Year 2019
Bakit kaya sa dinami-rami ng taong nakakasalamuha ko ay parang walang nakalaan na para sa akin?
Hindi naman sa nagmamadali ako ah, pero aaminin kong naiinggit at naku-curious ako sa pakiramdam na may nagmamahal sa iyo. Pero kahit na gan'on ay hindi ako nagsettle sa mga nanliligaw sa akin. Yes, sometimes I am attracted, pero alam kong hanggang doon lang.
Maybe because I want everything to be natural.
Ayokong magustuhan ko ang isang tao dahil lang nanliligaw siya at nagustuhan ko siya dahil lang sa mga magagandang bagay na ipinapakita niya, na maaaring hindi naman pala totoo sa huli. Gusto ko ay kusang puso ko ang pipili, kusang puso ko ang titibok.
Pero hindi ko maaapply ang kagustuhang iyan sa paghihintay ng bus papuntang school! Hay nako! Sobrang daming pasahero, kung maghihintay ka lang talaga ay wala kang mapapala.
Kailangan mo nang makipagunahan. Kailangan mo nang makahanap ng bus na masasakyan mo.
Tumingin ako sa orasan ko. Tss. Dalawang oras na pala akong nakatayo dito para maghintay! Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakasakay! Inagahan ko na nga ng dalawang oras ang gising ko, pero pagiging late pa rin pala ang end-up ko?!
Tinali ko ang mahaba kong buhok para hindi ito makasagabal sa pagtakbo ko. Halos lahat ng dumarating na bus pa-Maynila ay hinabol ko na. Kung hindi puno ay hindi ito naman titigil. Saktong pang-apat na bus ay agad akong nakaabang sa may pintuan nito para agad na makapasok pagkabukas.
"Saglit lang, may bababa." sabi agad n'ong kundoktor sabay harang ng kamay niya sa pinto.
Ang problema ay maraming kalalakihan ang nauna sa harapan ko. Baka mamaya kaonti lang ang makapasok at hindi pa ako mapabilang! Ginamit ko agad ang advantage ko para paunahin nila ako. Hehe. Pakunwari akong tumingin sa orasan at nagpanic.
"Hays, late na talaga ako." tumingkayad ako para tignan kung gaano karami ang bumababa. Wala pa ni isa, nasa dulo yata ng bus 'yong bababa at mukhang naipit pa sa dami ng tao, kaya natagalan. "May midterms pa naman kami!" nakangusong dugtong ko pa, sapat na para marinig n'ong mga nasa unahan.
Napangiti naman ako sa isip nang nilingon ako n'ong tatlong nauna sa akin. Ang iba ay mukhang nagtatrabaho na, 'yong iba naman halatang estudyante pa.
"Naku, late na late ka na ba?" sabi n'ong mga lalaking lumingon.
Ngumuso ko. I even made sure na ma-display ang malalim kong dimple sa kaliwang pisngi. Hindi ako nabigo dahil nakita ko agad ang kislap sa kanilang mga mata.
"Opo e. Dalawang oras na po akong nakatayo rito." sabi ko pa.
"Ay, kawawa ka naman. Hindi bagay sa magandang babaeng kagaya mo ang maghirap sa pagba-byahe. Ang dapat sa 'yo ay sa kotse. Sige, sige, ikaw na ang mauna." iminuwestra ni kuya ang unahan niya para hayaan akong mauna. Sumunod rin ang iba.
"Sige ikaw na ang mauna, Miss." ani na rin pati n'ong iba.
Napangisi naman ako.
"Thank you po mga kuya! Thank you!" I said using my sweetest voice, habang umuusod na paunahan. Narinig ko pa ang bulung-bulungan ng mga babaeng nasa likuran.
"Daya naman, porket maganda!" pero hindi ko na lang inintindi.
Sa buhay, kung may gusto ka, kailangan minsan ay maghanap ka ng paraan. Hindi 'yan parang lovelife na pwede kang tumunganga lang dahil mayroon naman talagang itinadhana sa 'yo bago ka pa ipanganak.
Walang naka-tadhanang bus para sa atin, haha! Tayo ang kailangang maghabol. Tayo ang kailangang mag-isip ng strategy para makasakay.
Ang kaso lang ay may isa pang lalaki na nasa unahan talaga. Ni hindi niya man lang ako nililingon. Kakalabitin ko sana siya nang nagsalita na 'yong kundoktor. Nakita ko rin ang pagbaba ng isang pasahero.
"O isa lang!" sigaw n'ong kundoktor. "Puno na kami, isa na lang kailangan!"
WHAT? Isa na lang? Agad akong nag-panic n'ong aakyat na 'yong lalaking nasa unahan ko.
"We-wait kuya!" hinawakan ko 'yong balikat niya. Lumingon siya sa akin. Imbis na siya ang mapakurap ay ako yata ang napakurap. Kunot ang noo niya at halatang inis na noong nilingon niya ako. Sandaling natigil ang paghinga ko. "A-Ako na lang mauna p-please?"
Shit, hindi makatarungan ang kagwapuhan ng isang ito. The typical mukhang anak-mayaman guy na may maputing balat, thick eyebrows, round eyes, pointed nose, and clear skin. May bangs rin siya na umaabot hanggang sa kilay niya which makes him more attractive.
"Oo nga, paunahin mo na 'yong magandang babae!" hiyaw ng mga nasa likuran.
"Tss." umirap siya at akma na namang sasakay.
"K-Ku-kuya please? K-kailangan kong mauna, m-may midterms pa kami!"
"Pareho lang tayong estudyante, Miss. May midterms rin kami!" inis na asik niya.
Aba't? Hindi marunong magpaka-gentleman 'to ah? Kumunot na rin ang noo ko habang ang ilan ay nanonood na sa amin.
"Kuya running for Cumlaude ako!" sabi ko at akmang sasakay na.
"E ano ngayon kung magla-laude ka?"
"Bawal ako ma-late, dalawang oras na akong naghihintay dito!" inis na sabi ko pa.
"Kasalanan ko ba malelate ka dahil babagal-bagal kang humabol ng bus?"
Halos para na kaming magbabanatan kung magkatinginan, habang parehong nakasampa 'yong paa namin sa unang step paakyat ng bus.
"Hep! Hep!" ani n'ong kundoktor. "Kung mag-aaway kayo, doon niyo 'yan gawin sa gilid. Nakakaistorbo kayo!" saka nila akmang isasara 'yong pintuan ng bus. Agad naman naming inalis ang paa namin sa unang step kaya tuluyan nang nagsara 'yong pintuan.
"H-HINDI! WAG!" Humabol ako sa takbo ng bus habang sumisigaw. "K-KUYA WAIT LANG!"
Kaya lang, tuluyan na itong nakalayo.
Halos mangiyak-ngiyak ako at bagsak ang balikat habang tinitignan ang papalayong bus. Tumahimik ang buong paligid, umihip ang malakas na hangin, tapos nakarinig ako ng bulong.
"Kasalanan mo 'to e."
Napalingon ako sa kanya. Hindi siya malayo, at hindi rin malapit. Sakto lang para marinig ko siya. Nagpameywang ako sa kanya.
"Excuse me?" I even point at myself. "Are you talking to me?"
Nilingon niya ako. Hinangin ang itim at straight niyang buhok, pero napansin ko pa rin ang pag-irap niya.
"Arte." aniya.
Tuluyan nang nalaglag ang panga ko.
"What did you just say?"
Umirap na naman siya saka umigting ang panga. Kumunot ang kanyang noo na lalong nagdepina ng makakapal niyang kilay. "Kung hindi ka nag-inarte, sana isa sa atin nakasakay na sa bus na 'yon!"
"Kung gentleman ka lang rin, sana nakasakay na ako!"
"Tss, gusto niyo ng equality pero ginagamit niyo yung babae-card niyo. Ironic." saka niya ako tinalikuran.
Wow.
Wala na akong masabi. Oo, may itsura siya pero wala siyang modo!
Inirapan ko na lang rin ang likuran niya. He's wearing a white uniform, na I don't know from what school. Hindi ko rin alam kung what course. Well, I don't care.
9 am nang makasakay ako ng bus. Isang oras akong late, mabuti na lang at wala pa talaga kaming midterms. Syempre joke ko lang 'yong kanina. Strategy ko lang para ako 'yong paunahin nila.
Kaso wala ring kwenta dahil sa walang modo na lalaking 'yon.
At least totoong running for Cumlaude ako.