at siya naman baling niya ng tingin sa akin at salubong ang kanyang mga kilay.
"So, ano? nakakainlove ba yung boses niya?" speaking naman dito, naalala ko yung sinabi ni Troy na jowa niya na itong si Dwayne.
Hinarap ko si Dwayne at tinitigan ko siya ng mabuti. Nagtaka naman siya. "Sabihin mo nga sa'kin Dwayne, kailan mo pa sinagot si Troy? Bakit hindi mo manlang sinabi sa ate mo? Ha?" napansin ko ang pag-ilag niya sa mga tanong ko ng tumayo siya at mataman niya ako tinitigan sandali, na animo'y sinusuri ako.
Sabay nag-cross arms siya at ngumiti ng malapad. "Ikaw ate ha. Sabihin mo nga rin sa'kin, kayo na ba ni bayaw este ng boss mo? Ano't may pa-tagaytay pa kayo ha? Ayiee!" tumayo ako para batukan siya, pero mabilis naman siyang naka-iwas.
"Hep-hep! Akala mo mababatukan mo ako?"
"Oh, ayan." sabay pitik ko sa noo niya at napa-hawak naman siya doon ng napa-inda siya sa sakit.
"Ikaw naman ate, di ka naman mabiro.." sabi niya habang hinihimas ang noo niya. Bumalik ulit ako sa kinauupuan ko.
"Pero ate.." tumabi ulit siya sa akin. "Gusto ko rin kasing malaman, ano na bang meron sa inyong dalawa ng boss mo?nahihiwagaan kasi ako sa inyong dalawa eh.."napa-titig lang ako sa kanya ng ilang segundo. At sa sandaling iyon ay maraming tanong na naman ang tumatakbo at gumugulo sa isip ko. Iniwas ko kaagad ang tingin ko kay Dwayne ng inihiga ko ang sarili ko.
"Dwayne, may itatanong ako." sambit ko nang naka-tingin sa kisame.
"Tungkol na naman ba 'yan diyan sa nararamdaman mo?" ewan ko pero napatango nalang ako sa kanya. Nararamdaman kong umusog ng kaunti sa akin si Dwayne. Sinulyapan ko siya at nakita kong naka-tingin siya sa akin na blanko ang ekspresyon ng mukha.
"Alam mo ate, kung ako sa'yo, mahirap pigilan 'yang tunay mong nararamdaman. Kaya mas mabuti kung aminin mo na 'yan sa kanya.." inikot ko ang katawan ko sa kanya para makita ko siya ng diretso.
"Anong ibig mong sabihin, Dwayne? Linawin mo nga sa akin.." nagtataka kong tanong. Nakita ko namang napa-buntong hininga siya at tumanaw sa malayo.
"Ate, sabihin mo nga sa akin kung anong nararamdaman mo sa tuwing kasama mo siya? masaya ka ba o naiinis?"
Ano nga ba? Masaya. Oo masaya naman, pero hindi ko alam kung bakit. Abnormal lang talaga siguro ako.
Pero naisip ko rin na hindi naman ako nainis kapag kasama siya. Nainis lang ako nung time na kausap ko 'non si Steven pero yung makasama ko siya ng matagal, hindi.
"M-masaya. Bakit?"
"Hmmm..bukod 'don, ano pa yung nararamdaman mo sa kanya?" pinag-masdan ko muna sandali yung kisame. Saka ako nagbitiw ng salita.
"Sa totoo lang Dwayne, tumitibok yung puso ko. Masaya akong kasama siya, para nga ring kinikiliti yung tiyan ko..." tumigil ako sandali ng naoa-ngiti ako. "Napapaisip nalang ako na kahit may pagka-halimaw yung Logan na 'yon, nakakaramdam ako sa kanya ng saya kapag kasama ko siya. At madalas, kapag malapit rin siya sa'kin at magka-hawak ng mga kamay namin, napapa-ngiti ako at parang nakukuryente na ewan.." paglalahad ko matapos kong sabihin iyon sa kanya.
"Ano bang ibig sabihin 'non Dwayne?" idinugtong ko ng itanong ko sa kanya 'yon nang naka-pukol pa rin ang mga tingin ko sa kanya.
"Isa lang ang ibig sabihin 'non ate. Inlove ka talaga sa kanya.." parang natigilan ako sandali sa sinabi ni Dwayne.
Ako? Inlove sa kanya? Pero paano ako nainlove?
"Natatandaan mo pa ba yung sinabi mo sa akin dati na tuwing magkasama kayo, bumibilis ang tibok ng puso mo. Parang may kumikiliti sa sikmura mo kapag magka-hawak kayo ng kamay sa isa't-isa at parang nakukuryente ka. Tapos sabi mo na ang saya mo kapag kasama siya. Naisipan mo pa ngang ipa-check up 'yang puso mo sa doctor pero sinabi mong nakakalimutan mo. At naisip mo pa na baka abnormal ka lang talaga.." Sabay bumuntong-hininga siya ng malalim at napapa-iling. "Hays. Alam mo ate, inlove ka nga kasi. Ganyan rin yung naramdaman ko kay Troy.." napansin kong napa-yuko pa siya ng bahagya. "K-kaya inamin ko na sa kanya 'yon. At nung nalaman niya 'yon, ilang araw lang, nanligaw siya sa akin at sinagot ko na siya.."
Para naman akong anak na na nakikinig sa magulang habang kinu-kuwento niya iyon. Napansin kong namula pa ang pisngi niya.
Pero ewan ko rin ba. Habang sinasabi 'yon ni Dwayne sa akin, masaya ako dahil inamin niya rin niya yung tungkol sa kanilang dalawa ni Troy. Pero kung 'yon rin talaga yung naramdaman niya kay Troy nung nainlove siya, ano naman yung sa'kin?
Pinag-isipan ko iyon sandali. At sandali, ay naintindihan ko na mula sa kanya kung sino ba para sa akin si Logan at ano ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Sinagot na rin ni Dwayne ang mga katanungan ko na 'yon sa aking sarili.
Pero naalala ko na ibig ring sabihin, kaya rin nainlove sa akin si Logan, kasi 'yon rin yung nararamdaman niya tuwing mag-kasama kami? Pero hindi ko manlang napansin 'yon. Bukod dito ay, binabalewala ko lang rin kasi yung nararamdaman ko sa kanya kapag magkasama kami.
"So, ano ate? Aaminin ka na ba sa kanya na inlove ka sa kanya?" naputol ang mga iniisip ko nang kausapin niya ako. Napa-tingin naman ako sa kanya.
"Huwag mong sabihing, itatanggi mo pa ring inlove ka sa kanya? Kung ako sa'yo ate, aminin mo na 'yon sa kanya bago pa mahuli ang lahat.." napansin kong napa-tayo siya sa kinauupuan niya. Naka-tingin lang ako sa kanya.
"O, siya ate. Matutulog na ako. Goodnight.." pagdaka'y humakbang na siya palabas ng kwarto. Habang naiwan naman ako dito na ngayon ay naka-tulala. Inuunawa ko pa yung mga sinabi ni Dwayne sa isip ko.
Bumangon ako sandali nang mahimas-masan ako. Paulit-ulit namang tumatakbo sa isip ko yung huling sinabi ni Dwayne.
Aaminin ko na ba kay Logan na inlove ako sa kanya?
Pero, wala namang masama kung aminin ko 'yon sa kanya. Tama nga siguro si Dwayne. Ayokong mahuli ang lahat kapag hindi ko pa sasabihin iyon sa kanya.
Ngumiti ako ng inihiga ko ulit ng sarili ko sa higaan. Saka ko ipinikit ang mga mata ko.
Tama. Bukas na bukas, aaminin ko kaagad sa kanya 'yon. Bahala na kung ano ang maging resulta, o kung hindi man niya ako paniwalaan. Basta mahalaga na masabi ko sa kanyang inlove ako sa kanya dahil 'yon yung nararamdaman ko para sa kanya.
hello there!
vote, comment, send gifts!
is my pleasure and inspiration to write up this story!
thank you and lovelots ;-)