webnovel

Heartless

Chapter 32. Heartless

  

   

MARRIAGE.

The beginning of the family—and was a life-long commitment. That's what Sinned had been proposing to Candace for years now. And now, when everything was already prepared, the latter went missing. Kahit saan hagilapin ay hindi nila mahagilap. Nawalan na siya ng pag-asa dahil ultimo magagaling nilang imbestigador, maging ang iba pa, ay hindi nahanap ang fiancée niya.

Nakuha na ngang natapos ang kasong konektado sa ama nito at ngayo'y wala nang kawala sa kulungan, subali't wala pa ring balita tungkol kay Candace.

Until he decided to just go on with his life and live like a human robot—accepting cases here, doing missions there, and even training the new recruits. He's doing everything to forget the pain.

Kaytagal niyang naghintay, pero bakit ganoon ang kinahinatnan ng paghihintay niya?

"Are you with us?" his friend got his attention.

They were at The Dreams Club, partying since it was Marc's stag party. It's a party held for a man who's shortly to enter marriage... Kung hindi lang nawawala si Candace ay baka doble ang selebrasyon ngayong gabi.

"Okay ka lang ba, 'kako?" ulit ni Marc.

Itinaas lang niya ang kopita ng alak at bahagyang tumango. Bago pa makainom ay may umakbay sa kaniya.

"Ash, my man!"

"Hue! Move over! You reek of alcohol," sita niya rito.

Ngumisi lang ito at tumawa nang pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Problema mo?"

"Damn, man! My sister created incredible masterpieces, and thanks to you! Parang mas guwapo ka sa mga paintings niya. Mas yummy!"

"'Kadiri ka!" kantiyaw ni Dice.

The other men from Phoenix were present in the party since they became affiliated with Marc as well.

Bumaling si Arc kay Dice na pawang nakainom na rin. "Daddyng daddy ang datingan niya." Tinuro-turo pa siya nang hindi tumitingin sa kaniya. Nakatayo sila sa isang high table at nasa tapat niya ang dalawa. Nagpatuloy ito at sinabing, "Kung 'di ko kilala ang gagong ito, iisipin kong Sugar Daddy ni Rellie. Paano, puro pagmumukha at katawan ng abogagong ito ang inilagak sa exhibit!"

He scowled. "What do you mean?"

Pero nakitawa lang si Stone na nakikinig pala sa usapan. Nasa bandang likuran lang niya nakapwesto. Sinamaan kaagad niya ito ng tingin.

"Ang pangit namang pakinggan ng inilagak!" biro si Dice.

"Mas pangit ka."

Sabay-sabay na lumingon sa kaniya ang mga ito at kunwaring napamaang.

"Nag-joke ka?" si Stone na eksaheradang nanlaki ang mga mata.

Hindi siya sumagot at uminom na lang ng alak.

"Nag-joke nga," si Marc iyon.

"Anong mayroon diyan?" Rexton dela Costa, the one who's in charge with the sleepers in Phoenix, meddled in.

"Ang tsismoso mo, dela Costa. Pustahan na lang tayo, gusto mo si Ms. Mendoza," ani Stone.

"Matagal na," walang-kiyemeng sagot ni Rexton.

Ito naman ang kinantiyawan ng mga nandoon.

"Torpe naman!" kantiyaw ni Arc.

"Oo, pero mas malala ka!" segunda ni Rexton.

Ang iingay ng mga gago. Parang ibong ngayon lang nakawala sa hawla. Pagkuwa'y bumalik sa kaniya ang atensiyon ni Arc nang lumayo na ang iba.

"Did my sister pay you royalties? Pumatok iyong mga abstract paintings niya na ikaw ang inspirasyon," baling ni Arc sa kaniya at tumahimik ang mga nandoon; nag-inuman na lang.

"Wala iyon sa kontrata namin."

Nagtaka ito. "But my sister said her payment was lavish."

Maybe she meant lascivious, In his mind.

"Anyway, I want to thank you for being good to Rellie. Alam mo bang ilang beses nang halos sumuko iyan sa pagpipinta at pagguhit? Pero nang mapapayag ka niyang maging subject ay may gumaling pa siya lalo. Sayang nga at hindi na pinursige ang nude. May potensiyal pa naman."

For being good? Nah. Most probably, for making her feel really good. Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo.

"She sticks with abstract now," Arc added.

He lit the cigarette using his brass lighter. "Baka wala nang oras para magpahinga nang maayos iyang kapatid mo?" kaswal niyang tanong. Kahit ayaw kasi niya ay may balita pa rin siya sa babae lalo na sa tuwing bukambibig ng kapatid.

"Ewan ko ba. Sabi ko nga, mag-asawa na, nang mapirmi na sa bahay."

"May boyfriend?" kaagad niyang tanong.

"Wala pa naman."

So, she still doesn't do boyfriends, huh? I wonder if how many men did she already fuck out there...

"Bakit pala hindi na kayo nagkita noon?" biglang tanong nito.

"She flew abroad," dahilan niya. Ang totoo ay siya ang pumutol sa komunikasyon dito. Pinadalhan na lang niya ng business email na hindi na niya maitutuloy ang pagmomodelo para sa mga akda nito.

"Ah, yeah, I remember. That's that time when she started living independently."

Pagkuwa'y tinanong niya iyong tungkol sa mga artwork ni Rellie.

"Ah, remember when I went to London?"

"Kailan?"

He drank the shot of tequila first. "Matagal na. Bigla ko lang naalala ngayon."

He kept still; signaling him to continue chattering.

"We had our painting exhibit, and she displayed all of her paintings of you. She named the theme, 'Heartless'."

Hindi siya kumibo lalo na noong kunin ni Arc ang cellphone at nag-browse muna roon bago ipakita ang ilang mga kuha nito sa mga painting.

"You fucking look like a Mafia boss in every paintings. May mga props pa pala kayo na baraha, baril, gold bars, alak, sigarilyo—"

"—at mani!" putol ni Kieffer na kadarating lang pero nakinig pala sa usapan nila ni Arc; pagkuwa'y umalis din at bumati sa iba pang nandoon. Ang iba ay may kani-kaniya ng mga mundo.

"Pakyu, man!" si Arc na bumaling sa nakatalikod nang bagong dating bago nagpatuloy. May pinakita pa itong isang abstract painting na hindi niya makuha kung ano ang tema.

"Anong ibig sabihin nito?" hindi mapigilang tanong niya. Staring at the painting for a few seconds made him feel a bit guilty...

"Hindi ano, kundi sino."

Mas nangunot ang noo niya.

"Hindi mo nakikilala ang sarili mo?"

"Ano?"

"Ikaw iyan." Z-in-oom nito sa parteng may dalawang may kakapalang itim na linya, at pagkuwa'y sa iba't ibang shades ng pulang pintura bago sinabing, "This is your heart taken out from your body. Sinister, isn't it? Yet, believe me, it perfectly matched the other nudes she displayed whereas you look like a cold, heartless, and inhumane mafia boss."

He titled his head but he could not seem to understand where were the face, the body, and the heart.

"Heto, o, ang kilay mong nakakunot. You always have this expression." Itinuro pa nito ang sinasabi nitong kilay.

"I don't really get it."

Arc just gave up interpreting the artwork to him and brought his phone back inside his pants' pocket. "Anyway, I just thought you knew since you're the subject."

"It doesn't really matter." Saka niya idinaan sa biro. "Dapat lang namang ibalandra ang katawan ko lalo na kung ganito ka-ripped."

"Nag-joke ka ulit," sabad ni Stone na kung saan na lang nanggaling. Biglang sumulpot sa likuran niya, eh. Sa gulat tuloy niya ay nasapak niya ito, pero mabilis naman itong nakailag kaya dumaplis lang sa hangin ang kamao niya.

"Pucha, 'kagulat ka naman! Akala ko, hindi ka na nakikinig," baling ni Arc dito.

Umiling na lang siya at pinatay sa ashtray ang sigarilyo. "Mauuna na ako," paalam niya dahil gusto na niyang mapag-isa.

Nakuha pa niyang magmaneho at hindi namalayang nasa tapat na ng apartment building. Susuray-suray na pumanhik siya sa apartment at nang makapasok ay ini-lock ang pinto. Saka nagtanggal na ng damit pang-itaas pero imbis na sa banyo dumiretso ay napasandal siya sa sofa at napatitig lang sa kaisa-isang frame na nakasabit sa katapat na pader ng sofa.

Sa tinagal-tagal niyon doon ay ngayon lang niya napagtuunan ng pansin. Unlike that abstract painting Arc had shown him in the club a while ago, this one was lively to stare at; it was as if it painted colors on his dull apartment. And those artworks were both painted by the same artist.

That hollow night was filled with his thoughts about Rellie—on why did she solely use her artworks of him, as the subject, in that exhibit.

Next chapter