webnovel

“Silhouettes”

Ella

13

Bulacan

One time, mag-isa akong nanunuod ng comedy show sa sala. Tumatawa ako no'n. Biglang may narinig rin akong tawa ng bata doon sa CR, nakasara 'yung pinto. Nagtaka ako no'n, kasi mag-isa lang naman ako sa bahay at sinara ko naman iyon kanina. Sabi ko, baka imahinasyon ko lang 'yon at kinalimutan ko na lang.

After a few minutes, may kumalabog sa CR. Tatayo sana ako para tignan kung ano 'yung nahulog, pero paglingon ko, may anino sa harap ng CR.

Napatulala ako, tinitigan ko ng mabuti 'yung anino. Ewan ko kung bakit 'di ako nag-panic sa lagay na 'yon, kasi may ibang tao sa bahay. Para siyang batang babae na mahaba ang buhok, tapos nakahawak sa mga binti niya. Nangilabot ako ng sobra.

Nasa anino lang ako nakatingin, habang kinakapa ko 'yung light-switch sa gilid ko. Pero laking gulat ko nung may nakapa akong kamay. Lumingon ako. May lalaki na nakahawak sa light switch. Parang nawala lahat ng dugo sa katawan ko. Nawalan na 'ko ng takot; nagalit ako. Kasi ang lakas ng loob nila pumasok sa bahay. Binuksan ko 'yung ilaw.

Nawala nalang bigla yung lalaki, at pati na rin yung bata sa tapat ng CR.

Tinaas ko 'yung paa ko dahil sabi ko, baka may humila bigla. Iniwan ko lang na bukas 'yung ilaw hanggang sa dumating Tito't Tita ko.

Binalik ko na lang atensyon ko sa pinapanuod ko, pero sumusulyap-sulyap pa din ako sa CR at sa light switch. Binuksan ko na rin 'yung pinto na katabi ng light switch at sofa na kinauupuan ko, just in case para kung may masamang mangyari, maririnig 'yung sigaw ko ng saklolo.

Next chapter