Nagkatotoo nga 'yong sinabi ni Marcus na magagawa niyang paharapin sa akin sina Lindsey. Nagulat na lang ako n'ong nag-uwian ay nagkumpol ang mga bruha sa harapan ko. Taas ang kilay nila at naka-crossarms. Akala ko aawayin na naman nila ako pero napataas ang kilay ko noong nakita ko si Marcus sa hindi kalayuan, nakangiti with thumbs up pa.
"If it wasn't for Marcus, I wouldn't do this." bulong pa ni Lindsey habang parang pinapakiramdaman ang presence ni Marcus sa likuran nila. Napangisi ako dahil sa inis na inis na mukha nilang apat. I don't like Marcus pero gusto ko 'tong ginawa niya, but that doesn't mean na makukuha na niya ang gusto niya sa akin.
Nagpanggap akong walang alam sa balak nila.
"Bakit, Lindsey? May gusto ba kayong sabihin?" nang-aasar ko pang tanong.
"Ano na naman bang trip niyo ha, Lindsey?" sabi ng walang muwang na si Geraldine. Ayan kasi iniwan mo ako n'ong time na 'yon kaya hindi mo tuloy alam ang chismis. Tss.
"We want to say sorry." tuloy-tuloy na sabi ng alagad ni Lindsey na nasa likuran niya, pero naka-taas pa rin ang kilay na akala mo e, galit sila. Tumingin pa sila sa buong paligid para i-sure kung may nakarinig ba ng pagsosorry nila.
"Okay na?" sabi ni Lind. "Let's go girls." paalis na sana sila pero syempre dahil maldita ako ay hindi sapat 'yon. Ano, gan'on gan'on na lang 'yon?
"What?" sabi ko. "Bakit si Tara lang ang nag-sorry? Spokesperson mo ba siya ha, Lindsey?Hindi ba kayong dalawa ang naglagay ng ketchup sa damit ko?" tinignan ko si Lindsey na kunot na ang noo habang nakatingin sa sahig. Dumarami na kasi ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa paligid namin, to think na medyo sikat rin ang Lindsey na 'to sa buong campus. "Lindsey, you want to say something?"
Narinig ko ang pag-ngisi ni Lindsey.
"What do you think of yourself ba ha, Via? Mas mataas ka sa akin?" halatang pa-sabog na na banat ni Lindsey. Mas dumami ang nanood sa amin kaya naman medyo inalalayan rin ako ni Gerladine kung sakaling sumugod man sa siya sa akin. "Isn't her sorry enough for you? Kailangan pati ako? Bakit ako magsosorry e, deserve mo naman 'yon?!"
Napangisi na lang rin ako. I knew it, I doubt talaga na mag-sorry sa akin ang isang 'to.
"Okay," I put my hands up. "I don't really need your sorry talaga e. So..." tumingin ako kay Marcus na papalapit na ngayon sa amin.
I smirked, saka umakmang tatalikod.
"Wait, Via!" sabi ni Marcus.
Si Geraldine ay mas lalong natahimik at napanganga sa tabi ko nang makita niya si Marcus na papalapit sa amin.
"Via, tell me what's happening!" bulong niya. "Ay 'wag na nga, alam ko na ang sagot. Kainis ka, ba't ang ganda mo!" dugtong niya pa.
Lumingon na lang ulit ako sa kanila. "Yes?"
Tumabi si Marcus sa akin upang harapin sina Lindsey. Napayuko naman sila habang kunot pa rin ang noo.
"Didn't I tell you na mag-sorry ka?" aniya.
"Pero Marcus, sobra na 'yon! I can't do that!"
"If that's the case, you can't talk to me --"
Agad na umalma si Lindsey, "Sorry, okay? Sorry for what we did Via."
Parang medyo kinurot ang puso ko dahil doon. Medyo naawa ako sa kanya. Is she really that desperate? Tsk, tsk... gusto kong maawa sa mga babaeng ito na alipin ng mga lalaking kagaya ni Marcus.
They don't know they worth more than that. Any other girls, ako, o kahit si Lindsey man, they worth more than that.
"'Yon lang?" sabi ni Marcus, pero agad ko na siyang pinigilan.
"That's enough." sabi ko. "I don't have time na rin. I need to go home. Let's go, Geraldine." sabi ko sabay talikod. Syempre humabol sa amin si Marcus.
"Bakit tayo umalis agad? I can make them kneel in front of you if you want to--"
"Don't you dare." sagot ko naman agad. "Akala mo matutuwa ako sa 'yo kapag ginawa mo 'yon?"
"Okay, I'm sorry. Akala ko lang you want to get back to them." aniya.
"Anyway, I will bring you home today, Via. As you promised." habang sinusundan niya kami sa paglalakad.
"I didn't promised anything." sabi ko naman.
"Hindi ka na rin makakaangal, I already told your Mom."
napatigil ako dahil doon sa huli niyang sinabi.
"My Mom?" kunot-noong tanong ko. Paano niya nakilala ang Mommy ko?
"Ah, Via... una na ako ah? Hehehehe... nandyan na si Daddy e." singit na naman ni Geraldine, na palagi naman akong tinatakasan tuwing nasa ganitong sitwasyon. Hindi ako sumagot kaya naman nagpatuloy na siya sa pag-alis.
"I'm sorry I didn't tell you," aniya. "Ahm, I kind of talked to your Mom na--"
"How?" tanong ko. Naalala ko naman 'yong lalaking sinasabi ni Mommy. "Wait, ikaw ba 'yong bagong kapitbahay namin?"
Umiling naman siya.
"Nope..." sagot niya. "What do you mean kapitbahay? I just liked all your profile pictures if you didn't notice, then I suddenly received a message from your Mom asking who am I."
Ngayon ay ako naman ang nalaglagan ng panga. Parang gusto ko na lang this time ay magpakain sa lupa.
JUSKO MOMMY!
"But if you want to I can move to--"
"Nevermind." sabi ko sabay lakad ulit. Sinundan niya ako hanggang sa makalampas kami sa Parking lot ng university.
"Hey, my car's over there..." aniya.
Agad akong ngumisi. "If you really want to bring me home, magba-bus tayo." nalaglag ang panga niya.
"What? Bus? As in public bus?"
"Yes. Ano pa ba?"
"Pero meron akong sasakyan. Bakit pa tayo-"
"Look, Marcus." sabi ko. "I don't really trust you. Malay ko ba kung saan mo ako dadalhin kapag nakasakay na ako sa sasakyan mo. So if you don't like, pwede ka nang mag-car, okay? I'll take the bus."
"Woah..." aniya habang sinusundan pa rin ako sa paglalakad. Nakalabas na kamo ng university ngayon at naglalakad na papunta sa bus station. "Don't be too straightforward everytime, Via. Mas lalo akong nagiging interesado."
Napalingon ako sa kanya at sa ngisi niya. Tss, certified playboy talaga ang isang ito. Kung ibang babae lang ako malamang ay kinilig na ako.
Pagdating namin sa bus station ay sobrang haba ng pila, tapos wala pang bus na dumarating. Mukhang inabot pa yata kami ng rush hour, ah. Syempre inasahan ko na ang reklamo ng anak-mayaman na si Marcus.
"Oh god, is this serious?" aniya. "You don't really want my car?"
Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nang makatuntong kami sa pinaka-bus station talaga ay humakot kami ng atensyon, o baka si Marcus lang? Hindi naman kasi talaga madedeny ang kagwapuhan ng isang 'to. Ang mga suot niya pa magmula sa damit at sapatos ay humihiyaw ng yaman.
Nakakapagtaka kung makikita mo siya na sasakay ng pang-ordinaryong bus.
Unang bumungad sa mata ko habang naglalakad palapit sa dulo ng pila ay ang kunot na noo ni Nico. Hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan.
Umiwas ako ng tingin at pumila na. Gan'on rin si Marcus. Halos 30 minutes yata kaming naghintay roon bago may dumating na bus. May kung anu-anong sinasabi si Marcus na hindi ko masyadong naintindi dahil pakiramdam ko e may nagmamasid sa likuran ko.
Nasiguro ko lang na nasa likuran pa rin namin si Nico noong naglakad na siya paharap patungo sa pintuan ng kakarating lang na bus. Mukhang siya nga ulit ang kundoktor ng bus na sasakyan namin.
Saglit na nagtama ang mga mata namin noong sinisimulan niya nang paayusin sa pagpila ang mga tao. Iyon na rin ang hudyat na papasok na kami sa bus.
Noong kami na 'yong papasok ay pinigilan ko ang sarili kong tignan siya. Nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat. Mukhang punuan na yata ah? Isang upuan na lang ang nakita ko sa bandang likuran.
"Problema ng kundoktor na 'yon? Ang angas ah." bulong ni Marcus habang tinatahak namin ang hallway ng bus.
"Bakit?" tingin ko si Nico ang tinutukoy niya.
"Sama kung makatingin e."
Napakunot na lang ang noo ko saka umupo sa last vacant na upuan.
"Where should I sit, then?" tanong ni Marcus.
"Oops, sorry pala. Last upuan na 'to e," sabi ko sa kanya. "Tatayo ka na lang diyan. O kaya maghihintay ka ng susunod na bus, o kaya... huwag mo na lang ako ihatid." I display a fake smile.
"Okay lang, tatayo lang naman pala e." mayabang na sabi niya.
"Okay... then, good."
Napatingin ako sa harapan at ayan na naman ang hindi ko maunawaang kaba noong sumampa na sa bus si Nico... na kunot na naman ang noo at salubong ang kilay noong tignan niya ako.