webnovel

Hindi Pwede?

See you mamayang uwian, Via. :) -- Nico.

Parang tangang kagat ko lang ang labi ko para mapigilan ang ngiti hanggang sa makarating ako ng classroom namin. Mabuti na lang at hindi ako na-late. Napansin pa ni Geraldine na good mood ako.

"O, nakain mo 'teng?" tanong niya sa akin pagkaupo ko ng upuan sa tabi niya.

Inalis ko ang ngiti sa mukha ko.

"Why?" tanong ko.

"Parang ang gaan ng aura mo today e." sabi niya kaya ambang babatukan ko sana siya.

"Aba! Bakit? Lagi ba akong nakabusangot?"

"Oo? Hindi mo ba pansin?" sagot niya. "Kabisado ko na nga mga nirereklamo mo tuwing darating ka e. Traffic, mainit, nakasalubong mo si Marcus, nababanas ka kina Lindsey..."

"Well, walang nangyari sa lahat ng 'yan kaya good mood ako." ani ko.

"Totoo? Hindi traffic?" natigilan ako sa tanong niya.

"H-Hindi." taas noong sagot ko. Pero ang totoo ay sobrang traffic pa rin, siguro ay hindi ko lang masyadong napansin sa ngayon.

Naging napakabagal ng oras... siguro dahil binabantayan ko ito. Hindi ko alam kung bakit gusto ko nang madaliin an takbo ng orasan para mag-uwian na.

Saglit na sinulyapan ko muli ang phone ko para icheck kung may nagtext ba. Hindi ko alam kung bakit ako nadismaya noong wala.

"Oh, ang haba na naman ng nguso mo?" puna na naman ni Geraldine sa akin. Medyo napatalon ako dahil sa gulat. "Dahil ba nagpapapansin na naman sa 'yo si Marcus?"

Kumunot ang noo ko.

"Huh?"

Paanong nagpapapansin e hindi ko nga napapansin na nagpapapansin siya?

"Look," sabi ni Geraldine saka ninguso ang isang direksyon. Noong tignan ko ay nakita ko si Marcus na straight kung makatingin sa akin mula sa gilid nitong classroom. Marahan na lang akong umirap,pero dahil doon ay napatingin rin ako kay Jared na nakatingin rin sa akin.Katulad ng dati ay ang inosente pa rin ng tingin niya at anytime yata ay magba-blush na siya kakangiti.

Just... wtf?

Tuluyan nang umikot ang eyeballs ko patungo kay Geraldine -- na tumaas-baba ang kilay noong tignan ko siya.

"Anong oras last subject natin?" I asked instead, pareho kasi kami ng timeslot na kinuha ni Geraldine, para magkakaklase kami sa lahat ng subjects.

"Ano ka ba 'teh, may groupings tayo later para sa thesis natin." aniya. "Remember? Deadline ay end of the month na,"

Naalala ko nga pero hindi ko naalala, na-stress tuloy ako bigla.

"Sino nga ba mga kagroup ko dyan?" tanong ko.

"Ang naalala ko lang, si Jared."

Napasapo na naman ako sa noo dahil doon. Totoo ngang isa siya sa mga kagroup ko noong maka-receive ako ng text mula sa kanya habang nasa klase kami.

Jared: Via, magka-group tayo sa field research natin.

Nireplyan ko naman ito.

Me:  I see...

Jared: Sa library raw tayo magmeeting.

Me: Okay.

Matapos kong itext iyon kay Jared ay napaangat ako ng tingin sa kanya dahil nakatingin rin siya sa akin. Umiwas siya ng tingin habang nakangiti.

Napailing-iling na lang ako.

6:00 PM noong nag-uwian kami at nagpasya ang grupo namin na pumunta na sa library para masimulan ang thesis namin. Agad na umuntot sa tabi ko si Jared.

"Via," aniya sabay ngiti at tungo.

"Hey," sabi ko lang saka nagfocus sa paglalakad.

Hindi ko na namalayan kung anong pinagdidiscuss ng leader namin dahil parang wala ako sa mood para magfocus sa thesis sa ngayon. 

Napatingin ako sa orasan,

8:00 PM

Medyo nabobored na ako, at medyo naiirita dahil palagi kong nakikitang nakatingin sa akin si jared. palagi pa siyang nakangiti tuwing titignan ko siya. Masyado siyang mabait para sa akin, hindi ko rin naman siya kayang sungitan kagaya ng pagsusungit ko kina Marcus.

 9:30 PM nang mapagpasyahan ko nang umuwi.

"Guys, I need to go." sabi ko. Napaangat ng tingin ang lahat sa akin. "U-uh, I need to take the bus today..."

"What? Bakit ka magba-bus? May sasakyan naman si Jared... I heard they moved in malapit sa tinitirhan niyo?" sabi ng kagrupo ko na si Kisha.

Napatingin naman ako kay Jared na ngumiti at inayos ang bridge ng salamin niya.

"Saka we're not done yet... Kaonti na lang then pwede na natin 'tong gawin sa kanya-kanya nating bahay..."

Wala na akong nagawa kundi hintayin pa lalo ang oras. 30 minutes bago kami natapos talaga, and it's almost 10pm. Kahit hindi ako sure kung may bus pa o wala na ay nagmadali akong nag-ayos ng gamit para makaalis agad.

"Via!" tawag ni Jared sa akin noong napansing nagmamadali akong lumabas ng classroom. "You're still taking the bus? Gabi na, baka--"

"Uhm, no, uh... may dadaanan lang ako. But I'm going to take the train."

"Via, sabay ka na lang sa--"

"Thanks, Jared!" I shouted instead saka kumaway habang tumatakbo na ako palayo.

Ilang minuto bago ako tuluyang nakarating sa bus station, pero hindi katulad ng dati ay sobrang tahimik na ngayon. Napabagal ang paghakbang ko.

"Ay naku, ineng," napalingon ako sa nagsalita. "Wala nang bus. Last ride na 'yong umalis kani-kanina lang." sabi ng isang medyo matandang driver nang mapansin yata ako. Madilim na ang halos siya na lang yata ang tao, kasama 'yong ibang guard na naghahanda na rin pauwi.

Mukhang late na nga ako.

"Ah sige po, salamat..." sabi ko lang habang nililibot pa rin ng tingin ang buong paligid. Ngumiti ako doon kay Manong driver, saka ako tumalikod.

Sakto namang may pumaradang pamilyar na sasakyan sa hindi kalayuan mula sa pwesto ko. Noong magbukas ang windshield ay natanaw ko ang nakangiting mukha ni Jared. Pero bago pa man ako tuluyang makalapit sa sasakyan nito ay may narinig na akong pangalan na siyang nagpa-pintig ng mabilis sa puso ko.

"Nico," napatigil at napalingon muli ako dahil doon.

Natanaw ko 'yong driver na nakausap ko kanina na may ginigising na lalaking nakatungo sa isang lamesa. Medyo malayo sila mula sa akin pero rinig ko ang sinabi n'ong manong sa kanya. 

"Nico, iho, gising!" natanaw ko kung paaong umangat ang ulo ni Nico mula sa pagkakatungo sa lamesa. "Nandyan ka lang palang bata ka jusmiyo! Nakaalis na 'yong last bus. Bakit ka ba pumasok e wala ka namang pasok ngayon! Sino ba kasi 'yong hinihintay mo?!"

Agad akong umiwas ng tingin at naglakad ng mabilisan noong maramdaman kong mapapadpad na sa akin ang tingin niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot... na may mali dito sa nararamdaman ko... Na may kailangan akong iwasan.

Hindi nga ako nagkamali dahil ilang sandali lang ay narinig ko na ang pangalan ko.

"Via!" mumunting tawag ni Nico sa pangalan ko. I bit my lower lip. Pumintig ng mas mabilis pa ang puso ko. Narinig ko iyon pero dahil nga medyo malayo siya ay nagpanggap na lang ako na hindi ko iyon narinig. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa sasakyan ni Jared habang patuloy rin na tinatanong ang sarili ko...

Hindi ko na mapigilan... pero hindi ko rin matanggap. Hindi ko kayang tanggapin. At alam kong hindi rin 'to tatanggapin ng Mama ko.

Gusto ba kita Nico?

May gusto na ba ako sa 'yo?

May gusto ako sa isang kundoktor?

"I think there's someone calling you, Via." sambit ni Jared pagkasakay ko sa sasakyan niya. agad ko namang isinara ang windshield sa tabi ko, saka sila hinarap.

"Huh? T-There's none." sagot ko naman.

"Okay," sagot naman ni Jared saka ito ngumiti. "Let's go? Mabuti at naisipan kong sundan ka dito kasi naisip kong baka wala nang bus."

"Yes... uh, thank you." sabi ko saka ko na naramdaman ang pag-alis nitong sasakyan. Sa huling pagkakataon ay sumulyap ako sa tinted na bintana nitong sasakyan... and I saw him standing from a far habang pinagmamasdan kung paano kami mawala sa paningin niya.

Hindi ko alam kung bakit kumirot ang dibdib ko nang muli kong basahin ang tinext niya sa akin kaninang umaga.

'See you mamayang uwian, Via. -- nico'

Pero hindi pwede diba?

Hindi pwede... Hindi ko pwedeng maramdaman 'to.

Next chapter