webnovel

Special Treatment

Chapter 11. Special Treatment

HINDI inakala ni Jasel na magiging madalas ang pagkikita nila ni Vince, lalo na sa tuwing malapit na silang magsara ng shop. She never knew that he liked sweets, too, lalo na ng matatamis na inumin. Whenever he bought milk tea, it was always Taro flavor with nata de coco, 'tapos full sugar.

Sa tuwing nandoon ito ay sinusulyapan niya itong nakapwesto lagi sa isa sa mga high chairs, at napapatitig sa matipunong katawan nito Hindi niya mapigilan na hindi mamangha dahil halatang fit ang katawan nito. Ang hirap siguro ng workout na ginagawa nito lalo pa't alam niyang mahirap mag-maintain ng magandang pangangatwan. Bilib siya sa time management nito. Alam niya ring hindi biro ang trabaho nito sa ospital. Hindi ba't abala lagi ang mga surgeon?

But he's always here, though...

"Madam, nandiyan na naman iyong jowa mo, o," si Mocha. Napakislot siya nang bahagyang lumingon si Vince sa kahera, kung nasaan siya, at bumaling sa pinto. saka ibinalik ang tingin sa cellphone nito.

"Hindi ko jowa iyan," bulong niya. Humagikgik si Mocha at bumulong na lang din.

"Bakit halos gabi-gabing nandito? Siguro nagkikita kayo sa isang secret place ninyo, 'no?"

Ang taba talaga ng utak ng staff niyang ito. Parang gusto na niyang pagsisihan kung bakit naging friendly siya sa mga staffs niya. Shoud she set up some boundaries?

"Pero madam, ang hot, 'no? Saan kaya siya nagtatrabaho?" bulong ulit ni Mocha. Dahil malapit na silang magsara ay wala nang gaanong bumibili, kaya nakikipag-chikahan na itong staff niyang ito.

"Diyan sa tapat na ospital. He's a neurosurgeon," kaswal pero mahihimigan ang pagmamalaking sa isinagot niya.

"Akala ko ba, hindi mo jowa?" naunuksong bulong naman ni Charlaine, ang assistant niya. She hired her a week before the grand opening. Na-realize niyang kailangan niya ng assistant, kung saan ito ang magbubukas ng shop at tatanggap ng mga deliveries nila ng cakes and pastries. Hindi biro ang humanap ng assistant. It was a good thing that she was hundred percent reliable. Si Ice ang nagrekomenda rito. Magpinsan ang dalawa at dating nag-part time sa milk tea shops nina Ice sa Aurora kaya maalam na ito.

"Chaye," saway niya rito. 'Chaye' ang palayaw ni Charlaine.

"Kilala mo pala siya, Madam?" tanong uli ni Mocha.

"Hindi."

"Pero alam na alam ang trabaho at kung saan nagtatrabaho, ha?" panghuhuli ni Chaye.

"Alright. Ang lalaking iyan ang surgeon ng kuya ko nang maaksiden—"

"O, akala ko ba, hindi mo kilala? Bakit mo itinago?" putol ni Chaye sa sinasabi niya; napangisi lalo.

"Bakit kayo nagbubulungan diyan?" sabad ni Caruso na bigla na lang sumulpot sa harap nila. Natatawa na rin siya dahil para silang mga undercover agents dahil kanina pa sila nagbubulungan na animo'y nagpapalitan ng impormasyon, gayong ang totoo ay nagchi-chismisan lang naman sila.

"Carue naman!" reklamo ni Mocha dahil nagulat ito sa biglaang pagsasalita ng huli.

"Kayo, ah, baka ginogoyo niyo na naman si Miss na makipag-blind date," kastigo ni Carue sa dalawa. Nang malaman kasi na single pa siya ay hindi na natigil ang mga ito sa panaka-nakang pagbanggit na ise-set up siya na makipag-date sa mga kakilala ng mga ito.

Bumukas ang pinto at agad na umayos sila ng tayo upang batiin ang bagong dating na customer. Halos mapatili siya nang makitang si Kieffer iyon, ang dating boss niya. She became friends with him, too. May kasama itong babae kaya nanunuksong tiningnan niya ito.

"Girlfriend mo?" she mouthed. Iiling-iling na lumapit ito sa kaniya at bumati. She removed her apron and put it on the rack, at lumabas ng counter. Bumeso siya sa lalaki na hindi naman niya kadalasang ginagawa noon.

Ipinakilala nito ang babae sa kaniya. "She's the new executive assistant, Ms. Jayne Yambao."

"Oh! I'm pleased to meet you." At sinabi niya ang pangalan. Napatango siya nang sinabing galing sa isang dinner meeting ang dalawa at niyaya ni Kieffer ang pumalit sa posisyon ni Ice sa kompanya na dumaan sa milk tea shop. Kaya bago ang Executive Assistant ay nag-resign na kasi si Ice dahil magfo-focus ito sa pagiging maybahay. Her friend was into baking the past few weeks as well. Iyon ang pinagkakaabalahan nito bukod sa paghahanda sa nalalapit na kasal.

"Bakit mo pa niyaya? Nakakahiya, baka pagod na pala siya."

The woman softly chuckled. "Ipinagyabang niya sa akin na may sarili na raw na business ang dating General Manager ng hotel," pagbibigay-alam nito.

Mahinang tinapik niya ang balikat ni Kieffer. "Nakakahiya ka naman!"

"Why? You should be proud of this achievement!"

"Oo na, oo na."

"How's my manager, by the way?"

"Ikaw na ang manager ko ngayon. Money-jer," ganting-biro niya. Alam niya kasing nagpapa-bulk order ito para sa mga empleyado sa travel agency nitong malapit lamang doon. After the grand opening, they also started accepting bulk orders for pickup within the area.

Nagpaalam naman ang executive assistant na may pupuntahan lang saglit, babalik daw ito kung maaabutan pa silang nakabukas, pero sinabi ni Kieffer na umuwi na ito dahil gabi na rin naman. Bago ito umalis ay pinabaunan niya ng strawberry cake at chocolate milk tea.

Pagkuwa'y iginiya niya sa maliit niyang opisina si Kieffer. Kuntodo asikaso siya rito at hindi niya alam kung bakit niya iyon ginagawa. Puwede namang igiya niya ito sa isang round table at asikasuhin ang order nito saka makipagkwentuhan, hindi na kailangang dalhin pa sa opisina niya.

"Do you always bring your visitors inside your office?" nanghuhuling tanong nito. Napakagat-labi siya. Ganoon pa siya kahalata? Sabagay, kaibigan niya ang dating boss kaya wala siyang takas dito.

"Hindi," nahihiyang amin niya.

Ngumisi ito at walang sabing lumabas ng opisina. Mabilis siyang sumunod dito at nang makalabas ay napansin niyang tumingin-tingin ito sa shop. Lumapad ang ngisi ni Kieffer nang mamataan si Vince nakatitig sa banda nila at kunot na kunot ang noo. Bahagyang umaliwalas ang itsura nito nang umupo si Kieffer sa isang pangdalawahang mesa. Siya nama'y umupo sa katapat na upuan at nagkwentuhan sila ng kung ano-anong mga bagay.

"Malapit na ang kasal nina Ice at ng kuya mo," buklat nito sa usapin. Kahit nagpakasal kasi ang mga ito noon ay biglaan lang iyon at isang kakilalang judge ang nagkasal sa mga ito. Kulang din ang mga papeles kaya nasisiguro niyang hindi iyon kikilalanin ng batas. But knowing her brother, she knew he'd be sure to make everything legal. Kaya lang ay sinabihan ito ni Ice na huwag na dahil magpapakasal naman na ang mga ito sa simbahan.

"Oo nga. Hirap na hirap nga akong mag-diet para hindi magmukhang butanding sa gown na isusuot ko."

"May ida-diet ka pa pala?"

"Hay, naku, ang hirap! Lalo pa't nariyan ang mga tukso, mismong business ko pa." Ngumuso siya sa menu.

"You should go to my gym, i-schedule kita sa personal instructor ko."

"Yayamanin naman talaga ni friend! Pero ayoko, masabunot pa 'ko ng mga babae mo."

"Loyal kaya ako sa iyo." Kumindat pa ito. Sanay na siya sa mga ganitong pasaring ni Kieffer. Silang dalawa ni Ice. Siguro kasi'y alam nilang hindi sila nito ihahanay sa mga babae nito. Kilalang palikero pa naman si Kieffer. Suabli't walang epekto sa kanila ang boss nila kahit malakas naman talaga ang dating.

"Weh? Loyal ka? Pa-kiss nga. Kung totoo?" nakangising biro niya.

Sinakyan naman nito ang biro niya at mabilis na tumukod sa mesa at nailapit ang mukha sa kaniyang mukha; halos gadangkal na lamang ang layo sa isa't isa.

"H-hey, Nagbibiro lang naman ako." Paano'y unti-unting lumapit ang mukha nito, na kung hindi siya kaagad na nakaatras nang bahagya ay magkalapat na ang mga labi nila ngayon.

Isang malakas na kalabog ang narinig nila kaya humiwalay na ito sa kaniya upang tingnan kung saan nanggaling ang kalabog. Sabay pa silang napalingon sa banda ni Vincenzo at nakitang nakakuyom ang palad nito. Nawala rin kaagad ang atensiyon niya kay Vince nang muling tumukod si Kieffer at inilapit ang mukha nito sa mukha niya.

"Kaya pala may pa-special treatment ka sa 'kin ngayon..." bulong nito, malapad na nakangisi.

"Heh! tigilan mo ako," singhal ni Jasel at tumayo na. She personally made Kieffer's frappe. Ngayon lang niya napansing hindi pa pala niya ito sine-serve-an ng kahit anong inumin o dessert man lang mula nang duamting ito. Napasarap kasi ang kwentuhan nila.

Hindi na siya nag-abalang tanungin kung ano ang gusto nito. Basta tinimplahan na lang niya iyon, at wintermelon ang flavor na ibinigay niya rito.

Hindi na rin naman na nagtagal si Kieffer matapos niyon. Quarter to nine na nang magpaalam ito. Inabutan niya rin ito ng strawberry cake slice na dadalhin nito pag-uwi, total ay hindi ito nakakain sa shop.

Nasa tapat sila ng pintuan nang akbayan siya nito at bumulong, "Kapag nabugbog ako, sisingilin kita para sa hospital fees ko."

"Huh? Bakit ka naman mabubugbog? Saka bakit ako ang sisingilin mo?"

As if on cue, someone passed by. Napakislot pa siya nang may bumangga sa balikat ni Kieffer para makalayo ito sa kanya. Lumapad ang pagkakangisi ni Kieffer habang nakatingin sa kanya, at sa bumangga. Napamaang siya nang sinundan ng tingin ang papalayong bulto ni Vince at napalingon sa hawak nitong plastic na baso ay halos mayupi na dahil sa mahigpit nitong pagkakakuyom doon. Ang lalaki ang bumunggo kay Kieffer.

"Bye!" her friend waved goodbye before going outside the milk tea shop. Siya nama'y naiwang nakamaang; nagtataka sa kakatwang kilos ni Vince kani-kanina lamang.

"Hala, Madam, nagselos yata si Doc!"

"Hindi na nga nakuha iyong takeout niya ng isang buong caramel cake."

"Excuse me, Miss, ima-mop ko lang ang patak-patak na inumin."

Walang maintindihan si Jasel sa mga sinasabi ng mga staffs niya sa kanya, ni hindi na masundan kung sino-sino ang mga nagsalita. Naiwan siyang nakatulala at iniisip kung posible nga bang nagselos ni Vince kay Kieffer o kung masama lang talaga ang araw ni Vince.

Next chapter