Chapter 8. Ospital
"NOONG operasyon ng kuya mo, hindi ka makausap nang maayos. I'm suspecting you were shocked and traumatized about what happened."
Nangunot ang noo ni Jasel sa sinabi ni Vince.
"Bakit alam mo?"
Sumama ang tingin niya nang maalala sina Sinned at Stone. Maaaring isa sa mga ito ang nagsabi kay Vince. Imposibleng si Jave dahil abala iyon sa military trainings.
Nilinaw ni Vince ang gustong sabihin. "Iwas the surgeon that time."
Napamaang siya. Oo nga pala, kaya siya nandoon sa opisina ay upang kausapin ang doktor ng kuya niya. But she was expecting to talk with the attending Physician, not the surgeon. Teka nga, parang hindi pa tuluyang ma-proseso sa kanya ang sinabi nitong isa ito sa mga umasikaso sa kuya niya, eh.
Kailan ka pa nakauwi?Will you be staying here for good?
"Hindi sana ako papayag sa blood transfusion dahil nakita kong takot na takot ka,"pagbibigay-alam pa nito.
"So you became a neurosurgeon? Congrats," wala sa sariling sambit niya; nawala na sa usapan. Ang akala niya talaga'y ito ang attending physician.
Paulit-ulit ka na lang, Sa isip niya. Para siyang sabog dahil kaharap niya ang lalaking hindi niya mahagilap ng ilang taon.
Sabagay, bakit naman ipaliliwanag ng Physician ang tungkol sa head injury na tinamo ng kuya niya? That's why it only meant one thing—Vince was a successful neurosurgeon now.
Paulit-ulit, Jasel?
Bahagya siyang napangiti. Well, at least hindi nasayang ang paghihiwalay nila nito. She cleared her throat when she realized she might be smiling like an idiot in front of him.
Kaya bumalik siya sa usapan. "I am perfectly fine. Siguro ay noong inooperahan si Kuya, hindi, pero maayos na ako ngayon. Nakauwi na nga ako, hindi ba?"Damn, be still, heart.
"Then, why didn't you see your brother now? I suppose you went straight here. Kagagaling ko lang sa ward ng kuya mo nang makasalubong ko ang uncle mo."
"Bakit ba? G-gusto ko lang malaman ang kalagayan niya," palusot ulit niya.
"Didn't you come here to see me?"
"I did."
Pero sa paraan ng pagtitig nito ay nakuha niya ang nais ipakahulagan ng tanong nito.
"I did come here to see you, but I didn't know you're my brother's—Bakit ba ako nagpapaliwanag sa iyo?" she defensively replied.
Mariing pumikit ito at bumuntong-hininga. Nang magmulat ay tumitig ulit sa mukha niya. "Kumain ka na?"
Tumango siya at dali-daling tumayo para magpaalam. "Pupuntahan ko na si Kuya."
Nang makalabas ay naramdaman niyang nakasunod agad ito sa kanya. Binilisan niya ang paglalakad para hindi niya ito makasabay. Napakislot siya nang hawakan nito ang kaliwang palapulsuhan niya. Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman niya sa kanyang sistema sa pagdainti ng balat nila.
"Hindi riyan ang daan," tipid na sambit nito at iginiya siya sa right wing kung nasaan ang private ward ng kanyang kuya. Oo nga pala, wala na sa ICU. Para siyang lumulutang hanggang sa maihatid siya nito sa loob ng silid.
Napatuwid ng upo si Ice na nasa upuan katabi ng kama habang ang kuya niya'y nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama.
Ngumiti ito nang makita siya.
"Akala ko ay hindi mo na ako pupuntahan."
She only pouted, then nipped her lower lip.
"It's not your fault—" Natigilan ito sa pagsasalita at napansing dumilim bigla ang mga titig sa kanya. Galit ba ito dahil sa ginawa niyang pagpayag sa kalokohang ginawa ng mga kuya ni Ice? Pero hindi ba, sinasabi nitong hindi niya kasalanan iyon? Bakit ito natigilan? Natanto ba nitong kasalanan niya? Ano ba kasi?
Si Ice naman ay tumayo. She gestured she should sit on the single chair. Hindi malaman ng kaibigan niya kung ano ang sasabihin at nagtatakang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanya at... Oo nga pala! Vince was still holding her wrist and it looked like they were holding hands at one glance.
Tumikhim ang uncle niya na prenteng nakaupo sa sofa at hindi maburaang malapad pagkakangisi. Tila napapaso namang binawi niya ang kamay kay Vince at lumapit siya kay Ice para batiin ito; nakipagbeso. Pagkuwa'y yumakap agad siya ng mahigpit sa kanyang kuya.
"Kumusta ka na, Kuya?" tanong niya habang parang tuod na nakatayo sa tabi ni Ice at nakahawak sa sandalan ng upuan nito para kumapit.
Umigting ang panga nitong hindi inaalis ang tingin kay Vince na seryoso ring nakatingin dito.
"Bakit magkasama kayo?" her brother asked grimly. "Nagkabalikan na kayo?"
Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan nang husto lalo't wala naman siyang ginawang masama.
"Jasel," mababa ang boses na tawag ng kuya niya sa ngalan niya
"Hinatid niya lang ako rito, Kuya. Galing ako sa opisina niya para tanungin ang kalagayan mo," paliwanag niya nang maramdaman ang tensiyon sa pagitan ng dalawa.
"Bakit hindi ka rito dumiretso, kung ganoon? Uncle informed me hearrived with you."
Ngumuso siya. She could not just say that she did not know how to face him, couldn't she? Na nagi-guilty siya't sinisisi niya ang sarili sa nangyari rito.
"Do you miss him so much that you didn't bother going straight here? To check on me?"he sarcastically remarked. "Thought you'll never be back together?"
"Ano?!" Nagulantang siya sa paratang nito.
"You flew right after the surgery. Tapos ngayong bumalik ka, sa kanya ka dumiretso?"
Pabirong tinampal ni Ice ang braso nito. "Huwag ka namang possessive. Baka may pinag-usapan lang sila tungkol sa kondisyon mo."Ice awkwardly chuckled after she said that while Jasel stared coldly at her brother.
"Tama si Icr,tinanong ko lang ang tungkol sa kondisyon mo, Kuya," seryosong sagot niya. Gusto niyang maiyak sa inis.
"Did you come back because you found out who my surgeon is?" akusa ulit nito.
Hindi na niya napigilan ang pamumuo ng luha at mabilis na tumalikod. This was too much to handle. Why was he accusing her that thing? Hindi siya ganoon ka-patay na patay kay Vince para balewalain ang nag-iisang kuya niya. Ni hindi nga niya alam na nandoon si Vince, na ang lalaki ang nag-opera rito. If she had known, she wouldn't dare to come back in the Philippines at all.
Nag-iwas siya ng tingin kay Vince na nag-aalalang hinuli ang kanyang paningin. Nang hindi matagalan ay lumabas siya ng silid dahil naiiyak na siya. Narinig niyang tinawag siya ni Ice at pagkuwa'y ang bahagyang pagtaas ng boses nito sa kuya niya. Alam niyang kinakastigo na ng kanyang kaibigan ang kaniyang kuya dahil sa mga nasabi.
She sighed heavily and decided to just go home. Hihintayin na lang niyang ma-discharge ang kuya niya dahil hinding-hindi na siya babalik sa ospital na iyon.