webnovel

Slide

Chapter 5. Slide

    

    

PAGKAHATID na pagkahatid sa kaniya ay dire-diretso siyang pumasok sa mansiyon. Nabungaran niya mama ni Rexton sa magarang sala, sa may tapat ng sofang inuupuan nito ay ang walker ng bata, kumakain ito ng saging.

She immediately hid her irritation to greet the child. Nagmano rin siya sa ginang.

"Si Rexton ho, tita?"

"Nasa kwarto. Sige na't puntahan mo, mukhang nag-ayaw na naman kayo."

Kaagad na pinamulahan siya ng mukha. Ganoon ba kahalata na naiinis siya sa lalaki?

"Sige p-po."

Lakad-takbong pumanhik siya sa grand staircase at dumiretso sa left wing. Sa dulo niyon ang kwarto ni Rexton, katabi ng isa sa mga bakanteng silid doon.

Padabog na binuksan niya ang pinto pero hindi niya nabungaran ang kababata sa silid. She went in and she heard someone humming from the bathroom. Certainly, it was Rexton who's humming. Hindi naman naka-lock ang banyo kaya nasisiguro niyang hindi ito naliligo.

Naningkit ang mga mga niyang lumapit siya roon at lumakas sa pandinig niya ang kantang hina-hum nito. It's that song from the play, 'All I Ask of You'.

She gritted her teeth and pushed the door and went inside.

"Look at you, humming to that song, then you'll just withdr—" Natigilan siya nang mapansin nasa loob ito ng shower room. She thought he's just brushing his teeth or shaving his stubble. Something like that.

"What the—" Bumukas ang shower, mukhang nagbanlaw ito at saka pasigaw siyang tinanong habang lumalagaslas ang tubig mula roon. "Bakit ka pumasok?!"

"Aba, malay ko bang naliligo ka? Hindi ka naman kasi nag-lock ng pinto!" paninisi niya rito. Ilang segundo pa ang pinatay na nito ang shower.

"Why the heck would I lock if I'm just alone? You're in my room, Brianna!"

"Alam ko! Kaya nga rito ako nagpunta kasi ikaw ang sadya ko." Suminghap muna siya bago nagpatuloy, "Bakit ka ba biglang umatras sa play?! At anong pupunta sa Japan? Nahihibang ka na ba?!"

"What Japan?" bakas ang pagtataka sa boses nito.

"Rui informed us about your withdrawal, and your flight today."

"Must we really talk about this right now?"

"Oo!"

"Then, I'll go out firs—"

"Subukan mo't ingungudngod kita sa lababo!"

"Wow, ang tapang natin, ah," nang-aasar ang boses nito.

Since the shower room had frosty glass walls and door, she could only see Rexton's blurry build. Kaya hindi naman siya mae-eskandalo. But the fact that he's only wearing his birth suit and was dripping wet on the other side of that smoked door—Damn. Iba talaga ang epekto ng kababata niyang ito sa kaniya. And she's not liking any of it. Kaya nga ba pinili niyang manatili roon para ipakita rito na wala itong epekto sa kaniya.

"Anyway, I just agreed to the role because they told me we'd be only performing it once."

"You're a simpleton! I can't believe you're letting this opportunity pass." She then rolled her eyes. Nagdadabog na iniwan niya ito sa loob ng banyo. Naiinis siya dahil gusto niyang ulitin ang pag-arte bilang si Christine Daaé. Sa lahat kasi ng play na sinalihan niya ay iyon lamang ang isang beses lang na gaganapin ang play, at doon din siya mas na-challenge dahil aminado siyang mahihirap ang mga kanta. Kaya nga ba tuwang-tuwa siya nang malamang may pangalawang beses pa na itatanghal nila ang naturang play.

Umupo siya sa swivel chair nito at hinintay itong matapos sa pagligo. Naningkit ang mga mata niya nang lumabas itong nakatapis lang ng twalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Napakurap-kurap siya nang mapansing tumutulo-tulo pa ang tubig sa matipunong katawan nito.

"Shit!" napamura ito.

Doon siya natauhan at nagtaas ng kilay. "Akala mo mapapaalis mo ako kung makita kitang nakatapis lang? Kahit maghubad ka, wala akong pakialam!" Lumunok siya matapos sabihin iyon.

"Damn it! I thought you left so I immediately went out so I could dress and follo—bakit ba kasi hindi ka lumabas ng kwarto?!" nagtaas na ito ng boses.

Napupuno na talaga siya't napasinghap sa sobrang inis. Pagkuwa'y marahas siyang bumuntong-hininga upang mapigilam ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata, at kung nakapagbubuga lang siya ng apoy ay may kasama na ring apoy ang hanging ibinuga niya.

Hindi siya nakatiis at tumayo na saka lalo niya itong sinamaan ng tingin.

"Kanina, istorbo, ngayon nama'y pinapalayas mo ako?!"

"What are you talking about?"

"You called Matt and told him na ayaw mong magpaistorbo! Bakit? Istorbo lang ba ako sa iyo?!"

"I didn't mean it that wa—"

"Ngayon nama'y gusto mong umalis na ako?! Fine!"

Nasa pinto na siya nang marahas itong nagmura at tinawag siya para pigilan.

Hindi niya ito nilingon at padabog na sinarado ang pinto saka nagmadaling bumaba na. Makikipaglaro na lang siya kay Hans kaysa kausapin ang lalaking pinanganak yata para inisin siya. Mas may mapapala pa yata siya sa anak nito.

He had changed. A lot. At wala siyang ibang sinisisi kundi ng ina ni Hans. Hadn't he met her, he'd still be the same old Rexton towards her. So sweet. So gentle. Ngayon, mukhang bitter na sa mundo.

Nang makalapit kay Hans ay bigla siyang nakonsensya sa naisip. Okey lang pala na nakilala ni Rexton ang ina ni Hans dahil wala ang bata kung hindi nagtagpo ang landas ng mga magulang nito.

At habang nakikipaglaro sa bata ay naramdaman niya ang mapanuring tingin sa kaniya ng mama ni Rexton.

"Hindi pa rin ba kayo nagkaayos?"

She pouted, handa nang magsumbong. "Ewan ko ho sa anak ninyo, tita. Ang ganda naman ng resulta ng play namin, tapos ngayon, biglang umatras dahil pupunta raw ng Japan."

Nangunot ang noo ng ginang. "Japan? Anong gagawin niya roon?"

"Banana!" magiliw na bulalas ni Hans kaya hindi na siya nakasagot sa ginang. Kunsabagay, hindi rin pala niya alam ang isasagot dito kung sakali.

"Hija, pwedeng pakitingnan saglit si Hans? Pupuntahan ko lang si Rexton."

Mabilis na tumango siya. Napangisi siya nang sa tono pa lamang nito ay para siyang nagtagumpay. Halata na hindi kasi nagustuhan ng ginang ang nalaman at mukhang may kumag na titiklop maya-maya dahil sa panenermon ng ina nito rito.

"Hans, do you want to play outside instead?" baling niya sa bibong-bibong batang lalaki. Baka masobrahan kasi ito sa pagkain ng saging kung pagbibigyan pa niya. The kid's three years old now because he's already a year old when Rexton brought him home two years ago.

The cute little boy's a bit fluffy, and had rosy cheeks. Kaysarap din nitong kausapin dahil madaldal.

"Play! Play! Play!" nagtatalon pa ito't bahagyang natulak ang walker sa paglulumikot nito. Nakataas na rin ang dalawa nitong kamay, nagpapabuhat sa kaniya.

"Let's go!" she happily replied as she carried the little boy. "Wow! You already grew! Ang bigat mo na, ha."

Tumawa lang ito at yumakap sa kaniya. "Play! 'Awtsad'... Play!"

She chuckled a bit. "Baby boy, it's 'awtsayd', not 'awtsad', okay?" pagtatama siya sa pagbigkas sa salitang Ingles na 'outside'.

"Hm!" Tumango ito at naglikot habang tinuturo ang daan palabas. "Play 'awtsad'!"

She chuckled loudly upon hearing him repeat the word. Tumawa rin ang bata na tila alam kung ano ang pinagtawanan niya. He's really cute!

Pagkuwa'y lumabas na sila at tumungo sa mini playground na pinasadya ng mga magulang ni Rexton na ipagawa sa malawak na bakuran ng mansiyon. There's a slide, swing, and some child's toys that could be strengthen Hans' muscles. Exercise na rin ng bata ang paglalaro roon.

"'Islayd'!" nasasabik nitong tinuro ang slide na tatlong talampakan lang ang taas. Imbes na papanhikin ito sa hagdan ay dineretso na niya ang bata sa itaas para makapag-slide na ito.

Napuno ang paligid ng bibong-bibong pagtawa ni Hans. Siya nama'y nakasalubong sa pagbaba nito. When he slid down, he immediately stood up and ran to go behind. This time, she let him climbed the stairs. Nakaalalay pa rin siya.

Nag-slide ulit ito at sa pangatlong beses ay gusto pa nitong ulitin iyon.

"Wan mo taym! Wan mo taym!"

Natawa ulit siya. He's so adorable speaking in English. Kahit medyo bulol ay namamangha siya sa accent nito, gayang-gaya ng sa daddy nito. She smiled when she pictured a Daddy Rexton, teaching his child on how to speak, or reading Hans bedtime stories until he falls asleep beside his daddy.

"Please po..." the child pleaded. She focused on him again.

"Alright, baby boy. One more time, and another one more time."

"Yehey!" He was clapping his small and cute hands as he approached the stairs.

"But do not slide yet, okay? Wait for Tita Bree to go to the other side. Tapos, mag-i-slide ka na."

Nakauunawang tumango-tango ang bata nang marahan niyang sinabi rito ang mga katagang iyon. Baka kasi sa sobrang kasabikan nitong mag-slide, ay mag-slide na ito kahit wala pa siya sa paanan ng slide. Hindi niya ito masasalo. Kahit mababa lang naman ang slide ay ayaw niyang hayaan itong mag-isa. Iba na ang nag-iingat.

Bahagya na siyang hinihingal pero hindi pa rin nagsasawa ang bata. Ni hindi niya nalamayan na kanina pa pala nakamasid sa kanila si Rexton dahil naka-focus siya kay Hans.

"Ano?!" she mouthed silently. Ayaw niyang iparinig sa bata na nag-aaway sila ng ama nito.

"Ako na riyan. Umupo ka muna sa swing."

She wanted to roll her eyes but she stopped herself.

"Daddy!" baling ni Hans sa ama nito at dahil pa-slide na ay nawala ang atensyon nito sa ginagawa. Hindi niya naabutan at napasubsob ito sa buhanginan.

"Hansel!" she shrieked in horror and ran to get beside him. Before she could carry him, he was lifted from the ground by his daddy.

Mas lalo siyang tinakasan ng kulay nang pumalahaw ito ng iyak. Halatang nasaktan sa pagkakasubsob at napuwing sa pinong buhangin.

"I'm s-sorry..." pabulong na namutawi iyon mula sa kaniyang bibig. She felt guilty because she lost her attention to the boy for a few seconds that's why she didn't manage to get on the other side on time and catch him.

"Hush, my little boy... Daddy is here," he uttered softly to his crying child as he gently patted his back.

"Sorry..." bulalas niyang muli habang tahimik na sumunod sa mag-amang pabalik na sa loob ng mansiyon.

Next chapter