webnovel

Nico's POV

Unang taon.

Puting kisame ang bumungad sa unang pagdilat ko. Halos tumitibok sa kirot ang utak ko at pakiramdam ko sasabog na ito. Napahawak ako doon kaya napagtanto ko na may benda ang ulo ko.

Anong nangyari sa akin?

Wala akong matandaan. Sobrang blangko ang utak ko at kahit anong pikit ang gawin ko ay hindi ko masagot ang mga tanong sa ulo ko. Ang huling naaalala ko lang ay 'yong umuwi ako mula hospital noong tinakbo doon ang Mama ko.

Si Mama... kamusta na si Mama? Kailangan ko siyang dalawin doon.

"M-Mama..." pinilit kong sabihin pero tanging maliit na boses lang ang lumabas, pero dahil doon ay may lumapit sa akin na doctor at nurse. Naging malabo para sa akin ang ginagawa nila pero ang alam ko lang ay may ginawa silang kung ano para siguraduhing ayos na ako.

Maya-maya pa ay may pumasok na lalaki na mukhang mas matanda sa akin nang ilang taon. Humangos siya palapit sa akin nang may pagaalala sa mukha at ngumiti nang tuluyan akong makita.

"Kuya! Finally you're awake!" Sabi niya habang hawak ang kamay ko. Kunot ang noong tinignan ko siya.

Kuya?

Sumunod sa pagpasok niya ang isang pamilyar na babae. Nakita ko na siya dati sa hospital na dumalaw kay Mama. Nakataas ang kilay niya sa akin ngayon habang nakakrus ang braso.

"Mom! He's awake!" Sabi pa rin n'ong lalaki sa harap ko pero tipid lang na ngumiti 'yong babae. "Kuya, how are you feeling? May masakit pa ba? Nagalala ako sa 'yo sobra, akala ko hindi ka na gigising--"

"Sino ka?" Iyan lang ang naitanong ko. Sumasakit na kasi ang ulo ko at tingin ko sasabog na ito maya-maya lang. Nahihilo na rin ako tuwing may ibang direksyon akong tinitignan.

"What?" Gulat na tanong niya. "K-Kuya a-ako 'to, si Topher, Kuya!" Pagpipilit niya. "Kuya... Mom, what's happening?"

"W-wala akong kapatid..." sabi ko, dahil wala naman talaga. Nagiisa lang akong anak ni Mama. Wala akong naaalalang kapatid. "Si Mama... k-kailangan ako ni Mama..." pinilit kong tumayo pero di ko kinakaya.

"Kuya, what are you talking about..." halos paiyak na 'yong lalaki na kapatid ko raw at Topher ang pangalan. "Your Mom died 8 years ago kuya..."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"A-ano...anong sinasabi mo-" halos mawalan ako ng hininga. Sobrang tumindi ang sakit ng ulo ko kaya naman napahawak ako dito. "Ah!"

"Kuya!"

Hanggang sa muling nagdilim ang paningin ko. Nagising ako nang si Topher ang bumungad sa harapan ko. Natuwa ang mukha niya nang makitang gising na ako kaya naman tumingin ako sa paligid at nakitang mataas pa ang araw.

"Kuya!" Sabi agad ni Topher pagkalapit. Para siyang naiiyak noong hawakan niya ang braso ko habang nakaupo sa tapat ko. "Kuya kamusta ka na? Buti naman nagising ka na ulit."

I didn't answer at dinama ang sakit ng ulo ko.

"What happened?" Tanong ko agad.

"Kuya naaalala mo na ako?" Tanong niya kaya natigilan ako at tumingin sa kanya.

"Anong sinasabi mo?"

"Nakalimutan mo ako kanina." Sabi niya. "You didn't know your name. Tapos sabi mo kailangan mong balikan ang Mommy mo sa hospital."

What? Why would I say that? Ilang taon nang patay ang Mama ko at kina Topher na ako nakikitira ngayon.

"Sabi ng doctor, mayroon kang amnesia." Natigilan ako sa sinabi niya.

Amnesia...

Retrograde Amnesia, ayon sa doctor. Difficulty in remembering past events and previously familiar information. Pero ang sabi ay kapag may nagpapaalala ay maaalala ko naman.

Sa loob ng isang taon, tingin ko halos naibalik ko naman lahat ng ala-ala ko. Pero bakit pakiramdam ko may kulang?

"Utang na loob mo ang buhay mo kay Topher, Nico. Tandaan mo 'yan. Kung hindi siya nagdonate ng dug sa 'yo, hindi natin alam kung nasaan ka ngayon." Sumbat sa akin lagi 'yan ni Mrs. Garcia, wala pa nga akong sinasabi. "O, ano bang kailangan mo?"

"Sabi po ng doctor, ayos na ako." Panimula ko. Nasa office niya ako sa mansyon nila. "G-gusto ko lang po sanang mag-aral ulit."

Tumalim ang tingin niya sa akin kaya naman inagapan ko na.

"May naipon po ako--"

"Sa pagkukundoktor?" Tumawa siya. "Tingin mo sapat na 'yan? Ha! Engineering? Huwag ka nang mangarap pang magaral ng engineering, Nico. Tandaan mo, walang iniwan ni singko sa 'yo ang asawa ko." Sabi ni Mrs. Garcia.

Dalawang taon na lang ang kulang ko sa kursong engineering. Si Papa ang nagpaaral sa akin, at ngayong namatay na rin siya ay si Topher at Mrs. Garcia na lang ang natira.

Ayaw sa akin ni Mrs. Garcia, pero mabuti na lang at mabait si Topher.

"Si Topher lang ang may karapatang maging engineer." Dugtong niya pa.

Engineer si Papa, kaya naman gusto kong maging katulad niya. Gusto kong magtrabaho sa kumpanya niya, pero pilit iyong hinahadlangan ni Mrs. Garcia.

Pangalawang taon.

Pinadala ako ni Mrs. Garcia sa Nueva Ecija, sa nanay ni Papa para doon magpatuloy ng pagaaral. Mabuti na lang at mabait si Lola, inalagaan niya ako noong malaman niyang anak ako ni Papa sa ibang babae-- sa Mama ko. Hindi naman siya nagalit sa akin o ano.

Sa tulong ni lola, napagpatuloy ko ang kursong engineering sa State University sa Nueva Ecija. Minsan inaabutan niya ako ng baon pero naghanap rin ako ng trabaho para naman hindi lang ako umaasa sa kanya. Pambayad ko kasi ng mga miscellaneous fee 'yong pera mula kay Mrs. Garcia.

"Nico, tignan mo o, tinitignan ka n'ong mga babae kanina." Kinalbit ako ni Buknoy, kapwa kundoktor ko, sabay turo sa isang parang company bus na tumigil saglit hindi kalayuan sa amin. "Ang ganda pre! Lalo na 'yong babaeng isa. Sayang tumalikod na."

Natigil ang tingin ko doon sa likod ng babaeng sinabi niyang maganda. I can't deny that, likod pa nga lang n'ong babae, maganda na. Parang ang lambot ng buhok niya ngayong sumasabay iyon sa paglalakad niya.

"Taga-Maynila siguro ang mga iyan no? Parang may fieldtrip e." Dugtong ni Buknoy. Napatingin ako sa kanya at bahagyang tumawa.

"Mukha bang estudyante ang mga 'yan?" Asar ko. "O sige na, tapos na shift ko. Uwi na ako."

Kahit noong pauwi ay naiisip ko pa rin 'yong babaeng nakatalikod kanina. Hindi ko alam kung bakit nanghihinayang ako na hindi ko nakita ang mukha niya. Inalis ko na lang sa isip ko iyon upang magmano sa lola ko pagkauwi.

"Nagkundoktor ka, apo?" Tanong agad ni Lola Joana. "Aba'y bali-balita sa kanto na kay gwapo daw ng kundoktor sa bus station. Nang malaman ko, ikaw pala 'yon."

Napakamot ako sa ulo, inaalala 'yong mga babaeng nagpapapansin kanina sa akin sa bus station.

"Eh, La, okay lang 'yon. Ganito rin ho trabaho ko sa Maynila noon."

Natigilan ako kaonti n'ong sabihin ko 'yon. Parang biglang may nagflash sa isipan ko na mabilis lang at hindi ko maintindihan.

"O, bakit, apo?" Tanong ni Lola nang makitang natigilan ako.

Napailing ako. "Wala po."

Ilang beses nang nangyayari sa akin 'to. Parang naaalala ko naman na lahat, pero bakit parang may kulang?

May hindi ba ako naaalala?

"Topher, may girlfriend ba akong pinakilala sa 'yo dati?" Sabi ko isang beses nang magvideocall kami.

"Ha? Ikaw? Magkaka-girlfriend? E puro trabaho inaatupag mo e. Dati nga gabing-gabi ka na nakakauwi dahil sa trabaho mo." Sagot niya. "Pero may mga oras na umuuwi ka nang nakangiti. Hindi ko alam kung may chics ka ba n'on kasi hindi ka naman nagkukwento. Puro ka next time."

"Ah okay."

"Bakit kuya, may bago ka bang naaalala?"

Tumango ako. "Oo, babae."

Inalala ko 'yong malabong memorya na nakita ko kanina. Pero wala akong masyadong mabuo.

Tumingin ako sa cellphone ko at sa facebook kong bago na ginawa ko pagkapunta ko dito sa Nueva Ecija. May isa akong facebook pero nakalimutan ko na ang password, bata pa nga ako sa picture ko doon. Hindi naman kasi ako mahilig sa social media e.

Ikatlong taon.

Nakapagtapos rin ako sa kolehiyo!

Sobrang saya ko n'ong panahon na 'yon. Lalo na n'ong napasa ko ang Engineering board exam!

Sa wakas matutupad ko na rin ang pangarap ng Mama ko para sa 'kin.

Syempre si Lola at si Topher lang ang bumati sa akin.

"Kuya, congrats!" Sabi ni Topher sa videocall, hindi siya pinayagan ng Mommy niya na puntahan ako rito. "Sana nandito ka. Ang hirap ng engineering, ayoko na!"

Ngumiti ako kay Topher. Mabuti na lang talaga, hindi nagmana 'to sa Mommy niya na masama ang ugali. Ayaw niya talaga mag-engineer, gusto niyang maging singer.

"Kaya mo 'yan. Gagraduate ka na next year, e." Ngumisi ako saka nilapag ang mga gamit ko. Nagsimula na kasi akong magapply-apply ng trabaho.

"Hindi ko kaya kuya, saka ayoko!" Reklamo pa niya. "Bakit ba kasi hindi ikaw ang magmana ng JCG? Ikaw naman ang panganay ah!"

Ngumisi ako. "Huwag kang sumigaw. Marinig ka ng mama mo, makita mo."

Minsan I wanna thank Topher. Kahit hindi niya ako kapatid na buo, gan'on pa rin ang turing niya sa akin. Utang ki rin sa kanya ang buhay ko ngayon. I promised that I will protect him as well. Hinding hindi ako gagawa ng bagay na masasaktan o mapapahamak siya.

Pumunta akong bus station hindi para maging kundoktor, kundi para maging pasahero. Today is my first interview. Nagapply ako sa isang Real Estate company dito sa Nueva Ecija. Maliit na company lang pero pwede na.

"Pareng Nico, congrats!" Sabi ni Noel, kundoktor din. "Balita ko Engineer ka na raw ah!"

"Wala pang trabaho, par!" Humalakhak ako at pinakita ang folder na dala ko.

Nagpaalam na ako para umakyat na, at sa pagakyat ko... biglang may nagflash na alaala sa isip ko.

"Saan ang baba mo?"

"Buenavista."

Napakunot ang ulo ko noong umupo ako sa unahang parte ng bus. Pinipilit na madugtungan pa 'yong alaala.

"Congratuations, you're hired!"

I spent my first year sa unang kompanyang tumanggap sa akin. They're great and all, pero pakiramdam ko talaga may kulang... siguro dahil ang pangarap ko talaga ay nasa Maynila. Sa kompanya mismo ng Papa ko.

Ikaapat na taon...

"Why are you wasting your time and talent here?" Sabi ni Sir Waldy, engineer din sa Corpuz Group. "I mean, yes, okay naman dito... but you're young and talented... ayaw mo ba subukan sa Maynila? Nandoon ang mga malalaking engineering firm, tulad ng JCG Firm." Napangiti agad ako nang mabanggit ang kumpanya ni Papa. "Ako kaya lang naman ako nandito sa Nueva Ecija dahil nalibot ko na ang Maynila. Kuntento na ako dito sa Nueva Ecija."

"Will do that soon, Sir." Sagot ko. "Sa ngayon, I just want to prove something to myself and also to gain experience na pwede kong maipagmalaki once na lumuwas na akong Maynila ulit."

Soon.

N'ong taon rin na 'yon, graduate na si Topher. Unti-unti na rin silang sumisikat ng banda niyang D.A.N.G.E.R. Mahilig talaga sa pagkanta at pagperform si Topher, doon siya mas masaya, kaya lang ay siya lang rin ang naiwang magmamana ng JCG Firm kaya naman kahit ayaw niya ay kailangan niyang pagaralan ang lahat tungkol dito.

"E kuya, I just graduate dahil wala lang. Basta pumasa lang! Wala talaga sa plano kong maging engineer!" Reklamo na naman niya sa videocall. "Ni wala nga akong planong i-take ang boards e. Wala na rin akong maalala sa mga pinagaralan namin."

"Seriously?"

Hindi ko rin alam ang gagawin ko kay Topher. Gusto ko siyang suportahan kaso lagot rin naman siya kay Mrs. Garcia.

"Yup. Kaya nagrequest ako kay Mommy na... maging trainor muna kita."

Natigilan ako sa pag-inom ng kape sa sinabi ni Topher. "You did what?"

"I request Mommy na dito ka na magtrabaho, to guide me."

Bahagyang lumaki ang mata ko, hindi alam ang irereact. "Sabi na e, dito mo gustong magtrabaho 'di ba? Ayaw mo lang aminin sa akin!"

Ang saya ko n'ung sinabi 'yon ni Topher. Magtatrabaho ako sa JCG Firm. Kahit saglit lang, ayos lang... gusto ko lang maranasan kahit papaano.

"Salamat, bro. Da best ka talaga!" Bola ko kay Topher.

"Sus, basta libre mo ako pagdating mo dito kuya." Sabi niya. "Saka oo nga pala, para mapakilala ko na rin sa 'yo 'yong nililigawan ko."

"O, wag mo sabihing pati diyan nahihirapan ka." Tumawa ako.

"Sus, easy kuya. I have the number na nga e." Sabi niya. "Pero hindi niya pa ako sinasagot, okay lang I'll wait, though." Tumawa lang ako para asarin siya kasi mukhang ang lakas nga ng tama niya sa tinutukoy niyang babae.

"Ano namang pangalan?" Tanong ko.

"Via." Sagot niya.

Natigilan ako dahil doon, saglit na may naalala.

"Buenavista, estudyante."

"Weh? Estudyante ka?"

"Yes. Hindi ba halata?"

"Tingin ng school ID, Ma'am. Va-ya--"

"That's Vi-ya!"

"Bakit Vi-ya, e diba Va-ya bluetooth 'yon?"

"Who cares?"

"V-via?" Kunot-noong tanong ko.

"Yup, ganda ng name no? Via Colleen Cruz." Sabi pa ni Topher.

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Inend ko agad ang tawag para isearch siya sa facebook o kung saan man.

Via Colleen Cruz.

Lumabas agad siya sa results. Nalaman kong siya nga dahil mutual friend namin si Topher dito sa bagong account ko.

I clicked her profile picture at hindi ko alam kung bakit grabe ang epekto n'on sa akin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang tinitignan ang iba niya pang larawan.

I knew her!

I don't know when or how! But I know to myself that I knew her! Pero kahit anong kunot ko ng noo ay walang pumapasok sa ulo ko.

Sa pagiisip ay may salitang nagpop up sa memorya ko.

vayacolin

I tried to log in on my old facebook acount using that password, and it worked!

Sobrang daming messages and notifications ang bumungad sa akin doon.

Anton:

Dre, kamusta ka na? Wala na kaming nabalitaan tungkol sa 'yo. Tangina naman e, bigla ka na lang di pumunta sa bus station. Gago ka magparamdam ka naman! May utang ka pang 200 sakin pero gago bayad ka na basta buhay ka lang. Magiging 2k yan kung patay ka nang hayop ka.

Naalala ko si Anton, isa sa kundoktor na kasama ko sa Maynila.

Mak Mak Gaña:

Hoy gago anyare sayo? Hanap ka ng bebe mo, umiiyak, ayaw mo n'on diba? Pare miss ka na namin. Ano na bang nangyari sayo?

Unti-unting sumasakit ang lalamunan ko habang binabasa lahat 'yon. Lahat ng pagaalala ng mga kasama ko sa trabaho ay nandoon. Lahat rin ng nararamdaman kong kulang ay doon unti-unting nasagot. Hindi ko sila nadaanan bago pa ako makarating sa Nueva Ecija dahil hindi ko naman sila naaalala n'ong panahon na 'yon. Akala ko lahat ay naaalala ko na pero hindi pa pala.

Natatakot ako na baka sobrang dami ko pa palang hindi alam...

Ang pinahuli kong nabasa ang mula sa isang pamilyar na pangalan.

ViaBluetooth:

Nico... si Via 'to. Kamusta ka na? Nasaan ka ngayon? Sana kung nasaan ka man ay ligtas at nasa maayos kang kalagayan. Nasa akin pa 'yong jacket mo. Hindi ba palagi mong sinasabi sa akin na saka ko na lang 'to ibalik dahil magkikita pa tayo? Magkikita pa naman tayo di ba? Nasaan ka? Ayoko na ng jacket mo please, ibabalik ko na 'to sa 'yo...

Miss na kita... miss na miss... please, magkita na tayo ulit. Hindi ko pa nasasabi sa 'yo itong nararamdaman ko. Please, Nico... please.

Bunilis ang tibok ng puso ko at para bang umikot ang paningin ko lalo na noong binasa ko ang huli niyang sinabi.

I love you.

Sumakit ng sobra ang ulo ko. Hinawakan ko iyon at halos nabitawan na ang cellphone dahil sa sobrang pamimilipit ko. Isinigaw ko ang sakit baka sakaling hindi ko iyon maramdaman...

then the last thing I knew, everthing went black.

Next chapter