webnovel

Fire

Chapter 20. Fire

   

   

RELLIE's face was glowing as she noticed how amazed Sinned was while checking her sketches. Nang pumayag ito kanina ay hindi na niya napigilang mapatalon at mapatili, pero kaagad ding inayos ang sarili upang ipakita ang mga gawa niya. Para maniwala itong tunay nga na artist siya—na puro ang intensiyon niya na kuhanin ito bilang modelo. Wala nang iba pang rason.

"These are good. The details..." He extended his left arm and compared one of her sketches on his hand. "You even got the veins."

Nakaupo sila sa tapat ng mesa at doon nito tiningnan ang mga guhit niya.

"Impressive."

Napainom siya ng tubig mula sa basong ininuman niya kanina. "Salamat," aniya sa maliit na tinig. "So, when are you free to go to my studio?"

"I'll just text you my schedules once we're done with the contract."

"Okay sige." Hindi na niya inisip pa ang tungkol sa kontrata. "Basta, kung kailan ka pwede. Ang importante naman ay pumayag ka."

"Alright," kaswal na sagot nito.

"Uh, uuwi na ako?" Shocks, bakit patanong?

"Did you drive to get in here?"

Umiling siya. "I rode a taxi." Ihahatid mo ba ako?

"Sige, pumara ka na lang pagkalabas mo. O kaya, sabihan mo ang guard na sasakay ka ng taxi nang ma-i-radyo niya sa main gate."

Nanulis tuloy ang nguso niya. What would she expect? Marunong siyang nagpunta-punta roon kaya dapat marunong din siyang umuwi.

Pero imbis na umuwi ay sa maliit na studio siya dumiretso. That studio was a gift from her brother when he learnt that she was also into painting just like him. It was located on the third floor of the building his brother acquired. Apartment building iyon na pina-demolish at nang mabili ng kuya niya ay d-in-evelop nito iyon upang mailagak doon ang mga artworks nito—nilang magkapatid. The first two floors were for her brother; while she owned the last floor. Kahit ganoon ay maliit lang ang studio niya roon dahil ayaw niya nang malawak na lugar sa tuwing nagpe-painting. Not unless she's painting on a big canvas.

She stayed there the whole night, imagining where would she let Sinned pose for her.

The next day, she called for a professional cleaning service to clean the studio. Surprisingly, she's conscious about the interior of her studio when she did not even care about that before.

Her brother called, asking why did she suddenly called for cleaners. Talaga naman, oo. May mga mata talaga ang kuya niya sa building.

She replied, "For disinfection lang, Kuya. Matagal na rin naman akong hindi naglagi rito, lagi lang akong nasa bahay."

"Why? Can you paint now?"

"I'll try. I found my perfect model anyway." Tumaas ang sulok ng kaniyang labi nang maalala si Sinned. "You should meet him. He's one of the hottest lawyers in the country. I saw his body and he is like a sculpture of a Greek god! His muscles felt firm as well, at hindi biro ang bigat niya nang pumatong sa 'kin!" She forgot to add that was just accidental.

But Arc lazily informed her that he had to go. Halatang walang interes sa nakuha niyang modelo. Palibhasa ay abala na naman ito sa renovations ng bagong building na nabili nito noong nakaraang linggo. Inalok pa nga siya na mag-supervise doon pero wala rin naman siyang interes dahil bukod sa pagpapagaling ay naging abala siya sa pamimilit sa sarili na magpinta o gumuhit ulit. She even called her friend, Hapi, to model for her. Pero, wala ring nangyari.

Hindi bale, magiging maayos na rin naman niyan. Basta, mawala lang sa isip niya ang abogadong iyon.

  

   

NANINGKIT ang mga mata ni Sinned nang sinadya siya ni Arc sa law firm. At talagang naghintay pa ito kahit na may katagalan ang meeting niya sa huling kliyente. Pagkalabas ng kliyente ay kaagad itong pumasok sa opsisina niya na tila handang sumugod sa isang giyera.

"Why—"

"Why did you seduce my sister?"

Mas naningkit ang mga mata niya pagkarinig sa sinabi nito. "What nonsensical things are you blabbering about?"

"Rellie said she saw your body, that you were on top of her! Did you fucking have sex with my sister, Hipolito? Bata pa iyon! Hindi pa magpapakasal!"

"She is of legal age," he replied as a matter of fact. Kahit magpakasal ang dalaga sa kaniya o makipag-sex, wala siyang kahaharapin sa batas.

Kinwelyuhan siya nito nang makalapit. "Huwag mong gawing panakip-buutas ang kapatid ko sa kagaguhan mo. Habulin mo ang babae mo sa Amerika at huwag na huwag ka nang magpapakita pa kay Rellie. 'Tangina, nag-away lang kayo ni Candace, pinansin mo na ang kapatid ko?"

"You must have a screw loose. You think I would do that to Ms. Prietto? She doesn't even have any effect on me."

"Then, stop bothering her. She can't even go on with her life because she's stuck on you."

Nakalolokong nginisihan niya ito. "Kayo ang lumayo sa akin. Magkapatid nga kayo, parehong sugod nang sugod dito, wala naman palang kwenta ng dahilan."

Sinamaan siya nito ng tingin at iniwan doon. Walang emosyong inayos niya ang kwelyo at necktie na bahagyang nagulo nang kwleyuhan siya ng huli. Saka umupo siya at hinarap ang computer. He started typing the Agreement Contract he would hand to Rellie Prietto once she called him to ask when they would start the session.

Parang tukso namang bumalik sa kaniya ang masayang mukha ni Rellie nang pumayag siyang maging subject nito sa mga artworks na gagawin nito. Parang gusto na rin niyang makita ang magiging reaksiyon nito kapag nakita na ang katawan niya. Hindi sa pagmamayabang pero batak siya sa ensayo at ehersisyo kaya maganda ang pangangatawan.

Napangisi siya habang iniisip na napamaang ang babae habang nakatitig sa katawan niya, pero kaagad ding napangiwi at nangunot ang kaniyang noo nang mapatitig sa monitor. Paano'y kung ano-ano pala ang nai-type niya habang iniisip kung ano ang ilalagay sa agreement contract, o mas tamang sabihing iniisip ang unanb session nila ni Rellie.

He irritatingly selected all the text in the document and decided to just copy and paste a ready-made template. I-e-edit na lang niya nang kaunti.

  

   

STILL in cloud nine, Rellie could not help but grin as she signed the contract Sinned gave to her. It was ridiculous to have that since she never had her model signed any contracts before. Kunsabagay, palaging sa exhibit lang siya nakapagpipinta noon. Sa mga abstract paintings naman niya, ginawa niya ang mga iyon base sa kaniyang imahinasyon o emosyon kaya hindi naman niya kailangan ng modelo.

"Are you sure you aren't going to read the cknt?" tanong ni Sinned nang malapad ang pagkakangisi niyang ibinalik ditto ang kontrata.

"Why? Have you written anything you did not explain?" Ang kasunduan kasi ay hindi niya ito pipilitin; na kung kailan ito libre ay saka pa lang niya ito matatawagan para maipinta o maiguhit niya.

There was a glint of irritation in his dark eyes before he looked at her so coldly.

Oh, she kind of like on how the way he stared. Kumbaga, parang default settings na nito na palaging seryoso, o hindi kaya ay malalamig ang mga tingin. Napainom na lang siya ng malamig na tubig na nasa water goblet habang hindi inaalis ang paningin sa mukha nito. Though, she had a hunch that she already memorized his facial features, she would not get tired of staring at him. All the time.

Nasa isang hotel restaurant sila, at para magpirmahan ng kontrata ay ni-rentahan nito ang private room four foor sa restaurant imbis na sa pwesto nila kanina sila magpirmahan.

"Bakit ba parang naiinis ka? Ayaw mo ba na wala akong nagging demands? Pumayag na nga ako na huwag kang bayaran kahit na maging subject kita." Nakasaad kasi sa kontrata na hindi na niya kailangang magbayad gaya ng nauna niyang offer dito nang sadyain niya sa apartment na tinutuluyan nito. "Kumain na nga lang tayo," pag-iiba niya sa usapan at uminom ulit ng tubig pagkatapos.

"What if I included in the contract that you will become my sex slave in exchange of me, being the subject for your artworks?"

Naibuga niya ang tubig dito. Mabuti na lamang at hindi sila gaanong malapit sa isa't isa kaya ang braso lang nito ang nabugahan niya ng ininom na tubig. It was a good thing the sleeves were rolled so he didn't really get wet. Napalunok muna siya bago nagsalita. "Inilagay mo iyon?" Damn, why do you sound so excited, Aurelia?

Halatang napansin ni Sinned ang excitement sa boses niya kaya mabilis na tumikhim siya.

"That was just a joke, right?"

"What if I tell you it's not?" seryosong anito; tila naghahamon ang tinig.

Wala sa sariling napatitig siya sa mga mata nito. Was that fire lying in his eyes now?

"Next time, you better be careful. Other people will take advantage on a gullible person like you."

Pangungutya iyon, hindi ba? Pero bakit parang wala lang sa kaniya? Kung ibang tao siguro ay tinalakan na niya na huwag siyang pagsasalitaan ng ganoon. At, bakit ba ayaw mawala sa isip niya ang binanggit nito kanina? Totoo kaya na nakasaad sa kontrata iyon?

"You should go home now. We're through in this meeting."

Napanguso siya. "Ni hindi mo nga ginalaw ang pagkain mo," pansin niya.

"I am full, Miss Prietto."

"Rellie," pagtatama niya. "Just call me by my name, and I'll call you Sinned."

"I prefer us to be formal."

"Should I call you 'Sir', then?"

"If that's where you are comfortable."

Umiling siya. "'Kuya Sinned' na lang kaya? You're older than me naman at masyadong pormal ang 'Sir'."

When he sighed, she knew he wouln't say anything against that anymore.

Mas nauna itong umalis sa kaniya dahil may kailangan pa raw puntahan. Busangot na naiwan siya sa mesa dahil hindi man lang nito tinanong kung aalis na rin ba siya. Na ihahatid siya nito, o hindi kaya ay ipagpapara ng taxi. Hindi bale, ang importante naman ay selyado na ang kasunduan nila nito.

Tinawag na lang niya ang waiter at sinabing, "Pakibalot na lang ho ang mga pagkaing hindi nagalaw." Dahil sa kanilang dalawa, siya lang ang kumain at appetizer pa lang ang nakain niya. Wine lang ang ininom nito at kaunti lang iyon.

Ni hindi man lang din uminit ang pang-upo niya dahil napakabilis lang ng pirmahan nila ng kontrata.

"Sana pala, binasa ko na nang matagal iyong kontrata at nagtanong-tanong." Nailing siya nang bumulong sa sarili.

"Ano ho iyon, Ma'am?" pukaw ng waiter sa atensiyon niya.

"Ah, pakihiwalay itong order namin, 'tapos, o-order ako ng bago. Takeaway."

Matapos kuhanin ang order ay sinabihan siyang maghihintay pa ng ilang minuto kaya pina-serve na niya ang dessert na isang slice ng red velvet ice cream cake at kinain niya iyon habang naghihintay.

Nang maibigay sa kaniya ang dalawang paper bag ay nagpasalamat siya saka umalis na. Pumara kaagad siya ng taxi sa labas ng hotel. Dumiretso siya sa bahay at pagkarating ay inabot niya sa gwardya ang mga paper bag kung nasaan ang mga pagkain.

"Pakibigay n'yo po kay Pusa, sayang kasi kung itatapon lang." Pusa ang ipinangalan niya sa pusang palaging pumupunta sa kanila para makakain. The cat was a black stray one. Asul ang kaliwang mata habang berde ang kabila.

"Sige po."

"Iyong isa, sa inyo ho ni Manong Raul. Pina-take out ko talaga para sa inyo."

"'Naku, kaya tumataba kami ni Raul dahil sa inyo, Ma'am, eh," biro ni Manong Tunying.

"Mas mainam iyan, para hindi masabing inaalisputa ko kayo rito," biro niya at natawa na lang ang guwardiya.

Pagkapasok niya ay wala pa rin ang mga magulang kahit alas sais na ng gabi. Mukhang abala na naman ang mga ito kaya hindi maagang nakauwi.

Dumiretso siya sa silid upang makapagpalit ng damit. Pero dahil medyo maalinsangan ang pakiramdam niya ay dumiretso na siya sa banyo at nagtanggal ng damit. Magbababad muna siya sa bathtub ng ilang minuto bago mag-shower.

Subali't hindi mawala sa isipan niya si Sinned at kahit nakahubad na ay bumalik siya sa silid, kinuha ang sketchpad at saka iginuhit muna ang mukha ng lalaki na nakatatak sa isip niya ngayon. Pero hindi siya nakontento sa ginawa kaya inilipat niya sa kasunod na pahina. Ni hindi na nag-abalang magbihis ulit.

The way that that glint of fire danced in his eyes a while ago plastered on her mind—and that's what she sketched right away: his eyes blazing in desire.

Nang matapos ay saka pa lamang siya bumalik sa loob ng banyo, at nilagyan na ng tubig ang bathtub habang nagse-sepilyo siya at naghilamos ng mukha. While doing so, Sinned's blazing gazes were still in her mind that she unconsciously gulped a lot of times already; picturing a naked Sinned Hipolito posing for her... until he would stand up and come closer to her; stopping her from painting, then, he held her wrist and told her to stand up. And without ado, he would claim her mou—

Napasabunot siya sa sarili na para bang mawawaglit niyon ang eksenang naglalaro sa kaniyang imahinasyon. Malalim siyang bumuntonghininga at tinapos na ang pagtu-toothbrush. Pagkuwa'y lumulan na sa bathtub, kung saan mas lalong nagwala ang isipan niya nang yakapin siya ng malamig na tubig, pero hindi iyon nakatulong upang pahupain ang init na kanina pa niya nadarama.

"Sinned..." she murmured as she subconsciously touched her mounds and massaged them lightly, while her free hand traveled on her womanhood; imagining those were Sinned's hands exploring the delicate parts of her body.

She gasped all at once when she felt that her peaks were hard, and she was already moist down there as well. Kahit nakababad sa tubig ay alam niyang iba ang basa sa kaselanang parte niyang iyon, na hindi lang tubig na nasa tub. At kahit walang karanasan ay alam niya ang ibig ipakahulugan niyon...

Ngayon ay hindi na siya sigurado kung wala nga bang ibang rason ang paghahabol niya at pamimilit kay Sinned upang pumayag ito sa kaniyang gusto.

Next chapter