webnovel

All The Way

Chapter 30. All The Way

   

    

THOUGH Nami was advised to give Romano some time to move on, she still tried to contact him, however, he's obviously avoiding her. But it's been months already, and she couldn't wait anymore. Day by day, she kept on thinking what if she was already too late? What if he found someone to love again? She couldn't afford to lose him! If he'd love again, she should be that one. And she'd make sure she would be the last one, too.

That's where she barged into Stone's house, dictated him to contact Romano right at the moment. Pinaalis niya ito nang nagri-ring na ang video call.

Everything went smoothly though it was just a simple call.

And that shooting in the Italy thingy? Was just a freaking made-up story. Tapos na ang shooting kaya may mahabang bakasyon na siya. Kahit iyong gusto niyang magbaksyon kuno sa Switzerland ay gawa-gawa lang. She just didn't know what to say that time so she unintentionally lied to him.

Ang lapad ng ngiti niya ngayong papalapag na ang eroplanong sinakyan sa Pisa International Airport. Kahit natapunan siya ng iniinumang gatas ng batang katabi niya sa eroplano ay kuntodo pa rin ang ngiti niya, wala nang makaaisira sa araw niya ngayon. Balak nga niyang dumiretso muna sa restroom para magpalit ng boho wrap mini-dress na h-in-and carry niya para madaling makuha, at mag-makeup. Syempre gusto niyang magpaganda kasi ang tagal nilang hindi nagkita ni Romano, 'no! Hindi niya lang sinuot kaagad iyon dahil gusto niyang maging komportable sa biyahe. At isa pa, kung sinuot na pala niya ang dress, iyon sana ang natapunan ng gatas, 'di ba?

Nang makababa at palabas na ng arrival gate ay nasurpresa siya nang may mangilan-ngilang fans ang naghihintay sa kaniya roon.

She was smiling widely when she stopped walking just to greet them. Sa tantiya niya ay nasa limampu rin ang nakakumpol doon, may binigay na bouquet ng sunflowers sa kaniya, at may "Welcome To Italy, Monami!" na placards pang hinahawakan ang karamihan.

"Mabuti na lang at nasabi ng agency mo na rito ka magbabakasyon, Miss Nami!" bulalas ng isa sa mga fans na pinalibutan siya. Nagtaka man siya ay hindi na niya iyon alintana.

"Are you all Filipinos?" she asked instead.

Umiling ang isa. "Others are our Italian friends, pero karamihan ay mga Pinoy."

"Nakakatuwa naman! Let's eat dinner together? It's late already, bet you're hungry."

"We'd love that! But we know you're tired from the long flight. Masaya na kaming nakita ka."

She didn't expect that, she never thought she's well-loved by the Filipinos abroad, too.

"Totoo palang friendly ka sa mga fans!" bulalas ng isa at ngumiti naman siya. Saglit na nawala sa isipan ang pagpapaganda para sa pagkikita ni Romano.

"Alam mo ba, kapag pagod na kami galing trabaho, pinapanood namin ang mga drama mo. Nakatatanggal ng pagod na panoorin ka kasi ang galing mong umarte, para ka nang batikan! Dalang-dala kami."

"Nakasubaybay rin kami sa vlogs mo," masayang saad pa ng isa.

"Nagulat din kami na sinadya mong mag-gain ng weight para sa role mo sa bagong movie. Ang iba'y nagsusuot lang ng kung ano-ano, pero ikaw, nag-effort pa talaga. And we're loving you more because of that. You're so dedicated."

She was touched by that remark to the point that she wanted to hug them.

"And you look like a goddess! Grabe, ako ang magsuot ng baggy pants at t-shirt na iyan, magmumukha akong palaboy," biro ng isa na ikinatawa nila.

Ang ingay sa banda nila kaya nakakuha na sila ng atensyon. She noticed some went to ask the Italians in the peers and when someone answered in Italian, the others started to take photos and videos of her using their cellphones.

"'Naku, Miss Nami, you better get going bago pa magkagulo rito."

Pero hindi niya alam kung saan dadaan. Until someone grabbed her luggage and pulled her arm, too. Bumaling siya't nakagat ang labi nang mapansing si Romano iyon. He really looked pissed off and his hair was disheveled. Mahaba na ang buhok nito, hanggang batok, at halos tumulo ang laway niya nang mapagtantong bagay na bagay rito iyon.

"You..."

"Why aren't you still moving? Come on, you're getting attention already," naiiritang bulalas nito.

"Buti na lang pala may bodyguard ka, Miss! Sige na, kami nang bahala rito, nandito na rin naman ang security," anang isa sa mga fans na sumalubong sa kaniya.

"He's not my—"

"Tara na," malamig na tugon ni Romano. Ayaw pa sana niya. She still didn't get to wear the dress and hadn't did her makeup religiously yet!

Pero nagpahila na siya rito hanggang sa makarating sila sa parking. Nang makapasok sa sasakyan ay naiirita nitong inayos ang seatbelt nito. Nag-seatbelt din siya at saka pinanood ang mga kilos nito. He really looked irritable.

Nagbago ang ihip ng hangin, kung kanina'y inakala nihang walang makasisira ng araw niya, iba na ngayon. Parang gusto niyang maiyak na ewan.

"Aren't you happy to see me?" busangot na tanong niya.

Natigilan ito sa pag-i-start ng kotse. "What?" kunot-noong bumaling ito sa kaniya.

"You could've just told me you didn't really want me here. I can just rent a place. Hindi iyang kadarating ko lang, at ang tagal nating hindi nagkita, 'tapos ganiyan ka."

"I'm not irritated." Lumambot ang tinig nito.

"You are!" napalakas na bulalas niya. "You didn't even smile when you fetch me. Bet you're irritated as fuck to me because I—"

"I'm not!" he cut her off. Then, he sighed. "I am. Why did you lie about having a shooting here?"

Natigilan siya. Paano nito nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?

"I called Rexton and he told me you're on a vacation for a month."

Napalunok siya. Bakit naman sinabi ng bwisit na Rexton na iyon? Panira ng plano! Come to think of it, ang sabi ng fans ay nag-post din daw ang agency niya tungkol sa kaniyang bakasyon...

"Care to explain? Kung hindi ko pa nakita ang article, hindi ko malalamang ako ang ipinunta mo rito." Nawala na ang iritasyon sa mukha nito.

"W-what?" kinakabahang tanong niya.

"Stone told me."

She groaned to protest. "You called him, too?" Then, she lied, "I'm tired, Rome. I want to have some rest." Naiinis siya sa mga lalaking iyon, hindi pa nga nagsisimula ang plano niyang maglandi kay Romano, sira na kaagad ang diskarte niya.

He only sighed and started the car engine.

But she gathered all of her strength to tell him the truth now. Baka kasi mawalan siya ng lakas ng loob kapag ipinapaliban pa niya at makapagsinungaling na naman. Tutal ay alam naman na nitong ito ang ipinunta niya roon.

"We're going n—"

"Yes, I came all the way from the Philippines to Italy because of you!" bulalas niya at mariing pumikit. Siguradong pulang-pula na siya lalo pa't pumiyok siya sa pagsabi niyon. She even clenched her fists as if she's getting her strength in there. And after a deep sigh, she opened her eyes and turned on his side to catch his gazes, then, with her little voice she continued, "I came here to tell you I like y-you..."

Magbunyi!

jadeatienzacreators' thoughts
Next chapter