Isang trahedya ang naging dahilan upang mabalikan ni Raene ang ang pait ng naging dating buhay nya. Papaano mo haharapin ang mga bagay na dapat mo ng tinatalikuran kung ang kapalaran na mismo ang na gumawa ng paraan para maitama at maipaglaban mo ang buhay na hinayaan mong mawala. Mamayani kaya ang kapatawaran o kaparusahan?
Bago pa nakilala at nadiskubre ang ibat-ibang kontinente may namayagpag na lugar na kung saan walang pweding pumasok liban na lamang Kung ikaw ay pinapayagan ng mga taong nakatira dito, o di kaya'y sadyang ikaw ay kabilang sa mga taong nangangalaga sa kanilang Paraiso.
At dito magsisimula ang ating mahabang salaysayan sa isang angkan na namuhay sa karangyaan....
Villa Del Fuego
"Ina ba't ako ang isasakripisyo nyo! Buong buhay ko wala akong ginawa kundi sundin ang mga pasya at kagustohan ninyo"
"Ito ay tungkulin mo sa ating pamilya matuto kang sumunod at huwag ng magtanong! "
Si Raene ay isang anak ng namayapang si Don Custavo , si Doña Filipa ang pangalawang asawa nya ang Ina ni Raene ang nag-iisang tagapagmana ni Don Custavo.
Binalak kasi syang ipagkasundo sa anak ng isang kilalang pamilya na labing limang taon ang tanda sa kanya...
"Ina patawad pero di ko kayang sundin ang kagustohan nyo ngayon!"
"Huwag kang pakasisiguro mahal kong anak di mo alam kung ano ang kaya kung gawin! "
"Luna! Ipasok mo sya sa kwarto nya, ikandado ang pinto at huwag pakainin at palalabasin hanggat di sya sasang-ayun sa akin! "
"Opo Doña Filipa"
Makalipas ang isang araw di pa rin sumuko si Raene ng biglang.....
Lumindol sa lugar nila at ang marangyang Mansion na nakaharap sa Hilaga ay nilamon na ng lupa kasama ang dalagang nakakulong dahil sa labis na ambisyon ng sariling Ina.
Di alam ni Doña Filipa kung ano ang gagawin, bakit may pakiramdam syang parang nangyari na ang lahat ng ito. Ang pakiramdam na sya ang nagtulak sa kanyang anak patungo sa kanyang kapahamakan.
"Raene! Raene! Tulongan nyo ang anak ko! Pakiusap! Iligtas nyo sya! "
At ang mga mata nya ay natabunan na ng luha at sya'y nawalan na ng ulirat..
Nagising si Luna sa kalagitnaan nang dilim na duguan at nahihilo pa. Ang huling natandaan nya lang ay ang takbuhan sa labas ng Mansion dahil sa malakas na lindol, at babalikan lang sana nya saglit ang kababatang si Raene, nang gumuho ang pader at di na sya umabot sa kinalalagyan ng matalik na kaibigan.
Samantala si Raene ay takot na takot sa ilalim ng kama na Kanyang pinagtataguan di nya alam kung ano ang nagyayari ang tanging alam nya lang ay ang paglindol at ang pagtawag sa Kanya ni Luna....
"Luna?! Luna? Nasaan ka? "
Lumabas sya sa kanyang pinagtataguan,nagimbal sya sa kanyang nakita, sirang-sira na ang kanilang Mansion.
"Luna! Luna! Ikaw ba yan? "
May nakita syang tao na naipit sa bumigay na pader. Di nya masyado maaninagan ang taong napagitna dito dahil sa dilim ng paligid...
"Tulong! Tulongan mo ako! "
"Luna? ikaw ba yan? Sandali, hihingi ako nang tulong."
Naghanap sya kung saan sya pwede makalabas may nakita syang liwanag
at pinilit nyang makalabas sa maliit na siwang para makahanap ng tulong.
Nang lumabas sya nabigla sya dahil may mga taong nakapalibot sa kanya na tila takang-taka nang sya ay makita. Di na sya nagpatumpik-tumpik pa, humingi na sya ng tulong sa mga ito...
May tumulong naman sa kanya na tila mga tagapagtanggol sa kanilang lugar at nailabas din ang kaibigan nya..
Doon nya napagtanto na wala na sila sa Villa Del Fuego at mukhang kakaiba ang mga tao rito.
"Anong lugar po ito? "
"Ito ang kaharian ng Mira,ikaw saan ka nanggaling? Anong nangyari sa inyo, anong ginawa nyo sa Place of Ruins? At ang pananamit nyo tila iba sa amin.."
"Nagpapatawa ba kayo? Anong kaharian na pinagsasabi nyo?"
Nang may dumating na tinatawag ng mga tao na pantas at lumapit sa kanya at hinawakan sya sa kamay..
"Dugong bughaw? Anong ginagawa mo sa Place of Ruins di mo ba alam mo na ipinagbabawal ang mga may dugong bughaw na papasok sa lugar na yun? Maaari itong pagsisimulan nang sigalot sa kaharian ng Mira! Anong ginagawa ng may dugong bughaw sa lugar na yun sabihin mo ang totoo! "
Naguguluhan sya sa pinagsasabi ng tinatawag ng mga tao na Pantas.
"do.... doon kami nanggagaling!"
"Ano? "
"Akiro, puntahan mo ngayon din ang Mambabasa! Bilisan mo! "
"Mahal na Mambabasa ipanatawag kayo ng Mahal na Pantas! "
Nagtaka si Yuki kung bakit sya ipanatatawag na Pantas, ano na naman kayang sigalot ang kinatatakutan nito.
"Mahal na Prinsipe , pagpasensyahan nyo po sana, pero mukhang iiwan ko po muna kayo, kailangan ko po munang puntahan ang mahal na Pantas"
Tumayo na si Prinsipe Zander, ang Prinsipeng makising na ilang milenyo nang naghihintay sa kanyang Prinsesang nawala ilang milenyo na ang nakakaraan....
"Maraming salamat Mahal na mambabasa ipapatawag kitang muli pag kinakailangan ko ang iyong serbisyo"
"Opo, Salamat"
Kawawang Prinsipe namumuhay pa rin sa dilim nang kanyang madilim na nakaraan.
Nakarating na ang Mambabasa lugar ng mga Pantas.
"Kaibigang Kira, bakit mo ako pinatatawag? "
"Yuki! mukhang dumating na ang oras na kinatatakutan nating lahat...
ang pagkawala ng balanse sa ating iniingatan na kaharian. "
"Di kita naiintindihan, anong ibig mong sabihin? Ano bang nangyari dito? "
"Naaaalala mo pa ba ang Prinsesang isinasakripisyo ang kanyang buhay para sa balanse nang ating kaharian...
Mukhang sya ay nagbalik na.! "
"Ano? "
Ang Prinsesang minahal nang lahat na kahit sa kanyang pagkabuhay muli ay binigyan nya ng importansya sa kanyang puso ang nasasakupan ng kanyang Mahal na Ama.
Binalikan ni Yuki at Kira ang araw na nagpaluha ng lahat ng mamayan ng Mira..
"Venus pakiusap umalis ka na! "
"Hindi mahal na Prinsesa ako ay mananatili sa inyo at magsisilbi kahit saan pa po kayo mabuhay muli! "
"Venus? Mahal kung Kaliwang kamay, simula ngayon ikaw ay makakasama ko saan man ako dadalhin ng buhay na ito. "
"Simula sa araw na ito, kaming dalawa ay magkasamang kayo ay protektahan sa anumang sigalot na darating sa kaharian na ito....
kayo ay maging mapagmasid...
para malaman nyo kong may darating sigalot sa kaharian nating mahal"
"akoy magbabalik sa kahit na anumang paraan upang kayo ay balaan! "
Ito ang huling natatandaan nila Yuki at kira sa huling buhay ng Prinsesang nagbuhis ng buhay para sa lahat, ang Prinsesang trinaydor at sinaktan ng sariling Ina. Ang prinsesang bumihang sa puso ng lahat ng taga Mira.
"Di tayo sigurado dyan Yuki kailangan natin ipaalam ito sa nakakataas"