Natapos na rin ang dinner. Naglalakad na kami ng mga new friends ko pabalik sa room namin nang biglang napasigaw si Stella at sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya dahil sa gulat.
"Gosh! Guys, what's the date today?"
"Uhm... July 31 Stella. Why?" sagot ni Zera.
"Hello?!? Have you forgotten, today is the day of our meeting. Hindi ba usapan natin na at the end of the month may meeting tayo para sa mga gagawin natin for the whole month sa coven natin. Dapat kanina pang five o' clock ng hapon yun, ginabi na tayo."
"So, why not pagkabalik natin sa kuwarto natin, doon na lang tayo mag-meeting?" sabat ni Phyra.
"Naku, baka mahuli tayo, bawal magpuyat eh. At exactly ten in the evening dapat tulog na tayo." pag-aalalang sagot ni Verdana.
"Dana, we're grown-ups na. But, you have the point there, Phy" ani Stella.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang apat habang nag-uusap. Hindi ako makasingit sa pinag-uusapan nila. Una, dahil bagong salta lang ako sa Lunaire Academy, lalo pa at ngayon ko lang sila naging kaibigan. Kahit sabihin na, maging "feel at home" ako kapag kasama ko sila, hindi ko pa rin maiiwasan ang feeling ng "awkwardness" sapagkat may mga bagay na tanging sila lamang ang nakaka-alam. Narinig ko na lamang ang tinig ni Stella na tinawag ang pangalan ko kung kaya't napatingin ako bigla sa kaniya.
"Mira, dahil special roommate ka namin at kasama ka na sa circle of friends namin, syempre kasama ka na sa mga meetings ng Starlights. Huwag ka na ma-awkward. Okay?"
I see. Starlights pala ang pangalan ng parang club nila. Ang club na parang sila-sila lang ang member at ako ang panglimang miyembro nila. Nakatungo lamang ako dahil napapa-isip ako kung ano ba ang dapat kong isagot kay Stella at nang napatunghay ako, nagkatitigan kaming dalawa. Shit! Had she read my mind and my move right now?
Hindi talaga ako makakalusot sa kaniya dahil sa kanilang apat, siya ang masasabi kong pinakamalakas, hindi lang sa powers na meron siya, kung hindi sa talas din ng kaniyang senses.
"Let's head into our room na?" ani Stella. Goodness, wala naman siguro siya napansin, so far.
"Okay!" Phyra, Verdana at Zera agreed on her.
While we are walking along the corridors of Lunaire girls' dormitory, aksidente kong nakabunggong-balikat ang babae na nakasuot ng maong mini skirt at red crop top shirt. She has a morena complexion with not-so high-bridged nose and round eyes. Her eyes was as red as fire and she had long, fleek eyelashes. Nakaramdam rin ako ng matinding magic sa kaniya. It gave me chills. Napatigil siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. May kasama siyang tatlo pang babae--witches to be exact.
"Uhm... Sorry, hindi ko sinasadya."
Narinig nila Stella ang sambit ko sa babae kung kaya't napalingon sila akin, nasa likod kasi nila ako habang naglalakad pabalik sa kuwarto namin.
"It's fine. Apology accepted, actually hindi kasi kita napansin, ang liit mo kasi eh." She said sarcastically.
Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. What the?!? Attitude lang girl? Napailing ako at napabuga ng hangin bago ako bumuwelta ng sagot sa kaniya.
"Look, I told you that I am sorry. You don't need to insult me especially when it comes to my height." I responded at her with composure.
"Oh look who's talking, Alice. Parang newcomer lang siya dito sa Lunaire, and walang manners?" said by the lady who stood beside her. She has a fair glass skin with medium cut black hair, and she wears a pair of high waist ripped jeans and plain black crop top shirt. I clenched my fist. Naramdaman ko na parang may gustong kumawala sa kanang palad ko. But, the odd feeling which I felt on my hand and palm suppressed.
"Hyacinth, enough okay? Don't add fuel to the fire. May kailangan tayong asikasuhin na mas importante kaysa sa katulad niya, and nila." sabad ng babae na katabi ng babaeng nakabangga ko na nagngangalang Alice, at ang isang pakialamera at sawsawera na Hyacinth ang pangalan. She has an intense aura too, pero mas intense ang aura nitong Alice. She seems different from them. Far different.
"Fine, I'll stop Lucia. sagot ni Hyacinth.
"Puwede ba Night Shadow girls, out of our way. We need to get back to our room before the bell rings and please minimize your warfreak attitude. That stinks!" buwelta ni Phyra sa kanila. She's so straight-forward and caring din pala siya kahit masungit minsan. "Gusto ninyo ba na matusta ng hindi oras?" She releases a tiny lit of fire on her index finger.
"Whoa, chill lang girls. If you don't want to get punish by our superiors, then please stop this non-sense?" awat ni Verdana.
"Alice, ayaw namin ng gulo. Kaya kung puwede..." sumabad si Stella. A light magical energy slammed unto Alice kaya napausod siya ng ilang hakbang at inalalayan siya ng mga kasama niya. Naramdaman din namin iyon. Napabaling ang tingin ko kay Stella. Her cheerful expression turned into a serious and emotionless one. Maliit na magic lamang ang pinalabas niya. But, damn! She released a magic similar to a force field. She is like Sue Storm ng Fantastic Four. I came back to my senses nang biglang nagsalita si Alice.
"Fine, as you wish. But I am still not intimidated by each of you, and your powers. We have ours, more powerful than you, Scumbag girls." buwelta niya sa amin sabay ngisi. "Lalo ka na, Mira Luna right? Yung babaeng nakitulog sa kuwarto nila Loki."
I see. Baka kaya sila nagkaka-ganito, and it is because I slept in my future oppa's room.
"That's right, it's me. Are you envious?" I smirked at her.
"Where did your guts come from huh? Hindi ka magugustuhan ni Loki, mediocre girl and..." sabad ni Hyacinth ngunit hindi na natapos ang kaniyang sasabihin ng ikinumpas ni Alice ang kaniyang kaliwang kamay, isang senyas para maputol ang sasabihin sana ni Hyacinth.
"Hyacinth, guys, let's go. The corridor stinks because of these not-so-prestigious-and-powerful witches."
"Aba! Sumosobra ka na ha!" pinigilan nila Verdana at Zera ang pikon na pikon na si Phyra.
Tinitigan ako ni Alice mula ulo hanggang paa sabay lumakad na ito papalayo sa amin. Nang makalayo na sila at makabalik sa kanilang kuwarto ay napahawak ako sa aking dibdib at huminga ng malalim.
"Guys... Don't worry, it's my fault. Nasangkot pa kayo sa away dahil sa akin." I said
"Wala kang kasalanan, Mira. Ganoon talaga sila, mga bullies, warfreak." Zera answered me.
"Wag na natin sila intindihin, ang mahalaga ay nalampasan natin ang away ng walang nangyaring sabunutan o batuhan ng magics." Verdana said cutesy.
"Wala nga , but Stella nailed it. Nagpa-alpas naman siya ng kahit kaunti niyang magic sa kanila. Na-triggered kaya umalis." Zera said as she laughed.
"Girls... Remember we have a meeting today." Stella said, trying to change the topic. "And Mira... As the new member of our Starlight Coven may initiation tayo. May gagawin ka ngayon and that will be our activity today." Stella added as she winked at me.
Ano ito, fraternity and sorority? Pero hindi naman siguro. Girl group's name lang naman yata nila ang Starlight Coven. Para ngang fans club ng mga artista ang dating ng pangalan ng group nila.
Stella chuckled. "Let's go inside girls." She opened the door of our room, then we headed inside and Zera locked the door. I smiled as I look at them. Nakakatuwang isipin na ganitong katibay ang samahan ng mga bago kong kaibigan. Mas ma-eenjoy ko talaga ang paglagi ko dito sa academy kung sila ang parati kong kasama.