webnovel

L.A.

L.A.

    

    

NAPAILING si Jinny at tahimik na nagpasalamat dahil nabaling na ang atensiyon ng mga ito. Subalit nagkamali lang pala siya dahil totoong nakitulog nga ang mga ito sa kanila! Siksikan na naman sila sa silid nila ni Luella. Nilatag na lang nila ang kutson na nakadoble sa kama niya. Sinadya niya iyon dahil gusto niyang humihiga sa malambot na kama.

"Big girl na si Wella, 'no? Kaunting panahon na lang, mauungusan niya ang tangkad nitong si Rachel."

"Hoy!" pabirong singhal ng manager nila kay Lana. Hindi kasi ito biniyayan ng tangkad pero hindi naman iyon nahahalata minsan dahil nadadala ng pananamit nito ang sarili. Parang laging nasa corporate world kung magbihis minsan, eh. Ang taas ng awrahan.

"Ilang taon na nga ulit siya?" tanong ni Milka. They were sitting on the floor, formed a circle. Naglaro na rin sila ng baraha habang nagkukwentuhan.

"Dalawa. Magta-tatlo," si Bree ang sumagot.

"Birthday na nga ulit?"

Iiling-iling na tinalikuran ito ni Bree at si Lana ang sumagot. "February Nine."

Iyon lang yata ang weakness ng leader nila, hindi matandain sa edad at mga kaarawan. Dapat laging may nagpapaalala rito dahil ultimo birthday nito ay nakakalimutan nito.

Pumasok ang inay niya at may dalang tray na may cookies.

"'Nay, bakit hindi n'yo na lang kami tinawag? Kami na lang sana ang nagpunta sa kusina." si Milka iyon.

"Dito na lang. Kumain muna kayo nito cookies. Ako ang gumawa, natutunan ko sa kanonood ng YouTube YouTube." May pagmamalaki sa boses ng kaniyang ina.

"Wow! Paniguradong masarap ito. The best kaya si Nanay," pambobola ni Lana. Pero alam nilang lahat na totoo iyon.

"O, siya, lolobo ang ulo ko sa inyo. Akin na si Luella't sa kwarto na namin siya matutulog. Nagtimpla rin pala ako ng gatas, nasa kusina." B-in-aby na naman ng sila ng mama niya.

"Dito na lang siya, 'Nay," anang Acel.

"Naku, roon na't baka mapuyat pa siya rito. Bukas na kayo makipaglaro sa apo ko't tingnan ninyo ang mata, antok na antok na."

Sabay-sabay namang lumingon ang mga ito kay Luella na nasa kandungan ni Acel. Totoong namumungay na ang mga magagandang mata nito sa sobrang antok.

Tumayo si Acel at binuhat ang anak niya. "Ako na ho ang maghahatid sa kwarto."

"Ako na lang at nang makakain ka na rin ng cookies. Baka maubusan ka," biro ng kaniyang ina at kinuha na si Luella kay Acel. Tumayo siya para humalik sa noo ng humikab niyang anak.

"Good night na, baby girl. 'Love you," masuyong bulong niya.

Pagkasara ng pinto ay umupo ulit siya at nagulat nang kakaunti na lamang ang cookies na nasa serving plate.

"Grabe, parang ginugutom kayo, ah."

"Masarap, eh," katwiran ng mga ito. Pero ang totoo ay may hawak pa ang mga ito sa magkabilang kamay. Ang ginawa niya'y hinila ang tray at sinabing sa kaniya na lamang ang apat na piraso ng cookies na nandoon.

Minsan talaga'y para silang mga bata kung umasta, pero katuwaan lang naman iyon.

"Iuuwi ko itong tatlo bukas," dahilan ni Acel.

"Ipatitikim mo lang sa jowa mo iyan, 'no!" komento ni Lana't ngumisi lang si Acel.

"'Di ikaw na ang may jowa," pabirong komento niya.

"Bakit ikaw? Jowa mo iyong reporter, eh," balik nito sa kaniya.

Sabi na nga ba't nanahimik na lang dapat siya. Bumalik tuloy ang usapan tungkol doon.

"Hindi nga sinabi. Walang kami!"

"O, ba't parang galit ka?" tanong ni Bree.

"Baka dismayado 'kamo kasi wala silang label."

Bakit ba ipinipilit ng mga ito ang bagay na iyon? Eh, wala naman talaga.

"Aminin mo na kasi. Wala naman nang dating ban kaya pwedeng-pwede na," panggagatong pa ni Lana. Ang tinutukoy nito ay ang dalawang taong kontrata na dating ban, kung saan bawal makipag-date o relasyon lalo pa't isasapubliko, na binawi rin ng boss nila ilang buwan na ang nakalipas, dahil hindi nga naman tamang pangunahan ang lovelife ng ibang tao.

"Hindi nga kasi."

"Kung ganoon, iyong laging nagpapadala ng regalo siguro iyong jowa mo. Consistent sa iyo, beh!"

Naningkit ang mga mata niya sa binanggit ni Milka. Anong kinalaman ng avid fan nila roon?

She only grabbed a pillow and lied down. "Bahala nga kayo. Matutulog na ako." Kunwaring tinalikuran pa niya ang mga ito, nakalatag na kasi ang kutson sa sahig na inuupuan nila.

Marahang katok pa ang nagpatahimik sa kanila, at nang buksan ni Acel ang pinto, ito kasi ang pinakamalapit doon, ay nagsitayuan ang iba. Siya ang huling tumayo.

"Mano po, 'Tay!"

"Sige, sige, kaawaan kayo ng Diyos," anang kanyang ama na sumenyas na huwag nang lalapit at maupo na ulit. Pero nagmano pa rin naman silang lahat.

Mukhang galing na naman ang itay niya sa kapitbahay, may naging kumpare kasi ito roon na hindi nalalayo sa edad nito. At may mga amigos na rin. Nakakatuwa kasi hindi na mababagot sa bahay ang tatay niya sa tuwing tulog ang anak niya na. Ang mga mgukang kasi niya ang nagmimistulang kalaro ni Luella sa tuwing wala siya.

"Anak," tawag nito sa kaniya. "May nagpadala pala ng bulaklak sa iyo kanina, hindi mo pa yata nakita." Mukhang iyon ang dahilan kung bakit ito kumatok.

Sa narinig ay lumabas ang lima para tingnan ang bulaklak. Iiling-iling siyang sumunod habang pumasok na ang ama niya sa silid ng mga ito.

"What flower is this?" Acel asked. "Ang ganda," she added.

"Baby's Breath," si Milka ang sumagot. "Wow... Did you know that Baby's Breath is used to symbolize and express everlasting love and purity?" pa-trivia pa nitong si Milka.

"If Google's a woman, Milka ang pangalan niya."

"Gaga ka talaga, Lana!" ani Acel.

"May note," si Bree ang pumansin niyon. Ito na rin ang bumasa.

"What the—" Sabay-sabay silang natahimik at tila pinoproseso sa utak nila ang binasa ni Bree.

"Patingin," si Lana ang unang nakahuma. Sandaling katahimikan nang basahin niya ulit iyon ng tahimik. "Gosh. It's true!"

Inagaw niya ang note kay Lana ay paulit-ulit iyong binasa. Totoo nga... She also grabbed the note because she's dying out of confusion. Baka mamaya'y niloloko lang siya ng mga ito. She read it silently and she gulped when she realized they weren't kidding. She scanned it again:

    

    

To my favorite guitarist,

You strum the strings of our fates

Now, mine's intertwined with yours

On Hearts' Day, would you be my date?

Your avid fan,

Valentino Morris Estacio (L.A.)

  

   

"Damn, I'm cringing," bulalas ni Bree makalipas lamang ng ilang sandali pa.

"Hindi ba, iyong L.A. na iyon ang nagbibigay ng mga regalo sa 'tin? Kahit hiatus tayo, sabi ni Mommy, may mga nagbibigay pa rin ng regalo... at palagi iyang si L.A."

"Oo, Acel. 'Kaloka! I even liked those personalized laptops he gifted us months ago!" si Bree iyon. Hanggang ngayon siguro'y hindi pa rin nito gusto ang lalaki pero hindi na kasintindi noon.

"I know right!" segunda ni Milka.

"Nakakakilabot!"

Bakit ba kinikilabutan ang mga ito? Was she the only one who actually liked what he did? She felt she's being courted by him... O baka dahil may pagtingin siya rito at nabubulagan lamang siya?  Nevertheless, she was looking forward seeing him again! Nagpakilala na ito kaya maaaring ligawan siya nito, hindi ba?

Bigla siyang umiling. "Bakit ako magpapaligaw? May anak na ako..."

"What did you just say?"

Napakurap-kurap siya at bumaling kay Bree. "W-wala, inumin na natin iyong gatas na tinimpla ni Mama para tumangkad na si Rachel," idinaan niya sa biro ang pagliligaw sa usapan.

"Ako na naman ang nakita!" singhal ni Rachel. "But, seriously, if you really like him, why don't you give it a try?"

Natahimik siya.

"Oo nga. Mukha naman siyang mabuting tao."

"At mukhang tanggap niya si Luella," Acel added.

"Excuse me?" nakataas ang kilay na sabad ni Bree sa sinabi ni Milka.

"Bakit, hindi ba?" tanong naman ni Acel.

"If you're talking about his naughtiness before, tapos na iyon. Past is past, 'ika nga," si Lana ang nagbanggit niyon. Mangilan-ngilang beses din kasi nilang napagku-kwentuhan ang lalaki sa tuwing manonood siya ng evening news na kasama ang mga ito. At naikwento nga ni Bree ang kabalbalan ni Timo noon.

"I said 'excuse me' because you sounded like he's already courting her," panimula ni Bree. "Alam kong gusto mo talaga siya pero huwag kang bibigay kaagad, huwag kang magbibigay ng motibo, at hayaan mong kumilos siya. At isa pa, malay ba natin kung nacha-challenge lang ang lalaking iyan sa iyo dahil may anak ka na?"

Nakagat niya ang ibabang labi. May punto ito.

"And I agree that people change, too. Nagbago nga ako, hindi ba? Hindi na ako spoiled brat—"

"Anong hindi?" bayolenteng tanong ni Rachel at natigil sa pagbibida sa sarili si Bree.

"Okay, fine! Slight na lang," ani Bree.

Nagtawanan sila matapos niyon dahil sunod-sunod silang kumontra sa pagsabi nitong hindi na ito spoiled brat.

Deep within, she's thinking about what did Bree say. At natatakot siyang baka tama ito, na baka dahil may anak na siya kaya aakalaing madali na lamang siyang makukuha ng kahit na sinong lalaki. Na baka isipin nitong mag-isa siya't humahanap ng kalinga.

Next chapter