webnovel

CHAPTER 29 ; SAMA SAMANG MAGSISIMBA:

samantala sa bahay nila Arnie, nag aalalang nsguusap ang mag asawang Peter at Betty

BETTY: peter nag aalala ako para kay Arnie, hindi kaya ang itim na nilalang na tinutukoy ni prinsipe Borjo ang nakita ni Arnie kanina?

PETER; hindi natin alam Betty, ang magagawa na lang natin ngayon ay doblehin ang pag iingat ni Arnie, ngayong nalaman natin na may umaaligid na ibang nilalang sa ating bahay at sa ating anak.

BETTY; tama ka Peter, ang mabuti pa'y matulog na tayo at sama sama tayong magsimba bukas.....

tamang tama andito sila Lia, matagal na rin tsyong di nakapagsisimba

PETER : oo nga ano? ang mabuti nga'y magsimba tayo bukas at ng makapag komunyon tayong lahat. lalong lalo na si Arnie pabasbasan natin kay father at ng layuan ng mga maligno

BETTY; natawa si Betty sa sinabi ng asawa....

tao ka! baka marinig ka ng anak mo? sige ka magtatampo yun sa'yo. baka isipin non na mukha na rin syang maligno kaya pababasbasan mo!

PETER : hindi ako nagbibiro betty, mabuti na iyong mabendisyonan ang anak mo para di na lapitan ng maligno.

isa pa..... hindi ba't malapit na ang pista sa ating bayan? pupwedeng ipalista ni Lia si Chibog para dito na mabinyagan! pahabol pa ni Peter

Next chapter