Deanna POV
Lunes ngayon kaya naman maaga akong nagising at nag asikaso para sa pagpasok. Tiyak na madami kaming gagawin ngayon at ang alam ko pa ay mga quiz pang magaganap sa Math mamaya.
Mabuti na lamang din eh kahit papaano ay nakapag review ako kagabi bago matulog. Pinilit ko talaga ang aking sarili na magbasa ng aking notes kahit na pagod ako sa maghapon.
Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod kung mayroon kang bisita na napaka kulit at pasaway na nanay.
Ayaw talaga nila akong pakinggan kahapon. Lalo na si Jema, kahit ilang beses ko pa siyang pagtabuyan para umalis. Hindi ito nakikinig sa akin dahil mas pinakikinggan pa siya ng sarili kong ina kaysa sa akin.
Nang masiguro na ayos na ako at handa na pag alis na bumaba na ako mula sa aking kwarto.
"Nay, good morning po!" Bati ko rito habang nag aayos ng kanyang mga kagamitan bago pumasok sa eskwelahan.
"Good morning din." Pag bati rin nito sa akin. "Aalis kana? Hindi kana ba mag aalmusal na muna?"
Napailing ako bago lumalit sa kanya at hinalikan ito sa pisnge. "Hindi na po nay, malalate na ako eh. Mag-iibgat ka po sa biyahe." Wika ko at dahilan ko rito pagkatapos ay tumalikod na at nagmamadaling lumabas ng bahay. Narinig ko pa itong sumigaw na mag iingat ako. Hindi ko na siya sinagot pa dahil malalate na talaga ako sa unang klase, sa totoo lang.
Pagdating sa University, hindi naman ako na late pero dadalawang minuto na lang muntikan na. Napahinga ako ng maluwag noon sa sarili dahil kahit papano eh, pinagbigyan parin ako ni Lord na huwag tuluyang mahuli sa klase.
Mabilis natapos ang buong araw ko ng maayos at masaya. Pangalawa ako sa nakakuha ng mataas na score sa quiz sa aming math. Masaya ako dahil kahit papaano eh talagang pinagpapala ako. Kahit hindi ako masyadong nakapag review eh naka kuha parin ako ng mataas na marka.
Pero...nag-aalala ako para kay Jemalyn.
Simula kasi noong English class namin hanggang lunch time, eh hindi ko pa ito nakikita. Hindi tuloy siya nakapag quiz kanina sa aming Math na subject. Ano kayang nangyari sa babaeng iyon? Sinubukan ko ring tanungin ang mga kaibigan nito pero kahit isa sa kanila ay wala akong makuha na matinong sagot.
Kung hindi nila alam eh, sasabihin lamang nila na baka abala sa babae. Babae? Bakit naman sa babae? Napailing ako sa aking sarili.
Sabi pa ng iilan kong kaklase, ganoon daw talaga iyong si Jema. Lulubog lilitaw. Minsan masipag pumasok sa klase, kung minsan naman ay tinatamad. May mga araw pa nga raw na minsa na wala talaga ito, papasok lang kung kailan niya gustuhin.
Siguro dahil alam nitong hindi siya matatanggal sa University. Walang sino man ang pweding magalit o sumita sa kanya dahil anak siya ng may ari ng eskwelahan.
Pero kahit pa ganoon, sana naman maging responsable siyang estudyante. Hindi porke't ganoon ang estado nito sa buhay eh, magpapabaya na siya sa pag-aaral. Para rin naman sa kanya iyon, hindi ba?
Uy, concern siya. Panunukso naman ng aking isipan.
Hindi 'no? Kaagad na sagot ko naman sa aking sarili. Kung sana bubuksan lang niya ang kanyang mga mata, makikita nito na totoo ang sinasabi ko.
Hays! Bakit ko ba iniisip 'yon babaeng iyon? Eh kahit naman hindi na siya mag-aral wala namang magbabago eh. Mayaman parin siya at siya parin ang magiging taga pagmana ng University na ito.
Pagkatapos ng huling klase ay kaagad na nagpaalam na ako kina Alyssa. Kailangan ko kasing umuwi kaagad upang makatulong pa sa mga gawaing bahay kay nanay. Pumayag naman sila kaagad, sinabi pa ni Bea na isasabay na lamang ako nito sa kanyang sasakyan upang hindi na ako gagastos sa pamasahe. Hindi na ako tumanggi pa dahil parehas lang din naman ang daanan ng bahay namin at sa kanyang pupuntahan.
-----
Pagdating sa kanto ng aming bahay ay kaagad na bumaba na ako mula sa loob ng sasakyan ni Bea. Nagpasalamat muna ako rito bago tuluyang tumalikod na upang makauwi.
Pasado alas sais na ng gabi nang makarating ako sa tapat ng aming bahay. Nakabukas na ang ilaw mula sa loob kaya alam kong naka uwi na rin ang inay mula sa eskwelahan. Tiyak na napagod rin ito mula sa maghapong pagtuturo.
Pagpasok sa bahay ay inilapag ko muna sandali ang aking bag sa sofa, sa may sala. "Nay, nandito na ho akoo!" Pag tawag ko sa kanya bago iginala ang paningin sa paligid at sa buong sala.
Ngunit kaagad akong natigilan bago napalunok ng makita ang mga bagong appliances na naka arrange mula sa aming sala, papunta sa may kusina.
Hindi lamang iyon mga bago, mga mamahalin pa at talagang alam mong matibay. Dahan dahan akong lumapit sa mga iyon at tinignan ang mga ito isa-isa.
Isang bagong oven, refrigerator at isang f-flat tv? Na sa tingin ko ay nasa 50-60 inches ang laki. Napalunok ako, hindi lamang iyon. May mga grocies pa na hindi naman madalas bilhin ng nanay dahil ang mamahal.
"Oh anak, nandito kana pala." Masaya ang mukha na bungad sa akin ng aking nanay ng makita akong nakatayo sa kanyang harapan.
Hindi ako kaagad nakapag react. Napa tingin akong muli sa mga gamit na nasa aming harapan. "N-nay. S-saan---
"Ah ito ba?" Putol nito sa akin.
"Ang ganda ano? Ang bait talaga ng kaibigan mong si Jema. Napaka ganda ng bata napaka buti pa. Biruin mo 'yon? Niregaluhan niya tayo ng mga bagong appliances---
"Ano? A-anong si Jema? Nay naman!" Gulat na bulalas ko rito. "Bakit naman ninyo hinayaan? Nakakahiya!" Pakiramdam ko bigla akong na high blood dahil sa biglang pagtaas ng aking dugo mula sa katawan papunta sa aking mukha.
"Eh Deanna, anak." Napakamot ito sa kanyang batok. "Hindi ko na rin naman matanggihan. Pagdating ko kanina dito sa bahay, nandiyan na iyong mga nagdeliver niyan. At habang ipinapasok nila iyong mga gamit, dumating naman si Jema. Sinabi nito na regalo na niya ang mga yan, para may magamit tayong mga bago." Paliwanag nito sa akin.
"May point naman siya anak eh, dahil wala na tayong bago dito sa bahay. Lahat ng uso ngayon flat screen Tv na, tayo nasa lumang henerasyon parin. 'Yong ref natin, madalas ng mapanisan ng ulam at pagkain dahil hindi na masyadong lumalamig, eh kahit yelo nga ayaw na rin, hindi ba? At iyong oven, kailangan natin iyon sa mga ititindang kakanin." Dagdag pa nito.
Nanghihina na napaupo ako sa sofa. Hindi ko alam pero bigla lang akong nakaramdam ng inis kay Jema. Hindi ko siya maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin sa amin ito? Hindi naman kami nanghihinge ng tulong. Hindi naman sa nang iinsulto pero...sana naman inalam na muna nito ang magiging reaksyon ko at maging ang pahintulot ko, hindi ba?
At huwag mong sabihin na iyon ang dahilan kaya nagpaliban ito sa klase ngayong araw. Napasabunot ako sa sarili kong buhok habang ang aking ina naman ay hindi alam ang gagawin.
Magsasalita sana ito ng inunahan ko na siya. "Hindi natin gagamitin ang mga iyan, inay." Wika ko rito. "Isusuli ko ang mga yan sa kanya. Hindi natin kailangan ng bago sa bahay na ito."
"Pero anak---"
"Magpapahinga na 'ho ako." Matamlay na sabi ko rito bago kinuha ang aking bag at dumiretso na sa aking kwarto.
Mula noong pumasok ako sa loob ng aking kuwarto ay hindi na ako muling lumabas pa. Hindi rin ako nakaramdam ng gutom kaya mas minabuti ko na lamang ang matulog upang magising ng mas maaga kinabukasan.
Kailangan kong makausap si Jema, bukas na bukas din. Sa ayaw at gusto nito, ibabalik ko ang lahat ng nga pinamili niya para sa amin.
Gusto kong maintindihan nito na, hindi lahat ng tao eh madadaan sa mga materyal na bagay. Pwede ko siyang maging kaibigan kahit na wala itong ibibigay na kahit na ano mula sa kanya at kanyang bulsa.
-----
"Jemalyn, pwede ba tayong mag-usap?" Singit ko rito habang nakikipag usap sa hindi ko kilalang babae. Seryoso ang aking mukha na hinihintay lamang ang kanyang pagpayag.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtataka na mukha ng kanyang mga kaibigan. Napangiti si Jema bago tumayo at tinignan ako sa mga mata.
"Sure! What is it?" Naka cross arms pa itong napaharap sa akin.
Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nandito kami ngayon sa Cafeteria dahil kasalukuyang lunch time namin. Maraming tao at maraming pweding makarinig sa mga sasabihin ko.
"P-pwede bang..d-dalawa lang tayo? Iyong walang ibang tao na makakarinig?"
"Importante ba yan?" Tanong nito kaya agad na napatango ako.
Tahimik na nakatingin at nakikinig lamang din naman sina Alyssa, Kyla, Celine at Bea sa amin. Habang may iilan na mga estudyante rin na kalapit mesa namin ang napapatingin sa aming gawi at pinagbubulungan kami.
"Don't mind them. Kung importante yan, mas okay kung madaming makakarinig." Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. "Mas better kapag maraming witness. Am I right?"
Napalunok ako at napa pikit bago napahinga ng malalim. "Gusto ko lang sanang sabihin na, isusuli ko ang mga bagay at gamit na ibinigay mo sa amin." Panimula ko rito. Kahit na nahihiya, wala akong ibang choice kung hindi lakasan ang aking loob.
Mataman lamang itong nakatingin sa aking mukha kaya naman nagpatuloy ako. "Hindi naman namin kailangan ng mga bagong appliances. Hindi rin sa tumatanggi pero..sana maintindihan mo." Dagdag ko pa.
"Ehem!" Narinig kong napatikhim ang kanyang mga kaibigan bago napa iwas ng tingin mula sa amin.
Lumapit si Jema sa akin bago ako hinawakan sa dulo ng aking buhok at pinaglaruan iyon ng kanyang mga daliri. Hindi nito inaalis ang kanyang paningin sa aking mga mata. Mas idinikit pa nito ang kanyang sarili sa aking katawan, kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapalunok ng maamoy ang mabango nitong pabango.
Narinig ko ang mga bulong-bulungan ng mga estudyanteng nanonood sa amin. Doon ko lamang din na realize na mas matangkad pala talaga ako sa kanya. Pero...teka bakit parang masaya pa siya sa nangyayari?
"Alam mo Deanna, you should be happy and excited dahil ginawa ko yon." Napailing ako bago inilayo ng konti ang aking katawan mula sa kanya.
"I'm sorry Jemalyn pero---
"Hindi ko naman sinabing sa inyo na talaga iyon." Putol nito sa akin. "Dahilan ko lang ang lahat ng iyon. Believe me. Pwede tayong mag share sa mga appliances. Dahil para talaga sa akin ang mga 'yon kaya dinala ko sa inyo..." Napahinto ito bago mabagal na napangiti sa akin.
"Sa inyo na ako titira." Hindi ko napigilan ang hindi mapanganga sa sobrang gulat. ANO DAW? Napansin ko ang pigil na tawa ng kanyang nga kaibigan habang nakatingin sa akin.
"Sorry, hindi ko na sinabi muna sayo kasi alam kong magugulat ka." Pamimilosopo nito sa akin.
"N-nagbibiro ka lang, hindi ba?" Tanong ko rito. Napailing siya.
"Hindi. Dahil sa ngayon...sigurado akong nandoon na lahat ng kagamitan ko sa bahay ninyo." Sambit nito na muling ikinagulat ko.
"Hindi ba na sabi ng nanay mo?" Napakagat ako sa aking labi.
"Tabi tayo sa kama at sa kwarto mo na ako matutulog. Awww! Sorry Deanna, hindi kasi ako marunong sa santong dasalan eh, kaya idadaan nalang kita sa santong paspasan. Para wala ka ng kawala pa." Sabay kindat na sabi nito sa akin bago ako tinalikuran na. Naiwan ako roon na parang siraulong nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat.
Napaubo ako sa huling sinabi nito. Nananaginip lang ako tama? Hindi ko kasi yata kakayanin kung totoo ang lahat ng ito.
Napa tingin ako kay Alyssa na halatang nagpipigil ng pagtawa. "Sorry Deanna, mahirap kasi talagang pigilan si Jema eh. Hayaan mo, hindi ka naman niya kakainin." Pagkatapos ay nagtawanan silang magkakaibigan bago nakipag aper pa.
So lahat sila...alam nila ang planong iyon ni Jema? Pati na rin ang nanay ko? Huhu.
Sinong may twitter account guys? Follow me and I'll follow back. Time to reveal my twitter account. Hihi!