webnovel

Mug

Chapter 17. Mug

   

   

JASEL gulped as she kept on staring at Vince.

"We will work on to that. Sa ngayon, sanayin mo nang boyfriend mo na ulit ako. Your single days are over, wild girl. No more flirting, no more dating," matigas ang boses na hayag ni Vince. Lumilitaw na naman ang pagka-possessive nito at gustung-gusto niya naman. Hindi nakasasakal.

Ngumuso siya, nagkukunwaring nagpo-protesta sa desisyon nito. "Does that mean no more clubbing anymore?"

He sighed and shook his head. "You can still party. Pero wala nang makakalapit na lalaki sa iyo."

"How about my friends? Our friends?" She's enjoying this.

"Why? Do you like someone from them? Sino, Jasel?"

Napakurap-kurap niya. Hindi ganoon ang ibig niyang sabihin.

"Sino?"

Bahagya siyang lumayo pero hindi niya napigil ang matawa. Oo nga't nakaramdam siya ng bahagyang takot sa boses at itsura nitong akala mo'y sasabak sa giyera, pero agad ding nawala ang takot. Bakit naman siya matatakot, kung wala naman siyang ginagawang masama?

"Silly... I only like you."

Huminahon ito pero nakatiim pa rin ang bagang, tila pinipigilan din ang sariling mangiti dahil sa kanyang sinambiy.

"And I will still flirt, date, and make out—" She grinned when he was scornful again.

"Sino ang lalaking iyon?" Nangangalit ang bagang na tanong nito. Bigla ay nakonsensya siya dahil sinadya niyang paglaruan ang emosyon nito sa pagsalungat sa sinabi nito kanina. Natutuwa kasi siya sa pagseselos nito pero wala namang basehan ang selos nito. Bahagya siyang napangiti dahil pinipilit nitong huwag siyang tingnan ng masama. Nag-iwas pa ito ng tingin pero mabilis na hinuli niya ang kamay nito at bahagyang pinisil ang palad. Awtomatikong bumaling ulit ito sa kanya.

"—only to you."

Para itong nakahinga ng maluwag sa sinambit niya. "No more pranks, Jasel Sam," seryosong sabi nito pero halata ang pagpigil ng ngisi.

Tumango siya't napangisi.

"I really thought for the worse. Don't you ever say things like that again." Mababa at seryoso na ang tinig nito, pero ang dating sa kanya ay parang nagsusumamo ito na huwag siyang mahulog sa iba.

"Can't help myself but tease you. Cutie mong magselos, e."

Nanulis ang nguso nito. "Don't fall in love with others..."

"I'm sorry. Hindi na mauulit," yumakap siya rito at kumalas din agad. "And why would I fall for someone else if I already fell for you? Real hard." Nginitian niya ito ng matamis at nagsimula na siyang maghain ng agahan, at tinulungan din siya ni Vince matapos siyang gawaran ng mga halik sa kanyang noo at tungki ng ilong.

"Gusto mong magkape?" tanong nito sa kanya nang nagtitimpla ito ng sariling kape.

Umiling siya. "I want hot choco instead." Inabot niya rito ang mug niya at nagsimula itong lagyan iyong ng powdered chocolate habang siya'y iniinit ang pagkaing in-order niya kagabi. "And Vince..."

"Hmm?"

"Sa iyo lang ako mababaliw ng ganito."

Napakislot siya nang nabitiwan nito ang hawak na mug at malakas na kalansing niyon ang sumunod na umalingawngaw sa kusina. Mabilis niya itong dinaluhan para i-check kung napaso ito. Good thing was that the mug didn't have hot water yet. Kung nagkataon, siguradong napaso na ang lalaki.

"You always make my heart flutter, Jasel. I won't be shy telling these to you, lagi mo akong pinapakilig. I feel very loved... so dearly," pulang-pula ang mukha at tainga nito nang makalapit siya. "I'm sorry, I broke your favorite mug."

Maang na na napalingon siya sa ilang pirasong bubog ng mug at pagkuwa'y sa mukha ni Vince.

"Gusto kong mainis pero hindi ko magawang mainis," amin niya.

"Mainis ka. I know this one is your favorite." Akala yata nito ay pinipigilan niya lang ang sariling emosyon. Bumuntong-hininga siya habang ito'y tumalungko para pulutin ang mga malalaking piraso ng bubog.

Tumalungko rin siya para tulungan sana ito sa paglilinis pero pinigilan siya nito. What she did was get the small trash bin near the fridge.

"I'm sorry," ulit nito.

She crossed her arms, watching him clean the mess.

"Bibilhan na lang kita ng bago. Or magpa-personalized tayo," he suggested. "This is your favorite..." May pagsisisi sa tinig nito.

Umiling siya kahit hindi naman nito mapapansin iyon dahil nakayuko ito't abala sa maingat na pagdampot sa mga bubog. Nakokonsensya nga talaga ito dahil nabasag nito iyon. She thought she had to make it up for him.

"Don't worry, you're my most favorite so that mug didn't hurt me a bit."

"Ah!"

Napakislot siya 'tsaka mabilis na tumalungko at nakitang nahiwa nito ang hinlalaki at may maliit na hiwa sa hintuturo ng kaliwang kamay nito.

"Damn it, baby..." he caressed her face using his uninjured hand. "I feel like I'm a teenage boy experiencing my first love."

Ngumisi siya pero nag-aalala pa rin sa tinamo nitong sugat. "Maupo ka na nga, ako nang bahala rito."

Mabilis na inasikaso niya ang natirang maliliit ng mga bubog. V-in-acuum niya iyon. Pagkuwa'y kinuha ang first aid kit para malagyan ng band aid ang sugat ni Vince.

"Akin na," aniya. Tinutukoy niya ang nasugatan nitong mga daliri. Parang batang paslit naman nitong inilapit ang kamay sa kanya. Bahagya siyang yumuko para buhusan iyon ng alcohol.

Napatili siya nang pagkabuhos niya ay hinila siya ni Vince para makaupo sa kandungan nito.

Pabirong tinampal niya ang kanang braso nitong nakapalupot sa bandang tiyan niya. Napalingon siya roon at doon lang napagtantong wala pala siyang suot na bra at naka-duster lang siya! She liked wearing duster whenever she went to bed. Comfortable kasi sa balat ang cotton at malambot na tela, idagdag pa na presko iyon kapag suot niya. At ang mga duster niya ay pina-adjust niya ang size kaya medyo hapit sa katawan niya ang mga iyon, pati ang suot niyang floral ang design ngayon.

"I have this feeling that you'll be more beautiful being domesticated... lovelier... and sexier..." malat ang tinig na saad nito.

Napasinghap siya nang maramdaman ang matigas na bagay na nauupuan niya. She'd been feeling that since she sat down on his lap. Hindi lang niya nabigyan kaagad ng atensyon kanina.

Maang na napatitig siya sa mukha nito, pagkuwa'y sa kamay nitong hawak-hawak pa rin niya. Iginiya niya iyon sa kanyang labi at hinalik-halikan ang mga daliring nasugatan.

"Gagamutin ko na," bulalas niya at pilit na tinaboy ang namumuong pagnanasa sa isipan niya.

"Lagyan mo na lang ng band-aid. Nahugasan ko naman na't nasabunan kaninang nililinis mo ang kalat," utos nito.

Agad naman siyang tumalima. Marahang ipinatong ni Vince ang baba sa bandang balikat niya at matamang pinanood ang kanyang ginagawan.

"I can't wait to marry you."

Napadiin ang pagkakahawak niya sa kamay nito't napaiwas ng tingin. Nang bumaling ulit siya sa kamay na hawak niya ay halos maging blue-violet na ang kulay ng palad nito sa sobrang higpit ng pagkakapisil niya. Mabilis na niluwagan niya iyon at minasa-masahe. Alam niyang pulang-pula na siya ngayon dahil hindi niya mapigilan ang kilig.

Vince heartily chuckled as he started showering her shoulder blade and her back with his sweet and feathery kisses.

Next chapter