Pasimple lang akong pumasok sa klase. Mabilis akong naglakad papunta sa upuan ko habang nagsusulat pa sa blackboard si maam Joy. Akala ko, walang makakahalata na na-late ako, pero mali.
"Good morning Penelope!"pasigaw na bati sa'kin ni Heidi, isa sa mga "ex-friends" ko. Nakalimutan kong may mga kontrabida pala akong mga kaklase.
"Bakit ka late?" kungyari concerned na tanong ni Diana, barkada rin ni Heidi at isa rin sa mga "ex-friends" ko.
Nginitian ko sila kahit na naiinis ako. Kailangan ba talagang ipaglandakan na late ako? May mata naman yung teacher namin at may beadle naman kami na nagche-check ng attendance. Papansin lang?
Minarkahan naman ako ng late ni Mary, yung beadle namin sa subject na ito. Halos palagi naman talaga akong late. Hindi na kataka-taka iyon. Basta 7:30 am o mas maaga pa ang pasok, kahinaan ko talaga yan. Di ko yata kaya. Sumasakit kasi ang ulo ko kapag bitin sa tulog.
Mayamaya pa, dumating na rin ang seatmate kong si Arnaisa. Parehas lang kaming late pero mas madalas lang siyang uma-absent dahil umuuwi siya sa probinsya nila.
"Kanina pa nag-start?" tanong niya pagkalapag niya ng maliit niyang sling bag. Halatang nagmamadali siya. Ni hindi na siya nakapagsuot ng hijab at basa pa ang mahaba niyang buhok.
"Medyo. Late rin nga ako eh. Kopya ka na dyan." Shinare ko sa kanya ang notebook ko dahil di hamak na mas mabilis ako kesa sa kanyang magsulat.
Mabilis maglipat ng slides si maam eh. As much as possible kumokopya ako ng notes kasi minsan, late na ina-upload ng mga bruha kong classmates ang handouts. Mga tipong bukas yung quiz tapos iu-upload nila ng mga alas-dyes o mga hating gabi, ganon.
"Okay ka lang? Parang namumula yung mata mo,"nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Ah. Wala yan. Nagpuyat ako kagabi. Nagsulat ako ng Thesis tapos gumawa pa'ko ng projects at assignments," sagot niya. Pero parang may mali. O ako lang ba yun?
"Kamusta Thesis niyo? Lumipat ka na ba? " tanong ko sa kanya habang mabilis na nagsusulat. Aba, multi-tasker 'to no.
"Oo. Mahirap din kasi talaga. Wala rin namang nangyayari kapag magstay pa kami doon."
"Mabuti naman. Eh sina Kaylene at Sheena, anong sabi?"
"Nagalit sila sa amin. Basta." I didn't dig in for more information. I respect her naman. She looks tired and all tapos baka mas madagdagan lang stress kapag pinilit pag-usapan ang ayaw pag-usapan.
Pagkatapos ng klase, nakasabay ko sa paglalakad palabas sina ate Kris, ate Wincelette, Ailou, kuya Earl, at Arnaisa. Birthday daw ni ate Wincelette at nagkayayaan na magcelebrate mamayang gabi, sa boarding house nila Arnaisa.
Nakapunta naman na ako dun kasi ever since nung break, first semester ng third year, naging kaibigan at nakabonding ko si Arnaisa. Malapit lang yun dito sa school at sa isa naming bahay. Sabi niya, ako raw ang first friend niya sa classroom ever since nag-shift siya from medtech.
Ah, I remember the days. During our second year, I used to sit at the back, together with the shifters kasi iniiwasan ko sina Heidi, Jane, Daisy, at Diana. Dun ko siya naging casual na friend.
Kanya-kanyang grupo kasi sa amin. Pag baguhan ka, hindi ka papansin masyado. Except nalang kung gwapo ka o matalino ka, kakaibiganin ka ng grupo nina Heidi.
Ang boys naman sa department namin, hindi naman maarte. Basta sabay ka lang sa mga trip at inuman session nila, okay kayo.
"Si Wincelette, birthday, tatahimik lang! Wala man lang libre!" kantyaw ni ate Kris.
"Hahaha. Wala na kasi akong pera sis!"
Tinapik naman ni Kuya Earl ang balikat ni ate Wincelette bago binitiwan ang malupit niyang joke: "Ay Wince, wag ka na gumastos! Ile-lechon natin si Kris mamaya. HAHAHA."
"Gago ka talaga ba! Sumbong kita sa girlpren mo ha!"
"Whatever! Dun ka nga! Porket birthday mo ngayon ha. Gaganyan ganyan ka. "
"Sshh. Wag kang maingay, baka marinig ka nila. Kayo lang ang invited sa birthday ko mamaya. Ayoko ng maraming bisita. "
"Ay bakit naman sis?"
"Sabi kasi ni daddy, exclusive lang daw. Magagalit si daddy digong. HAHAHAHAHA" pagbibiro pa ni ate Wincelette.
"Kapal ng fes! HAAHAHA."
"Ayay! Sigurado ka na si daddy digong yan? Baka daddy dugong! " sabat ni kuya Earl.
"HAHAHAHAAHAHA! Bwisit!"
"Du-dugong.. HAHAHAHAA"
Maluha-luha habang nakahawak pa sa tiyan na komento ni Ailou. "Dabest ka talaga magjoke kuya Earl!"
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Natatawa ako sa friendship nila. Hindi kasi sila nagpa-plastikan. Alam mo yun? Ang gaan nila kasama.
Ah, good old days. I silently smiled with the thought.
--
Hi Pen-Pen!
Nakakapagod! Ang daming nangyari kanina. Umagang-umaga ay nabadtrip ako kina Heidi. Papansin much. Parang gusto kong takpan ng packing tape nalang yung bibig niya. Pero buti nalang, masaya kasama sina ate Wincelette.
Nga pala, birthday niya ngayon. Parang ang sarap nalang itulog yung lahat ng pagod. Pero kasi, parang masaya. Tsaka first time akong a-attend ng birthday ng classmate ko sa college.
Pero gabi na. Mahirap makasakay dito sa subdivision namin. Tapos, bente nalang yung pera ko dito. Uggh. I feel so conflicted.
Pupunta ba ako, o hindi? Help me, Pen- Pen!
--
Preshy-chan's note: Hijab- isang tela na isinusot ng mga kapatid nating muslim na babae sa kanilang ulo na parang hood para matakpan ang kanilang buhok at ang mukha lamang ang makita sa kanila.