webnovel

XIII

CHAPTER 13

***

"M-Masaya ka ba?" Tanong niya dito habang magka yakap sila sa sala ng inuupahan nilang apartment.

"Ilang beses mo ng tinanong 'yan. Diba sabi ko naman sa'yo, masaya ako. Masayang masaya." Mas humigpit ang yakap nito sa kanya. Kaya mas dinantay niya ang ulo sa balikat nito.

Bahagya siyang lumayo sa pagkakayakap nito. Pagkatapos ay tinitigan niya ang gwapo nitong muka.

"Bakit mo ba tinatanong kung masaya ako?" Balik tanong nito sa kanya.

"Sinisiguro ko lang. Baka kasi mamaya, magsise kang pinakasalan mo ako." Nang gilid na ang luha sa kanyang mga mata.

It's official! They are now married.

"Siguro nga magsisise ako kasi hindi ka gusto ng mommy ko tapos nagpakasal pa tayo with out their consent, magagalit sila tapos paghihiwalayin nila ta--Aray! Mahal naman!" Hindi na niya ito pinatapos at binigyan na niya ito ng isa.

Agad siyang umalis at umupo sa cute nilang sofa. Pag-dalawahan lang talaga.

Sinundan din naman siya nito ng makabawi na sa ginawa niya.

"Infinity bakit ka ba nagkakaganyan? Binibiro lang kita."

"Hindi magandang biro!"

Napakamot naman ito ng ulo. Ganito ito kapag hindi nito alamang gagawin sa kanya.

Naramdaman niya ang pag-alis nito sa kanyang tabi. Hindi naman niya maiwasang makaramdam ng pagkadismaya. Oo tinotoyo siya, pero gusto lang din naman niyang magpalambing dito.

Pagdating ng araw, ang iyong buhok ay puputi na rin

Sabay tayong mangangarap sa nakaraan na'tin

Nagulat siya ng biglang may tumunog na kanta at naglahad ito ng kamay sa kanyang harapan.

Nang tignan niya ang muka nito ay may mapaglarong ngiti itong binigay sa kanya.

"Bakit?" Mataray niya kunwaring tanong dito.

"Sayaw tayo?" Haya nito sa kanya.

Inirapan niya ito para maitago ang ang kanyang ngiti.

"Sige na! Please." Ginamit na nito ang mabisa nitong sandata. Alam na alam nitong hindi niya kayang tiiisin ang 'please' nito.

Nang abutin niya ang kamay nito ay agad nitong pinagdikit ang katawan nilang dalawa.

They are so close that even air can't pass through them.

"Kanina wala tayong sinabing vows para sa isa't-isa. Nagmamadali kasi 'yong judge na nagkasal sa'tin." Patuloy ito sa pagsasalita ngunit hindi pa din niya ito kinikibo. Kailangang magpakipot, kahit saglit lang.

"Ngayon ko sasabihin 'yong vow ko, para hindi ka na din toyoin." May halo ng kapilyuhan na sabi nito. Akmang hihiwalay siya sa akap nito ng bigla siyang higitiin nito muli.

"Teka! Teka! Ito na. Seryoso."

🎶 Ang nakalipas ay ibabalik natin

Ipapaalala ko sa'yo 🎶

Marahan nitong sinunod sa musika ang kanilang katawan.

"Mahal,sa loob ng maikling panahon nakuha mo hindi lang ang atensyon ko, kundi pati na din ang puso ko."

She snorted dahil sa sobrang pag pipigil ng tawa. He never failed to amaze her.

"Huwag kang tumawa! Seryoso ako dito." Suway nito sa kanya, pero halata din namang nagpipigil ito ng tawa.

Pilit naman niyang pinipigilan ang pagtawa. Makikisakay siya sa trip nito ngayon.

"Noon, naniniwala ako na kailangan mong makasama ng matagal ang isang tao para makilala mo ito ng lubos. Pero nagbago 'yon ng makilala kita. Binuksan mo ang sarili mo sa'kin, bawat pahina ay wala kang pinalampas. At sobrang saya ko dahil sa dinami rami ng tao sa paligid mo, ako ang pinagkatiwalaan mo.

Sa maikling panahon, nakilala kita ng lubos. Dahil doon nahulog ang loob ko. Minahal kita higit pa sa akala kong kaya kong ibigay. At patuloy kitang mama alin.

Ayaw mong nangangako sa'yo ang mga tao, dahil naniniwala kang hindi nila tutupadin 'yon. Ito nalang ang pagkakatandaan mo, iniibig kita at hindi mahalaga ang sasabihin ng iba. Dahil tayong dalawa ang nasa relasyong ito. Hindi sila kasama. Hindi ako perpekto, at wala din namang relasyong perpekto. Pero kung sakaling mag-away tayo at masaktan kita o umiyak ka ng dahil sa' kin, lagi mong tatandaan na mahal kita.

Hindi kita pinakasalan para pasamain ang loob mo. Hindi ko binago ang apelido mo para paiyakin ka. Binigay ko sa'yo ang apelido ko para manging simbolo, na simula ngayon magkaduktong na ang buhay na'ting dalawa. Sa say a, lungkot, takot, pighati. Magkasama na'ting haharapin lahat. Simula ngayon, hindi ka na mag-iisa."

Wala namang tigil ang pagtulo ng kanyang luha. This should be a happy moment for them. They just married few hours ago sa judge, tanging silang dalawa lang at ang propesor niyang ang naging saksi sa tagpong iyon.

"Nakakainis ka naman eh!" Sabi niya dito habang pinupunasan ang kanyang mga luha. She is at the middle of wipping her tears when two strong hands stop her from doing it.

"N-Nasabi ko na 'yong vow ko, dapat magsabi ka din sa'kin ng vow." Nakangiti man ay halata pa din ang pamumula ng mga mata nito.

"H-Hindi ako prepared pero s-sige." Humugot siya ng malalim para pigilin ang emosyon, kagaya nito, gusto din niyang sabihin ang "empromptu vow" niya. Tinitigan niya ito sa mata.

"Mahal, madami akong bagay na gustong ipagpasalamat sa'yo. Una ay salamat at sumugal kang pumasok sa magulo kong mundo. Kahit kailan hindi ko naramdaman na takot kang mawala sa'yo lahat para lang sa'kin. Salamat.

Pangalawa, salamat dahil binigyan mo ako ng mas magandang dahilan para mabuhay. Para patuloy na lumaban.

Pangatlo at huli, salamat dahil binigyan mo ako ng isang tahanan. Isang lugar na araw araw kong pananabikang uwian. Hindi itong bahay na'to ang tinutukoy ko. Ikaw. Ikaw ang tahanan ko.

Alam kong nagsisimula pa lang tayo. Madaming problemang dadating. Hindi ko alam kung makakaya nating dalawa, pero sana lagi mong tatandaan na… simula ngayong araw, lahat ng laban, lahat ng pagsubok, lahat ng sakit, tagumpay at saya may karamay ka.

Ikaw ang buhay ko, ikaw ang tahanan ko. M-Mahal na m-mahal kita."

She cannot control the tears that are falling from her eyes.

"M-mahal na mahal din kita." Sagot nito habang pinipilit na itago ang mga luha. Pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang mata, para siguro patiligin ang kanyang pagluha, pagkaraan ay ang kanyang noo. At ang huli ay ang kanyang mga labi.

Tanging ang apat na sulok ng maliit nilang apartment ang saski sa palitan ng kanilang vows. But it is a promise they will both keep in their hearts.

🎶 Ang aking pangako

Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo

Kahit maputi na ang buhok ko 🎶

For a better reading experience, the writer urges you to play the songs included per chapter. Please visit my Facebook page for the Playlist on Spotify, feel free to listen to them while reading!

Please wash your hands regularly, humans!

Thank you so much for giving time to my story! Appreciated! Will work hard more for your reads :) Please do leave a rating/comment! I am reading them :)

Comments? Reactions? Feel free to comment on them down below :)

Follow me on my social media platforms!

Facebook Page: RNL Stories

https://www.facebook.com/RNLStories

Twitter: @RomanceNovelist

Instagram: @romancenovelist_wp

e-mail: romancenovelistlady@gmail.com

RomanceNovelistcreators' thoughts
Next chapter