"Ikaw ay ako, at Ako ay Ikaw", sambit ng babaeng ang kasuota'y nakabalot ng kulay itim na manto, halatang itinatago niya ang kanyang buong pagkatao, habang nakalutang siya sa lawa na nasisinagan ng liwanag ng buwan ang malinaw nitong tubig. Ngumiti sya ng mapanuksong ngiti habang nakalutang siya sa tubig.
"Sino? Hindi ko maintindihan. Sino ka ba?" tanong ko sa kabila ng aking pagkabalisa, ngunit binigyan nya ako ng mapanuring tingin.
"Malalaman mo ang sagot sa itinakdang araw. Sa araw na matatakpan ng buwan ang araw kasabay ang pagapantay-pantay na paglilinya ng mga planeta, ang iyong kapalara'y magbabago. Pagka't Ikaw ay Ako, at Ako ay Ikaw, tayo'y iisa lang."
"Saglit lang! Huwag ka munang umalis! Sino ka? Sabihin mo ang pangalan mo!", sigaw ko habang unti-unting nawawala ang kanyang imahe.
"Hoy Mira. Gising ano ba nangyayari sayo?" Si Chelsea ang kadormmate at kaibigan ko ang gumising sa akin. "Friend, nakakatakot ka ha, binabangungot ka yata. Kung anu-ano kasi sinisigaw mo, kaloka ka besh! Ayos ka lang ba?" sabay tinapik-tapik nya ang pisngi ko at hinagod-hagod niya ng kanyang kamay ang likod ko upang mahimasmasan ako.
Natulala ako sa mga sinabi ni Chelsea habang hinahabol ko ang aking hininga. "Besh, tubig please!" Pagkasabi ko palang na gusto ko ng tubig ay dali-daling kumuha si Chelsea ng isang pitsel ng tubig na may yelo at isang baso na gawa sa seramiko. Nagsalin siya ng tubig sa baso at ibinigay sa akin.
Ininom ko agad ang tubig at ibinalik muli sa kanya ang basong pinag-inuman ko. "Besh, hindi ka kasi maniniwala sa napanaginipan ko, or bangungot na ba yon." Tumigil muna ako upang bumuwelo sabay hinga ng malalim. "Besh, i don't know if totoo ba ang deja vu or yung napepredict mo yung mangyayari sa hinaharap dahil sa panaginip. Ang creepy at nakaka-cringe!" habang yakap-yakap ko ang teddy bear na palagi kong itinatabi sa pagtulog ko.
"Eh, ano ba kasi napanaginipan mo?" ani Chelsea.
"May babae kasi friend, hindi ko nakita ang hitsura niya kasi nakataklob siya ng balabal tapos lumulutang siya, as in nakalutang siya sa isang lake!"
"Oh, tapos ano pa sinabi niya? Hindi mo man lang tinanong ang pangalan niya?"
"Hello besh, paulit ulit kong tinatanong yun pero ang sagot niya sa akin, Ikaw ay Ako at Ako ay Ikaw, tayo'y iisa lang, ang weird. May binanggit pa siya na ano eh, sa pagtakip daw ng buwan sa araw, malalaman ko daw ung destiny ko kasabay daw ng paglilinya ng mga planeta. Ayyy!!! Mababaliw na ako."
"Pagod lang siguro yan besh, pahinga ka na, stress lang yan kasi sa umaga magaaral ka, sa gabi may trabaho ka." sabay ngiti niya sa akin na may halong pagaalala. Maswerte ako at nagkaroon ako ng friend, beshy at partner in crime sa buhay at thankful ako nakilala ko ang tulad ni Chelsea.
Mabilis kong naikuwento kay Chelsea ang lahat ng tungkol sa panaginip ko. Pero naguguluhan pa din ako eeh. Gulong-gulo ang utak ko at ang naiwan lang na tanong sa utak ko ay "Sino nga ba siya at ano ang ibig sabihin niya na iisa lang kami?" Kahit nasa cafe na ako kung saan ako nagtatrabaho as part-time waitress ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang weirdo na panaginip ko na iyon kaninang umaga lang pagkagising ko.
"Mira Luna Crescencia!" Napalingon ako at sinundan ko ng tingin ang buong paligid upang matukoy kung saan nagmula ang tinig na iyon. "Brenda, Ikaw pala. Pauwi ka na ba? Sabay na tayo."
"Itatanong ko na nga sana yan girl, inunahan mo naman ako. Okay, let's go home na kapagod rin naman na mag-overtime sa trabaho, tapos may pasok pa tayo bukas ng umagang-umaga." sabi ni Brenda habang tinitingnan niya ang laman ng kanyang backpack, sabay halungkat niya sa kaniyang gamit na tila natataranta na.
"Girl, wait lang ha naiwan ko pala sa locker ang cell phone ko, balikan ko lang pakihintay ako dito."
"Okay, dito lang ako hihintayin kita."
"Salamat girl!" sabay alis ni Brenda pabalik sa café na pinagtatrabahuhan nila ni Mira.
Ilang oras ng naghihintay si Mira sa labas ng café at ang malaking pagtataka niya ay kung bakit natatagalan ang kaibigan sa pagkuha ng kanyang cell phone sa kanyang locker. Nagdesisyon na siya na puntahan na ang kaibigan ngunit may naramdaman siyang kakaibang enerhiya na may pumipigil sa kanya na puntahan ang kaibigan ngunit ininda niya ito. Pumasok na si Mira sa loob ng café at dahan-dahan siyang lumakad papunta sa basement nito kung saan naroon ang locker's area. Habang papalapit na siya ng papalapit sa silid, ay may kilabot na siyang naramdam sa buong katawan niya.
"May multo ba sa basement at bigla na lang ako kinilabutan ng ganito?"
Nang itinulak niya ng marahan ang pintuan, tumambad sa kaniya ang katawan ni Brenda na nakalutang, walang malay, "Brenda!!!" sigaw niya. Nilapitan niya agad ang kaibigan at napansin niya ang itim na usok na bumabalot kay Brenda at nagsisilbing tali na pumupulupot dito. Tumakbo papalapit si Mira at pilit niyang tinatanggal at kinakalagan ang kanyang kaibigan mula sa itim na usok ngunit, wala pa din itong nagawa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. May narinig siyang tunog ng parang isang galit na aso mula sa kanyang likuran at dahan-dahan niya itong nilingon. Lalong napasigaw sa takot si Mira ng biglang tumambad sa kanya ang itim na lobo n may tatlong ulo na halatang hayok sa dugo at laman. In short, gusto na siyang lamunin ng buo at buhay.
"Anong.. Anong klaseng nilalang..." hindi na natapos ni Mira ang sasabihin dahil sa panginginig ng buong kalamnan niya sa takot ng makita ang halimaw.
"Nagulat ka ba? Amoy mo palang alam kong isa ka sa kanila?" ani ng lobo na may tatlong ulo.
"Nagsasalita... Ikaw? A-Anong isa sa kanila? Anong sinasabi mo?" sigaw na patanong ni Mira na nanginginig pa din sa takot.
"Amoy palang ng dugong dumadaloy sa mga ugat mo, isa ka sa mga talipandas na mahaharlikang salamangkero at mangkukulam na yon! Magdasal ka na at dito na ang huling hantungan mo kasama ng babaeng iyan!" sabay napatingin si Mira sa kaibigan niyang wala ng malay.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo at hinding-hindi mangyayari na mamamatay agad ako, sa kamay ng tulad mo! Ang panget panget mo na nga, ang baho baho mo pa!" sigaw ni Mira sa halimaw na pilit itinatago ang takot sa kabila ng pinapakita niyang katapangan.
"Walanghiya kang babae ka, mamatay ka na!"
Sinugod ng halimaw si Mira, akmang lalapain na ito gamit ang malalaki at matatalim nitong mga pangil. Napapikit nalang siya dahil alam niya na wala siyang laban sa katulad nito, ni hindi siya marunong magself-defense, at ni wala siyang kapangyarihan para maprotektahan ang sarili niya pati ang mga taong mahahalaga sa buhay niya.
"Kung sanang may kapangyarihan ako, kung sanang totoo nga ang sinasabi ng halimaw na 'to na may dugo akong salamangkero. Sana... Sana..." mangiyak-ngiyak na sambit ni Mira.
Pumatak ang kaniyang mga luha sa huling pagsambit niya ng "Sana" at biglang nagliwanag ang buong paligid. Isang himala? O tulong mula sa langit? Sa kaniyang pagtataka'y binuksan niya ang kaniyang mga mata. Isang matangkad na lalaki na nasa lima hanggang anim na talampakan ang tangkad na may suot na kulay puting long sleeves, itim na pantalon na may itim na kapa ang sumanggalang sa kaniya mula sa halimaw. Average lang ang pangangatawan ng lalaki, maputi at mapusyaw ang kaniyang mga pisngi. Maliit na bilugan ang kaniyang mukha, chinito na may mahahabang pilik-mata at manipis ang kaniyang mga labi.
"Ayos ka lang ba?" tanong ng misteryosong binata sabay lumingon kay Mira.
"Shit. Parang K-pop lang dating niya ah. Gosh, please h'wag mo kong titigan ng ganyan" sabi ng isip ni Mira hanggang natalimuanan siya dahil sa pagpitik sa kaniyang noo ng binata.
"Sabi ko kung ayos ka lang ba?" sabay tingin ng binata pabalik sa nabulag na halimaw dahil sa liwanag. Hindi na nakasagot si Mira sa tanong ng binata.
"Hindi na talaga nadala tong hell hound na to. Tsk, pinapahirapan mo ko sa paghahanap sayo ha. Ibabalik na kita kung saan ka nanggaling!" Sumigaw ng mga kakaibang salita ang misteryosong binata at bigla nalang lumindol at bumuka ang kinatatatayuan nilang flooring ng locker's area. May mga lumitaw na kamay na nababalutan ng kumukulong lava at apoy na tila galing sa kailaliman ng lupa saka hinawakan at hinihila ng unti-unti ang halimaw. Tila diretso na sa kaibuturan ng underworld ang destinasyon ng halimaw.
Nawala sa balanse si Mira sa kanyang pagkakatayo dahil sa matinding aura na naramdaman niya habang umuungol ang halimaw. "Lord! H'wag niyo po muna akong kukunin, marami pa po akong pangarap sa buhay. Kailangan ko pang magka-lovelife!" sabay napakapit si Mira sa braso ng misteryosong binata. Napatingin bigla ang misteryosong binata at nawala ang concentration nito, kaya bigla na lang nakawala ang halimaw mula sa mahika na ginawa nito.
Pumalatak ang binata at muling sumigaw ng hindi maintindihang salita, "Tsk... Catena prehendere!" Bigla na lamang napuluputan ng malalaking kadena ang lobo na may tatlong ulo.
"Kasumpa-sumpa kayong lahat, mga taga-Lunaire!", naghihingalong sigaw ng halimaw. "Reyna Morgana.. Sa huling sandali ng buhay ko... Maligaya akong pinaglingkuran ki..."
Nag-iba ang aura ng binata at tumalim din ang kaniyang mga tingin sa halimaw. Hindi na niya pinatapos ang pagsasalita nito kung kaya't, ikinumpas niya ang hawak niya na wand kasabay ng paglabas ng liwanag mula sa asul na brilyanteng bato sa kanyang singsing na suot niya. Pagkatapos nito ay biglang tumikom ang lupa pabalik sa dating anyo nito. Gumaan ang atmosphere ng paligid at unti-unting nawala ang itim na usok na nakapulupot kay Brenda.
"Brenda!" mabilis na kumilos si Mira upang saluhin ang kaibigan. Timing naman ang pagkakasalo niya sa kaibigan na nakalutang upang maiwasan na bumagsak ito sa flooring, ngunit wala pa rin itong malay ng mayakap na niya.
"Ginamitan siya ng black magic. Sa tingin ko, inutusan ni Morgana ang hell hound na 'yon, pero nagtataka ako, bakit parang gusto ka niyang kainin? Hindi magiging ganoong kaagresibo ang isang hell hound unless nakaamoy siya ng dugong wizard o sabihin nating mangkukulam mula sayo."
"Wizard? Mangkukulam? As in witch? Hindi ko alam ang sinasabi mo. Paano ako magkakaroon ng magic o magiging dugong wizard o witch eh, normal na tao lang ako. Teka nga, sino ka nga ba?"
"Loki Marionne Greyhound, isang wizard mula sa Lunaire city. Ikaw? Kulit?"
"Sinong Kulit? Mira.. Mira Luna Crescencia ang pangalan ko." ani niya na medyo nahihiya pa sa binata sapagkat, naalala pa niya kung paano siya napakapit dito at isinigaw ang mga bagay na hindi dapat lumabas mula sa kanyang mga labi.
"Ah, Mira... Miranggue? Meringue?" paulit ulit na binabanggit ni Loki ang pangalan ni Mira habang at bigla na lamang ito humagikhik sa katatawa.
"Mukha bang nakakatawa ang pangalan ko? " ani niya sabay ngumuso at pumamaywang.
Patuloy pa rin sa walang humpay na pagtawa si Loki habang hawak na nito ang kanyang tiyan, "Ano, Miranggue? Piz! Seryoso na tayo, pasensya na, ang cute kasi ng name mo.", sabay ngiti nito.
Naginit ang pisngi ni Mira sa pagngiti ni Loki sa kanya. Nagsalita na siya agad para hindi na mahalata ng lalaki ang pamumula ng pisngi niya. "Ah, tungkol nga pla sa tinatawag mong hell hound? Naguguluhan ako ano ba nangyayari, tapos sabi niya... May dugo raw ako ng isang... Salamangkero? Wizard? At sabi mo din hindi siya magiging aggressive na patayin ako unless may kapangyarihan ako. Ano to magician or witch thing?"
Natigilan ako sa ginawang pagtitig sa akin ni Loki matapos ko sabihin ang mga katagang sinabi sa akin ng hell hound na nakaharap namin. Halata naman sa kanyang pagtitig sa akin ay napapaisip din siya dahil sa agresibong aksyon ng hell hound sa akin na napansin niya. Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kanang kamay ko. May parang kuryente rin na feeling ang dumampi sa balat ko ng magdikit ang mga palad namin. Mas lalong naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa mukha ko at bigla itong nag-init ng inilapit pa ni Loki ang mukha niya sa akin. "H'wag kang lumapit ng masyado, please lang", sabi ko sa sarili ko.
"Actually Mira, wala akong kakayahan ng katulad ng hell hound na malaman kung wizard ka ba o hindi sa pamamagitan lang ng sense of smell. Hinala ko lang din namn na isa kang witch dahil sa atititude ng hell hound pagdating sayo, but I have one way para malaman natin kung totoo nga ba ang sinasabi ng hayop na yon."
"Paano?"
Hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko. May mga sinasabi si Loki ngunit, hindi ko ito maintindihan hanggang sa napapunta ang mga mata ko sa kaniyang kamay. Mainit, dahil siya ay buhay at patuloy na dumadaloy ang kaniyang dugo sa katawan ngunit ito'y medyo malamig, senyales na may tensyon siyang nararamdaman ngunit kalmado. Ngunit isa lang masasabi ko, sa paraan ng pagngiti at kilos niya, alam kong may mabuti siyang kalooban.
"Mira, nakikinig ka ba?"
"Ha? Ah, oo nakikinig ako."
"Tss.. Alam kong hindi bahala ka, masakit tong gagawin ko", ikinumpas ni Loki ang kanyang wand at may lumabas na karayom at isang maliit na papel na may mga scriptures na naghuhugis pabilog at may nagiisang figure sa gitna nito. Nagulat ako ng biglang tinusok ni Loki ang daliri ko gamit ang karayom.
"Aray! Hindi ka naman agad nagsasabi!"
Pumatak ang dugo ko sa papel. Nakatingin lamang siya sa papel at hindi inintindi ang reklamo ko dahil sa ginawa niya. Mukhang nagco-concentrate siya kung ano ang gagawin niya sabay bumulong na naman ito ng kakaibang lenggwahe. Biglang may lumabas na parang hologram mula sa papel. Parang mga runes na napapanood ko sa mga fantasy series, akala ko sa anime at pelikula ko lang makikita ang mga ganun pero hindi pala. Nanlaki ang maliit na mata ni Loki habang patuloy niyang binabasa ang mga nasa runes sabay tumingin sa akin, "Mira... Isa ka nga sa amin."
"Paano mo nasabi?" pamimilosopong sinabi ni Mira.
Napakunot ng noo at nagsalubong ang mga kilay ni Loki sabay napahawak ang kanyang kanang kamay sa kanyang noo. "
"Hay nako namimilosopo ka pa Miranggue." Hinila niya ito papalapit sa runes at hinawakan ang mga balikat nito. Hindi makapiglas ang kamay ni Mira. Gusto niya ang ginawang paghila sa kanya ni Loki, kung kaya't, parang hinayaan na lamang niya ang kaniyang katawan na sumunod sa ginawa ng binata. Napatingin si Mira sa mga runes na may halong pagkamangha at pagtataka. Nabigla rin siya dahil unti-unti niyang nakikita ang mensahe sa mga runes.
"Ang galing naman nito! Ang nakalagay dito... Wiz... Wizard... Ako? Te... Teka... Paano nangyari to at paano ko nababasa 'to?", lumuwang ang pagbuka ng kanyang mga bibig sa sobrang pagkagulat habang nakatingin kay Loki at nakaturo ang hintuturo niya sa runes.
"Well, it's confirmed. That means, may dugong wizard ka or let's say, witch dahil babae ka. Pero ang nakakapagtaka, bakit ka nasa mundo ng mga tao. Hindi ka bagay dito, dapat doon ka sa mundong kinabibilangan mo."
"Wait lang ha, nasa point of adjustment and absorption pa ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam! Ang dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa ito!"
"Sinong mga magulang mo?" ani Loki
Natigilan si Mira sa tanong ni Loki. Tanging pag-iling lamang ang naibigay niyang sagot sa binata.
"Wala? Ibig sabihin mag-isa ka lang sa mundo ng mga tao. That's interesting", saglit na natigilan ang binata at napatingin sa ceiling ng locker's area, sabay ibinalik ang tingin kay Mira. "Sumama ka sa akin sa Lunaire, tingin ko doon mo malalaman ang sagot. Kailangan ko din ireport ito sa head ng Lunaire Academy."
"Academy? Lunaire Academy? Ibig sabihin nagaaral ka pa?" gulat na tanong ni Mira.
"Oo, nagaaral pa ako, pero dahil nagaaral ako at ang mga kasama ko sa academy para maging ganap na wizard at witch, tumatanggap kami ng mga misyon.", pagmamalaki nitong sabi sa dalaga na parang batang limang taon.
Napangisi naman si Mira para mapigilan ang kanyang pagkatuwa sa binata. "Parang bata rin pala kung umasta si Loki. Ang astig niya pero, pero isip-bata pa rin pala", sabi ng isip niya sabay natawa ng bahagya.
"Bakit mo ko tinatawanan?"
"Wala."
"Sumama ka sa akin sa Lunaire." pagaanyaya niya sa dalaga, "Tingin ko doon mo makikita ang sarili mo, hindi iyong nagkukubli ka rito. Walang thrill sa mundo ng mga tao, paulit-ulit lang ang routine ng buhay dito."
"Grabe ka naman! Masaya rin mabuhay dito. Tahimik kahit mahirap ang buhay." lumungkot ang mukha ni Mira, "Pero, gusto ko rin mahanap ang sarili ko, dahil sa mga kakaibang nangyayari ngayon sa akin. Siguro tama ka nga. Kailangan kong hanapin ang totoong sarili ko."
"Sasama ka na ba sa akin?", sabay inilahad ni Loki ang kanyang kanang kamay kay Mira, nagpapahiwatig ng muling paanyaya niya sa dalaga.
Walang pagaalinlangang hinawakan ni Mira ang nakalahad na kamay ng binata at binigyan ito ng matamis na ngiti, kahit muli niyang naramdaman ang mala-kuryenteng sensasyon ng muli niyang hinawakan ang kamay ng binata.
"Pero bago tayo umalis..." ikinumpas ni Loki ang kamay at itinuro ang walang malay na si Brenda. May mga kumikinang na puting usok ang bumalot sa buong pagkatao nito.
"Anong ginawa mo sa kanya?" tanong ni Mira
"Tinanggal ko lang naman ang spell na ginamit sa kanya, mga five minutes, magigising na siya at wala na rin siyang maalala about sa nangyari ngayong buong araw."
"Ganun ba?" Tinitigan niya ang kaibigan at muling bumalik ang tingin kay Loki na akmang gagamitin na naman ang kanyang wand upang makagawa mg mahika.
"Teka Loki, bago tayo umalis pwede ba akong pumunta muna sa dorm ko? Bukod sa nandoon lahat ng mga gamit ko, gusto kong makapagpaalam kay Chelsea. Hindi ko man siya makakausap ng personal ngayon, pero siguro, magiiwan na lamang ako ng sulat."
"Sige, kung iyan ang gusto mo." Sa isang kumpas lamang ng wand ni Loki ay hindi niya namalayan na nasa kuwarto na siya ng dormitory ng Heather university, ang unibersidad na pinapasukan niya. Kumuha si Mira ng papel at ballpen mula sa mga gamit niya at nagsimula na siyang magsulat. Matapos nito ay isinilid na niya ang ginawang liham para sa kaibigan sa may study table nito. Nagsimula na rin siyang magayos ng mga gamit at inilagay ito sa kaniyang luggage bag. Wala siyang itinirang gamit sa silid nila ni Chelsea. Pakiramdam rin niya kasi, hindi na talaga nabibilang ang puso at katauhan niya sa mundong kinagagalawan niya sa ngayon. Siguro, dahil na rin ito sa mga nangyaring misteryo sa kaniya simula ng mapanaginipan niya ang misteryosang babae. Gayunpaman, wala siyang nararamdaman na pagsisisi sa gagawin niyang paglisan. "Pinili ko ito, at ako ang gagawa ng kapalaran ko, simula ngayon." sabi niya sa sarili.
"Mira, let's go" ani Loki nang may binigkas siyang kakaibang salita habang hawak ang isang kakaibang disc na nagsilbing susi upang bumukas ang portal.
Muling lumingon si Mira sa silid nila ni Chelsea at sa buong kapaligiran ng Heather University at ibinalik ang tingin kay Loki.
"Tara na."
Sa unti-unting pagtakip ng mga ulap sa buwan, nawala ang taglay nitong liwanag, kasabay rin ng pagpasok nila patungo sa panibagong mundo na makakapagpabago sa kanyang kapalaran.
Magic lies in the mind and heart ❤❤❤
Hi! I hope you like the first chapter of Lunaire Academy series. Keep on reading guys!!! ??? just post a comment if you have any feedback.. please do support and share the novel...
Love lots,
-s h i e r n e y