webnovel

Back

Chapter 29. Back

  

  

NAPANGITI si Rellie nang maagang nag-out si Sinned sa trabaho. Dumiretso sila sa studio niya para ituloy na ang painting sessions nila.

"Ginawa mo ba iyong kontrata?" tanong niya nang maalala. Nasa kalagitnaan na sila ng pagpipinta rito. Ganado talaga siya dahil isang oras pa lang ay patapos na siya kaagad.

Tumiim naman ang bagang nito. "We already have a contract regarding this, Ms. Prietto."

She pouted. "Ayaw mo ng offer ko?"

"Just focus on painting. Nangangalay na ako."

She giggled instead. Nakaupo kasi ito sa sofa. More like, he was slouching and he looked like someone who's tired of everything—but still, looked smoking hot. "Grabe, ang galing mo talagang mag-project. Ayaw mong mag-modelo?"

Hindi ito sumagot.

"Sige, sa susunod, dalhin mo na iyong kontrata para malinaw kung ano tayo sa isa't isa."

"Ano ba tayo?" he idly asked.

"Uh... Partners?"

Naningkit ang mga mata nito.

"In bed." She awkwardly laughed and told him he must bring the contract no matter what. Or, she should just go to his office and sign it there.

Ganoon nga ang nangyari kinabukasan: nagpirmahan sila ng panibagong kontrata sa opisina nito. Pagkatapos ay dumiretso ulit sila sa kaniyang studio para i-paint ulit ito. Pero patapos na siya at lahat ay hindi siya makuntento.

"Parang may kulang..." Kinagat-kagat niya ang hinlalaki habang nag-iisip.

"Hey, that's dirty."

"Huh?"

"Your thumb. It has some paint."

"Ah..." Napatango siya. "Don't worry. These paints are edible. Iyong mga iyon ang hindi." Bumaling siya sa bandang kanan at ngumuso sa banda kung nasaan ang mga latang nakahilera.

Nang bumalik ang tingin niya ay tila may apoy na naglaro sa mga mata nito.

"Ay, oo! Parang mas maganda kung may hawak kang sigarilyo. Pero, wala akong sigarilyo," saad niya bigla. "Do you smoke?"

Tumango ito.

Napapalakpak siya. "Pahinging isang stick!"

"Get it. It's in my pocket."

"Okay. Huwag ka munang gagalaw."

Nahanap naman niya ang lalagyan ng sigarilyo, maging ang lighter nitong mukhang mamahalin. Siya na ang nagsindi ng sigarilyo at hinithit iyon.

Naubo siya.

"Why are you smoking?"

Napakislot siya ng nasa likuran na pala niya ito. Ni hindi niya namalayang kumilos ito. "Sinindi ko lang naman." At humithit pa siya. "Why is it delicious?"

"Stop it, Rellie. You might get addicted to it."

"Ha? Bakit naman? Sinindi ko lang naman." Her mind actually thought it was Sinned she tasted. Kung ganoon, iyon pala ang nalasahan niya nang may mangyari sa kanila nito sa dressing room kahapon. Humithit ulit siya. "Lasang mint," she added and tried to smoke again but Sinned got the stick of cigarette out of her hand.

"Let's continue so we could wrap it up already."

"Sige! Bumalik ka na sa pwesto mo." Ilang sandali pa bago sila nagpatuloy.

Araw-araw na naging ganoon ang setup nila. Walang palya.

Until that one hot night, she just finished painting another artwork of her—with Sinned as her subject, of course—when they ended up lying on a big cotton canvas, painted it using the washable and safe paints that she had, while both of them were naked...

And they ended up banging on the canvas.

What surprised her the most was that they created an actual art. Hindi niya inakalang maganda ang kalalabasan niyon.

While under the shower, she couldn't help but comment, "Wow... this experience is incredible, Sinned. Thanks for suggesting it." Para siyang nakalutang nang inalala ang pinagsaluhan nito.

Nagpatuloy ito sa pagsabon sa katawan. "I thought of it when you mentioned you're using edible paints, so I assumed those were safe. I searched for it online and saw that there were other artists who bang on a canvas as well."

Napahagikgik siya. "Have you seen my butt? It looks like an apple. I'm already imagining people thinking about what that is when they see our artwork."

"Damn, you were so hot while you're lying on the canvas, begging to be pleasured..." malat ang tinig na anas nito na tila naalala ang pinagsaluhan nila.

Humarap siya rito at kinurot niya ang pisngi nito. "Didn't know you have an artist side in you."

"I don't have. I only imagined fucking you on a canvas."

Napanguso siya.

Sa loob ng ilang buwan ay hindi na niya mabilang kung ilang beses na may nangyari sa kanila. At mabuti na lang pala ay s-in-uggest nito na magpa-birth control shot siya noong una pa lang para hindi na rin nito inaalala na ang paghugot bago datnan.

There were also those times wherein he would call her late at night. After receiving the booty call, she would rush in his apartmet to warm his bed. Idinadahilan niya lagi sa magulang niya na may ideya na naman siya at gusto niyang mapag-isa at magpinta. Pero ang totoo ay sabik siyang punan ang seksuwal na pangangailan ng lalaki, at mapunan din nito ang kaniya. Daig pa ang may emergency kapag si Sinned na ang tumawag dahil hindi siya mapakali at gustong makarating na agad kung nasaan nito.

And that's totally fine for her. Ganoon siya kabaliw sa lalaking gumising sa kaniyang kamunduhan.

That's why she was hoping that what she's witnessing now was just a nightmare, but it was not... Sinned was with Candace Ferrer; in his car, in front of the apartment building where he lived.

Kaya siya nandoon na walang pasabi ay balak niyang ipakita sa lalaki ang nabili siyang sexy lingerie online. She planned to wear that later so his senses would heightened up even more. Sa ilang beses na may nangyari sa kanila ay ilang beses ding nag-explore sila sa mga bagay-bagay. Be it adult toys, bondage, handcuffs...

At ngayon nga ay sa mga damit naman sila nag-e-explore, at gusto niya itong sorpresahin. Pero siya ang nasurpresa lalo na nang makita niyang naghalikan na ang dalawa na parang nalunod na sa sariling mundo.

Everything shattered down to pieces.

Umuwi siya at ipinaalam sa mama niya na gusto na niyang tanggapin ang alok sa kaniyang pumirma na ng kontrata para maging model na ng isang European jewelry brand.

"Akala ko ba, ayaw mo? You said you want to stay here in the Philippines," ang kaniyang ama nang nasa hapag-kainan sila.

"It's a great offer, hon," ang ina niya.

"Pero hindi ba, nakakaalis naman siya ng bansa kahit walang kontrata sa kanila?"

"'Pa, mas maganda ang benefits kapag under na ako sa kanila. Hindi na lang niyan sa London ang H&C. They're planning to have their newest branch in Canada and they offered me to be one of the ambassadors when that time comes," paliwanag niya.

"Hindi ka na palaging makakauwi rito," anang kaniyang Papa.

That's exactly the reason why she wanted to accept the offer. She hoped to run away from that heartless lawyer.

Ang akala pa naman niya ay may espesyal nang namamagitan sa kanila. Na nahulog na rin ito sa kaniya kahit papaano. Iyon pala, siya lang ang hulog na hulog sa lalaki habang ito ay patay na patay pa rin sa kababatang matagal na nitong inaasam. Na isa lang siyang sex object para rito...

Nang matapos kumain ng hapunan ay dumiretso siya sa banyo. Sa sobrang hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ay napaupo na lang siya sa sahig at sumandal sa likod ng pinto. Matagal siyang nakatulala sa shower head at nang tumayo ay bahagya pa siyang nabuwal dahil sa pangangalay.

Lumabas siya ng banyo upang kuhanin ang cellphone at tawagan ang kaibigang si Hapi. Mabuti at sumagot kaagad ito, kung hindi ay baka bumalik siya sa loob ng banyo at tumitig na lang sa kawalan.

"Oh, my gosh, girl! Ang ganda pala rito sa Sirao! Parang gusto kong bumili ng properties," masayang bubgad nito sa kaniya.

"H-Hapi..."

"Uy, anong problema?" Napalitan ng pag-alala ang tinig nito. Alam nito na naging malapit na siya kay Sinned. At kahit hindi niya sabihin ay alam nitong may namagitan na sa kanila ng lalaki.

"She's back..."

"She?"

"Nakita ko silang naghahalikan sa sasakyan niya."

"Si Sinned ba? Wait—" Malutong na napamura ito bago nagpatuloy, "—are you talking about Candace Ferrer?!"

Napakagat-labi siya.

"Damn, open your cam."

She did.

"You're a mess!" bulalas nito. "Sinabi ko naman na sa iyo noon pa man na may namamagitan sa dalawang iyan." She sounded grumpy because of what happened to her.

"Sinabi naman ni Sinned na single siya." She tried to smile while her friend's face was already red.

"Na naniwala ka naman? Natural, sasabihin niya iyon para makuha ka nang paulit-ulit! Tingnan mo ang nangyari sa iyo ngayon."

Tuloy-tuloy na naglandas ang luha niya. Sinabi rin niya rito ang balak na pag-alis ng bansa.

The latter sighed. "Sigurado ka na ba riyan?"

Tumango siya habang humihikbi.

"I don't really know what to say. Anong magagawa natin kung nagpakatanga ka? Ang mali mo lang, nahulog ka sa taong hindi ka naman sasaluhin."

Hindi siya umimik dahil totoo naman iyon.

"Noong una pa lang, dapat sex object na lang din ang tingin mo kay Attorney. Para hindi ka sana agrabyado ngayon."

She smiled bitterly. "Hindi ko napigilan, eh... Kahit hindi siya sweet, nararamdaman ko naman ang concern niya. Kapag hinahabol-habol ko siya, o kaya naiistorbo, naiirita siya kasi naiisip niya na baka naaapektuhan ang trabaho ko. Ayaw rin niya na sinusurpresa ko siya kasi dapat ay pahinga ko na lang ang oras na iyon..."

"Tanga ka nga, Rellie. Pinagtatanggol mo pa, eh, iniwan ka na ngang parang basahan ngayon. Gamit na gamit!"

Napangiwi siya. Pero totoo naman iyong mga sinabi niya. At saka, hindi naman siya iniwan? Napasabunot siya dahil gulong-gulo ang utak niya. Gusto niyang bumalik para magmakaawa kay Sinned na siya na lang ang piliin.

"Don't get me wrong, okay? I'm just frustrated because you deserve better! Sa dinami-rami ng umaaligid sa iyo, bakit ba sa kaniya ka pa nabulag? Dahil ba, Papi siya?"

She grunted. Alam niyang pinagagaan nito ang usapan kahit halata na inis na inis na ito; o mas tamang sabihing nagalit.

Hapi just sighed heavily and seriously uttered, "You should've learned your lesson now. You must love yourself more so that the next time you'll fall, you won't be blinded by your feelings anymore. Hindi ka na kawawa kasi mapipili mo na ang sarili mo kung sakaling sa tingin mo, agrabyado ka na. Hindi katulad nitong kay Attorney Hipolito..." Nanggigil na napasabunot ito sa sarili. "Ang tanga mo talaga!"

"Oo na. Kailan ba ang uwi mo rito? Ilibre mo ako..." pagpapagaan niya sa usapan.

"Hindi kita ililibre. Ang tanga kasi!"

"Pero, Hapi, paano kaya kung kausapin ko muna si Sinned? Baka kasi—"

"Ay, ang tanga talaga! Balak mo bang mas ibaon sa kumunoy ang sarili mo? Love yourself, girl!"

"Kasi naman, lagpas isang taon nang walang balita sa babaeng iyon..."

"Ikaw, lagpas isang taon; eh, ang lalaking iyon? Baka nga regular pa ang komunikasyon nila sa tuwing hindi kayo magkasama! Naku talaga, Aurora Aurelia, hindi kita ililibre dahil ang tanga-tanga mo."

Pero nang makauwi ito, dalawang araw ang nakalipas mula nang nakausap niya sa video call, ay daig pa niya ang may sugar daddy sa pag-pamper na ginawa nito. Naroong nag-shopping, nagpa-spa, manicure and pedicure, hair treatment—pero siya ay nagpaiksi ng buhok na hanggang batok—at nag-clubbing. Nagbakasyon pa nga sila ng dalawang araw sa isang private beach.

Sa tatlong kaibigan niya ay kay Hapi lang niya naikwento ang lahat. She slowly lost her contact with the other two until they drifted apart. Mukhang masyado nang naging abala, o hindi kaya'y focused na sa bagong mundong ginagalawan ang magpinsan.

At kahit na kasama niya ang kaibigan ay hindi pa rin iyon sapat upang mawaglit sa isipan niya si Sinned, lalo pa't mula nang makita niya ang mga ito ay hindi na siya nito tinawagan o t-in-ext man lang.

Her friend must be right when she kept on saying that she should focus on herself now; on her healing.

And, she must love herself more...

Damay-damay na 'to. Hindi pwedeng ako lang ang masaktan ngayong araw...

jadeatienzacreators' thoughts
Next chapter