webnovel

Chapter 25

Ginising ako ng isang malakas na katok sa pintuan. Pamilyar ang katok na 'yon at ang tunog na binubuo ng hardwood. Napabalikwas ako at sinubukang bumangon para pagbuksan ang pinto pero hindi ko maigalaw ang buo kong katawan.

Pasado alas onse pa lang ng gabi nang tanawin ko ang relo. 

"Bukas 'yan!" Nagawa kong isigaw habang nakahilata sa malambot na kama.

Dumungaw sa pintuan ang naiilang na si Friedan. Pupungas-pungas pa ito habang tinatanaw ang itsura ko sa kama. He looked devilishly handsome. "I guess we need to talk. Can't pass the night without us settling everything." 

He was wearing his boxers and a loose gray shirt. Bakas sa damit nito ang matipuno niyang dibdib. He looks burning hot. 

Hindi makatulog ang lalaki. Kagaya ko. The argument was intense earlier. It must have gotten his guts, even mine. 

"May I come in?" Masuyong tanong nito.  

Napalunok ako. This is the first time that Friedan would enter my room. Hindi ako kaagad nakasagot. Nanatili itong nakatayo sa may pintuan habang hinihintay akong magsalita. 

"Hindi ba makakapaghintay 'yan hanggang bukas?" Nagkunwari akong inaantok at pinagdasal na paniwalaan niya ako. 

He did not buy it. Because he's the head of this house and he's still my acting guardian, he immediately switched the light on and made his way towards my bed. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa bahagyang pagkasilaw nito sa liwanag. 

Hindi pa lang nagdidikit ang mga balat namin ay tila nakukuryente na ako. That's how intense his presence is, to me. 

Without my eyes opened, I felt his weight pressing against the edge of my bed. Nakaharap ito sa bintanang tinatanaw ang buwan na nakikipagsaliw sa ritmo ng kaulapan.  

Nang imulat ko ang aking mga mata'y tumambad saakin ang maginoong likod nito. Sumagi saakin ang ang mga sinabi ni Roen. 

"They're no longer your own kind, Phelan. Both of you are hybrids. Not an outcross, nor an urion."  

Kasali si Friedan sa mga hindi ko na dapat pagkatiwalaan. Hindi nga ba? He's been my guardian for more than thirteen years. He has been my family. Pero papaano niya nagawang itago ang pagkataon ko sa loob ng mahabang panahon? 

I have been longing to ask him everything about me. Baka kasi mali din ako sa paratang ko na may alam siya. Baka parehas kaming biktima ng mga lihim na nakabaon sa loob ng ilang dekada. 

"Kiera," he muttered in a soothing voice, "there are a lot of things that you don't know. Maraming mga bagay ang kailangang panatilihing lihim hindi dahil gusto kong ipagkait ito sa'yo pero para protektahan ka."

Nagising ang diwa ko sa binanggit nito. Bumalikwas ako at sumandal sa headboard ng kama. I can see the left side of his face. He can see me in his peripheral. I sighed deeply to let him hear how frustrated I am with the situation. Wala akong masambit na salita. 

He moved his body so that he can fully see me. Maski ako'y nalilito sa kung ano ang sasabihin. Kung ano ang unang sasabihin o itatanong. My silence seemed to have tortured him. 

"Please talk." In a soft confidential tone, he whispers. I can see how solemn his soul was. His gaze was ethereal and sincere. So sincere that I can almost feel each pain dragging their way to my chest. 

Napayakap ako sa unan. I felt I needed to do that to ease all the confusion, all the pain, and all the doubts. Then my lips were able to grasp some words. "I am thankful you're my guardian. You have been my family for thirteen years."

He smiled. Eyes downcasted looking downwards. 

"Pero Friedan, hindi mo ako masisisi kung sa paglaki ko may mga tanong na naiipon at gusto kong hanapan ng sagot. Sinong pumatay sa mga magulang ko. Sinong pumatay kay Dr. Roberts. bakit sa tuwing maghahalo ang anino ng buwan at araw ay nakakaramdam ako ng kakaiba? Anong klaseng katauhan ang nasa katawan ko na kayang pumatay ng higit sa dalawampu sa loob ng ilang segundo lamang? S-sino ako?"

"You are special." Those were the only words he could utter. 

Mukhang hindi nito masasagot ang mga tanong ko. Hindi na ako nagpumilit. I have a high respect with the guy despite all this secrets.  

Nagulat na lang ako nang abutin ng palad nito ang kaliwang kamay ko. I felt the warmth of his palm as he pressed it against mine. Marahang pinisil-pisil niya iyon habang gumagalaw pabalik sa buwan ang mga mata niya. 

Then he mumbled, "One day, Kiera... One day this will all come to light. Hindi man sa ngayon pero sa takdang panahon."

Nakukuryente ako habang nilalaro-laro ng palad nito ang kamay ko. He cleared his throat as he held me closer to him. Gulat man ay nagpaubaya ako. I smelt his scent, his breath. Nakainom ito. I felt the rays of the sun on his skin. Hindi ito umimik habang nakatitig ang chokolate nitong mata sa mukha ko. 

Napaawang ang aking bibig. What's he doing? 

"You know that we're not siblings, right?"

Tumango ako. Hindi ako makakilos dahil sa samo't saring sensasyong pinaparamdam nito. Humahampas ang mainit na hininga nito sa mukha ko. I got drunk with his presence. He's put me into an addiction I thought I might not escape. 

"What are you doing?" I asked with an air of befuddled confusion. Napalunok ako. Where is this going? 

"Father should forgive me for this," pasakalye nito habang gumagalaw palapit ang katawan nito saakin. "I have been wanting to do this since your birthday." 

Mabilis. Hindi ako nakaimik. Magkahalong gulat at pananabik ang naramdaman ko nang lumapit ang mukha nito sa mukha ko. Then, as he eliminates the distance between us; reducing the cold air that lingers, his bitter yet sweet lips stroke my lower lip and gently slurped them to satisfy his. 

Then he guzzled my mouth and moaned sexily. Friedan was introducing his new self that night and so was I, without his knowledge, who just became different from his kind. 

Akmang gaganti na ako sa mapusok na halik nito. Naglakbay ang mga kamay ko sa batok nito and it made him groan even more. I pulled him to my bed. He complied. I felt his weight against mine.

"Oh Kiera," he whimpered and kissed me again. I tasted his lower lip as my hands started tracing his muscled chest. 

I have loved the guy since I can remember. Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong makita niya ako bilang isang babae, hindi bilang isang teenager na kailangan niyang bantayan. His responses made me feel like I am a full grown lady. That I can be his and he can be mine, too. 

Walang tigil ang paghalik ng lalaki habang ako'y hinihila pataas ang suot nitong shirt. Impatiently, lumayo ito saakin at mabilis na hinubad ang suot na damit. Tumambad saakin ang nakakapanabik nitong katawan, his well chiseled chest with his abdominal muscles showing off. 

Ilang segundo kong tinitigan ang katawan nito. Namumungay pa rin ang mga mata niya. Muli, bumaba ang katawan nito paibabaw saakin at sinibasib nito ng halik ang aking leeg. Walang tigil niyang binubulong ang pangalan ko. 

Bago ko pa man magawang gantihan ang pananabik nito, biglang nagdilim ang paningin ko. Tila inaagaw na naman ng isa kong katauhan ang aking diwa. Oh no!  I'm blacking out again, and I might kill Friedan!

"Shit!" Mariin akong napapikit. Nilabanan ko ang paglabas ng anino sa aking pagkatao. Pero sadyang malakas ito. Naitulak ko si Friedan. Tila nahimasmasan ito sa nangyayari. 

"Kiera? I-is the demon t-taking over?"

###

ตอนถัดไป