webnovel

Losing Her

Chapter 35. Losing Her

   

    

MABUTI na lang at kahit alas siete nang gumising si Nami ay nakaabot pa sila sa oras. Sinisi pa niya si Romano sa hindi nito paggising sa kaniya.

"Hinilamusan naman na kita, pwede na iyan," ani pa nito nang kumakain na sila ng almusal na niluto nito. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ito nag-abalang gising siya pagkasiging nito, gusto pala nitong magluto.

"Kung wala tayong gagawin, okay lang, pero may hinahabol tayong oras!"

"Don't worry, I called Dice earlier and he told me Kanon is still with him."

"Kahit na!"

Mabilisang naligo siya saka nag-ayos. Inuna niya si Romano, ginaya nila ang mukha ng isa sa mga agents ng Phoenix, at siya nama'y si Luna.

It was already twelve when they got ready, they fetch Nathan on his place.

Since the latter was already with them, they were on undercover now. Kitang-kita niya ang panggagalaiti ni Romano nang yumakap ang lalaki sa kaniya. Pinanlakihan niya ito ng mata para tahimik na kastiguhin.

"Akala ko, hindi ka na makikipagkita sa 'kin..."

"Pwede ba iyon? Hindi kita matitiis, Nate." Fuck, she's not sure if that's what Luna called him.

Bago pa ito makahalata ay tumingkayad siya saka hinalikad ang gilid ng labi nito. Ang sama ng tingin sa kaniya ni Romano pero walang magawa. Mukhang kinakalma nito ang sarili.

Bigla ay kinain siya ng konsensiya. Pero kailangang magpatuloy sila sa misyon.

"Bakit may kasama ka? You sound different, too." Bumaling ito kay Romano na biglang naging parang naka-high kung kumilos.

"He's a driver. Don't worry, hindi kakanta ang 'ugok na iyan. S-in-upply-an ko ng shabu. And about my voice, I practiced to sound this way, para hindi mahalata."

"Siguraduhin mo lang na masasama mo si Kanon mamaya, kundi, ibibigay kita sa mga bata ko. Pagpipyestahan ka ng mga iyon."

"Let's get inside the van already, baka hindi natin siya maabutan." Gusto niya itong barilin pagkatalikod nito, pero nagpigil siya. Romano's veins were also protruding and she knew he's fuming.

They're on standby in front of the house where her friend was—Dice's place—so, they could easily tail her.

Ilang sandali pa ay lumabas ito; nagpunta sa mall. Tahimik niyang sinundan ang huli habang kausap si Nathan sa earpiece.

"Lalapitan ko na ba?" tanong niya.

"Oo, pero hindi uubra iyang pagpapanggap mong matanda ka, kaya magpakilala ka. Magmakaawa. Uto-uto ang babaeng iyan."

She clenched her fist as she approached Kanon.

"Kanon..." pukaw niya sa atensyon nito at bumaling naman sa kaniya.

"Kilala n'yo ho ako?"

Umiling siya at mabilis ding tumango, kunwaring nababalisang lumingon-lingon muna sa paligid bago ito hinarap. "Si Luna ito. Kailangan ko ng tulong mo."

Awtomatikong napaatras ito ng isang hakbang at napakapit nang mahigpit sa shopping cart. "Anong g-ginagawa mo rito? Dudukutin mo na naman ako?"

She shook her head again. "Please go with me, I told Lemuel that you're still in my hands, that I'll bring you to her—"

"Nagpapatawa ka ba?"

"No, please, help me. Kapag pumunta ako roon na hindi kita kasama, papatayin niya ako. I can't die! My son needs me."

"Your son? Your son died the moment he was born."

Umiling-iling siya. "He's alive. I saw him... I saw his files in Phoenix... Please help me," palusot niya.

"I'll call Dice—"

"No! Huhulihin lang nila ulit ako." Damn it, bakit ba hindi nila isinama si Dice sa misyong iyon? Ah, oo, sinadya nga palang itago ni Stone. Ang katwiran nito ay hindi naman ito kikilos na naaayon sa plano kung saan gagawing pain si Kanon para ma-corner nila ang target. Mas papanigan kasi ni Dice ang emosyon.

Ngayon lang niya naisip na sana pala ay nagpanggap na lang siyang si Kanon, pero huli na pars isipin iyon, nakasalang na ang misyon nila.

"Paano kang nakatakas?"

Bumalik ang atensiyon niya kay Kanon. "Binaril ko iyong mga maghahatid sa 'kin sa—"

Mabilis na tumalikod ito at natatarantang kinuha ang cellphone sa shoulder bag, mukhang tinawagan si Dice. Sinundan nan niya ito na lakad-takbong tinatahak ang direksyon palabas ng mall.

"She's going out. Sa gate four. Abangan n'yo kami riyan," mahinang bulalas niya sa earpiece.

Nakalapit na ulit siya kay Kanon at may kausap pa ito.

"P-please, dalian mo, natatakot ak—" Naputol ang sasabihin nito nang huminto na ang van na ginamit nila at mabikis na bumukas ang pinto. Sa isang iglap ay nahila ito papasok doon at tinakpan ni Nathan ang bibignito bago pa man makasigaw.

Her friend's words turned to mumbles as she noticed her in the front seat. Naglumikot ang mga mata nitong napuno ng takot.

Suminghot si Nathan sa paraan na inaamoy ang bandang leeg nito. Ang mga kamay nito'y nasa likuran; mahigpit na hinahawakan ng lalaki para hindi ito makapagpumiglas. Buong lakas na sinubukan nitong sumipa pero sadyang mas malakas dito ang animal na si Nathan.

Halos maiyak siya sa galit pero pilit niyang pinigilan ang sarili. This wasn't the time to mix her emotions to their mission.

She tried to sound normal. "She's innocent—"

"But she's that fucking Usui's lover! Putangina, inunahan pa ako sa pagkantot sa babaeng ito!"

"Putangina mo rin! Ako ang asawa mo, Nathan!" sigaw niya para lang mabaling ang usapan. Tumulo ang luha niya sa sobrang galit. She took a glance towards Romano who's also fuming, but still, he shook his head towards her to send her that silent signal—to stick with the plan. Kung saan pagkarating sa Camarines Norte ay ikukulong nila si Nathan sa mismong bahay na pagdadalhan nito kay Kanon. Hindi niya alam kung bakit,kung siya ang masusunod ay huhulihin na nila ito ngayon, pero ang bilin ng kanilang boss ay sumunod sa mga gusto ni Nathan.

"Nagsawa na ako sa iyo. Hindi ba't nagkasundo na tayong itong babae na ito na ang aasawahin ko? Hintayin mong mamatay bago tayo magsama. Sa ngayon, gusto ko ng ibang putahe."

"Tarantado ka—"

"Manahimik ka riyan kung ayaw mong ako ang magpatahimik sa iyo," banta nito sa kaniya kaya tumahimik siya. Dahil baka siya pa ang magpatahimik dito habambuhay.

Nagsumiksik sa dulo ng upuan si Kanon pero nilapitan ulit ng lalaki.

"Matulog ka munang puta ka dahil mahaba-haba ang biyahe natin."

"Anong gagawin mo?" tanong ni niya rito; kinabahan. 'Tangina, kung hahalayin nito si Kanon... She wouldn't give a damn if she'd blow-up her cover. She would fucking kill Nathan Devila if she had to just to save Kanon.

"Huwag kang makialam!"

Pinilit nitong ituwid ang pagkakaupo ni Kanon pero mahiga sa upuan ang kaibigan niya. Malakas na sinuntok ng tarantadong iyon ang sikmura nito at sa tingin niya'y mawawalan na ito ng ulirat.

"Tama na!!!" buong-lakas na sigaw niya habang nakakuyom ang mga kamao. Isang hawak pa, pasasabugin niya ang ulo nito.

Romano grabbed her arm which made her come back to her senses. Hindi iyon nakita ng nasa likod dahil abala ito kay Kanon.

Nathan just shrugged. "Mamaya na nga lang kita titikman. Hindi rin naman ako mag-e-enjoy rito," mala-demonyong saad nito kay Kanon.

Nawalan ng ulirat ang kaibigan niya sa sobrang pagod at sakit na nadama. Kumuha siya ng tiyempo para sabihing kailangan niyang magbanyo. Iyon ay noong malayo-layo na sila at walang stop over, puro damuhan pa ang nasa daan.

"Putcha naman, Luna, pigilan mo muna!"

"Hindi ko na kaya!"

Nagmura ito at inutos kay Romano na itigil ang sasakyan. Bumaba siya at tumapat sa pinto kung saan banda nakapwesto si Nathan. Binaba nito ang bintana.

"Ano?" iritableng tanong nito. Ipinasok niya ang kamay at pinatong sa hita nito.

"Mag-jingle ka na rin, malayo-layo pa tayo."

Nang buksan nito ang pinto ay nagkatinginan sila ni Romano saka nagtanguan.

Kunwaring yumakap siya kay Nathan at pinisil ang puwitan nito, si Romano'y kaagad na umibis at maliksing nakalapit sa kanila. He managed to corner him, while she took the sedative shot in the dashboard and injected that to Nathan.

They informed the backups right away they're halfway there, pero para makasiguro, s-in-uggest niyang sa safe house na sila didiretso.

That safe house was the same ancestral house her family once owned. Hanggang ngayon nama'y kanila iyon, ayaw na lang tirhan ng tatay niya dahil 'ika nito ay hindi na ito kailanman magiging tahanan para rito. Kaya sa kaniya pinangalan ang property—na pinagamit naman niya na isa sa mga safe house para sa Witness Protection ng Phoenix Agency.

Nang matapos mag-usap ay bumalik sila sa biyahe, at nang magmulat ng mata si Kanon ay bako-bako na ang tinatahak nilang daan at gabi na.

"Gising ka na pala. Gusto mo ng tubig?" puna niya rito at lumingon sa likuran.

Tumango ito, marahil ay totoong nakaramdam na ng uhaw. Walang busal ang bibig nito kaya madali niyang napainom. Iyon nga lang, dahil nasa rough road sila'y natapunan ito ng inumin.

"Sorry," Nami muttered a soft curse right after apologizing.

Nagtatakang tinitigan naman siya nito, pero mukhang naalalang katabi nito si Nathan kaya umalerto at tumuwid ng upo. Napamura ulit siya dahil hindi nga pala niya natanggal ang zip ties dito.

"Don't worry, he can't hurt you now," ani Romano.

"W-what do you mean?" Pero mukhang iba ang naging dating ng sinabi ng fiancé niya. "Tama na!" Kanon shouted. But still, she tried to not panic.

Kaya nagpasya siyang magpakilala rito para kahit paano'y kumalma ito, at ang suot na prosthetic makeup na tila maskara ay tinanggal niya. Romano couldn't removed his because he's still driving.

"N-Nami?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Kanon. Kahit halatang gulong-gulo ito ay napansin niyang bahagya itong nakahinga ng maluwag.

"Miss me?" nakangisi niyang tanong. Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nagkikita ng kaibigan.

The latter's mouth formed an "O" while glanced at Romano.

"Why aren't you removing her zip ties?" asked Romano to her sternly. Tutok na tutok ito sa daan.

"Because she was sleeping soundly and I didn't have the heart to disturb her from her beautiful sleep. Dapat ang prince charming niya ang gumawa niyon, tapos syempre ipe-French kiss siya para magising." She tried to lighten the mood.

"The fuck are you talking about, Monami?"

Ngumuso lang ang siya nang kastiguhin nito.

So she removed her seat belt and knelt on the front seat to reach for Kanon's upper extremities. Baka masigawan pa siya ng jowa niya kung magjo-joke ulit siya ng wala sa hulog, eh. Iyon nga lang, hirap na hirap siya sa pagtanggal ng zip ties dahil sa posisyong iyon.

"Damn! Pull over! Ang hirap guntingin, baka masugatan ko pa siya," utos niya kay Romano. Halos masubsob pa sila nang biglaan itong pumreno kaya napamura ulit siya. "'Tangina naman, kapag nagising itong animal na ito—"

"Faster, Nam, we're almost there," putol nito sa sasabihin niya.

Saan daw? Ah, yes, sa safe house.

Umibis sa sasakyan si Nami at binuksan ang backseat door para magunting nang maayos ang mga zipties.

"Nagsugat na nga. Gamutin na lang natin pagkarating sa safe house."

"Safe house?" takang-tanong nito.

"Damn, my friend, you're lucky that we saw through that bitch's wicked plans. Kung hindi ay baka tuluyan ka nang napahamak ngayon."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Umisod ka nga. Dito na lang ako uupo."

"D-dito ka na lang sa gitna," maliit na tinig na bulalas niya't humihingi ng paumanhing nag-angat ito ng tingin kay Romano. Ngumisi naman siya.

"Hayaan mo. Hindi naman iyan magrereklamo na magmumukhang driver. Driver namang talaga iyan," biro niya.

His jaw cleched because of her remark. Bakit nga ba ang sungit-sungit nito bigla?

"Ako na lang ang uupo sa harap—"

"Dito na." Walang kiyemeng lumulan siya sa sasakyan at pumwesto sa gitna. "Tara na," aniya kay Romano.

Ginagap kaagad niya ang palad ni Kanon na nanlalamig pa rin sa kaba at bahagyang pinisil iyon.

"Don't worry, you'll be safe. Kaya nga safe house, eh." She sounded lightly saying the last sentence.

Napansin niyang natingin ito kay Nathan na tulog na tulog pa.

"Malakas ang Midazolam." Ngumisi siya ng malapad. Kanon frowned because she didn't know what that was so she told her friend that that was a strong type of sedative.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" pagkuwa'y tanong nito.

"Ha! Talagang ngayon mo pa naisipang magtanong?"

Sinabi niya rito ng mabilisan ang sitwasyon. Saka na siya magpapaliwanag tungkol sa pagiging secret agent niya.

      

        

ROMANO had been feeling uneasy so he kept on scowling. Nagmukha siyang istrikto pero ang totoo ay hindi niya maipaliwanag ang kabang nadama. Panaka-nakang sumusulyap siya sa rear view mirror para matingnan ang dalawa, at mukhang maayos naman.

Tahimik na nakinig lang siya sa mabilisang paliwanag na ginawa ni Nami sa kaibigan nito habang siya'y mas binilisan ang pagmamaneho.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila at i-p-in-ark niya ang van sa loob ng property. Napaliligiran ng nagtataasang puno ang paligid ng ancestral house, at malalayo pa ang mga kapitbahay roon. Doon na sila dumiretso dahil ang katwiran ni Nami ay baka may naghihintay sa orihinal na lugar na pupuntahan nila kung saan malapit lamang sa San Lorenzo Ruiz.

Pero dahil hindi pa rin mawala ang masakit na kabog sa kaniyang dibdib ay nauna na siyang umibis ng sasakyan saka pinagbuksan ng pinto ang dalawa. Alerto rin siya sa paligid kung sakaling may umatake sa kanila. Nauna ulit siya sa paglalakad habang nakasunod sa kaniya nang ang magkaibigan.

Nagkukwentuhan ang dalawa nang bigla na lang tumili si Kanon. Pagkalingon niya ay hindi na niya napigilan ang paghablot kay Nami at pasakal na hinawakan ng tarantadong si Nathaniel Devila.

"Fuck, let her go!"

Bumitiw ito at handa na siyang sumugod ngunit tila siya binuhusan ng malamig na tubig nang sa isang iglap ay nakita niya kung paanong sumirit ang dugo mula sa leeg ng kaniyang babaeng pinakamamahal saka mabilis.

"How stupid of you to leave the scissors beside me. And didn't you know that my Luna swapped your Midazolam to water?" Nanlilisik ang mga mata ni Nathan habang nakakalokong tinapunan ng tingin si Nami.

Nang tumumba si Nami habang nakahawak sa leeg nito ay roon siya natauhan at patakbong lumapit kay Nami.

Biglang hinila ni Nathan si Kanon at akmang lalapitan niya nang paulit-ulit na umiling ang babae at lumuluhang tiningnan si Nami. Para siyang sinaksakan ng punyal sa dibdib nang mapagtantong totoo ang mga pangyayari. She's losing a lot of blood already!

Tuloy-tuloy na naglandas ang luha niya dahil hirap na hirap ito sa paghinga. Nakahiga ito sa kandungan niya habang sapo ang ulo nito sa kaliwa niyang braso, ang kanan ay nasa leeg nito.

"Damn it, Monami! You can't die here!" He immediately dialled on his phone as he was putting pressure to her wound by pressing his palm on it.

"Nam, don't do this to me..." Yumuko siya at pinagdikit ang noo nila. Nagawa pang ngumiti ng huli kahit naliligo na ito sa sariling dugo.

"R-Rome... Always remember t-that I love you, okay?"

"Fuck, don't talk yet!" Nanlalabo na ang paningin niya nang mag-angat ng tingin at napansing kadarating pa lang ng backups.

"I want t-to see your face, love..."

Kahit natataranta na ay mabilis niyang tinanggal ang mala-maskarang prosthetic makeup para. "Here. Don't move..."

"I was really happy when you told me you love me. T-thank you for l-loving me." Naubo ito kaya natigil sa pagsasalita.

"Stop talking for now, Nam... I'm bringing you to the hospital. Hang in there, okay?" lumuluha, at puno ng pagsusumamong bulalas niya. "God, I can't lose you, Monami! I can't bear to lose you..."

Kinain na siya ng pagkataranta, at kaagad silang inasikaso ng iba. Hindi niya alam kung paanong iginiya siya papasok sa sasakyang tila ambulansya ang setup sa loob habang inaasikaso ng mga ito si Nami.

Ginagap niya nang mahigpit ang palad nito habang patuloy sa pag-asikaso ang iba.

"Nam..." nanghihinang bulalas niya. Hindi nuya kayang tingnan sa ganoong lagay ang huli.

Pinakiramdaman niya ang pulso nito at mas lalong nag-unahan sa pagtulo ang kaniyang mga luha nang maramdamang mahina ang tibok niyon.

"Goddammit, Monami... You can't leave me alone..." sumamo niya't ginagap ang palad nito gamit ang dalawa niyang kamay. Mahigpit siyang nakahawak doon habang tahimik na nagdarasal na sana'y makaligtas ito.

"God... please, save her..."

Mas humigpit ang paghawak niya sa kamay nito, pinakikiramdaman ang pulso. Para siyang nalagutan ng hininga nang hindi na niya iyon maramdaman.

"We're losing her!" sigaw ng isa sa mga umaasikaso rito.

In his mind, he was screaming; scolding the agents and medic that they're not doing their jobs properly. Subalit natulala na lamang siya at lupaypay na napasandal habang nakatitig sa maputla nang mukha ni Nami—hindi na humihinga...

         

     

THE pain Nami felt was excruciating until she felt numb. She couldn't even lay a finger to Romano who's now tearing up. Napatulala lang siya rito at naglandas ang luha sa kaniyang pisngi.

I can't die... I'm still marrying this man. I still have plans to make him the happiest person in this world. Please... not now... Not now...

Hanggang sa asikasuhin siya sa loob ng sasakyan ay paulit-ulit siyang tahimik na nagdarasal. Her eyes never left Romano, and her heart was crying seeing him devastatingly hurting as his tears kept on rolling down to his cheeks; begging for her to stay with him.

She tried to, she saved all her strength trying to gasp for air, until she's already losing her breath... and... everything went pitch dark.

Next chapter