Chapter 36. Dear Old Friend...
NANG kalasin ang pagkakatali kay Kanon ay kaagad siyang tumayo, napaluhod pa nga pero nagmadali ring tumayo para mahabol ang lalaking nandoon lang kanina. She was sure that that man was her fiancé so she almost ran to get outside that creepy and abandoned building. Sa katatakbo ay bumangga siya sa matatag na bulto ng isang lalaki.
"Whoa!" exclaimed the man.
"Excuse me—" Bago pa makaalis ay niyakap siya ng estrangherong lalaki. "Let m-me go!" pilit na nagpumiglas siya. Pero imbes na pakinggan siya ay binuhat siya nito at nawala sa paningin niya ang nasa likuran nito.
Kumabog ang dibdib niya nang makarinig ng ugong ng motor at pinahaharurot palayo ng kung sino.
"Dice..." nanghihinang bulong niya. Doon pa lamang siya binaba ng lalaki pero dahil sa naipon na ang sakit ng katawan at ang emosyon ay napaupo siya sa madamong daan.
"You are Kanon del Rio, aren't you?"
Napaangat siya ng tingin sa lalaki. Nakilala niya ito, ang CEO ng Montreal International Entertainment Company o mas kilala sa tawag na Montreal Agency na minsan na siyang in-scout bilang maging talent ng naturang kumpanya.
"Si Dice iyon, hindi ba? I can't be wrong... I know my fiancé—"
"Your fiancé?" putol nito sa sasabihin niya. Bahagyang tumaas ang kilay ng lalaki. Pagkuwa'y iniluhod nito ang isang tuhod para makatukod at magpantay ang mga paningin nila. "I thought you loathe him?"
"I... I don't! I love him—"
"Then, help him."
Nangunot ang noo niya nang pinutol ulit nito ang sasabihin niya. Matinding kaba pa rin ang nadarama dahil maaari pa ring manganib ang kaligtasan niya.
"Help us, to be exact."
"What do you mean?" kinakabahan at natatakot na tanong niya pero pilit na pinatatag ang sarili. Gagawin niya ang lahat para matulungan si Dice. Because she wouldn't be a damsel in distress waiting to be saved by her knight in shining armor. If she could help, she would do so.
Bumuntong-hininga siya para pakalmahin ang sarili. Hindi iyon ang oras para maging mahina. Hindi na niya hahayaang maging mahina ulit para mapaikot ng Lemuel na iyon!
"Ano'ng kailangan kong gawin?" Puno ng katatagan ang kanyang boses nang itanong iyon. She already decided.
"Are you sure you want to talk like this?"
Natigilan siya at umiling. Oo nga naman, kailangan nilang makapag-usap ng maayos.
"I want you to meet someone first." Iginiya siya nito papasok muli sa gusali.
She didn't want to trust the man but there's just something in his eyes that made her believe in him. Determination.
Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Or maybe, I should bring you to the hospital fi—"
"Just please tell me how can I help Dice," she interrupted, hoping she didn't sound arrogant. Sa paghahalo-halo kasi ng mga emosyon niya'y hindi na niya gaanong maramdaman ang sarili. Parang nagmamanhid ang buong katawan niya't hindi kaagad rumerehistro sa isipan ang nangyari at mga maaari pang mangyari.
"But first of all, don't you want to have a sweet little reunion with a friend of yours?"
She frowned as they went inside and saw the woman who tortured her, who was now tied on the same chair where she was tied a while ago. But unlike her, she's not gagged and wasn't blindfolded.
"Bakit ninyo ako tinali?! Anong kagaguhan ito?!"
"Why don't you say hi to your dear old friend first, Kristen Paras? Did you not miss her?"
Maang na napalingon siya sa lalaki. Ang ngisi nito'y nakakatakot dahil mahahalatang nagpupuyos ito ng galit habang nakatingin sa babaeng nakatali.
"What do you mean by that?" takang-tanong niya nang bumaling sa kanya si Rexton dela Costa. Siya ba ang sinasabi nitong kaibigan ng babaeng iyon? But she didn't remember having a friend named Kristen Paras before. The name didn't even ring a bell.
"You know her very well, Ms. del Rio..." He smirked evilly and even widely after uttering those words.
"Fuck you, dela Costa! Papatayin kita!!!" Pilit na nagpumiglas ang babae habang nagmumura.
Walang kiyemeng dumukot ng baril si Rexton at inasinta sa babae. He pulled the trigger without blinking an eye and the next thing she knew was that woman was screaming painfully. Nadaplisan ang kaliwang braso nito.
Bumaling sa kanya si Rexton, partikular na sa braso niyang may mga sunog mula sa sigarilyo, at sa bandang tiyan niya.
"You know I won't miss the next bullet—"
"Stop it!" nahihintakutan at garalgal ang tinig na sigaw niya. She was frightened because dela Costa didn't even sound or look hesitant so she knew he wouldn't really miss the next bullet. Napalunok siya at nanginginig na humawak sa laylayan ng t-shirt ng lalaki para pigilan ito sa gagawin.
Never in her life she thought she'd be in that kind of situation. Ni hindi pa siya nakakita ng totoong pagputok ng baril, pagkatapos ay makakasaksi pa siya ng taong nabaril? That's too much to handle for her! She couldn't take seeing others hurt, or worse, die in front of her. She'd be traumatized for life.
"Don't worry, Ms. del Rio, I will never kill your dearest friend. She must atone for her sins..."
Napakurap-kurap siya nang bumaling ulit kay Kristen, at pagkuwa'y kay Rexton. Hindi niya makuha ang ibig nitong ipakahulugan tungkol sa sinabi nitong dati niyang kaibigan. Subalit hindi maipagkakailang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang biglang may isang taong rumehistro sa kanyang isipan nang manatili ang mga titig niya sa nangangalit na mga mata ng babaeng nakatali sa upuan.
It can't be...
"NO, I will never allow her to join these missions," mariing pagtanggi ni Dice kay Gaston Herrera, na mas kilala sa tawag na Stone, nang ilahad nito ang plano na gawing pain si Kanon para mahuli si Lemuel Castillo. Ang marinig pa lang kung anong dapat nitong gawin ay nakagagalit na, paano pa kapag nangyari iyon? Hindi siya makapapayag pero hindi siya padadaig sa galit ngayon. He'd certainly finish his job without involving his fiancée. At isa pa, may tiwala siya sa mga kasamahan niyang tumatrabaho roon na hindi papalya sa mga plano—sabay-sabay silang kikilos sa takdang oras. At nalalapit na iyon.
"I'm not asking for your permission as if you're Kanon's guardian, I am merely telling you the whole plan because you're part of one of these missions."
Though he already had a hunch, he was still surprised by the fact that the Lemuel Castillo Phoenix had been following for years wasn't the real one. Hindi pa alam kung nasaan ang tunay pero nalaman na kung sino ang nagpapanggap bilang ito.
Mula nang iwan niya si Kanon kay Rexton kanina ay bumalik siya sa Phoenix Agency para ipagtuloy ang pag-uusap nila ni Stone. Humigit-kumulang isa habggang dalawang oras na rin silang nag-uusap dahil pinakita rin nito sa kanya ang file kung saan matatagpuan ang lahat ng konektadong kaso sa hinahawakan nilang misyon. Soon when they raid and take actions, the officers would be on the other missions as well. After all, it was the National Security Police who seek for Phoenix Agency's aid. Duda kasi ang NSP na lokal na awtoridad lalo pa't may gobernador na sangkot sa mga ilegal na gawain kaya may posibilidad na hawak ng gobernador na iyon sa leeg ang mga lokal na awtoridad.
"Ngayong hawak na natin ang mga ebidensyang ito, nasisiguro kong wala nang takas ang mga kriminal na matagal na nating tinutugis."
Hindi niya maialis ang tingin sa laptop computer ng huli. Those were the copies of the evidences they'd obtained. Now, he's certain that they could easily catch those criminals and let the authorities do the rest of the job.
The safe box contained the falsified documents mainly about Liberi Orphanarium and the Casa Manarang's list of donors and the donations they received for the past years. Nandoon din ang orihinal na mga dokumento. May softcopies din na nasa isa sa mga limang flash drives na nasa kaparehong safe—nabuksan nila ang pinaglagyan ng flash drive dahil sa susing matagal na nilang hinahanap. Kung tutuusin ay madali lang para sa kanila na buksan ang safe, pero hindi madaling pasukin ang bangko kung saan inilagay iyon at magpanggap na may pahintulot sa pag-access ng safe box.
Napabuntong hininga siya nang makita ang ilang litrato ay video clips na mas magpapatibay sa krimen ng mga nasabing lugar. There's even that club where Casa Manarang was getting some women that they'd train and acquaint them to become sex slaves for their filthy rich clients. Ang mas nagpagalit sa kanya ay pati ang mga menor-de-edad na walang kamuwang-muwang sa makamundong bagay ay sapilitang hinahasa para magbigay ng aliw sa mismong facility ng ampunan—na kung tutuusin ay dapat na ituring na tahanan ng mga dalagitang iyon—subalit doon pa mismo inabusado. Sa mga susunod na araw ay mawawakasan na ang paghihirap ng mga ito dahil matutugis na nila ang mga halang ang bitukang mga kriminal na iyon.
Even the guns and illegal drugs smuggling were connected to the aforementioned—because the Castillos were acquainted to the Phantom Syndicate's current head, Julio Devila.
Bago nawala si Kanon ay napag-alamang tahimik itong nagmatyag sa FastEx branch na pinagtatrabahuan nito. Some of their employees were under the syndicate and when Kanon was noticed to be having suspicions, Lemuel was sent to hinder her. To silence her.
"Just who exactly is this fucking Lemuel Castillo?!" nagtatagisan ang bagang niya habang nakatitig pa rin sa dokumento. May kutob na siya pero gusto niyang makasiguro. May pinindot ito sa laptop at lumitaw roon ang dokumentong naglalaman ng impormasyon ng lalaking nagpanggap ng Lemuel Castillo.
"He's the missing nephew of Julio Devila."
Nawawalang pamangkin ng kasalukuyang pinuno ng sindikato? Damn, he got curious and wanted to dig more but that would take a lot of time. Kapag ganoon pa namang may mga tila mga misteryong hindi pa natutuklasan ay parang sinisilaban siya't mas ginaganahan sa pagkalap ng mga impormasyon. But, no, he'd not do that now. He must prioritize Kanon and Kanon alone.
"I couldn't believe it myself neither when I came to realize how all of these are fucking connected. Kaya nga ba hindi ko binitiwan ang mga ito kahit wala nang ebidensya noon."
Nakangisi si Stone na parang sinisilaban. He must be feeling the thrill and excitement to catch those criminals now especially they had those strong evidences against them.
"You should have tried working in the field even just once. Believe me, it's a different kind of feeling."
Naiiling na ibinalik niya ang tingin sa laptop dahil hindi niya matagalan ang pagtitig sa ngingisi-ngising mukha nito. "I'm fine with my computers," bulalas niya. Kahit nag-training siya kasama ang mga miyembro ng Eclipse noon ay hindi pa rin niya nagustuhan ang linyang iyon. Mas magaling kasi siya sa mga computers kaya mas nae-enjoy niya kapag may naha-hack siya't nahahanap na mahahalagang detalye.
Pagkuwa'y may naalala siya.
"Nasaan ang tunay na Lemuel Castillo?"
"Hinahanap pa namin. Ang hinala ko ay pinatay dahil base sa nakalap na impormasyon, ayaw na niyang makipagtulungan sa mga maiitim na binabalak ng kanyang ama na pinapaikot ng sindikato. Nalaman din naming namatay na ang mga magulang niya dahil sa sakit..."
Natigilan siya't hindi na pinakinggan ang mga sinasabi ni Stone kaya tumigil na ito kasasalita at preskong umupo sa swivel chair nito. Pero siya'y hindi mapanatag. There was that feeling wherein they're missing something else—and it kept on lingering in his mind for a few moments while he's analyzing those documents.
Where could that bastard be?
He continued clicking on the mouse while browsing on the laptop. He tried accessing all the files related to the real Lemuel Castillo, and strangely, it was clean. There weren't any dubious things from that time wherein his whole family left the country upto this time. Masyadong malinis ang mga dokumento nito.
He got up and grabbed a mechanical pencil and a paper that's on Stone's desk, and he went back on the other table where the laptop was put.
He started scribbling into the possibilities for the missing person's whereabouts. Kailangang mahanap ang lalaking iyon para masigurong wala nang balakid sa mga susunod.
Nangunot ng kanyang noo nang may maalala.
"He's an only child, right?"
Tumango lang si Stone na habala rin sa pagtingin ng kung ano sa desktop computer nito.
Ah, yes. He remembered that the other agents already checked and investigated his relatives so the possibility that he's with one lf them couldn't be right. He put an "X" mark to that word. Ang isinulat niya sa kapirasong papel na iyon ay organizational chart kung saan nakabilog sa bandang gitna ang initial na pangalan ni Lemuel Castillo, habang sa mga sangay ng chart ay isinulat niya ang mga posibilidad kung nasaan ang lalaki at binilugan din.
Past lovers... X
Friends... X
Relatives... X
Nilaro-laro niya ang hawak na mechanical pencil habang patuloy na iniisip ang posibilidad kung nasaan ito.
Kung hindi sa mga kamag-anak niya... kanino? Nasaan na ang gagong iyon? Tahimik na tanong niya sa sarili at para namang may maliit na bombang sumabog sa utak niya nang may maisip.
Napatayo siya at napamura, pagkuwa'y umupo para kalikutin ang mga files na nasa laptop, o kung hindi niya mahanap ay papasukin niya ang system ng Phoenix.
"What?" naiinis na tanong ni Stone dahil napapitlag ito sa biglaang pagtayo niya kaya natapunan ito ng tubig na iniinom.
"I fucking have a hunch about where is Lemuel Castillo..." patuloy pa rin siya sa mabilis na pagtipa sa keyboard, hindi inaalis ang tingin sa laptop screen.
"What are you talking about? Ni hindi pa nga siya nahahanap—"
"Devila. He might have been being kept by the Devilas..."
Tumuwid ng upo si Stone at natigilan, pabalyang inilapag ang basong iniinunam at napaisip. "Shit! Why didn't we check on them?"
If the Lemuel Castillo they knew now was the missing nephew of Julio Devila, it's just reasonable to assume that the real one was with the Devilas, or if not, was already killed.
May tinawagan si Stone para atasan sa pagmamanman at pagkalap ng karagdagang impormasyon sa mga Devila habang siya'y nagpatuloy sa pagtingin ulit sa laptop.
Tapos na silang mag-usap tungkol doon at pinag-aaralan na lang niya ang mga dokumento para mas maliwanagan. At maaari ring may makita pa siyang kakatwang bagay roon na posibleng nakaligtaang makita ng ibang sumuri sa mga detalyeng nandoon.
"You need to go out, we'll be using my office in a few."
Nangunot ang noo niya't napatango nang mapagtanto ang ibig nitong sabihin. Mag-aatas ito ng bagong trabaho sa ibang mga agents.
"You can use Vince's clinic if you want to analyze those files more." He was pertaining to the agency's co-founder's clinic-slash-office. Neurosurgeon kasi ang nabanggit kaya ginawa nitong clinic ang sarining opisina para roon gawin ang ibang research patungkol sa propesyon.
"I'll bring your laptop."
"No need, I already informed Vince to show you the files. He'll unlock his computer for you."
"Tss..." Kung sakaling hindi na ipakita sa kanya ang mga iyon ay susubukan niya ulit na i-hack ang computer nito. Hindi siya titigil hangga't hindi nalalaman ang totoo. Mabuti na lamang at nagbago ang isip ng huli at inilahad na sa kanya ang buong kaso.
Hi, don't be confused with the chapters. Pinagsama ko lang po ung ilan sa first chapters ng story nina Kanon x Dice to make a room for more scenes in the latter and/or upcoming chapters ^^ if it isn't updated in your end, try to remove and add it to your library again. Thanks for understanding! ♡
-Jade