Chapter 16. Kiss
NATARANTANG nagpunta ng kusina si Bree para tulungan ang mama ni Rexton na maghapag ng pagkain. Hindi totoong nagugutom siya, busog pa nga siya sa kinain nila kanina. Kailangan lang talaga niyang pakalmahin ang sarili.
"Bree, roon ka na sa sala, ako na rito."
"Ah, o-opo... Mag-C-C.R. na lang po muna ako, Tita," palusot niya saka dumiretso sa banyong nasa gilid ng pasilyo.
Pagkapasok ay sumandal siya sa likod ng pinto at dinama ang kaniyang dibdib. Ang lakas pa rin ng tibok ng kaniyang puso.
"Did he just kiss me?"
Napailing siya. They're always kissing each other as a greeting, but, that kiss earlier sent her a different kind of feeling. Bolta-boltaheng kuryente ang nanalaytay sa sistema niya.
"I must be horny," aniya na lang sa sarili. There's no other explanation than that. Nilagyan niya lang ng malisya dahil sa kaloob-looban niya'y nandoon pa rin ang pilit niyang binabaon sa limot na pagtingin para sa kababata.
Makailang ulit siyang napabuntong-hininga, pilit pa ring kinakalma ang sarili. She decided to wash her face, too. Kasehodang mabura ang makeup niya. Napapitlag siya nang bumukas ang pinto, tuloy ay nadulas siya at napaupo sa sahig.
"Shit!" mura ni Rexton. "Didn't know you're here. Sorry..."
He immediately helped her got up and her face landed directly on his chiseled chest. Nahigit niya ang hininga.
"Are you alright?" he asked.
Tumango siya at lumayo nang bahagya rito, pero hindi siya tuluyang nakalayo dahil nakakulong siya sa bisig nito. Napaiwas siya ng tingin at saktong napansin niya ang sariling mukha sa salamin.
Gosh! My mascara!
Bumaling siya sa puting damit ni Rexton at nanlaki ang mga mata nang makitang namantsahan iyon.
"Shocks! Sorry!" Mabilis na pinunasan niya iyon gamit ang kaniyang palad, pero lalo lang iyong kumalat.
He was just chuckling while saying it's alright. He then grabbed her wrist so she'd stop wiping his shirt—if she's really just wiping the shirt. Pasimpleng dinama na rin kasi niya ang dibdib nito. It's not false news, he's really masculine.
Impit na napatili siya nang walang sabing naghubad ito ng t-shirt.
"Hey, w-why—"
"Let me wipe that charcoal under your eyes."
"What charcoal—Oh! This isn't an uling, Rex. Mascara ito. Humulas lang kasi naghilamos ako."
"Whatever it is." He's smiling widely and started to gently wipe her undereye. "Bakit ba kasi nagkaganito ito? Did you cry, crybaby?"
"What cry? Naghilamos lang ako."
"Why?"
Anong why? Gusto ba nitong sabihin niya na dahil naapektuhan siya sa pagbati nito sa kaniya kanina, at kailangan niyang pakalmahin ang sarili kaya siya naghilamos? Para gisingin ang sarili sa pantasya?
Hindi niya namalayang nakalapit na ulit ito, at tinigil na ang pagpunas sa kaniyang mukha. Naniningkit ang mga matang tinitigan siya nito.
"W-why?" Napaatras siya pero pinulupot nito ang kaliwang braso sa kaniyang baywang. Napasinghap siya nang maramdaman ang bagay sa pagitan ng hita nito. Sumirko ang puson niya't hindi malaman ang gagawin.
"Bakit ba kasi?"
He tilted his head to see closely while her eyes widened when she realized what was he looking at. Mabilis na tinakpan niya ang kaliwang pisngi pero kaagad din nitong natanggal.
"Where did you get this?"
"Ang alin?"
"This scar, Bree..." marahang hinaplos nito iyon. Kailan lang kasi nahiwa iyon kaya halata pa kahit natutuyo na.
"Ah, this," she sounded calm but her body and mind couldn't focus as she's still feeling his hard flesh. She pressed herself to him more to make sure if was that his thing. Baka mamaya kasi ay buckle lang pala ng sinturon iyon. Nag-o-overthink lang siya.
"Fuck," he muttered a cursed under his breath. "Bakit nagkasugat ka nang ganito? It's deep."
Para siyang nalalasing at hindi na rumerehistro sa isip niya ang usapan nila. Hindi pa nga niya nakakalma ang sarili mula kanina, tapos, ganoon naman ang sitwasyon ngayon. Nagigising lalo ang makamundong pagnanasa niya para sa lalaki.
Shit. Bahala na!
"Bree—"
Pumikit siya nang mariin, yumakap siya sa batok nito saka tumingkayad, at walang sabing sinakop ang labi nito. Napamaang ito pero pinagpatuloy niya ang paghalik.
Just a few seconds after, he's already murmuring but couldn't be understood because she's ravishing his lower lip hungrily. Nagmulat siya at napagtanto ang ginawa. Akmang hihiwalay na siya rito nang mas humigpit ang pagkakahawak niya rito, binitiwan ang hawak na t-shirt at saka hinuli ang kaniyang mukha para sakupin ang bibig niya.
He was kissing her passionately and she found herself kissing her more hungrily. Muling humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya dahilan upang mas magdikit ang katawan nila. Napaungol siya nang maramdaman muli ang nasa pagitan ng mga hita nito. Now, she's certain that that was his manhood she felt earlier.
He's already ending the kiss but she still wanted more so she tried to claim his lips once more. Hindi siya nabigo nang halikan siya nitong muli nang malalim, ngunit mabilis na lamang.
"Let's go back. They must be waiting..."
Wala sa sariling tumango siya. She's like floating in Cloud Nine as she walked outside first. Lakad-takbo niyang tinungo ang hapag-kainan at tama nga si Rexton dahil nandoon na ang mga kasama nila.
"What happened?" asked Chelin.
Simpleng tanong pero uminit lalo ang kaniyang pisngi. Nang mahagip ng paningin si Rexton ay na-eskandalo siya dahil wala nga pala itong suot na pang-itaas.
"N-nalagyan ng makeup iyong damit niya..." She didn't know what to add.
"Magbibihis lang ako. Mauna na kayong kumain." Iyon lamang at pumanhik na si Rexton sa silid nito.
Ilang sandaling tahimik na nakamasid sa kaniya ang kanilang kaibigan at ang mama ni Rexton.
"'K-kain na tayo." Hindi siya makatingin ng diretso sa mga ito.
"Tita Bree, are you sick po?"
"Ha?" Nagtatakang bumaling siya kay Hans na puno ng kuryosidad at may pag-aalala rin sa mga mata nito. She smiled to assure him thats she's fine. "I'm not sick. Why, baby boy?"
"Sobra pula po kasi mukha mo."
She cupped her face using her palm and just told the boy it's just makeup.
"Let's eat already, Hans. Maliligo ka pa," pagliligaw ng lola nito sa usapan saka na sila nagsimulang kumain.
Saktong dumating ang papa ni Rexton habang kumakain sila. Akmang magmamano nang pigilan sila't sinabing magpatuloy sa pagkain.
"Kumain na rin ho kayo, Tito," anyaya niya.
"Oo, maghuhugas lang ako ng kamay at maghuhubad ng coat."
Tumayo ang maybahay para tulungan ang asawa. Just a her parents, she always adored Rexton's because they're loving each other more as days passed by. Halata sa actions ng mga ito at hindi niya maiwasang mainggit.
Hindi bale, bata pa naman siya. Makakahanap pa siya ng makakasama habambuhay.