webnovel

Harmonia

Hindi na ako kinausap muli ni Hephaestus, but he made sure that he would approach me anytime. Sapagkat kailangan niya raw akong bantayan, kahit hindi niya alam ang dahilan.

But I thought of two reasons:

One, ako ang magsasalba ng Olympus and be the one to stop the war.

Two, I'll be the one to cause it. The trigger.

I smirked, it's most likely the second one. So it's foolish for Hephaestus to tell me or reveal me all of that. Ang sabi ng Fates ay bantayan ako, at hindi ako gawing kakampi. I mentally rolled my eyes, kahit kailan talaga ang bobo ng mga Olympians. But at least, I have a lot of them on my side.

Nagbukas na rin ang ibang bulls, pero nagulat ako nang ang iba ay naging sunog na bangkay nalang. Ibig sabihin ba noon ay nagsinungaling sila?

I saw one mortal cry, siguro ay namatay ang kasama niya. He silently cried, ngunit nanatiling walang ekspresyon ang mukha niya. Napatingin siya sa'kin, at pinanliitan ako ng mata.

I was taken aback kaya't iniwas ko ang tingin ko.

Napatingin naman ako kina Asclepius, at mukhang wala namang nangyari sa kaniya. He glanced at me and smiled a little, his air is so light. Parang kahit alam mong may problema siya, napakagaan sa pakiramdam ng aura niya.

Autolycus then, caught my attention. Natawa ako, he's opposite of Asclepius. Sobrang intimidating ng aura niya, at tila may border sa kaniya. Nang magtama ang paningin namin, kaagad siyang nag-iwas paningin. Oh boy, do I look like Melinoe too much?

Nagulat naman ako when Harmonia clinged to my arm. Harmonia. Ang totoong may-ari ng kwintas na 'to. A gift on her wedding day. Pero kanino kaya siya ikakasal?

She smiled at me, "Anong tinanong sa'yo?"

I raised an eyebrow, "Tinanong lang ako kung anong pakay ko rito sa Olympian World, and I answered to be a Semideus of course."

Tumago-tango naman siya, "Nakakatawa ang tanong sa'kin. Kung isasalba ko raw ang Olympus mula sa kasamaan, sabi ko syempre naman. Tapos tinanong pa ako kung paano, then of course I'm Harmonia, from the word Harmony itself, then ako ang magbibigay Harmony sa mundo."

Ahh, I smiled at her a bit. So, isa pala siya sa makakalaban ko kung sakali?

"But then, it asked me something weird, Melizabeth," sabi niya at napatingin naman ako.

"Ano naman 'yon?"

"Kung nakikita ko raw ba ang hinaharap," napatingin siya nang diretso sa'kin, "I said no. And I got burnt."

Pinakita niya ang kamay niya, at nagulat ako nang makakita ng burn doon, pero dahan dahan din iyong naghilom.

"I said no because I thought they were only dreams, and not something in the future. Kasi sa tingin ko ay imposible iyon," sabi niya at napabuntong-hininga siya.

Napatingin siya sa kwintas ko, at napalunok naman ako, "In the dream, I was wearing that necklace. And everything was at chaos. It was a war between Gods and Goddesses, pero ang ipinagtataka ko ay ikaw... in my dreams, you are...," hindi niya tinuloy ang sinabi niya kaya't napatitig ako sa kaniya lalo.

"You are named Melinoe? And not Melizabeth, hindi ko alam kung bakit, ngunit iyon ang pangalan mo. Hindi ko nga siguro kung iyon ba talaga ang future...," sabi niya at naging malungkot ang mga mata.

Melinoe?

Hindi kaya't ang nakita niyang hinaharap ay iyong sinasabi ni Hephaestus na hinaharap noon, at hindi iyong hinaharap ngayon?

Because now that something has changed in this present timeline, there will surely be a change in the future timeline.

Hinawakan pa niya ang kamay ko, "And also, in my dreams, nama- namatay ka."

Dito naman ako napalakhan ng mata. I died? Or Melinoe died?

"Zeus and the other Olympians wanted you dead, but not Hades," sabi pa niya.

Hades? I scoffed, of all Gods, si Hades ba talaga ang ayaw akong mawala?

"Ako ang pumatay sa'yo, Melizabeth," wika pa ni Harmonia habang nakatingin sa kwintas ko.

Nagtiim ang aking mga bagang, I smirked and patted her shoulder, "Don't worry Harmonia. I won't let it happen."

Niyakap ko siya. Dahil ako ang papatay sa inyo.

It's the other way around this time.

"Ano pa ang nakita mo, Harmonia?"

"Kay Autolycus ako ikakasal, at si Melinoe... ikaw, ang nagsimula ng digmaan," sabi pa niya.

At ngayon naman ay naging interesado ako. Is that why wala na si Melinoe ngayon? At ako talaga ang pinalit nila?

I smirked, so that's the cause of the war. Pero ngayon, ano kaya ang magiging cause?

From afar, bigla namang nagtama ang paningin namin ni Thanatos. Ano naman ang ginagawa niya rito?

His stormy eyes pierced through me, at pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mata niya.

Napatingin din sa kaniya si Harmonia, kaya't bigla siyang nagsalita uli.

"Thanatos...," sabi niya.

Napatingin naman ako sa kaniya na mukhang seryoso ang tingin kay Thanatos, tinalikuran niya si Thanatos bago pa ulit nagsalita.

"He will be a forgotten God, Meli. Sa panaginip ko ay isa siya sa mga Diyos na bigla nalang nawala," sabi niya.

I looked at Thanatos again, and just now, I wished that Harmonia's dreams were not true.

Just now, I wished it would only remain a dream.

Thanatos bowed his head at me before leaving my sight, before leaving me dumbfounded and lost in my own thoughts.

Is Harmonia saying that the war would cost Thanatos his life?

Kung gayon...

Hindi ko na alam.

Pipigilan ko ba o itutuloy ko ang mga plano ko?

O sadya bang ito na ang nakatakdang mangyari?

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

I'm sorry if the twists are piling up!!!

Thank you for reading!

lostmortalscreators' thoughts
Next chapter