Chapter 13. Bit
KAHIT mainit ay hindi umalis si Rellie sa tapat ng Cadillac. Halos tatlumpung minuto na 'ata ang nakalipas nang may mataray na pumansin sa kaniya.
"What are you doing? Bakit ka nakaupo sa hood ng sasakyan ko?" it was Candace. Nanggaling ito sa kabilang banda kaya hindi niya napansin ang paglapit nito.
"Nasaan si Sinned?" she asked instead. Nang lumayo siya at humarap dito ay pinagtaasan siya ng kilay.
"Do I know you?"
Umiling siya.
"Why are you looking for him? Are you two close?"
Umiling ulit siya.
"Ah, isa ka sa mga patay na patay sa kaniya?"
She pursed her lips.
"You know what, kiddo? Just go back to your school and study hard. May gatas ka pa sa labi kaya hindi ka papatulan ni Sinned."
"At ikaw, papatulan niya?" iritadong bulalas niya. Nagtanong lang naman siya, anong mga naririnig niya ngayon?
Nakakalokong tumawa lamang ito. "Pinatulan na niya ako, noon pa; maraming beses na. Now, go away. Bumalik ka na lang sa saya ng nanay mo. O kaya, humanap ka na lang ng matandang lalaking tutuhog sa iyo. Mabenta ka sa mga sugar daddy, trust me."
Nagtagis ang bagang niyang lumapit dito saka sinabunot ang huli. Huwag itong dumagdag-dagdag pa sa frustrations niya at sa init ng panahon!
Gumanti ito at naitulak siya ng malakas kaya tumama ang balakang niya sa hood ng sasakyan nito. Hindi pa nakuntento dahil pinahiga siya sa mainit na hood habang sinasabunot at kinalmot-kalmot siya. Nang makabawi siya ay tinulak niya ito at nawalan ng balanse saka napaupo, kaya mabilis na nakaganti siya nang umupo siya sa bandang tiyan nito at tinulak ito upang mapahiga sa sementadong sahig. Pasuntok na sinampal niya ito at kinalmot bago pa sila naawat ng mga guwardiya.
Nagdidilim ang paninging dinuro-duro niya ito.
"Ang ganda-ganda mong babae, pero iyang bunganga mo, ang sangsang!"
"You had the audacity to hurt me, bitch! Irereklamo kita!"
"E, 'di magreklamo ka!"
Nagbabangayan pa sila nang mapansin niya ang paglapit ni Atty. Velizario. Siya ang dinaluhan nito habang si Sinned ay dumiretso kay Candace, ingat na ingat nitong hinawakan ang baba ng huli saka nakita ang nangingitim nang gilid ng labi. Mabilis na bumaling ito sa direksyon niya at madilim na tumingin sa kaniyang mga mata. Napaiwas tuloy siya ng tingin at nahiya sa nagawa.
"What did you do?" he asked grimly.
"Siya ang nauna!"
"That's not true!" depensa naman ni Candace. "Siya ang unang nanakit."
Saglit na natahimik siya dahil totoo naman iyon. "Pero ang dami kasi niyang satsa—"
"Shut up!" singhal ni Sinned sa kaniya.
Shut up? He's telling her to shut the fuck up? Napaiwas siya ng tingin at nangilid ang luha sa mga mata. Ang sakit na ng pakiramdam niya, ganoon pa ang natanggap niyang salita kay Sinned. Hindi man lang ito nagtanong kung bakit siya nanakit. Bigla tuloy ay parang napahiya siya—sa lalaki; sa sarili.
"That's enough. Miss Prietto, let's go inside first. There's a clinic inside the building." Pumagitna na si Atty. Velizario.
Tinanggihan niya ito. "I'll go to the hospital instead." Inalis niya ang mga kamay nitong nakaalalay sa kaniya at walang lingon lumakad papalayo roon; hindi pinansin ang mga binubunganga pa ni Candace.
NATIGILAN si Sinned nang mapansin niyang saglit na huminto sa paglalakad ang babae papalayo sa parking area. Bahagya pa itong napasinghap nang muling humakbang, at umalalay sa bandang balakang nito kaya mas lalong nangunot ang kaniyang noo. Bakit ba ito nandoon?
Ilang hakbang pa—kahit nakatalikod ito sa kanila—ay nahalata niyang pinunasan nito ang pisngi, mukhang luha ang pinunasan nito. Kapansin-pansin na kasi ang pangingilid ng luha nito kanina.
"Marc," he called Atty. Velizario's name, ito ang may-ari ng law firm na pinagtatrabahuan niya. Mas matanda ng dalawang taon ang lalaki sa kaniya at ngayo'y balak nilang maging mag-partner sa law firm nito.
"What?" naniningkit ang mga matang bumaling ito sa kaniya; bakas ang pagkairita sa kaniya. Pagkuwa'y sa babaeng naglalakad palayo.
"Call someone." Alam na kaagad nito na pinapa-check niya kung may nakapag-video o picture ng insidente. Kailangang maagapan na nila bago pa man kumalat. "And bring Candace to the clinic," he added.
"Ano?" singhal ni Candace. "Bakit? Saan ka pupunta?"
"I have an appointment," he lied.
She only sighed heavily and agreed. Nang makalayo ang mga ito ay lakad-takbong tinahak niya ang daan kung saan lumakad ang babae kanina.
Hindi pa ito nakalayo nang mahabol niya. Nag-aabang na ito ng masasakyan habang patuloy sa pagpupunas ng luha at pag-alalay sa balakang.
Nang mahagip ng paningin nito ang direksyon niya ay kaagad itong nag-iwas ng tingin. Tumalikod pa nga at maingat subali't mabilis na naglakad. He followed her and walked with her.
"Are you going home?" tanong niya.
She did not respond.
"You should go to the hospital first."
Still, no response.
Hinila niya ang braso nito. "Let's go, I'll bring you—"
"Ah!" daing nito. Mabilis na nabitiwan niya ang braso nito saka naramdamang basa ang palad niya. Nang tingnan niya ay may dugo. Ang laki ng galos nito sa braso at may dugo! Now that he stared at her closer, she had lots of bruises. Maraming kalmot at halatang mas agrabyado kaysa kay Candace.
"You should go to the emergency."
Suminghot ito; nagpipigil na maluha. "I'll just go home!" Sinamaan siya nito ng tingin.
Bigla siyang nakonsensiya dahil sa dami ng tinamo nitong kalmot at sugat. Mukhang nabalian pa ng buto.
"Go away, Attorney. Huwag kang mag-alala, hindi ko ipagkakalat ang nangyari. Ako rin naman ang nauna kaya ako rin ang sisisihin ng iba kapag nalaman nilang nakipag-away ako."
"Bakit ba kayo nag-away?" he asked, only wanting to know the reason why.
"Dahil sa iyo!"
Bahagya siyang nagulat doon. Bakit dahil sa kaniya?
"I was only asking her where you at. At ang dami na niyang sinatsat!"
He only sighed heavily. "I apologize, then. Let me bring you to the hospital."
"Kaya kong pumunta ng ospital. Just leave me alone."
Walang sabi-sabing hinila niya ito palayo roon pero patuloy ito sa pagdaing. Nang huminto siya ay napatalungko ito at napaiyak na naman.
"What..." Hindi na niya natapos ang itatanong nang mapansing ininda nito ang likuran—sa bandang balakang. Kaagad na pinara niya ang papalapit na cab at isinakay ang babae roon. Patuloy ito sa pagluha hanggang sa makasakay na rin siya.
"M-masakit..." daing nito.
"Lie down on my lap," matigas na utos niya na sinunod nito kaagad.
Napaigik ito at napatili, mukhang mali na pinahiga niya. Bumiling ito at muntikan pa ngang mahulog sa upuan kung hindi lang niya naagapan. Ngunit ang nahawakan niya ay ang maliit na balakang nito at napahiyaw ito sa sakit.
"Bring us to the nearest hospital," he informed the driver who's waiting for them to talk.
Nang umandar na ang sasakyan ay umiiyak at dumadaing pa rin ang babae habang nakadapa; pinagkasya ang sarili sa backseat ng sasakyan habang siya'y halos mapitpit na sa bandang dulo. She was also breathing heavily; trying so hard not to cry and scream out of pain again. Then, she bit his leg that made him winced because it hurt so bad.
Napakapit ito nang mahigpit sa binti niya at ang isang kamay ay napahawak sa suot niyang damit habang iniinda ang sakit ng balakang. Siya naman ay hindi maintindihan ang nararamdaman at hindi malaman ang gagawin.
In the end, he stroke her back lightly as if that'd ease the pain.