webnovel

Chapter Thirty Five

"Oh natigilan ka?" Tudyo ni Patty, nasa mga labi pa rin ang mapang asar na ngiti.

Naapektuhan man sa sinabi ng babae ay hindi nagpahalata si Louise. She chuckled at bahagyang umiling, na para bang isang malaking kahibangan ang sinabi ng kausap "paano kang pakakasalan ng isang taong may asawa na?"

"Don't play dumb Louise. Alam nating parehas ang kasunduan niyo ni Gael..."

Muli ay naikuyom niya ang mga kamao. It makes her blood boil knowing na alam nito ang isang sikretong dapat ay sila lamang ni Gael ang nakakaalam.

"Oh, don't be surprised that I know about it" nang-uuyam na sabi nito "Gael doesn't keep any secrets from me"

"Kung ako sa'yo...hindi ako masyadong aasa na magiging malaya si Gael sa loob ng isang taon... after all, tunay at legal ang kasal namin, it doesn't say anywhere that it will be void in a year"

"You bit-"

"What's going on here, Patty?"

Sabay nilang nilinga ang pinanggalingan ng tinig. Si Gael ay nakatayo sa di kalayuan, seryoso ang ekspresyon sa mukha nito. Patty didn't seem to care na naabutan ni Gael ang pagtatalo nila ngunit hindi na ito kumibo pa at sa halip ay umalis na ng kusina.

Si Gael ay nilapitan siya at kagaya ng dati, ay malambing siyang niyakap mula sa kanyang likuran.

"Totoo ba ang narinig ko, Mrs. Aragon?"

"Huh? Ano ba ang narinig mo?"

"That you're not letting me go after a year" nasa boses nito ang kagalakan.

Yes Gael. If I can stay with you forever, I will... pero paano ako mananatili sa isang relasyong isa lang ang umiibig?

"Hindi ko alam kung saan mo narinig yan" inosenteng sagot niya.

He turned her around to face him and pressed himself against her, his arms were around her waist.

"Gael ano ba?" Lumingon siya sa entrance ng kitchen "baka makita tayo ng mga katulong" saway niya rito kahit pa sa munting pagkakalapit na iyon ay tila may apoy na unti unting nabubuhay sa kanya, idagdag pa ang kiliti sa kanyang sikmura.

"So?" He sniffed her neck "may masama ba doon? You're my wife"

Marahan niyang itinulak ito palayo pero nanatiling parang bakal ang mga bisig nito. Her eyes went wide ng maramdaman ang bagay na iyon malapit sa kanyang sikmura. Agad na gumana ang imahinasyon siya. Napatingin siya rito at napalunok. Nasa mga labi ng binata ang isang pilyong ngiti, na tila ba alam nito ang tinatakbo ng kanyang isip.

"Gael, pati ba naman sa kusina?" Saway ng isang tinig na nagpahinto sa akmang paghalik nito sa kanya.

Sinamantala ni Louise ang pagka distract ni Gael at agad lumayo mula rito. Inayos ang sarili at hindi malaman kung paano titignan si tiyang Amelia. Bahagyang nakakunot ang noo ng matanda at may warning na tinignan ang pamangkin. Pakiramdam niya ay nangamatis na yata sa pula ang mukha niya sa pagkapahiya.

"Sa kuwarto na kayo magharutan, nakakahiya sa mga kasambahay" wika nito at tinungo ang kalan upang tignan ang nakasalang na ulam.

"Si tiyang talaga napaka conservative pa rin" he boyishly smiled sabay kamot ng ulo.

"Naku eh sige na nga at pumaroon na kayo" pagtataboy nito sa kanilang dalawa  "ako na ang bahala rito"

"Pero tiyang.." protesta ni Louise

"Hala sige, sumama ka na sa asawa mo at hindi titigil sa pagka pilyo iyan" naiiling na sabi ni tiyang Amelia.

Napilitan silang umalis ng kusina. Hinampas ni Louise ang braso nito nang wala na sa paningin nila ang tiyahin.

"Ikaw kasi!" Nakasimangot niyang sabi "nagalit tuloy si tiyang! Nakakahiya kaya!"

Tumawa ito "hindi galit yun. Huwag mong intindihin si tiyang, conservative lang talaga yun" muli siyang niyakap nito sa likod. His breath grazed her neck "miss na kita..."

"Miss mo ko eh kasama mo naman ako?"

"You know what I mean, sweetheart... do I need to spell it out for you.. hmmm?" He gave her neck a kiss.

Agad na kumalas sa pagkakayakap nito si Louise, at idinastanysa ang sarili sa binata. Daig pa niya ang nakuryente sa ginawa nito.

"May...may gagawin nga pala akong report para sa hacienda, nakalimutan ko" she didn't wait for his reply and quickly walked to the library. Sumandal siya sa pintuan ng maisara iyon, dinama niya ang dibdib. There's no turning back... her heart simply won't listen to her anymore.

Gael is to marry me, after the term of your agreement...

She bit her lower lip and closed her eyes. How can she handle this, kung totoo ang sinasabi ni Patty? Can she really let him go?

Nang gabing iyon ay paulit ulit siyang dinala ni Gael sa paraisong sila lamang dalawa ang nakakaalam. Walang pangingiming tinugon ni Louise ang bawat haplos, bawat pagdantay ng balat nito sa kanya. With every kiss and every touch, she knows she is sinking in, deeper and deeper into this web of lust and lies. Tila kumunoy ang damdamin niya para rito, unti-unti siyang nilalamon ng buo, ngunit imbes na magpumiglas paalis, she is letting herself be devoured.

Let me love you, Gael... piping bulong ng kanyang puso. Even if it's for a little while...even if it won't last long, just let me have a glimpse of what it's like to be in your arms like this.

*******

Maagap niyang pinatay ang alarm clock sa kanyang tabi ng tumunog iyon upang hindi magising ang asawa. Napangiti siya ng makitang mahimbing ang tulog nito, alam niyang madali itong magising ngunit ngayon ay ni hindi nito namalayan ang pagtunog ng orasan. Kunsabagay, marahil ay napagod ito kagabi. He silently chuckled nang maalala ang nagdaang gabi. Louise was a quick learner, she was a virgin just the other day but she was eager to please, eager to love him, just like how he was loving her. God! how beautiful is a morning like this? Tila wala na siyang mahihiling pa kundi ang sana ay muli siyang tuluyang mahalin nito.

Nang mawala si Louise sa buhay niya, anim na taon na ang nakalipas, his world crumbled down at hindi niya inasahang darating pa ang araw na gaya nito, na palagi lamang noon ay nasa kanyang pangarap. The life that he had planned for them, before everything went amiss, included mornings like this. It's not like he did not try to move on in those 6 years that they were apart. He dated a few women over the years, ang iba ay nabibilang sa alta sociedad, magaganda at mayayaman. He also had a few flings, mostly just to satisfy his manly needs, pero paglipas ng init ng sandali, he was left the following morning feeling empty. At nang muli niyang makita ang dalaga, he must admit na galit ang ninais niyang manaig, after all, Louise left him, without a word, just when he was at his lowest. Ngunit sa halip na galit, ay muling nagkaroon ng buhay ang puso niyang akala niya ay naging bato na. His stupid heart began beating again, at muli, ang bawat tibok niyon ay para lamang sa dalagitang minahal niya noon.

Maingat siyang bumangon sa kama at tinungo ang banyo upang maligo. Kasalukuyan siyang nagbibihis nang magising si Louise. Pupungas pungas itong umupo sa kama, nakatakip ang kumot sa katawan nito.

Damn! just looking at her turns him on! Lalo na at alam niyang wala itong suot sa ilalim ng kumot, kung hindi lamang siya ma la-late sa meeting sa Maynila ay gusto pa niya itong muling saluhan sa kama, and make sweet love to her.

"good morning" he said habang ibinubutones ang suot na polo shirt.

"morning" she answered back, her voice was still husky from sleep "sana ginising mo ako para nakapag handa ako ng almusal" inabot nito ang mga damit na nasa dulo ng kama at isinuot iyon under the blanket.

"You need sleep, sweetheart. Considering how tired you were last night..." nanunukso niyang sabi

Hindi nito pinansin ang sinabi niya at nilapitan siya. Kinuha nito mula sa kanya ang paglalagay niya ng necktie. He couldn't help but smile while staring at her. Sino ba ang mag aakala na ang plano niyang paghihiganti dito ay mauuwi sa isang totohanang kasal? At higit sa lahat, sino ang mag aakalang ang dalaga mismo ang hihiling na maging tunay na Mrs. Aragon?

"Stop staring at me, will you?" anito, throwing a quick glance at him.

"I can't" he answered back, pulling her closer to him "Mrs. Aragon just looks so sexy even in the morning"

Louise ignored what he said and continued fixing his tie.

"There!" she said satisfied nang maitali ng maayos ang necktie sa kanyang leeg "siya nga pala, magpapaalam sana akong umuwi ng Sta. Martha mamaya, tutal gabi pa naman ang dating mo mula Maynila" pag iiba nito ng usapan.

He nodded "Sure. kailangan mo ba ng driver?"

Umiling ito "Hindi na, kaya kong magmaneho" she smiled at him "mag ingat ka sa Maynila ha... saka mag ingat ka sa mga babaeng parang sawa", umikot ang mga mata nito pataas sa huling katagang binitiwan.

Humagalpak ng tawa si Gael, niyakap ang asawa "do I sense jealousy, Mrs. Aragon?" tukso niya.

"Hindi ah! marami lang kasi talagang mga ganyan na naglipana ngayon"

"Huwag kang mag-alala, good boy ito" pinagapang niya ang mga labi sa batok nito.

"hmm... Gael" she weakly protested.

Hinawi niya ang buhok sa batok nito, and continued to kiss her there. Ang mga kamay niya ay kusang nagpunta sa dibdib nito, soflty caressing them.

"G-Gael...ma..la-late ka..."

Damn! bahala ng ma late! he can't take it, he will long for her the whole day...

"Gael?" tawag ng isang tinig, kasunod ang tatlong malalakas na katok.

Heaven's sake Patty! gusto niyang magmura. Tila natauhan si Louise at lumayo mula sa kanya.

"Hina-hantay ka na ng...ng kasama mo" she said, her face still looks flustered.

Isinuklay ni Gael ang mga daliri sa buhok. He took a deep breath, pinipilit puksain ang apoy na nasimulan sa katawan.

"Gael?" muling tawag ni Patty sa pintuan.

"I'll be there" he answered uninterested.

"Go..." Louise said, sumandal ito sa dingding at tumingala sa kisame. After a few moments ay tumalikod ito at tahimik na tinungo ang banyo.

He gave out a sigh. He should tell Patty to stop this. Lately ay nahahalata na niyang ibang iba na ang ikinikilos nito.

Akmang muling kakatok si Patty nang buksan niya ang pintuan, nabitin ang kamay nito sa ere.

"Good morning!" masiglang bati nito "kanina pa ako naghihintay sayo"

He sighed at nilagpasan ito. Mabibilis ang hakbang na sinundan siya ng babae.

"Is there a problem, Gael?

He stopped and turned around to look at the woman "we need to talk, Patty"

Lumarawan ang pagkabigla at pag aalala sa mukha nito "about what?"

Hinawakan niya ang kamay nito at hinila ito sa isa sa mga bakanteng silid. He can't afford anyone hearing their conversation, lalo na si Louise o ang tiyahin.

"What's this about, Gael?" muling tanong ng babae.

"I need you to stop what you're doing, Patty. I am truly grateful for all your help, but I think you have done more than enough"

"Stop what I am doing?" her face looked confused.

"Yes! stop trying to make Louise jealous! ayokong makitang nasasaktan o nag aalala ang asawa ko at-"

"wow!" sarcastic na bulalas nito. She put her hands together at bahagyang pumalakpak "I see that this is no longer about your revenge, Gael" she exclaimed, galit at sakit ang magkahalong nasa mukha.

Gael gave out an exasperated sigh "Pat, kaibigan kita, kaya alam kong maiintindihan mo na si Louise pa rin ang nagpapapaligaya at bumubuo sa akin"

"Bullshit!" nanlilisik ang matang mura nito "bakit Gael? sa tingin mo ba I was just acting all along?"  dahan dahan itong lumapit sa kanya and with trembling hands held his face "hindi mo ba nakikita, Gael? hindi mo ba nakikita kung sino ang palaging naririto sa tabi mo, ever since? through good and bad times?" her eyes welled up with tears.

"Pat... I'm sorry" inalis niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kanyang mukha.

Up until recently ay hindi niya nahalatang may damdamin pa rin sa kanya ang dating nobya, why? because Patty always sounded so supportive of his plans, in fact, ito pa nga ang may ideya na pagselosin si Louise, dahil ayon dito, mas madaling nahuhulog ang damdamin ng isang babae kapag may karibal. Looking back now, it was a huge mistake to agree to all of this! He didn't want to hurt Patty dahil malaki ang naging parte nito sa buhay niya at sa tagumpay na tinatamasa ngayon. No, if he will be honest, he survived all this time because of her, because she gave him the means to be successful, upang makaalis sa kinalulugmukan.

"I still love you, Gael" umiiyak na sabi nito. She clung to his arms, habang ang ulo ay nakayuko, patuloy sa pag iyak. "Ang akala ko... mapapalapit ako ulit sa iyo at mapapansin mo na ako kapag ginamit ko ang sarili ko para pagselosin ang babaeng yun!"

"I'm sorry Patty...hindi ko alam, ang akala ko ay-"

"Yes hindi mo alam!" iniangat nito ang mukha upang tignan siya "because you only had eyes for that bitch!" anitong halos manlisik ang mga mata sa kanya.

"Mahal ko pa rin si Louise" it was a statement na kahit na sino ay hindi magagawang baliin o baguhin.

Tila baliw itong tumawa habang umiiyak "gago ka talaga!" bulyaw nito sa kanya "nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa'yo? sa pamilya mo?!"

"No. But the past is not important to me anymore"

"I can't let her have you, Gael. I won't let her have you!" determinadong saad nito.

"Patty, please..."

"Kapag ipinagpatuloy mo ang kahibangan mo...you will lose all and everything you have right now" banta nito, namumuhing tingin ang ibinigay nito sa kanya "I'll see to it that you will go back to that hell hole you were in, 6 years ago!" Padarag itong lumabas ng silid, slamming the door behind her.

Hinilot ni Gael ang sentido bago nilisan ang silid na iyon.

ตอนถัดไป