Mabilis na ring sumunod at naglakbay ang mga tikbalang at usa buhat ang upuan na kinaroroonan ni Peter, hangang hanga sila kay Arnie sa angkin nitong kakayahan na lumipad gaya ng ibon.
Sa kaharian ng mga enkantadong usa ay abala si Prinsesa Usana at ang amang si Haring Usarin sa pagmamando sa mga tagapag lingkod upang ihanda na ang hapag para sa munting piging na alay sa mahal na itinakda.
PRINSESA USANA : Ama!!! nag pahatid ng balita ang kawal na si Usawal, parating na daw dito ang mahal na itinakda kasama ang kanyang kapatid, lumilpad sila sa himpapawid ang natatarantang pagbabalita ni Usana sa ama...
HARING USARIN : ano kamo? lumilipad sa himpapawid? ang namamanghang tanong ng hari upang masiguro kung tama ang narinig.
PRINSESA USANA : opo ama!!! kasabay na naglalakbay ng mga kawal natin ang kanyang ama at sila Prinsipe Borjo.ang paglilinaw naman ng prinsesa sa kanyang sinabi.
HARING USARIN : kamangha mangha ito!!! tila mabilis nang lumalakas ang kapangyarihan ng itinakda!!!
Bilisan ninyo ang paghahanda sa hapag, nakakahiya sa itinakda kung daratnan niya tayong hindi pa preparado!!!!
ang pagmamadaling utos ng hari sa mga kawaksi.
Samantala si Arnie at Jr naman ay lumapag na sa hardin ng palasyo at agad namang sinalubong ng punong ministro ,habang ang tagapag hatid balita ay agad na tumakbo sa loob ng palasyo upang ipahayag ang kanilang pagdating....
TAGAPAG HATID BALITA : mahal na hari at Mahal na Prinsesa, lumapag na po sa hardin ang itinakda at kanyang kapatid.
ang pag uulat nito sa hari at prinsesa.
Mabilis na lumabas ng palasyo ang hari at prinsesa upang salubungin si Arnie at Jr.
Si Arnie naman ay nahihiyang napakamot sa ulo ,tila yata napabilis ang kanyang pag lipad. Naunahan niyang dumating sa palasyo sila Borjo. baka isipin ng hari at prinsesa na excited na siyang kumain.....
😬😬😬😬😬😬