webnovel

Roommates x New Friends

Pagkatapos ng tour ay inihatid ako ni Prof. Beatrix sa silid na tutuluyan ko. Nang makarating na kami, naglabasan ang mga babae sa dormitory. Mga witches. Magkakasama ang mga witches na may iba't-ibang kapangyarihan sa isang silid. Nakatayo na kami sa labas ng Room 106. Marahang kumatok si Prof. Beatrix sa pintuan ng kuwarto at pinagbuksan kami ng babaeng blondish with a touch of green highlights ang buhok at nakasalamin. May suot din siyang koronang bulaklak at binati kami ng may malawak na ngiti sa labi. Sa tingin ko makakasundo ko siya.

Sumulyap naman ng tingin ang tatlo pang babae. Ang isa na nakaupo sa may bintana ay may magandang hubog ang katawan at may kaakit-akit na mukha. Para siyang boyish. Her hair is similar to an orangey fire which suits her fair complexion. Ang isa naman ay nagbabasa ng libro. Parang siyang "emo" dahil all dark ang suot niya, maski ang shade ng lipstick niya ay "black" at natatakluban rin ng bangs niya ang kaniyang mga mata. Tumingin naman ako sa babaeng katabi ng "emo girl". She seems "weird". Nakasalamin rin siya ngunit ang kaibahan ay malalaki ang mga salamin nito. Her hair color is candy-pink. Maputi rin siya at may kaliitan ang height. I think her height is four-nine. May mga hawak siyang mga flasks na may mga iba't-ibang liquid color seems like chemicals. Parang nage-experiment siya. Nagulat kami ng sumabog sa mukha niya ang mistulang chemicals.

"Kainis! Hindi ko maperfect!" Nabuburyong niyang sinabi habang nasasamid. Tumikhim si Prof. Beatrix dahilan para bigla siyang napatingin sa amin na nakatayo sa pintuan. Inayos niya ang kaniyang sarili at biglang pumirme sabay nagsalita ito.

"Prof. Beatrix! Ahm... Ano po ang ginagawa niyo dito?"

"Hindi mo ba nakikita Stella? Kasama niya yung bagong student ng Lunaire. Iyong kasama raw ni Loki pabalik dito sa academy."

"Ah ganoon ba Zera." sabi niya sa babaeng halos di na makita ang mata dahil sa bangs. Then she looked and studied the whole me.

"Girls, siya si Mira. Siya ngayon ang bagong roommate niyo. Pero hindi niyo siya makakasama sa klase pansamantala dahil kailangan niyang humabol sa mga lessons na natapos na kung kaya't, sasailalim siya sa isang special classes at training." Paliwanag ni Prof. Beatrix sa apat na babae.

"Magpakabait kayo girls kay Mira, at Mira..." sabay harap niya sa akin, "Maging mabait at palakaibigan ka rin sa kanila, okay?"

May pagka-kikay palang magsalita si Prof. Beatrix, pero kung titingnan siya ay mukha siyang seryoso sa pagtuturo. Iniwan na ako ni Prof. Beatrix sa silid, kasama ang apat na babae na tinitingnan ako na parang kakainin ako ng buhay. Hindi ko alam kung may galit ba sila sa akin o ano. Napatingin ako sa babaeng may orange ang buhok dahil nagsalita siya.

"Balita nga namin, kasama ka raw ni Loki pagbalik dito, at nakatulog ka pa raw sa kuwarto nila." Iba ang aura ng pagsasalita niya. Ah, kaya ganoon na lamang sila makatingin sa akin ay marahil, dahil sa kumalat nga ang balita na nakitulog ako pansamantala sa kuwarto nila Loki, and the fact na babae ako.

"Nakakainggit nga siya Phyra eh. Sana na-experience ko rin yon para naman makita at makasama ko si Gwydion." ani ng babae na may green highlights ang buhok.

"Verdana, kahit ano ang gawin mo,hindi ka mapapansin ni Gwydion, hindi ba Stella?" ani Zera.

Humalakhak ng tawa si Stella. "Tama yun Zera. Eh takot sa babae si Gwydion no, kaya hindi siya nanliligaw sa kahit sinong witches dito sa academy." Sa mga sinabi ni Stella ay nanlumo si Verdana at muli siyang nagsalita. "Joke lang ung Dana, huwag mong seryosohin. Malay mo magbago ang ikot ng mundo." Tinapik-tapik nito ang balikat ni Verdana at tumingin sa akin. "Mira hindi ba? Ano ang full name mo?" She smiled.

"Mira Luna Crescencia"

"Ako naman si Stella Eclair." Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa akin at nakipagkamay ako. Itinuro niya ang iba pa naming kasama sa kuwarto upang ipakilala sila sa akin. "Ito naman si Verdana Flores." Binigyan ako ni Verdana ng matamis na ngiti. "Siya naman si Phyra Blaise." Tiningnan ako nito, sabay sabing, "Yo." Itinuro naman ni Stella ang babaeng nagbabasa ng libro na hindi na makita ang mga mata dahil sa bangs, "Siya naman si Zera Drake." Tiningnan ako nito at tinanguan. Medyo weird ang mga kasama ko pero, ramdam ko na makakasundo ko sila.

"Puwede mo bang ikuwento sa amin Mira kung paano ka nakarating dito sa Lunaire?" tanong ni Verdana sa akin. Naalala ko ang mga sinabi ni Mrs. Clementine na kailangan kong itago ang pagkatao ko. Inilagay ko sa akin likod ang kanang kamay ko na may suot na black glove.

"Ah, ano bale kasi, nagkakilala kami ni Loki at nalaman niya na may magic din pala ako kaya, ayun dinala niya ako dito para naman daw hindi masayang ang kakayahan na mayroon ako."

"Ang bait pala ni Loki. Akala ko suplado at mayabang siya.", ani Stella. "Pero, nakatulog ka sa kuwarto nung apat. Ano ang feeling?" dugtong niya. Hindi ko alam kung bakit interesado sila sa apat na wizards na iyon. "Ahm, wala lang. Sa totoo lang gumamit ng magic si Loki para ibukod ang tutulugan ko para hindi ko sila makita."

"Babae ka kasi at lalaki sila kaya ganon." sagot ni Zera. Napangiwing ngiti na lamang ako sa sagot ni Zera dahil may punto naman siya. Bigla namang nabaling ang aking tingin kay Phyra dahil tinawag niya ako. "Mira, kumusta naman si Calum Eris. Nakilala mo na siya hindi ba?"

Nalulunod ako sa mga sunud-sunod nilang mga tanong. "Ahm... Makulit si Calum at palabiro, kasi lagi siyang nagbibiro. Maingay rin siya pero sapat lang." Tumahimik bigla si Phyra.

"Oh Phyra? Hindi ka pa ba maka-move on kay ex? Sabat ni Stella. Napaka-straightforward niyang babae. Pero, gusto ko ang ugali niya. "Tumahimik ka nga Stella, baka gusto mong tustahin kita diyan.", naglabas ng apoy si Phyra gamit ang kaniyang palad. Elemental witch pala si Phyra.

"Hala! Cool ka lang Phy. Huwag kayong mag-away.", awat ni Verdana, habang tinawanan lang ito ni Stella. "Bagay talaga ang pangalang Phyra sayo kasi mainitin ang ulo mo. Alam mo naman na wala akong panama sa inyo." ani Stella.

"Tumigil ka nga Stella, mas malakas ang kapanyarihan mo sa aming tatlo. Elemental witches kami, pero ikaw, kaya mong makita ang nakaraan at ang hinaharap at kaya mo rin tumawag ng celestial spirits. Hindi ko alam kung bakit nagpapakagugol ka sa paggawa ng mga potions." sabat ni Zera na may mahinahon na boses.

"Hobby ko na ang paggawa ng potions. Aside from that, hindi ko naman kayang baguhin kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Nafo-foresee ko ang mga mangyayari, pero kailangan natin hayaan ang mga bagay na dapat mangyari. As for the celestial spirits, hindi lahat kaya kong i-summon. Tatlo pa lang ang kaya kong i-summon." sagot ni Stella kay Zera. Nagtawanan silang apat. Humarap muli si Stella sa akin nagsalita, "Alam mo bang nakita ko na rin sa pangitain ko na makakarating ka rito at magiging ka-roommate ka namin? Pero hindi ko iyon sinabi sa apat na ito. Medyo hazy kasi ang na-foresee ko basta ikaw iyong babae na nakita ko from my crystal" sabay tawa niya.

Pumasok bigla sa isip ko ang ama kong nawawala. Kung kaya ni Stella na makita ang mga nangyari sa nakaraan, maaaring matulungan niya ako sa paghahanap sa ama ko. Tumikhim ako at nagsalita. "Ibig sabihin, Stella, kung ang powers mo ay makita ang mangyayari sa future, kayang kaya mo rin na makita ang mga nangyari sa nakaraan?"

"Oo naman. Pero, limited lang ang makikita ko. Alam ko ang tumatakbo sa isip mo. Kaya ko rin mag-mind read. "

"Ang daya, share niyo naman kung ano iyon." ani Verdana.

"Dana, may mga bagay na hindi na natin kailangan pakialamanan. May tamang panahon para malaman ang mga bagay-bagay, tama ba ako, Stella?" ani Phyra. Ngumiti si Stella bilang tugon rito then selhe looked again at me. "Nga pala Mira, feel at home ka lang sa amin ha. Simula ngayon friends mo na kami, right girls?" Napangiti ako sa isinagot nila.

Isang matamis na ngiti ang itinugon nila na labis ko ikinalugod. Bukod kay Chelsea at Brenda, mayroon na akong masasabing kaibigan ngayon sa Lunaire na makakaintindi sa akin, bukod pa kina Loki, Rincewind, Calum at Gwydion.

Tumikhim si Stella, "Mira. Uhm... Iyon nga pala ang magiging bed mo. Is it okay lang?" Itinuro niya ang double deck na kama malapit sa may bintana. Si Phyra ang makaka-share mo, bale ikaw ang nasa itaas."

Tiningnan ko ang double deck na itinuro niya. Gawa sa matibay na kahoy ang double deck, malamang sa punong narra. Maganda naman ang pagkakabarnis dito at neat naman ang mga kutson, unan at blanket, maging ang bed sheet nito. Ibinalik ko ang tingin ko kay Stella.

"Okay lang sa akin." sagot ko sa kaniya sabay ngiti.

"So, welcome to the gang, Mira."

Makatulong kaya si Stella kay Mira on her journey sa Lunaire para maging isang ganap siyang witch at mahasa pa ang kaniyang magic? How about Phyra. Verdana and Zera? Hmmm....

Shiani_chiicreators' thoughts
Next chapter