webnovel

Drowned

Chapter 12. Drowned

  

  

ILANG oras pa ang lumipas ay naghanda na sila para sa gagawin. Kanina pa sila lulan ng van na minamaneho ni Devon, at papunta na sila sa lugar kung saan magaganap ang negosasyon.

"It's just simple," ani Agent Ares. Inulit lang naman nito ang plano. "Zeus and Minerva will fight while riding the van. Ares, the great—" Tumikhim ito. "—I mean, I, am going to be with you. Makikisakay ako para ihatid ninyo sa usapan namin ng kliyente."

At iyon ang dahilan kung bakit makakadaan sila sa tulay sa ayaw at sa gusto ng ibang kasamahan nila. Kailangang daanan iyon para maihatid si Ares, na mas kilala bilang Marshall Gonzales sa organisasyon, at pagkuwa'y tutuloy na sila sa dapat na puntahan.

"But we're not going to make all of the transactions tonight," dagdag pa nito.

"Tama na ang satsat, Tatang. Alam din namin ang gagawin," bara niya rito. Ilang sandali pa ay mag-aaway na sila ni Zeus.

"Tsk!"

May kasunod silang van, iyon ang mga totoong miyembro ng organisasyon, na makakasama dapat nila sa transaksyon—na pagbebenta ng mga ilegal at de-kalibreng mga baril na dadalhin sa ibang bansa—ngayong gabi sa isang liblib na lugar ng El Salvador. After the gun smuggling, they'd also pickup those drugs from the syndicate that the organization was handling. Ipamamahagi ang mga drogang iyon sa mga big time na kliyente ng mga ito.

It's saddening that some of the organization's clients were from the alta society. De pamilya pa ang iba. Ang ilan ay nagkawatak-watak na ang pamilya dahil sa pagkalulong sa masasamang bisyo.

She also learnt that the organization was handling illegal prostitutions, too, and lots of illegal jobs.

Napailing na lamang siya. She still couldn't believe things like these were also happening in a part of Central America. Kahit saang bansa o lugar yata siya magpunta ay mayroon at mayroong anomalyang nagaganap.

"Focus, love," seryosong untag ni Devon na nagpabalik sa kaniyang atensiyon.

She glanced at Agent Ares who's busy typing on his laptop fastly. "Goodbye, baby," madamdaming hayag pa nito at eksaheradong hinalikan ang mamahaling laptop.

"Ang OA nito. Kung iyong nanay ng anak mo sana ang minahal mo nang ganiyan, eh, 'di sana, hindi ka naging single dad ngayon."

At parang nakakalokong pinaisip sa kaniya ng kaniyang utak ang kababata niyang kalong-kalong ang sanggol na si Hans. She always liked watching Rexton carrying the small boy before as his biceps were flexing effortlessly. Alam iyong ang laking tao pero tiklop pagdating sa anak? Lalo na sa tuwing umiiyak si Hans noon at hindi magkandaugaga ang lalaki kung paano patatahanin bata.

"Shut up—"

"We're nearing the bridge," pagbibigay-alam ni Devon na nagpaseryoso na sa kanilang tatlo. "Bree, focus."

Tumango siya at naging mas alerto.

"I'll be reconnecting the radios to them," segunda ni Agent Ares.

Napahigit siya ng malalim hininga at napakapit sa seatbelt. Hindi pa niya pwedeng tanggalin ngayon dahil baka kapag nagpa-check ng mga kuha sa CCTVs ang de L'Orage—kung sakaling mayroong CCTV—at mapansing hindi na nakakabit ang kaniya seatbelt bago pa man sila mag-away ni Zeus, ay pagdudahan ang kapiranggot na bagay na iyon. Ayaw niyang magkaroon ng butas ang pag-alis nila sa organisasyon.

Sayang lang ang pinagpaguran nilang aralin kung paano makakapasok doon, dahil hindi naman pala sila magiging matagumpay sa misyon. Para tuloy kaning mainit na isinubo saka iniluwa lang din dahil nga sa hindi pa nila kayang trabahuin iyon.

Pero hindi iyon ang mahalaga ngayon. Mas mahalagang mapagtagumpayan nila ang pamemeke sa kamatayan nina Zeus at Minerva. Maging ang kamatayan ni Mars.

Her heart was pounding heavily and fast as she saw they're almost there. At iisang lugar lang sila pwedeng 'madisgrasya'. Sa eksaktong lokasyong iyon sila dapat mahulog, kung saan marupok ang gilid ng tulay—na kagagawan ng mga kasamahan nila—para maging matagumpay ang pagkahulog ng sinasakyan nila sa Lempa River. If their people didn't do that, there's a tendency that they're just going to hit and crash the bridge's side rails. At baka totoong mamatay pa sila kung mangyari iyon. O hindi kaya'y tuluyan nang hindi makalabas sa organisayon.

The hacker on the backseat gave them the cue. "In three... two... one!"

"Why did you fuck those bitches while I was away, Zeus?! You know how much I love you!"

"Fuck, sweetie, let's not fight right now. I'm driv—"

"I don't fucking care, you manwhore!" Sinampal niya ito ng malakas.

Napasinghap naman ito at binitawan ang isang kamay sa manibela, hinuli ang kaniyang kamay. "Did you just slap me?"

"You deserve more than a slap!"

Bumukas ang radyo at nasisiguro niyang ang mga kasunod lang nila iyon. Paniguradong napansin na ang pag-aaway nila.

"Zeus, what's happening?"

"Nothing. Just a quarr—"

Tinabig niya ang manibela at nagsisigaw. "You're a dick! I shouldn't have loved you!"

"Hey, you two, stop it," kunwaring awat sa kanila ni Mars.

"I'm going to kill you!" sigaw niya. Marami pa siyang reserbang salita pero hindi na kailangan. Isang kabig pa ng manibela ay bumangga na sila sa barandilya at nahulog na sila sa ilog.

Bingo!

Puro mura ang narinig niya sa radyo habang silang dalawa ni Devon ay nagkatitigan saka nagngisihan.

"Goddammit!" Agent Apollo cursed before they all got drowned in the water.

Mabilis nang nakalabas ang dalawa, pero siya ay hindi matanggal-tanggal ang nakakabit seatbelt.

This can't be happening!

Mukhang sa lakas ng impact nang bumangga sila sa gilid ng tulay bago nahulog ay nasira ang lock ng kaniyang seatbelt.

Damn it!

Lumulubog na ang sasakyan at nahihirapan na siyang huminga. Pero pilit pa rin niyang tinatanggal ang seatbelt.

Napasinghap siya dahil nauubusan na ng hangin ang kaniyang baga kaya nakainom siya ng tubig. Mabilis na pinigilan niya ang paghinga kahit ang sakit-sakit na ng dibdib niya.

She felt hopeless as she closed her eyes, and she suddenly pictured her mom and dad's blissful faces, that eventually replaced with their mourning faces. Her brother... Her friend...

Si Rexton.

Napamulat siya at madilim na ang nakikita, pero sinubukan ulit niyang kalasin and seatbelt. On her third try, she succeeded, and immediately swam outside the van. Pero nasa malalim na parte na siya at hindi alam kung aabot pa ba ang pagpipigil niya ng paghinga hanggang sa makaahon.

She's almost losing her hope when someone enveloped his arm on to her small waist. There, she knew she was saved by the man who saved her four years ago, too.

Pero sana'y makaabot pa siya sa pag-ahon, dahil kinakapusan na siya ng paghinga, at unti-unti nang bumibigat ang talukap ng kaniyang mga mata. Pinilit niyang manatiling nakamulat, at nakita niyang malayo-layo pa ang nilalangoy nila para makaahon. Ramdam niyang marami-rami na rin siyang nainom na tubig.

She tried so hard to hold her breath a little bit longer so she wouldn't get drowned, but... she guessed she had reached her limits already.

Who is Agent Ares? Will Bree die or fake her death as Brianna Lei? What do you think?

jadeatienzacreators' thoughts
Next chapter