webnovel

Chapter Two

Matuling lumipas ang araw na iyon na hindi man lamang halos namalayan ni Louise. Tila

lumilipad maghapon ang isip niya sa mga pangyayari kaninang umaga. His face keeps crossing her mind. Yes, he is very attractive indeed. Strong square jaws, mga matang tila matutunaw ka kapag tinitigan ka, full sensous lips. He exudes sexiness and... danger? She somehow felt a tingle of fear sa lalaking ito.

Meanwhile, hindi matigil tigil ang kaibigang si Cindy sa katatanong sa kanya kung na love at first sight daw ba siya kay Gael. She fiercely said no! How could Cindy even think of that?

Sino ba naman hindi mag iisip ng ganon sayo eh mukha kang engot kanina! bulong ng tinig sa isip niya. Nagulat lang ako sa ginawa niya. hmp! may pagka presko! katuwiran naman ng kabilang bahagi ng isip nya.

Marahan niyang ipinilig ang ulo na tila naiingayan sa nagsasagutang tinig sa sariling utak. She gave a sigh.Napatingin sa kanya ang kaibigan na noon ay abalang nag b-browse sa facebook habang hinihintay sunduin ng nobyong si Renz. Siya naman ay hinihintay ang sundo niya. Ewan ba kasi sa Papa niya, ilang ulit na nilang pinag awayan ang kagustuhan nitong ipa sundo at ipahatid pa siya kay mang Erning, she knows how to drive already pero she's not yet in the legal age to have her full license kaya't hindi pa niya madala ang pulang top down Benz na iniregalo ng ama for her 16th birtdhay. She begged her dad to let her drive the car since meron naman siyang student license and she will only use it in town, she swore she'll be careful pero hindi niya ito mapapayag. In the end, nagbigay na rin siya sa kagustuhan ng ama dahil alam naman niyang walang patutunguhan ang pakikipagtalo tutal naman, 2 taon na lang ang hihintayin niya then the car is all hers to drive.

Hindi nagtagal ay dumating na si Renz upang sunduin ang kaibigan.

"Hatid ka na kaya namin?" tanong ng kaibigan habang inabot ang pintuan ng passenger side ng sasakyan "mukhang late si mang Erning ngayon ah".

"Naku huwag na, baka may dinaanan lang. For sure, maya maya andito na yun"

"sigurado ka ba? mukhang uulan oh"

Tiningala ni Louise ang kalangitan. Medyo makulimlim nga pero hindi naman siguro biglaang bubuhos ang ulan. Panigurado maya maya lang ay narito na si Mang Erning. He was always on time, minsan nga ay mas maaga pa kesa sa dapat na oras.

"okay lang ako. Sige na mauna na kayo at alam ko may date pa kayo eh"

Kilig na napatawa si Cindy. "Ewan ko kung ano daw sorpresa nitong si Renz ngayon. Ayaw sabihin kung saan eh!" lumabi ito at humalukipkip

"kaya nga surpresa" sagot naman ni Renz "hi Louise" nakangiting bati nito sa kanya. Renz is a 2nd year Business Administration student sa kabilang unibersidad.

"O sige bes kung hindi kita mapipilit eh mauuna na kami. See you" isang kaway ang itnugon ni Louise sa kaibigan. Tinanaw niya ang papalayong kotse ng mga ito.

Kinse minutos pa ang matuling lumipas ngunit wala pa rin si Mang Erning.

Dinukot ni Louise ang telepono mula sa bulsa. Mabuti pa ay tawagan niya ang yaya Adela. She groaned in dismay ng makitang patay ang telepono, empty battery pala. She glanced at her watch, 6:45 na. Madilim dilim na rin ang pailigid at tila gusto nang bumagsak ng ulan. Well, at this rate mukhang hindi na yata darating si Mang Erning, kung bakit ito naantala ng sobra ay hindi niya alam pero sana naman ay walang masamang nangyari dito. Nagsimula siyang maglakad patungong paradahan ng tricycle, hindi naman ito kalayuan mula sa kanilang eskuwelahan.

Binilisan ni Louise ang paglakad ng maramdaman ang maliliit na patak ng ulan sa kanyang balat. Nagulat pa si siya nang biglang may humintong motorsiklo sa kanyang harapan. Naka helmet ang sakay nito kaya't hindi niya agad makilala. Sinakmal ng kaba ang dibidb niya, Diyos ko kidnapper ba to? Hapon na kaya't wala na halos mga estudyanteng naglalakad sa kalyeng iyon. Nakaakma na sanang tatakbo pabalik si Louise nang magsalita ang sakay nito and for some reason, she only heard that voice once pero pakiramdam niya ay kilalang kilala niya ito.

"Louise, hatid na kita" baritono ang tinig na iyon, her heart skipped a beat hearing that voice again. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. There he was, looking like a modern day greek god. Hinubad nito ang helmet na suot, at hinagod ang buhok pasuklay sa likod.

"mag t-tricyle na lang ako" nilagpasan niya ito kahit pa matindi ang kabog ng kanyang dibdib.

Hinawakan nito ang braso niya na nagpatigil sa kanyang paglakad. Pakiramdam niya ay nakuryente siya dahilan upang biglaan niyang binawi ang braso mula rito. He chuckled, seeming to enjoy her reaction. Tiningala nito ang kalangitan and softly smiled at her, revealing a set of perfectly white teeth.

Seriously! Is there anything not good looking about this guy?!

"Relax, hindi ako masamang tao Louise. Lumalakas na ang patak ng ulan, malamang abutan ka ng buhos bago ka pa makarating sa paradahan" he stated matter of factly.

Totoo naman ang sinabi nito, mas bumilis na nga ang pagpatak ng ulan. Hindi malaman ni Louise kung ano ang isasagot. She doesn't want to be soaking wet pagdating sa paradahan, medyo manipis pa naman ang puting blusang suot niya. Besides, karaniwan na ay naarkila na halos lahat ang mga tricyle pag ganitong masama ang panahon at nagmamadaling makauwi ang lahat ng tao sa bayan, so who knows kung mayroon ba siyang daratnan doon.

"It's okay, you can wear my helmet" itinaas nito ang itim na helmet na hawak sa kanang kamay

and charmingly smiled at her. She glanced at the watch on her wrist, almost 7:00. Siguradong nag aalala na ang ama at yaya Adela niya lalo pa at hindi makokontak ng mga ito ang kanyang telepono. Alanganin niyang inabot ang helmet mula kay Gael ang wore it.

"okay lang bang wala kang helmet?" tanong niya rito matapos makaupo sa likod ng motorsisklo

"don't worry sweetheart" nilingon siya nito "I'm a pro" and winked at her. Naipagpasalamat ni Louise na suot niya ang helmet upang hindi makita nito ang pamumula ng kanyang pisngi. He called her sweetheart. No one has ever called her that, and for goodness sake! why does it sound so perfectly good coming from him? Mahinang ipinilig ni Louise ang ulo. ano bang nangyayari sayo Louise? she remembered how one of her suitors tried calling her babe and she actually grimaced and turned him down right then and there.

Ang muling pagkabuhay ng makina ng motorsiklo ang nagpabalik ng huwisyo niya sa kasalukuyan.

"Hold on tight, sweetheart" and he softly reached out for her hands na nasa mga balikat nito and placed it around his waist. Napasinghap si Louise sa ginawa nito. She is practically hugging him! She could smell his scent, muscular with a hint of cologne.

"h-hindi ba pwedeng sa balikat na lang ako h-humawak?" she gulped.

Gael chuckled " it's safer this way, lalo na medyo bumpy ang daan patungong hacienda niyo" he glanced at her again over his shoulders "don't worry, I'm harmless. I've never done anything to a woman...unless she wants it".

Nag init ang pisngi ni Louise and again, she was thankful for the helmet na suot.

For the next 15 minutes ay nanatili si Louise na nakayapos sa baywang nito, all the while the rain was pouring down like crazy. Hindi niya mapigilan ang mapatili kapag sumusulpot ang matalim na kidlat at malakas na kulog. After a few minutes, he turned left onto an unfamiliar road. Dapat ay matakot si Louise lalo na at hindi naman niya ito talaga kilala except that he's a the hot transferee at SMU, but for some reason, hindi niya makapa ang takot sa dibdib. Makalipas ang ilan pang minuto ay nasa harap na sila ng isang lumang bahay kastila.

Ipinarada nito ang motorsiklo sa harap ng bahay "I think it's better na palipasin ang lakas ng ulan, Louise" he helped her get down the motorcycle at hinubad mula sa kanya ang helmet.

He held her hand at tinakbo maliit na distansya patungo sa bahay, walang nagawa si Louise but to run with him towards the house.

"This is where I live. Tara sa loob at makapag punas" he was still holding her hand but she refused to move. Natigilan ito at nilingon siya.

"I-ikaw lang mag isa dito sa bahay?" alanganing tanong niya habang sinulyapan ang papasok sa kabahayan, trying to see if there's anyone else in the house.

"Nandito rin ang tiyahin ko, siguro ay hindi lamang narinig ang pagdating natin dahil sa buhos ng ulan" humarap ito sa kanya at itnukod ang dalawang kamay sa pader sa likod niya, niyuko siya nito so that their faces meet. Louise was trapped between Gael and the wall behind her.

Hindi niya malaman ang gagawin ng ilapit nito ang mukha sa kanya, she could smell his breath

fanning her face.

"I told you sweetheart... I'm harmless and I won't do anything to you...na hindi mo gusto" he was looking at her with those piercing eyes. Sa kabila ng lamig na nararamdaman ni Louise dala ng basang damit, dama niya ang pag iinit ng mga pisngi. She clutched her handbag on her chest, as if to protect her from him. He gave out a soft laugh, enjoying her reaction ngunit hindi nito inalayo ang mukha mula sa kanya at hindi rin inalis ang mga kamay na nakatukod sa pader.

Halo halo ang emosyon niya at tila lalabas na yata ang puso niya mula sa kanyang dibdib sa lakas ng kabog nito. Tila nahihipnotismo din siyang hindi maialis ang tingin mula rito.

"Andito ka na pala Gael" napapitlag si Louise sa tinig na nagmula sa kabahayan. Gael didn't seem to be concerned kahit pa naroon pa rin sila sa ganoong posisyon.

Louise finally found the courage na itulak ito palayo sa kanya. Bahagya lamang itong natinag but he gave way so she could pass through.

"G-good evening po" nauutal niyang bati sa babaeng nakatayo sa entrada ng kabahayan.

She's porbably in her 60's, balingkinitan ito at may kaputian. Despite her age, mababakas pa rin ang kagandahan nito.

"Magandang gabi naman hija" the lady greeted her back kahit na naroroon sa mga mata nito ang pagtataka. Pinaglipat lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Gael.

Lumapit si Gael dito at nagmano "tiyang, siya ho si Louise... Louise Saavedra"

Hindi alam ni Louise kung imahinasyon lamang ba niya ang nakitang reaksyon mula sa tiyahin ni Gael. Sa tingin kase ni Louise, she became uneasy upon hearing her name.

"S-Saavedra?" ulit nito sa apelyido niya. Tingnan nito ang pamangkin and Louise almost saw disbelief in the lady's eyes.

"Tiyang, maaari niyo ho bang bigyan ng mapagpapalitang damit si Louise?" pag-iiba nito ng usapan. Mahinang tango ang itinugon ng matandang babae.

"Halika hija, sumunod ka sa akin" at nauna na ito papasok sa kabahayan. She looked at Gael

uncertainly. Isang ngiti at tango ang isinagot nito sa kanya.

Tahimik siyang sumunod sa tiyahin nito.

"Naku eh sana kasya sa iyo ito" inilapag nito sa harap niya ang isang bestidang kulay puti. Cotton iyon at may eyelet design.

"Pasensya na po kayo sa abala" tugon ni Louise " nagmagandang loob lamang po kase si Gael na ihatid ako pero bumuhos naman po ang malakas na ulan"

"Walang abala iyon hija... doon nga pala ang banyo, naglagay na rin ako doon ng bagong tuwalya para makapag patuyo ka" itinuro nito ang direksyon ng banyo. Muling nagpasalamat si Louise at tingungo na ang banyo upang makapag palit. Matapos makapag palit at patuyuin ang buhok ay itinklop niya ang basang damit na hinubad.

She looked at herself in the mirror, the dress fits her perfectly. Simple lamang iyon, may disenyong pa ribbon sa harapan, short sleeved at ang laylayan nito ay lampas ng tuhod niya.

She combed her hair at matapos ay lumabas na ng paliguan, bitbit sa isang kamay ang damit na hinubad.

Hindi mapigilan ni Louise na igala ang mga mata sa loob ng kabahayan. Luma na ito ngunit naalagaang mabuti. Puro antigo na ata ang gamit sa kabahayan ngunit malinis lahat. Makintab ang Narrang sahig. She can't help but admire the beauty of the old house.

Napahinto si Louise nang mapatapat siya sa isang kwarto na bahagyang nakabukas ang pinto. Curiosity got the best of her and she slowly walked towards the room to gently peek. She very carefully pushed the door.

This must be Gael's room. Simple lamang iyon. Nasa isang gilid ang kama na natatakpan ng asul na kobre kama, asul din ang mga punda ng unan. She noticed there's a guitar hanging on one wall.

She knows it's not right but she can't help but step in the room. She wanted to find out more about this guy. She's being a creep now, but she can't even help it. It feels like there's a strong force pulling her in. She carefully went in the room, almost on a tiptoe. Iginala ang mga mata sa loob ng kwarto. Hindi siya nagkamali, silid nga ito ni Gael. Nasa ibabaw ng bedside table nito ang isang larawang naka frame, must be taken when he was just 16 or so. He was smiling so widely sa larawan habang naka akbay ang kamay sa isang babae, who was equally smiling so bright. It was taken under a a tree, mukhang stolen shot lang dahil wala ni isa sa dalawa ang nakatingin sa camera.

She picked up the photo to look at it more carefully. Hindi niya maipaliwanang kung bakit pero may bahagyang kirot siyang naramdaman. She must be an ex-girlfriend. They looked sweet in the photo.

"You know the saying curiosity killed the cat?"

Muntik nang mabitawan ni Louise ang larawang hawak sa gulat. Awtomatiko siyang napatingin sa direksyong pinanggalingan ng tinig, and there he was, standing by the door. Magka krus ang mga kamay nito sa dibdib, at ang likod ay nakasandal sa hamba ng pinto. Nakapag palit na rin ito ng damit. He was wearing faded blue jeans and a white V neck shirt. He was barefoot like her kaya siguro hindi niya namalayan ang pagdating nito.

Louise was embarassed, agad niyang ibinalik sa bedside table ang larawan. She panicked a little nang makitang nagsimula itong lumakad papasok ng kwarto, closing the door behind him.

Next chapter